bc

SELFISH LOVE

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
drama
like
intro-logo
Blurb

Spoiled brat, maldita and the worst attitude is selfish.

Iyon ang mga lihim niyang naririnig noon sa mga kaklase niyang wala namang lakas ng loob na ipamukha sa kanya ang mga paratang nila laban sa kanya.

Siya lang naman si Portia Lopez. The one and only unica hija ng pinakamayaman na mag-asawang negosyante sa lungsod ng Negros.

Sino ba sila para husgahan siya? She doesn't care after all. Hindi niya kasalanan ang lumaking may gintong kutsara sa bibig.

Ngunit ng dumating ang nag-iisang lalaking pumukaw ng atensyon niya ay nagbago ang lahat ng pananaw niya sa buhay.

Handa kaya niyang isakripisyo ang lahat ng tinatamasang yaman upang makuha ang loob nito?

Kakayanin ba niyang maranasan ang hirap ng buhay ng dahil lang sa kanyang makasariling pag-ibig dito?

chap-preview
Free preview
FRUIT OF LOVE
Hindi matatawaran ang kasiyahan ng mag-asawang Bernard at Rita ng malaman nilang positibong may laman na ang sinapupunan ng babae. Mahigit dalawang taon din ang kanilang hinintay mula ng sila'y makasal bago kinumpirma ng kanilang family doctor na totoong nagdadalantao na ito. Nang malaman ng kanilang mga magulang, mga kamag-anak at pati na mga kaibigan ang magandang balita ay nagdaus kaagad sila ng isang magarbong pagdiriwang para sa mag-asawa dahil madadagdagan na naman ang lahi ng mga Lopez sa kanilang angkan. Kilala ang pamilyang Lopez sa Lungsod ng Negros bilang isang pinakamayamang may-ari ng mga planta ng tubo at ang may pinakamalaking lupa sa buong probinsiya. Ang kanilang hasyenda ay napakalawak at maraming mga manggagawa ang sa kanila ay umaasa. Si Bernard Lopez ang panganay sa dalawang anak nina Don Sergio Lopez at Donya Matilde. Ang kanyang bunsong kapatid na si Rafael ay matagal ng nananatili sa US bilang isang tanyag na doktor dahil simula't sapul ay pinangarap na nitong makalayo sa kanilang lugar. Hindi lang nila inakala na sa ibayong bansa ang mararating nito sa kagustuhang makalayo sa sinasabi nitong walang ka challenge-challenge nilang lugar. Sa pag-alis nito ay napasa sa kanya ang lahat ng responsibilidad ng kumpanya lalo pa at tumatanda na ang kanyang ama. Ang napangasawa niyang si Rita Villamor ay nag-iisang anak naman ng mag-asawang Don Sébastian at Donya Freda, na isa ring hasyendera. Kung ihahambing sa yaman nila ay napakalaki ng kanilang lamang kesa sa pamilya ng asawa ngunit hindi naman kayamanan ang naging basehan ng kanilang pag-iibigan dahil tunay na mahal na mahal nila ang isa't isa at buong-pusong namang tinanggap ng bawat pamilya ang kanilang relasyon hanggang sa sila ay maikasal at bumuo ng pamilya. Hindi nga nagtagal ay dininig ng Diyos ang kanilang taimtim na panalangin at iyon ay ang biyayaan sila ng kahit man lang isang supling. Ang pagkakaroon kasi ng panibagong miyembro ng pamilya ay isang napakalaking biyaya para sa mga ito dahil narin sa paniniwala nila na ito ay kusang pinagkaloob ng Diyos upang may bagong mag-aalaga sa lahat ng pinagpaguran nilang yaman sa mundo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
152.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
74.5K
bc

His Obsession

read
63.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook