bc

Sweetest Downfall

book_age16+
1.7K
FOLLOW
5.2K
READ
playboy
goodgirl
drama
bxg
heavy
female lead
realistic earth
coming of age
first love
shy
like
intro-logo
Blurb

Miguel Sebastian Arevalo will never fall in love, that's for sure. He promised himself that his life will never revolve around the so-called “love”. For him, this word is all about lust - physical attraction. But everything has changed when he met his sweetest downfall. His views on love, life, marriage, and family will change forever.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Ano ka ba, Iyah! Invited naman tayo sa birthday party ni Miggy. Ayaw mo ba 'yun? Magi-greet mo siya ng personal," bulong ng bestfriend kong si Mia sa 'kin habang nilalaro niya ang kanyang ballpen. Diretso pa rin ang tingin ko sa board, nakikinig sa aming discussion. "Hindi ako papayagan ni Mama. Lalo na kapag nalaman niyang may inuman," pabulong na sagot ko. Kinalabit ako ni Mia pero hindi ko siya nilingon. Baka kasi makita kami ng Professor namin na nag uusap. "Eh di huwag kang uminom. Wala naman problema do'n. Wag kang KJ." "Mia, kilala mo naman si Mama, 'di ba? Dapat bago mag alas sais ay nasa bahay na ako. Eh, alas otso palang mag uumpisa ang party ni Miggy." Kita ko ang pag irap ni Mia sa akin. "Nineteen na tayo! God, Iyah. Hindi na tayo mga bata!" tumaas ang kanyang boses, kaya naman hinarap ko siya at sinenyasan na huwag nang magsalita pa. Baka kasi mahuli kaming nag uusap. Sa totoo lang, gusto kong pumunta sa party ni Miggy, ngunit iniisip ko si Mama. Si Miguel Sebastian Arevalo ang lalaking matagal ko ng gusto. Hindi ko na matandaan kung kailan ito nag umpisa. Basta ang alam ko lang, noong unang beses ko syang nakita noong Grade 7 pa lang kami ay nagustuhan ko na siya. I thought it was just a phase. Iniisip ko na kaya ako nagka gusto sa kanya ay dahil sa kanyang kagwapuhan. 'Yan kasi ang nagiging basehan kapag hindi mo pa kilala ang taong gusto mo, ang mukha. Pero sa paglipas ng panahon, ang nararamdaman ko para sa kanya ay naging mas malalim. Makita ko lang siya, masaya na ako... buo na ang araw ko. Ngunit sa kabila ng lahat, alam ko na hindi niya ako magugustuhan dahil isang ordinaryong babae lamang ako. Kilala si Miggy bilang playboy. Papalit-palit siya ng babae. Walang nagtatagal sa kanya ng higit sa isang buwan. Lahat ng naging girlfriend niya ay magaganda, sikat, at mayaman. Hindi kagaya ko na sakto lang ang lahat sa buhay. Kaya naman hindi ko lubos maisip kung bakit inimbitahan kami ngayon sa birthday party niya. Sa mga nakaraang taon naman kasi, hindi kami invited ni Mia. Masaya ako dahil mukhang napansin na niya ang presensya ko. Pagkakataon ko na ito para mabati siya at personal na maibigay sa kanya ang regalo ko. Taon-taon kasi ay hindi ako pumapalya sa pagbibigay sa kanya ng regalo tuwing birthday niya. Kaso lamang, pinipigilan ako ng sarili ko na pumunta sa party ni Miggy dahil na rin kay Mama. Dalawa na lang kami. Masakit mang isipin, pero anak ako ni Mama sa pagka dalaga. Kaya naman naiintindihan ko ang dahilan niya kung bakit mahigpit siya sa akin. Ayaw niyang matulad ako sa kanya. Pag uwi ko sa bahay, ang birthday pa rin ni Miggy ang nasa isip ko. Miggy... "Ma," lumunok ako, tumabi kay Mama habang abala siya sa panonood ng kanyang paboritong teleserye. "Hmm?" Baling niya sa akin. Muli akong lumunok para bawasan ang kaba sa aking dibdib. "Mamayang gabi po... birthday kasi ng kaklase ko. Inimbitahan nya kami. P-pwede po bang..." yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri. "Pwede po bang pumunta?" Mahabang katahimikan muna ang binigay ni Mama sa akin bago niya sagutin ang aking tanong. "Aaliyah, malaki ang tiwala ko sayo, anak. Alam ko, nahihirapan ka na sa pagiging mahigpit ko. Kaya ngayon, hindi mo na kailangan pa ng permiso ko sa kahit ano mang gawin mo o saan ka man pumunta." Nagulat ako sa sinabi ni Mama. Hinarap ko siya, nakangiti siya sa akin at hinila ako para yakapin. Napangiti ako. "Salamat po, Ma. Hindi ko po sisirain ang tiwala na ibinigay niyo.." buong puso kong sabi. Sa sobrang saya ko ay 'yun na lamang ang nailabas ng aking bibig. Hindi na ako nagsayang pa ng pagkakataon. Tinawagan ko agad si Mia pagkatapos naming mag-usap ni Mama. Sobrang saya niya nang sabihin ko sa kanyang pinayagan ako ni Mama. Kinagabihan ay sinundo ako ni Mia sa bahay namin. Sinigurado niya kay Mama na babantayan niya ako. Kaya naman mas lalong nakampante si Mama na hindi ako gagawa ng bagay na hindi niya magugustuhan. Malaki ang tiwala niya sa akin, pati na rin kay Mia. "Grabe, hindi pa rin ako maka get over sa pagpayag ni Tita," ani Mia habang nagmamaneho. Ngumiti ako at nilingon ang box na nasa kandungan ko. Dala ko ang regalo ko kay Miggy. Sa wakas, maibibgay ko na sa kanya ito ng personal. Sa isang kilalang hotel ginawa ang kanyang party. Maraming tao ang dumalo. Kaya naman hirap na hirap akong hagilapin siya. Hinila ako ni Mia sa mesa kung nasaan ang mga kaklase namin. "Oh, Hi! Mabuti at nakadating kayo," masayang bati sa amin ni Gee-Ann. "Mabuti na lang at pinayagan na si Iyah na sumama ngayon. Sa wakas, hindi na siya bata," tawa naman ni Mia. Nag umpisa na ang party, ngunit ang atensyon ko ay nakatuon lamang kay Miggy. Ang pamilyar na pakiramdam ay namuo na naman sa dibdib ko nang makita ko siya. Iba't ibang bisita ang lumalapit sa kanya para batiin siya. Karamihan sa mga ito ay mga babae. Yumuko ako, nilingon ang regalo ko para sa kanya. Bago matapos ang gabing ito, sisiguraduhin kong maibibigay ko sa kanya ito. Nang makita kong nag iisa siya ay nilakasan ko na ang loob kong lapitan siya. Uminom muna ako ng tubig bago tumayo. Kailangan ko ito para madagdagan ang lakas ng loob ko. "Oh, saan ka pupunta?" puna sa akin ni Mia nang mapansin ang pagtayo ko. "Ibibigay ko lang ito kay Miggy," sabi ko sabay taas ng hawak kong maliit na box. Ngumiti naman siya sa akin at tumango. Nilapitan ko na si Miggy. Umupo ako sa kanyang tabi. Nakangiti siya habang papalapit ako, hindi ko alam kung ano nga ba ang marramdaman ko ngayon. Pero nangingibabaw pa rin ang kaba. "Happy birthday, Miggy," mahinang sabi ko. Yumuko ako at inabot sa kanya ang aking regalo. Kaya mo yan, Aaliyah. "Thanks..." aniya. Kinuha ito. Inangat niya ang mukha ko, kaya nman nagtagpo ang mga mata namin. "Kanina pa kita hinihintay na lapitan ako," nakangiting sabi niya. "Ang akala ko ay hindi mo ako babatiin." Kinagat ko ang labi ko para makapag isip ng tamang isasagot. "Marami kasing lumalapit sayo kanina... kaya... a-ano..." nailang ako sa kanyang pagtitig, kaya naman iniwas ko ang mga mata ko. "Kaya ngayon lang ako lumapit." Binitawan niya ang aking pisngi. Nilapag niya ang regalo ko sa mesa pagkatapos ay nag-ayos siya ng upo. "I see..." tumatangong sagot niya. "Uhm, you know what, matagal na kitang pinagmamasdan. You're very mysterious. Mabuti na lang talaga at pumunta ka dito ngayon. I thought you'll reject my invitation," medyo natawa pa siya sa huling salitang binitawan niya. Hindi ako sumagot sa kanyang sinabi. Nahihiya ako sa kanya. Nahihiya ako dahil matagal na pala niya akong pinagmamasdan. Sana ay nilapitan na niya ako, noon pa. Pero, bakit nga ba naman kasi ako aasa? Hindi naman ako kapansin-pansin. "Alam mo, bored na ako sa party ko. Let's go somewhere?" aniya bigla. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko, nagtataka. "Let's go," hinila niya ako palabas. Hindi ko na nagawang magpaalam pa kay Mia. Maging ang regalo ko sa kanya ay iniwan lamang niya sa mesa. "Miggy, saan tayo pupunta?" tanong ko ulit nang inaalalayan na niya ako papasok sa kanyang sasakyan. Kinindatan lamang niya ako, bago mabilis na umikot para magtungo sa driver's seat. Mabilis niyang pinaandar ang kanyang sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. At sa totoo lang, kinakabahan ako. Pero matagal ko na itong pangarap. Ang makasama si Miggy na kaming dalawa lang. Bahala na kung ano man ang mangyari. Bahala na... Itinigil niya ang kanyang sasakyan sa kawalan. Hindi ko alam kung saan ito. Tanging tanaw ko lang ay maliliit na ilaw galing sa mga malalaking building ng siyudad. "Bakit tayo nandito?" nagtatakang tanong ko. Nilingon ko siya, ngunit laking gulat ko na lang nang malapit na ang mukha niya sa akin. "Miggy..." hinawakan niya ako sa pisngi. Ang init ng kanyang palad. "Anong--" "You like me, right? I like you, too..." bulong niya, na siyang ikinagulat ko. Tama ba ang narinig ko na gusto niya ako? Tama ba? Bago pa man rumehstro sa sistema ko ang lahat ng sinabi niya, hinalikan na niya ang aking labi. Isang halik na nakakaubos ng hininga. Hindi ko alam kung paano sabayan ang bawat galaw ng kanyang labi. "Mig---hmmph..." ang kamay niya na nasa pisngi ko ay bumaba at hinawakan ang aking dibdib. Mali ito. Mali ito. Mali ito. Magagalit si Mama. Masisira ang tiwala ni Mama sa akin. Mali ito, Aaliyah! Pero ang utak ko ay natatalo sa sinasabi ng aking puso. Gusto ko ang mapusok na halik ni Miggy. Gusto ko ang malambot na labi niya at ang kakaibang sensasyong hatid ng kanyang bawat paghawak. "Fck...." bulong niya nang hawakan ang pinakasensitibong parte ng aking pagkatao. Napaliyad ako, hindi ininda ang aming posisyon. Bakit nga ba ang dali lang nitong gawin ni Miggy? Kahit hindi man siya magsalita, kahit hindi niya sabihin sa akin na gusto niya ako pabalik, gusto ko pa rin gawin niya ito sa akin. Ang sumunod na nangyari ay hindi ko na matandaan. Ang tanging naalala ko na lang ay ang pagsabog ng milyung-milyong kasiyahan sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.5K
bc

His Obsession

read
71.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook