bc

Runaway Heirs Series 1:Lhuin Montereal

book_age18+
23
FOLLOW
1K
READ
contract marriage
boss
sweet
bxg
lighthearted
serious
male lead
small town
like
intro-logo
Blurb

Mula sa isang mayamang pamilya si Lhuin Montereal but the problem is marami siyang gustong gawin na hindi niya magagawa sa poder ng kanyang mga magulang. Unlike any other heirs or heiress na nagtago para makatakas, hindi niya kailangang magtago, ang kailangan niya ay panindigan ang kanyang mga desisyon sa buhay kaya para iwas na rin sa mga pangingialam, nagpunta siya sa Sapphire Island, ang Isla na mala-boracay sa ganda ngunit mas tahimik dahil hindi ito isang tourist spot at doon niya nakilala si Xyrene, isang taga isla na magiging malaking parte ng buhay niya.

chap-preview
Free preview
Chapter One:The Runaway Heir, Lhuin Montereal
"Congratulations, son," bati ni Luiz Montereal sa anak na panganay. "Kuya, congratulations!" Niyakap na agad ni Britain si Lhuin bago pa ito makaupo. "Ngayong graduate ka na, I am expecting that you will help me run the company," wika naman ni Mr.Montereal sa anak. "Dad, how can I? Food tech graduate ako," wika ni Lhuin. "What's wrong with that? Someone could train you to run the insurance company," wika ni Mr.Montereal. "Isa pa, sino ba nagsabi sayo na kuhanin 'yang kurso na 'yan? Sinamantala mo dahil busy ako at tiwalang susunod ka sa gusto ko kung kailan huling taon mo na saka ko lang malalaman na hindi pala business administration ang kinuha mo, na lumipat ka pala agad ng kurso nung second sem," dugtong pa ni Mr.Montereal. Magpapaliwanag pa sana si Lhuin ngunit nagsalita na ulit ang ama. "This dinner could have been a grand graduation party for you if you just took the course that I want for you,"wika pa ni Mr.Montereal."And 'yung allowance mo? Ang laki ng allowance mo siguro marami ka ng naipon dahil nakatipid ka sa kurso mo no?" Inis pang sabi Ng ama. "Hon, please,not in front of the table," hinaplos ni Ineiah Montereal ang palad ng asawa. "It's your fault too, you know about this pero kinunsinte mo ang panganay mo," wika ni Mr. Montereal at tumayo saka nag walk-out. "I'm sorry,mom," pinisil ni Lhuin Ang kamay ng Ina. "It's okay,anak, basta patunayan mo na Hindi ako dapat magsisi na kinunsinte kita," ngumiti si Mrs.Montereal. "Kuya, good luck sa journey mo, basta ako magiging stay at home daughter na lang ako," biro ni Britain at nagkatawanan silang tatlo. Kinabukasan, nagtungo si Lhuin sa bahay ng kaibigan niyang si Alrenn El Castillo, si Alrenn ay isang anak ng may-ari ng kumpanya na nagbebenta ng mga kotse. Alrenn already have his own business buying cars to recondition and sell it for a lower price dahil second hand cars mga ito at nakapagtapos siya ng kursong automotive. "Are you sure about this,pare?" Tanong ni Alrenn. "Oo naman, 'yung ipangbabayad mo sa pagbenta ko ng kotse ko sa'yo gagamitin ko sa negosyo eh," wika ni Lhuin. "May ipon ka naman 'di ba?" Tanong ni Alrenn. "Oo pero kailangan ko 'yon para siguraduhin na mabubuhay ako 'di man mag boom agad 'yung business," wika ni Lhuin. "Ikaw talaga, hwag ka mag-alala dito lang 'yang kotse mo, pag nagkapera ka, bilhin mo ulit," wika naman ni Alrenn. "Salamat, pasyal ka sa coffee shop ko ha," wika naman ni Lhuin bago tuluyang magpaalam pagkatapos nila magkabayaran. Maagang gumising si Xyrene, nag igib ng tubig sa poso at naligo, ito ang unang araw niya sa coffee shop na in-apply-yan niya para sa summer job, ang "Morning Breeze Coffee Shop" na halos kabubukas lang, magiging isa siyang waitress doon at ang kaibigan niyang si Creed ay barista doon. "Good morning, Xy," bati ni Creed. "Good morning din," tugon naman ni Xyrene at agad na inayos ang mga upuan. "Sabi ni ma'am Drei, darating daw 'yung may-ari mamaya," wika ni Creed. Si Andrea o mas kilala sa tawag na ma'am Drei ay kaibigan ng may-ari ng coffee shop, siya ang nag interview sa kanila at siya din ang cashier s***h manager ng bagong bukas na coffee shop na iyon. "Talaga ba? Makikita na rin natin Ang may-ari," wika naman ni Xyrene. Maya-maya ay tumigil ang isang motor sa tapat ng coffee shop. "Be ready, may customer," pag alerto ni Creed sa kaibigan. "Good morning, sir, this is the menu," agad inabot ni Xyrene ang menu kakapasok pa lang ng lalaki. Napangiti ang lalaki. "Hindi mo muna ko pauupuin?" Tanong ng lalaki. "Sorry sir, sorry po, upo po kayo," tila nataranta si Xyrene. "O andito ka na pala," dumating si Drei. "Hi,"bati ng lalaki. "Guys, this is Lhuin Montereal, my friend and the owner of this coffee shop,right now, siya na din muna ang chef s***h cook dito kasi Wala pa tayong naha-hire," wika ni Drei. "Sir, sorry, di ko rin po alam pasensya na po talaga," halos manliit sa hiya si Xyrene. "It's okay," sagot naman ni Lhuin na natatawa. "Might as well mag hire tayo ng cook talaga kung marami ng customers dito, I'm hoping that the business will go well," wika naman ni Lhuin. "Ano pala nangyari sa kotse mo?" Tanong ni Drei. "Binenta ko tapos bumili na lang ako ng motor," wika naman ni Lhuin. "Ewan ko ba sa'yo kung ako magpapaampon na lang ako sa tatay mo," wika naman ni Drei. "O, magbibihis na ko ng chef's uniform," wika naman ni Lhuin. "Eto na," inabot ni Drei ang uniporme niya. Pagkatapos mag suot ng uniporme ni Lhuin ay dumiretso siya agad sa kitchen para i-check ang mga gamit.Si Drei naman ay dumiretso na sa cash registry. Maya-maya ay dumating si Alrenn. "Good morning, sir," bati ni Xyrene nang pagbuksan ng pinto si Alrenn. "Hi, Drei," Hindi nakaligtas sa paningin ng binata si Drei. "O bawal tambay dito," biro ni Drei. "Ito naman, magkakape ako," sagot ni Alrenn. "Layo ng binyahe mo ah tumawid ka pa ng isla para lang mag kape," tugon ni Drei. "Sir, this is the menu," inabot ni Xyrene ang menu sa binata. "One hot cappuccino please with regular pancake," wika ni Alrenn. "O, sabihin mo na sa chef natin, pancakes," wika ni Drei. Agad nagtungo sa kusina si Xyrene. "Sir, regular pancakes po," nahihiya pa si Xyrene dahil boss niya ang inaatasang magluto. "Okay," tugon ni Lhuin.Aalis na sana si Xyrene pero pinigilan siya ni Lhuin. "Wait, I need you here, Hindi ko kabisado 'yung lagayan ng mga gamit, dumito ka na muna sakto pag tapos ko na maluto pwede mo ng ihatid," wika naman ni Lhuin. "Okay po," magalang na tugon ni Xyrene. "Ano nga'ng pangalan mo?" Tanong ni Lhuin. "Po?" Medyo naiilang pa ang dalaga sa boss. "So I can address you properly," wika naman ni Lhuin. "X-Xyrene po," sagot ni Xyrene. "What a unique name," puna naman ni Lhuin. "Taga saan ka?" Dugtong pa niya. "Sa 1992 po," sagot ni Xyrene. "1992? Lugar 'yun?"Tanong ni Lhuin habang binabaliktad ang pancake. "Yun po ang pangalan kasi 1992 daw po unang may tumira do'n sa lugar namin," paliwanag ni Xyrene. "Interesting pala talaga 'tong isla 'no? Parang ikaw," wika ni Lhuin.Namula ang pisngi ni Xyrene sa narinig at hindi makatingin ng diretso na siya namang nakapagparamdam ng pagkatuwa kay Lhuin dahil tila di mapakali ang dalaga sa presensya niya. "Hwag ka aalis dito sa trabahong to ah, mahihirapan ako kung walang magtuturo sakin kung saan nakalagay ang mga gamit dito sa kitchen," wika pa ni Lhuin. "Sir, summer job ko lang po ito, nag-aaral Kasi ako graduating na ko next year," wika ni Xyrene. "Sobra ka naman, ngayon lang tayo nagkasama parang nagpapaalam ka na," wika naman ni Lhuin at inilagay ang pancake sa platito. "Sir, ihatid ko lang to sa customer," paalam naman ni Xyrene. "Sabay na ko, medyo mainit dito sa kusina, Wala pa naman ibang lulutuin," wika ni Lhuin at tumango lang ang dalaga. "O pare, napadalaw ka," bati ni Lhuin kay Alrenn. "Syempre, support-support din sa negosyo ng kaibigan ko," wika ni Alrenn. "Kunwari ka pa, pinuntahan mo lang so Drei eh," biro ni Lhuin at naupo sa katapat na upuan ng kaibigan.Umiiling-iling lang ang natatawang si Alrenn. "Pare, ilang araw ka na bang walang paramdam sa inyo?" Biglang naging seryoso ang tono ni Alrenn. "Mag iisang linggo pa lang," sagot naman ni Lhuin. "Hinahanap ka na ng dad mo at 'yung mom mo nagmamakaawa na sa'kin na sabihin kung nasaan ka," wika ni Alrenn na pabulong. "Pwede mo naman sabihin ang ayoko lang pag pumunta si dad dito at gumawa pa ng eksena," wika naman ni Lhuin. "Pare, tawagan mo na ang mama mo, mabuti ng sa'yo manggaling," wika ni Alrenn. "Salamat sa concern, pare," tinapik ni Lhuin ang balikat ng kaibigan. Pagkatapos magbayad ay nagpaalam na si Alrenn at nag iwan pa ito ng five hundred pesos na tip. "Galante naman ng kaibigan niyo,sir," wika ni Creed. "Nagpapa-cute lang Kay Drei 'yon," pang-aasar ni Lhuin kay Drei. "Hoy, tigialan mo kong lalake ka magre-resign na talaga ko," pabirong pagbabanta ni Drei. "Ikaw talaga, hwag ka na mainis, ililibre kita ng kape habang wala pang customers," wika ni Lhuin. "Kaya favorite kita eh," pambobola ni Drei. "Kayong dalawa, ililibre ko kayo ng kape, anong gusto niyo? Babayaran ko naman alam ko mahigpit ung kahera natin eh," Alok ni Lhuin sa dalawa. "Cappuccino na cold po sa'kin," mabilis na tugon ni Creed. "How about you?" Tanong ni Lhuin kay Xyrene. "Hwag na po, nakakahiya," tugon ni Xyrene. "I insist, Hindi naman palagi ngayon lang ako manlilibre," wika pa ni Lhuin. "Xy, Ang arte mo pumayag ka na," Ani Creed. "Sige po, cafe Americano po," wika ni Xyrene. "Yan, ganyan," wika naman ni Creed. "Creed, sa'kin alam mo na ha," wika ni Drei. "Kayo po, sir?" Tanong ni Creed Kay Lhuin. "Actually, I don't drink coffee, hot chocolate lang siguro," tugon ni Lhuin. "Sige po, sir, hot chocolate coming up," tugon ni Creed. Maya-maya ay dumating ang isang babae, simple lang ang suot nito. "Good morning," bati ng babae. Biglang tayo si Xyrene nang makita ang babae. "Flame," bati ni Xyrene, si Flame ay pinsan niya, mas nakababata at mayaman ang pamilya nito. "Dito pala ang work mo, ate, pa-order ako ha," ngumiti si Flame. "Oo naman, eto ang menu," inabot ni Xyrene ang menu sa pinsan. "Isang hot chocolate and pancake, ate," wika ni Flame. "Sige, paantay lang ha," wika ni Xyrene. "Ano? Tara na sa kitchen?" Tumayo na si Lhuin. Napatingin si Flame sa nagmamay-ari ng tinig at di niya maiwasang mamula, ang magandang kulay kapeng mga mata ni Lhuin ay naagaw ang pansin niya, ang matangos nitong ilong ay work of art para sa kanya at medyo supladong dating nito na parang hindi man lang nag abalang tingnan siya ay nakaka turn on kay Flame. "Sige po,sir," tugon naman ni Xyrene sa binata. "Sa kusina ko na lang uubusin 'yung hot chocolate ," wika pa ni Lhuin at binitbit ang tasa. ISA NA namang nakakailang na pakiramdam na makasama sa iisang lugar ni Xyrene si Lhuin. "Kilala mo 'yung customer?" Tanong ni Lhuin na nagbukas ng kalan. "Pinsan ko po, ang ganda di ba?" Pagmamalaki ni Xyrene. "Okay lang, para sa'kin ikaw 'yung maganda," sagot ni Lhuin at kinindatan pa si Xyrene. Pakiramdam ni Xyrene ay uminit ang mukha niya pati ang tenga niya. Pulang-pula pisngi niya. "O bakit? Parang namumula ka," tila tuwang-tuwa pa si Lhuin nang makita ang hindi matagong hiya ng dalaga. "Wala po,sir, medyo mainit kasi dito sa kusina," wika naman ni Xyrene. "Ang cute mo pala mainitan, namumula," biro pa ni Lhuin. "Sir, taga saan kayo?" Pag iiba ni Xyrene sa usapan. "Hindi ako taga rito sa Isla pero umuupa ko ng apartment sa malapit dito sa ngayon, pag ayos naman 'yung takbo ng negosyo siguro bibili ako ng bahay kahit maliit lang," tugon ni Lhuin. "Ang sarap sigurong tumira sa apartment," wika ni Xyrene. "Bakit? Ano ba'ng bahay 'yung tinitirhan mo?" Tanong ni Lhuin na nilagay na sa frying pan ang pancake mixture. "Kubo po tapos kailangan mag igib sa poso para makaligo pero ayos lang kasi libre naman," wika ni Xyrene. "Ano namang masama sa Kubo? Saka sino bang kasama mo?" Tanong ni Lhuin. "Si Lola po, malapit kami kanila Flame, sila ang may pinaka malaking bahay sa 1992," sagot ni Xyrene. "Minsan isama mo nga ko sa inyo para makita ko," wika ni Lhuin. "H'wag na po, nakakahiya," sagot ni Xyrene. "Si Creed ba nakapunta na sa inyo?" Tanong ni Lhuin. "Syempre naman po," sagot ni Xyrene. "Minsan ipasyal mo ko dito sa Isla pag Wala kang duty," wika ni Lhuin. "Sige po, walang problema," sagot ni Xyrene. Nang matapos maluto ang pancake ay sabay na lumabas ng kitchen ang dalawa at nagtatawanan pa. "Ate, sino 'yung kasama mo pumunta ng kusina?" Tanong ni Flame nang ilagay ni Xyrene sa lamesa ang order niya. "Ah, si sir Lhuin, siya ang may-ari ng coffee shop na 'to," tugon naman ni Xyrene. "Ate, may hiring pa ba kayo?" Tanong ni Flame. "Bakit mo naman natanong?" Tanong ni Xyrene. "Baka pwede ako mag summer job dito," wika ni Flame. "Ikaw?" Natawa bigla si Xyrene. "O bakit?" Tanong ni Flame na nagtataka. "Sorry, hindi ko maiwasang matawa kasi hindi ka naman marunong magluto eh kahit juice pinagtitimpla ka pa ng mga kasama niyo sa bahay," natatawa pa rin si Xyrene. "Kahit dishwasher lang," wika ni Flame. "Gusto niya ba mag apply?" Tanong naman ni Lhuin na narinig ang usapan nila. "Oo, kahit dishwasher, pagbubutihin ko," sagot ni Flame habang nakatitig sa mukha ni Lhuin. "Sige, bukas simula ka na mag training, training muna mukhang di ka daw ata marunong sa mga ganung klaseng gawain," wika naman ni Lhuin. Hindi maiwasang kiligin ni Flame na kinausap siya ni Lhuin. Pagkatapos kumain ay nagbayad na si Flame at nagpaalam sa pinsan na uuwi na. Palibhasa ay bago pa lang ang coffeeshop ay paisa-isa pa lang ang pasok ng mga tao medyo relax pa at may oras pa para magkwentuhan lalo na si Lhuin na talagang kinikilala si Xyrene.Lumipas ang oras 5:00pm na kaya nagliligpit na sila at naghahanda ng magsara. "Tapos na ko mag inventory, mauuna na ko ha," paalam ni Drei. "Ingat," tugon ng tatlo. Si Xyrene naman ay naghuhugas ng mga plato nang pumasok si Lhuin. "Sir, Hindi pa pala kayo umuuwi, gusto niyo bang mauna ng umuwi, kami na ni Creed ang bahala dito," wika ni Xyrene. "Antayin ko na kayo, " tugon ni Lhuin na pinapanood si Xyrene sa ginagawa. "Sir, pwede naman kayo maupo muna dun sa labas baka mangalay kayo katatayo at mainitan pa kayo," wika ni Xyrene. "Ayaw mo na ko kasama, naumay ka na ba agad Kasi kanina madalas tayong magkasama pag nagluluto ako?" Tanong ni Lhuin. "Hindi naman po sa ganoon, baka lang kasi mainip kayo," wika ni Xyrene. "Ayaw mo no'n patas na tayo, kanina ikaw ang nanonood nung nagluluto ako ngayon naman ako na 'yung nanonood sa'yo," biro ni Lhuin. Napangiti si Xyrene. Para sa kanya ay napaka gwapo ni Lhuin ngunit paulit-ulit niyang sinasaway ang sarili dahil boss niya ito at naroon siya para magtrabaho walang panahon para magka-crush man lang kaya napailing siya. "Sige na nga, sa labas na ko mag-aantay nakukulitan ka na ata, nailing ka na," tatawa-tawa si Lhuin na lumabas ng kusina. Naupo si Lhuin at napabuntong-hininga, nagagandahan siya kay Xyrene, interesado siya rito at ngayon lang nakaramdam ng ganoon, na-enjoy niya ang kursong kinuha niya at ni Hindi man lang siya nakaranas manligaw nung college dahil abala siya sa pag-aaral at pag-iisip palagi kung paano masisiguradong hindi malalaman ng ama niya na nag shift siya ng course dahil nag-aalala siya na pag nalaman nito ay maari siya nitong patigilin, wala siyang sapat na pera para pag-aralin ang sarili kaya ganoon na lamang ang pag-iingat niya. Nang matapos sa paghuhugas ng mga pinggan ay inayos ni Xyrene ang sarili, nagpalit siya ng damit at lumabas ng kusina. "Mas bagay pala sa'yo pag hindi naka-uniform," puna ni Lhuin. Namula na naman si Xyrene. "Si Creed po?" Tanong ni Xyrene. "Pinauna ko na, halika, ihatid na kita sa inyo," Aya ni Lhuin. "Hwag na po," nahihiyang tugon ni Xyrene. "Sige na, promise wala akong masamang balak sa'yo," wika ni Lhuin. "Si sir, talaga Wala naman akong sinabing gano'n," wika ni Xyrene. "Sige na, gusto ko makita 'yung bahay niyo saka gabi na rin o," pamimilit ni Lhuin. "Sige,sir pero pumapayag ako Kasi ayokong isipin mo na pinag-iisipan kita ng masama," wika naman ni Xyrene. Pagkatapos isara ang coffee shop ay umangkas na nga si Xyrene sa motor ni Lhuin, nakakapit siya sa baywang nito at pakiramdam niya ilang na ilang siya pero iniisip niya na lang na ayos lang minsan lang naman ito at sa susunod naman baka hindi na rin siya isabay nito.Tinahak nila ang daan patungo sa "1992" kung saan naroon ang bahay nila Xyrene. Nakita ni Lhuin ang bahay nila Xyrene, kubo nga lang ito at tanging gasera ang ilaw nito, hindi niya maiwasang maawa sa dalaga dahil naisip niya na siya nga mainitan lang di na mapakali tapos may mga tao na kahit kuryente Wala. "Sir, gusto niyo po muna pumasok? Medyo madilim lang po," nahihiyang wika ni Xyrene. "Sure," sagot naman ni Lhuin at sumunod sa dalaga. "Apo, ikaw ba 'yan?" Tanong ni Lola Isellah, ang lola ni Xyrene. "Ako nga po,lola, may kasama po ako," sagot ni Xyrene. "Good evening po," bati ni Lhuin. "Magandang gabi, manliligaw ka ba ng apo ko?" Diretsang tanong ni Lola Isellah. "Hindi pa naman po," pabirong sagot ni Lhuin. "Sir naman eh mamaya maniwala pa 'yan si Lola," saway ni Xyrene. "O eh bakit, itinatago mo ba na nagpapaligaw ka na?" Tanong ni lola Isellah. "Lola, nakakahiya, boss ko po 'yan," wika ni Xyrene. "O sige na, kung ayaw mong umamin, pumarito ba kayo sa lamesa at kumain tayo ng hapunan," Aya ni Lola Isellah na may nakahain ng sinangag at pritong itlog. "Ayos lang ba, sir? Pritong itlog lang ang ulam namin," wika ni Xyrene. "Hoy, ikaw na bata ka, huwag mong nila-Lang ang itlog yan na ang pinakasimpleng ulam na kinakain mo dito hindi naman tayo mayaman," wika ni Lola Isellah. "Bakit po, Lola?" Natatawang tanong ni Lhuin. "Alam mo ba napaka arte ng batang iyan, gusto niyang lagi manok ang ulam paano ba naman nung malakas pa ako nakakapag trabaho pa ko sa bahay ng mga kamag anak naming mayaman eh lagi masarap ang ulam na uwi ko pero ngayon palibhasa matanda na hindi ko na kaya mamasukan kaya ngayon heto siya na ang nagtatrabaho," kwento ni Lola Isellah. "Si Lola naman kinukwento pang maarte ako, malalaman din 'yan ni sir pag tumagal," wika naman ni Xyrene. Maya-maya ay parang may dumating. "Lola, ate," pagtawag ni Flame. "Flame, ikaw ba 'yan, tuloy ka," tugon ni Lola Isellah. "May bisita pala kayo," namukhaan agad ni Flame si Lhuin. "Oo, boss natin," sagot ni Xyrene. "Good evening, sir" bati ni Flame sa binata.Tango lang ang tinugon ni Lhuin. "May dala po akong adobong manok, pinapabigay ni mommy," wika ni Flame. "Ayon, sir tamang-tama, may masarap ka ng mauulam," wika naman ni Xyrene. "Ay sus, kunwari ka pa, ikaw diyan ang masayang-masaya itong boss mo kaya niya kumain niyan kahit araw-araw," pambabara ni Lola Isellah.Tumawa naman si Lhuin. "Si Lola talaga," sumimangot si Xyrene. "Parang ang saya niyo ha, pwede po ba kong makisalo sa hapunan?" Tanong ni Flame pero siyempre iyon ay para may dahilan siya upang mag tagal. "Aba, Oo naman ewan ko lang kung magkasya sa atin 'yang adobong dala mo sa lakas kumain nitong si Xyrene eh," pang-aasar pa ng matanda. "Si Lola naman pinapahiya mo na ko sa mga bisita natin," tila nagtatampo si Xyrene. "Kumain ka na lang at nang makarami ka pero ikuha mo muna ng pinggan si Flame," utos ni Lola Isellah. Agad namang tumalima si Xyrene. Naubos na ni Xyrene ang pagkain pero tila nabitin siya sa adobo. "Hey,still hungry? You can have mine," inilagay na ni Lhuin Ang manok sa pinggan ni Xyrene para di na ito makatanggi pa. Nakita iyon ni Flame at parang kinurot ang puso niya. "Sir, nakakahiya, halatang gutom na gutom ba ko?" Tanong ni Xyrene. "Hindi naman, kailangan ko na rin kasing umalis," sagot ni Lhuin. "Ay Oo nga po, gumagabi na din," wika ni Xyrene. "Lola,I think, I'll go ahead," paalam ni Lhuin. "Sir, hatid na po kita sa labas," tumayo si Xyrene. "Sige," tugon ni Lhuin. Hinatid ni Xyrene ang binata hanggang sa motor nito. "Xyrene, thank you, I had a wonderful time," wika ni Lhuin. "Ingat po kayo,sir," sagot naman ni Xyrene. Sinuot na ni Lhuin ang helmet at pinaandar ang motor.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
152.1K
bc

His Obsession

read
63.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
74.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook