bc

THE HOTTEST TRIPLETS: BOOK 3 (ASHLEY)

book_age18+
1.0K
FOLLOW
5.5K
READ
drama
like
intro-logo
Blurb

Nagmahal ka na ba nang labis? Nasaktan ka na rin ba nang labis? At minsan mo na rin bang inilihim ang pagmamahal mo sa isang kaibigan? Lahat ng katanungang 'yan ay ating tunghayan sa kwentong puno ng aral at pagmamahal sa "The hottest tripets book 3".

Kapag nagmahal ka 'wag mong ibuhos lahat ng 'yon sa isang tao. Minsan kailangan mo rin magtira para sa sarili mo. Minsan 'yan din ang nagiging dahilan kung bakit tayo nasasaktan ng sobra, ang labis na pagmamahal. You have to love yourself first . And how you love yourself is how you teach others to love you.

Siya si Ashley Fuentebella, babaeng minsan ng nagmahal nang lihim sa isang kaibigan. At ang pagmamahal na 'yon ay nauwi sa labis na sakit bunga ng hindi pagsukli sa binigay niyang pag-ibig. Ano kaya ang maaaring gawin ng tadhana upang ang sakit at pait ay mapalitan naman ng ngiti sa labi? Sabay-sabay po nating subaybayan ang kwentong magpapatunay na "first love never dies but true love can bury it alive"

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 CONFESSION
Nagmahal ka na ba? Pero tinago mo kase mali. Nasaktan ka na ba? 'Yung parang unti-unti kang pinapatay dahil may gusto s'yang iba at kapatid mo pa. Pero mas masakit 'yung malaman mong kaibigan lang pala ang turing n'ya sa'yo at kailanman hindi n'ya masusuklian ang pagmamahal mo. Hanggang saan aabot ang pag ibig na ibinibigay mo sa taong lihim mong minamahal kung ito mismo ay walang pagtingin sa'yo? Kaya mo bang gawin ang lahat para lang makuha ang atensyon nito at mabaling ang pagtingin sa'yo? O hahayaan mo na lang na tadhana ang gagawa ng paraan sa kung sino man ang karapatdapat para sa'yo? Sophisticated, gorgeous, sexy, and rich. The kind of woman that any man would love. Mga katangian na inaasam ng kahit sinong babae. Mga katangiang taglay ni, Ashley, pero bakit sa kabila ng mga katangian 'yon ay hindi pa rin s'ya magawang mahalin ng taong lihim n'yang iniibig? Ashley Fuentebella, babaeng nagmahal nang lihim sa lalaking kailanman hindi s'ya sinuklian ng pagmamahal. Gabriel William, lalaking lihim na minamahal ni Ashley pero sa iba tumibok ang puso. Jack Dela Fuente, lalaking nagmahal nang lubos sa babaeng hindi makalimutan ng kaniyang puso. Pagtagpuin kaya ng tadhana ang mga pusong ang tanging gusto lang naman ay magmahal at suklian ng pagmamahal? Tunghayan natin ang kwentong papantig sa ating puso sa The Hottest Triplets Book 3 (ASHLEY) Hindi makapaniwala si Ashley na nagawa niyang umamin ng nararamdam n'ya kay Gab. Ang matagal nilang pagkakaibigan ay nagbunga ng kakaibang nararamdaman para sa binata. Pagkatapos ng mahabang panahon na paglihim n'ya ng totoong nararamdaman ay nagawa rin niyang aminin ito kay Gab. "Hi, Gab," masiglang bati nito sa binata. Nasa parking area sila sa mga oras na 'yun. Sinadya n'yang hintayin ang paglabas ni Gab para aminin ang totoong nararamdaman n'ya rito dahil ilang buwan na n'ya itong tinatago at hindi na n'ya kayang ilihim pa. "Oh hi, Ashley! Nag-iisa ka yata? Na saan ang mga kasama mo?" Gab asked her. "Ahm, nasa cafeteria pa siguro," Aniya na medyo kabado. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ng binata sa kanya. "Wala naman, gusto ko lang magpahangin," aniya at ngumiti rito. Gab laughed, "Ang init dito tapos dito ka magpapahangin, samantalang aircondition naman sa cafeteria," ani ng binata sa kanya. She also laughed, "Bakit ba? Gusto ko rito eh," aniya at inirapan ang binata. "Okay sabi mo eh, mauuna na pala ako sa'yo. Kailangan ako ni Dad sa office, I need to go." Pamamaalam nito. "Ahm Gab,sobrang nagmamadali ka ba? Can we talk for a while?" She asked him. "Hindi naman. Tungkol saan ba?" Gab asked. "Pwede ba sa ibang lugar tayo mag-usap?" Aniya sa binata na sinang-ayunan naman nito. Nagawi sila sa isang restaurant malapit sa kanilang skwelahan. Nag-order na rin si Gab ng makakain nila. Hindi n'ya alam kung paano n'ya sisimulan ang dapat sasabihin sa binata dahil nababalutan s'ya ng kaba sa katawan. "Paano kung isang araw may umamin sa'yo na gusto ka n'ya, ano'ng magiging reaksyon mo?" Pagkuwa'y sabi n'ya sa binata na kabado pa. Naglakas loob lang s'ya magtanong dahil baka abutin sila ng hapon wala pa rin s'yang masabi sa binata. Gab laughed, "Saan mo naman napulot 'yan tanong mo? I mean, girls always do that. Hindi na ako magugulat kung may magsabi sa'kin n'yan ngayon," He said smiling. Kahit may konting kayabangan sa sinabing iyon ng binata ay hindi pa rin na-turn off ang dalaga sa kaniya. Ashley takes a deep breath. Handa na siyang umamin sa binata ano man ang kahihinatnan ng kaniyang gagawin. "Paano kung isa ako sa mga babaeng 'yun na aamin na may gusto sa'yo?" She asked again. Gab laughed again saying, "Nagbibiro ka ba? Kilala kita Ashley, sabi mo nga dati hindi ka pumapatol sa playboy dahil 'yun ang tingin mo sa'kin. Tapos 'yan ang maririnig ko sa'yo?" Iiling-iling nitong sabi. "Hindi ako nagbibiro, Gab. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ito sa'yo. Alam kong wala kang gusto sa'kin dahil dati pa si Nikki na ang gusto mo. Pero Gab, mahal kita matagal na. Hindi ko na kayang ilihim pa ito dahil nahihirapan na ako sa tuwing nasa malapit ka. Pilit akong nagkukunwaring kaibigan lang ang tingin sa'yo kahit na hindi 'yon ang totoo. Kahit na mahirap kinaya ko," aniya na halatang kinakabahan dahil na rin sa garalgal na boses n'ya. "Pinapatawa mo ba ako, Ashley? Naka-move on na ako sa kapatid mo. Masaya na 'ko para kay Nikki dahil alam kong si Zach ang gusto n'ya hindi ako. Pero ang sabihin mong gusto mo ako ay isang kabaliwan," seryosong sabi nito. "Hindi 'yon isang kabaliwan lang, Gab. Dahil totoo ang sinasabi ko sa'yo. Palibhasa kasi sanay ka na hinahabol ng babae kaya para sa'yo isa lang itong kabaliwan," aniya na nangingilid ang luha dahil alam n'yang walang mangyayari sa pag-uusap nilang dalawa. "Hangga't maaga pigilan mo na kung anuman ang nararamdaman mo sa 'kin dahil hindi ko masusuklian ang pagmamahal na sinasabi mo. Alam mong kaibigan lang ang turing ko sa'yo at ayaw kong masira 'yun dahil lang sa may gusto ka sa'kin," seryosong aniya ng binata. She laughed saying, "Alam ko naman eh, alam kong hindi mo kayang ibigay sa 'kin ang pagmamahal na tulad ng pagmamahal mo kay Nikki noon. Alam kong kahit ano'ng gawin ko kaibigan lang ang turing mo sa 'kin. Bakit ganu'n, Gab? Mahirap ba akong mahalin? Hindi mo ba ako kayang mahalin?" Sunod sunod niyang sabi. "Hindi ganu'n kadali ang sinasabi mo, Ashley. Hindi ka mahirap mahalin dahil mabait kang kaibigan. Hindi ko rin maaaring turuan ang puso ko kung sino ang mamahalin nito." Aniya ng binata. Masakit para sa kanya na tanging kaibigan lang ang turing ng binata sa kanya. Pero ano ba ang magagawa n'ya kung ang pangalan nito ang tinitibok ng puso n'ya? Siguro tama nga rin ang binata. Kung pwede lang turuan ang puso kung sino ang mamahalin nito ay ginawa na sana n'ya. "Im sorry! Alam kong marami ka pang makikilalang lalaki na kayang suklian ang pagmamahal mo. Alam mong hindi ako ang lalaking 'yon, Ashley. Darating din ang tamang lalaki para sa'yo, lalaking mas higit pa sa akin." Aniya ng binata sa seryosong boses. "Paano mo nasasabi 'yan sa 'kin? Hindi mo naman nararamdaman ang nararamdam ko. Madali lang para sa'yo ang sabihin 'yan dahil sanay ka na ikaw ang hinahabol. Sanay ka na babae ang nagkakagusto sa'yo," Aniya na may bahid na ng galit ang boses. "Bakit? Kasalanan ko ba na magkagusto sila sa 'kin? Pinilit ko ba na lumapit sila sa 'kin? Hindi naman di' ba? Sa tingin mo itong pag-amin mo sa 'kin, pinilit ba kita? Ikaw ang kusang lumapit at umamin. Wala ka rin pinagkaiba sa mga babaeng lumalapit sa 'kin at nagpapakita ng motibo kahit na ayaw sa kanila," madiin na sabi ng binata sa kanya. Pak! Isang malutong na sampal ang ginawad ng dalaga sa kaniya pagkatapos bitawan ng binata ang mga salitang tumagos na parang kutsilyo sa kaniyang dibdib. Nasaktan s'ya sa mga sinabi nito. Nasaktan sya dahil parang ipinamukha na rin nito na isa s'yang mababang uri ng babae na humahabol sa kanya. Oo, mahal n'ya ang binata, pero 'wag n'yang ipamukha na katulad s'ya ng mga babaeng naghahabol sa kaniya at nagpapakita ng motibo. Hinamas ng binata ang mukhang nasampal n'ya, "Gumaan ba ang pakiramdam mo sa pagsampal sa 'kin? Bakit nasaktan ka ba sa sinabi ko? Hindi ba totoo naman na katulad ka na rin nila?" Walang lumabas na boses sa bibig ng dalaga dahil sobrang sakit ng nararamdaman n'ya sa mga oras na 'yun. Gusto niyang umiyak pero pilit n'yang pinipigilan ang luhang gustong kumawala sa kanyang mata. Ayaw n'yang ipakita kay Gab na nasasaktan s'ya. Gusto n'yang ipakita na matatag s'ya, na kaya n'ya kahit binalewala lang nito ang nararamdaman n'ya. Taas noo siyang tumayo at iniwan ang binata sa loob ng restaurant. Minsan, dapat matuto tayong bumitaw. Dahil mas okay na ang maging malungkot ng panandalian kesa magmukhang tanga ng matagalan sa taong kailanman hindi tayo kayang ipaglaban. Pumara s'ya ng taxi at bumalik sa kanilang eskwelahan. Habang nasa loob ng taxi hindi n'ya maiwasang malungkot, pero kailangan niyang tanggapin na hanggang kaibigan lang ang turing ni Gab sa kanya. "Kung hindi ka n'ya kayang mahalin, ''wag ka nang umasa pa. Ang dami na ngang tanga, dadagdag ka pa." Aniya sa sarili at mapait na ngumiti. Pagbaba n'ya sa taxi sinalubong s'ya ni Nathalie na may pagtataka sa mukha. "Where have you been? I've been looking for you for a while," ani ni Nathalie sa kanya. "Diyan lang sa tabi-tabi. Nagpahangin at nag-isip na rin ng ibang bagay na pwedeng gawin," pagsisinungaling n'ya sa kapatid. Nagtaka naman si Nathalie sa kinikilos at mga sinasabi nito kaya hindi n'ya ito tinigilan sa tanong. "Sabihin mo nga sa 'kin ang totoo, Ashley. Saan ka nagpunta at hindi ka man lang nagpaalam sa 'kin? Samantalang ginagawa mo naman dati ang magpaalam." Kunot noong sabi ni Nathalie. "Diyan nga lang, bakit ba paulit-ulit ka?" Inis nitong sagot sa kapatid. "Hindi ako naniniwala sa'yo dahil pagbaba mo pa lang sa taxi alam kong may pinuntahan ka at kitang kita ko ngayon sa mga mata mo ang katotohan," Ani ni Nathalie. "T'saka hindi ka sasakay sa taxi dahil nandyan ang kotse mo para magamit mo kung saan ka man pupunta." Dagdag pa niyang sabi. Natahimik si Ashley dahil alam niyang buking na s'ya. Wala siyang nagawa kung 'di ang umamin sa kapatid. "Nakipag-usap ako kay Gab," nakayukong sabi n'ya. "Did you tell him the truth?" Nathalie asked her. Tumango s'ya bilang sagot. At kasabay nang pagtango n'ya ang pagbagsak ng mga luhang kanina pa n'ya pinipigilan. "Bakit ganu'n? Minsan naiinggit ako kay Nikki. Dalawang lalaki ang nagmamahal sa kaniya. Si Gab, na minahal s'ya dati, na kahit naka-move on na, nandu'n pa rin ang katotohanang minahal s'ya nito. Si Zach, na kahit nasa America ngayon si Nikki at nagparaya para kay Claire alam pa rin natin na hindi s'ya makalimutan at patuloy na minamahal. Bakit napaka-unfair ng pag-ibig?" Aniya na patuloy sa pagluha. Hindi napigilan ni Nathalie ang yakapin ang kapatid dahil sa awa rito. Alam nito ang totoong nararamdaman ng kapatid para kay Gab. Pero masakit din pala sa kanya na makitang nasasaktan ang kapatid dahil sa pagmamahal n'ya sa taong ang turing lang sa kanya ay isang kaibigan. "Sige iiyak mo lang 'yan para gumaan ang pakiramdam mo," Pag-aalo n'ya kay Ashley habang hinahaplos nito ang likod ng kapatid. Patuloy pa rin s'ya sa pag-iyak dahil sa sakit na dulot ng katotohanang kaibigan lang ang turing sa kanya ng lalaking matagal niyang lihim na minahal. "It hurts, but it's ok. Im used to it." She said while sobbing. "You're going to make it. It will be hard but you're going to make it." Pangumgumbinsi ni Nathalie sa kanya. "Kung hindi ka kayang suklian ng taong mahal mo, siguro wala talaga siyang barya kaya 'wag kang magbigay ng buo." Pagbibiro pa nito na sinabayan ng tawa. Tanging ngiti lang ang nagawa n'ya dahil sa birong 'yon ng kapatid. Siguro tama nga si Nathalie. Siguro may malaking dahilan pa ang tadhana kung kaya hindi si Gab ang nararapat para sa kanya. At siguro tama rin si Gab. May higit pang lalaki ang darating para sa kanya. Lalaking kayang suklian ng buo ang pagmamahal n'ya para rito. Lalaking mamahalin s'ya ng buong-buo at hindi isang kaibigan lang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
71.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook