bc

In Between Sunrise And Sunset (Marquez Series 1)

book_age18+
748
FOLLOW
3.2K
READ
possessive
sex
dominant
goodgirl
CEO
heavy
realistic earth
virgin
punishment
brutal
like
intro-logo
Blurb

Bata pa lang si Celine Ignacia ay mulat na siya sa kahirapan. Lahat ng trabaho ay kaya niyang pasukin para lamang tustusan ang pangangailangan ng kanyang mga magulang at kapatid. Hindi niya inaalintana ang pagod. Para sa kanya, mahalaga ang bawat oras. Hindi niya ito sasayangin. Ngunit magbabago ang lahat nang mag-krus ang landas nila ni Damon Marquez. Magiging komplikado ang kanyang buhay at ang kanyang pananaw ay mababago.

Si Damon ay mayaman at tinitingala ng marami. Para sa kanya, kaya niyang bilhin ang kahit na ano… maging mga babae. He believes that he can own anything and anyone because of money. Madali lang iyon para sa kanya. Makukuha niya ang lahat ng gusto niya ng walang kahirap-hirap. This man is ruthless and heartless. Wala siyang pakealam kahit kanino, tanging sarili lamang niya ang kanyang mahal. Pero paano kung, isang araw, makilala niya si Celine?

Paano nga ba mabubuo ang isang kakaibang pagmamahalan kung para kay Damon, hindi naiiba si Celine sa ibang babae? Kaya nga bang bilhin ng pera niya ang puso ng dalaga?

chap-preview
Free preview
Prologue
Ang sabi nila, lahat ng tao ay may karapatang pumili kung anong gusto nila. Lahat tayo ay may karapatang magdesisyon para sa ating sarili at pwede tayong humindi sa mga bagay na ayaw nating gawin. Naniniwala ako dito… noon. Dahil nang makilala ko siya, naging iba na ang takbo ng buhay ko. Ni hindi ko alam kung pwede pa nga ba akong pumili ng mga bagay na gusto kong gawin para sa aking sarili. “Celine, unang araw mo ngayon… kaya pag butihan mo, ha?” bulong sa akin ng pinsan kong si Esmeralda. Nandito kami ngayon sa likod ng entablado. Kinakabahan ako dahil hindi ako sanay sa bagong trabahong pinasok ko. Hindi ko naman ipagkakaila na mas malaki ang sahod dito kumpara sa mga naging trabaho ko sa nakaraan. Kaya naman kahit mahirap at labag sa loob ko, kinagat ko pa rin ito. Ang tanging iniisip ko na lang, ginagawa ko ito para sa mga magulang at kapatid ko. Nang makapagtapos ako ng Grade 12, namasukan ako sa iba’t ibang trabaho. Nagtrabaho ako bilang cashier sa iilang mga fastfood chain at naging saleslady rin ako. Kaso, hindi sapat ang kinikita ko para tustusan ang mga pangangailangan namin sa bahay. Nangangarap din naman akong makatungtong sa kolehiyo, ngunit isinantabi ko muna iyon. Sa ngayon, ang mga magulang at kapatid ko ang prayoridad ko. Muli akong nagbaba ng tingin sa aking suot. Kumikinang ito na animo’y napapalibutan ng kislap ng mga bituin. Ito pa lang ang unang beses na nag suot ako ng ganitong uri ng damit. Sobrang iksi ng palda, na sa tingin ko’y kaunting pagyuko lang ay makikitaan na ako. Maging ang suot kong pangitaas, hapit na hapit ito sa akin, na tila nilalantad na ang aking dibdib. “Ma-swerte ka nga sa unang araw mo, eh. Exclusive itong club ngayon. Samantalang ‘nong ako ang nag-umpisa, iba’t iba ang mga customer. Karamihan ay manyak pa!” dagdag ni Esmeralda. “Ano bang pinagkaiba ng mga customer ngayon?” baling ko sa aking pinsan. “Naku!” lumapad ang ngiti ni Esmeralda. Mas hinawi pa niya ng kaunti ang kurtina dito sa likod ng entablado para makita ang mga taong nagtatawanan sa loob nitong club. “Nirentahan lang naman ni Damon Marquez! Alam mo ‘yang lalaking ‘yan? Kahit na ano, kaya niyang bilhin o gawin. Wala lang sa kanya ang pagwawaldas ng pera. Mayaman kasi, eh.” Bumaling ulit ako sa labas. Kilala ko si Damon Marquez. Sino nga ba kasi ang hindi nakakakilala sa kanya? Isa lang naman siya sa pinakamayamang tao hindi lang dito sa Pilipinas, pati na rin sa buong Asya. Marami siyang negosyo dito sa bansa, at ang pagkakaalam ko, siya ang nagmamay-ari ng isang kilalang airline. Makapangyarihan ang lalaking ito kaya naman nakakalusot siya sa lahat ng eskandalong kinakaharap niya. Marami ang tumitingala sa kanya. Ngunit para sa akin, isa siyang araw na hindi mo pwedeng tingnan ng matagal. Hindi mo siya pwedeng hawakan dahil may kaakibat itong sakit. Nanatili ang tingin ko kay Damon Marquez. Nakaupo siya sa pinaka sentrong upuan, sa mismong tapat ng entablado. Nakaupo siya, nagmimistulang isang hari. May nakaupong babae sa kandungan niya at mapusok silang naghahalikan. Kita ko pa kung paano lumandas ang kaliwang kamay niya sa pang-upo ng babae at pinisil ito. “Oh, alam niyo na ang mga gagawin, ah? Katulad ng ginawa niyo sa rehearsal,” ani Ma’am Alvira sa ‘min. Siya ang may-ari ng club na ito. Masasabi ko na kahit hindi ito kasing laki ng ibang club, may ibubuga pa rin naman ang lugar na ito. Kaya naman siguro napili ni Damon Marquez na pumarito naman ngayong gabi. “Opo,” sabay sabay na sabi namin. Anim kami ngayon at ako lang ang bago sa grupong ito. Lahat sila ay sanay na sa ginagawa. Ngunit ako, kabadong-kabado. Sa pagbukas ng kurtina bawat segundo, para na akong hihimatayin. Nakadagdag pa sa kaba ko na sa harapan ako naka pwesto. Ilang beses kong hiniling kay Ma’am Alvira na ilagay na lang ako sa likuran o di kaya’y sa gitna man lang. Kaso, hindi siya pumayag. Hindi raw maganda na nasa gitna o likod ako dahil hindi naman ako gano’n katangkad. Hiyawan agad ang sumalubong sa amin nang tuluyan ng bumukas ang kurtina at lumiwanag ang entablado. Medyo nasilaw pa ako ng kaunti sa ilaw dahil sa aming anim ito nakatapat. Napuno ng sigaw ang paligid. Nilibot ko ang mga mata ko hanggang sa mapadpad iyon kay Damon Marquez. Panandalian siyang tumingin dito bago bumalik sa pakikipaghalikan. Sa tingin ko, wala naman talaga siyang pakealam sa presensya namin dito sa entablado. Abala pa rin kasi siya sa babaeng naka kandong sa kanya. Nagsimula na ang tugtog. Napalunok ako at hinayaan ang sariling sumabay sa saliw nito. Ilang beses akong lumunok. Limang minuto lang naman ito. Titiisin ko na. Titiisin ko para sa pamilya ko. Isa pa, wala namang mali dito. Tanging pagsayaw lang ang gagawin namin. Hindi kami pwedeng hawakan o kaya nama’y hilahin ng mga customer sa table nila. Sinigurado ko muna talaga kung ano nga ba ang trabahong papasukin ko. Malinaw na tanging pagsasayaw lang ang gagawin ko. Mas lalo pang lumakas ang hiyawan ng mga nanonood. Ang iba’y hinahagis na ang ilang libong salapi sa entablado. Lumunok ako ulit, panandaliang kinalimutan ang kahihiyan. Nagpatuloy lang ako sa pagsayaw. Ngumiti na rin ako para hindi ako magmukhang tensyonado o kinakabahan. Iisipin ko na lang na mabibigyan ko ng malaking baon ang aking mga kapatid bukas at mabibilhan ko ng gamot si Nanay at Tatay. Nilibot ko ulit ang aking paningin habang nakangiti pa rin. Medyo nasasanay na ako ngunit nang mapadpad ito sa kinauupuan ni Damon Marquez, halos malagutan na ako ng hininga. Nakakandong pa rin sa kanya ang babae, na abala sa paghalik sa kanyang leeg. Si Damon Marquez naman, tuwid ang direksyon niya sa entablado. Hawak pa rin niya ang pang-upo ng babae pero nakatitig siya sa amin… partikular sa akin.  Nanlamig ang sikmura ko at mabilis kong tinanggal ang tingin sa kanya. Gusto kong isipin na hindi siya nakatitig sa akin. Pero, hindi. Sigurado ako, na kahit may kahalikan siya, sa akin naka direkta ang mga mata niya. Natatakot ako. Hindi ko kayang tagalan ang ganoo’ng kalseng mga tingin. Malaki ang pasasalamat ko nang lumipas na ang limang minuto. Namatay na ang ilaw at nagsarado na ang kurtina ng entablado. Malakas pa rin ang hiyawan ng mga tao sa labas. Nagtatawanan naman ang mga kasama ko pagkatapos ng sayaw. Habang ako, hingal na hingal dahil sa pagod at hindi maipaliwanag na dahilan. Hanggang ngayon kasi ay nakapinta pa rin sa isip ko ang tingin ni… “Celine, ano?” masayang lumapit si Esmeralda sa akin. “Kumusta naman? Ayos lang ba?” “Ayos lang,” tipid akong ngumiti. “Naku, kabado ka pa, ‘no?” tinapik niya ang balikat ko. “Sa una lang ‘yan. Masasanay ka rin kalaunan.” Ngumiti na lang ulit ako. Kung sa normal na araw, tatlong beses dapat kami sasayaw. Ngunit ngayon, isang beses lang. Mabuti na lang talaga at gano’n ang naging plano ngayong gabi dahil hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang lumabas ulit sa entabladong iyon. Ayoko nang makita pa si Damon Marquez. Kahit na tapos na kami ngayong gabi, hindi pa rin kami pinaalis ni Ma’am Alvira. Kailangan ay tapusin pa rin namin ang aming shift. Hanggang alas tres ito ng madaling araw. Dahil wala na rin naman gagawin, napagpasyahan kong magbihis na lang muna. Ang ibang mga kasama ko naman, pati si Esmeralda, ay lumabas at nakihalubilo sa iba. Kahit hindi iyon parte ng trabaho, hindi naman iyon ipinagbabawal ni Ma’am Alvira. Nasa sa ‘min naman daw talaga kung gusto namin makipagkwentuhan kasama ang ibang customer. Lalabas na sana ako sa cubicle kung saan ako nagbihis, kaya lang, bigla na lang bumukas ang pintuan ng restroom. Natigilan ako sa pagbukas ng pintuan nang may malakas na kalabog akong narinig, kasabay ‘nun ang mararahas na ungol. Ungol na kakaiba. Ungol na maririnig mo lang kapag ginagawa ang isang partikular na bagay. Hindi ako maaaring magkamali. Alam ko…. kahit hindi ko pa naranasan… alam ko kung anong nangyayari. “Ahh… fck, Damon… ahh…” ungol ng babae kasabay ng muling pagkalabog ng pintuan. “Damn, you’re so good…” Hindi nga ako nagkamali! Tama ako! Hindi ko alam kung tama ba na nandito ako habang may kababalaghang nagyayari. Naghanap ako ng pwede kong malulusutan, ngunit wala namang bintana itong cubicle. Sa huli, tinakpan ko na lang ang aking mga tainga at mariin na kinagat ang aking ibabang labi. “Are you on the pill?” marahas na tanong ng lalaki. “Uh.. Damon… that feels so— ugh!” isang malakas na kalampag ulit ng pintuan ang narinig ko. “Can you fcking answer my question? Are you on the pill?” “Yes, fck! I know you don’t want kids. I’m safe, Damon. Put it—“ Hindi na natapos ng babae ang sasabihin niya. Nalunod na sila sa malalakas na ungol at pagkabog ng pintuan. Lalo kong idiniin ang pagkakatakip ng aking mga tainga at ipinikit ang aking mga mata. Hindi ako makapaniwala na aktwal kong masasaksihan ang ganitong bagay! At higit sa lahat, hindi ako makapaniwala na si Damon Marquez ang gumawaga nito! Ilang daing at ungol pa ang pinakawalan nila hanggang sa humina na ang kanilang boses. Nawala na rin ang pagkalampag ng pintuan. Malamang ay tapos na sila sa kanilang ginagawa. “I heard… kasama mo si Jenny sa Italy,” anang babae sa normal ngunit hinihingal pa ring tono. “Ano naman ngayon sa ‘yo?” walang ganang boses ni Damon Marquez. “Are you my girlfriend?” “Nagtatanong lang naman…” humagikgik ang babae. “So, kailan natin uulitin itong—“ Natigilan ang dalawa sa pag-uusap, maging ako sa pakikinig, nang may bigla na lang dumapong ipis sa ilong ko. Sa sobrang gulat ko ay napasigaw ako ng malakas! “Ay! Walanghiya kang ipis ka!” walang preno kong sabi at mabilis na natutop ang aking bibig. Narinig nila ako! Sigurado ako!  “Sino ‘yan?” tanong ni Damon Marquez at naramdaman ko ang mga hakbang papalapit sa cubicle kung nasaan ako. Sobrang kaba ng puso ko, na pakiramdam ko'y hihimatayin na ‘ko anumang minuto! “Fck… did… someone…” hindi naman matapos tapos ng babae ang kanyang sinasabi. Bakas sa tono niya ang takot. Mas lalo pa akong nataranta nang may kumatok sa cubicle kung saan ako nakatago. Hindi ako makapag isip ng maayos. Lalo na dahil malakas ang bawat katok sa pintuan. “Open this fcking door,” mariin na sabi ni Damon Marquez. “Kung hindi mo ito bubuksan, sisirain ko ang pintuan na ‘to!” Takot at kabado man, binuksan ko pa rin ang pinto. Hindi rin naman ako makakatakas dahil wala akong pwedeng ibang daanan. Kahit na magdamag ako rito, malalaman pa rin naman nila na nandito ako. Nanginginig ang mga kamay ko habang unti-unti kong binubuksan ang pinto. At mas dumoble pa ang takot na nararamdaman ko nang sumalubong sa akin ang matalim na tingin ni Damon Marquez. “Who the hell are you?! Sinisilipan mo ba kami?” galit na salubong sa ‘kin ng babae. “S-sir, uh… M-ma’am… hindi ko p-po sinasadya na marinig… uh…” tama ba itong sasabihin ko?! “…hmm… y-yung ginawa niyo. N-nagbibihis l-lang po ako... lalabas n-na sana ako k-kaso bigla po kayong p-pumasok. Pero h-hindi ko p-po pagsasab-bi.” Nakayuko ako habang nagsasalita. Nilaro ko ang aking mga daliri. Pawis na pawis na ang aking mga kamay. Parang nahulog ang puso ko sa aking tiyan dahil sa sobrang takot ko ngayon. “Damon, check her… baka mamaya’y na-video-han tayo ng babaeng ‘yan,” galit pa rin ang tono ng babae. Nag-angat ako ng tingin at paulit-ulit na umiling. “Naku, hindi po! Promise! Hindi—“ depensa ko dahil hindi naman talaga sumagi sa isip ko na gawin ang bagay na iyon. Imposible rin naman kasi na magawa ko 'yun. “Where’s your phone?” matalim na tanong ni Damon Marquez, na para bang kapag hindi mo siya sinunod, ito na ang magiging huling araw mo sa mundo. “S-sir, hindi po t-talaga… promise,” patuloy lang ako sa pag iling. “Give me your fcking phone!” tumaas ang boses niya sabay lahad ng kanyang kamay. Mas lalo akong natakot kaya naman kinuha ko ang cellphone ko sa likod ng bulsa ng pantalon ko. Parehong namamangha si Damon Marquez at ang babaeng kasama niya nang makita ito. Unti-unti, nagtawanan ang dalawa nang mapagtanto na hindi ko naman talaga sila ma bi-video-han. “What the fck is this?” namamangha at tawa ni Damon Marquez habang nakatingin sa cellphone ko. “A walkie-talkie?” “Baka pang kudkod ng yelo ‘yan,” tawa naman ng babae. Marahan kong kinuha ang cellphone ko kay Damon Marquez. Pinagmasdan ko itong mabuti. Nakatali na lang kasi ito ng goma para hindi malaglag ang takip nito sa likod. Matagal na ang cellphone kong ito. Ito ang kauna-unahang bagay na binili ko para sa sarili ko. Hindi na ako nag-abala pang bumili ng mamahalin. Ano naman kasi ang gagawin ko do’n? Ang importante ay meron akong pang tawag at pang text. “You’re a dancer here, right?” medyo natatawa pa rin ng kaunti si Damon Marquez. Tumango ako pero nakayuko pa rin. Hindi pa rin ako nakakabawi sa kahihiyang natamo dahil sa pagtawa nila. “Magkano ka?” tikhim niya at tumayo ng tuwid. May nakapintang nakakalokong ngiti sa kanyang labi. "Magkano ka sa isang gabi? You're a dance here, hence you're body is for rent, as well, right?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? “P-po?” baling ko sa kanya. Gusto kong kumpirmahin kung tama nga ba talaga ang narinig ko. “Tinatanong ko kung magkano ka..." hindi maikakaila ang pangungutya sa boses niya. “Damon? Seriously? Papatulan mo ‘yang cheap na babaeng ‘yan? Baka makakuha ka pa ng sakit—“ “Shut the fck up, Krisha,” galit niyang sabi pero sa akin pa rin nakatingin. “Magkano ka? Magkano ang katawan mo? Magkano ang presyo mo kada gabi?” “S-sir… hindi p-po ako katulad ng iniisip niyo.” “R-really, though?” sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi. “H-hindi ako naniniwala. Are you still a virgin? You don't look like one, but that's fine. I still wanna fck you.” “Damon!” anang babae. “Come on, huwag mo na ngang pag-aksayahan ang babaeng ‘yan! Seryoso ka bang papatulan mo yan?” Gusto ng kumawala ng mga luha ko ngunit pinipigilan ko lang ito. Nakahinga lang ako ng maluwag nang mahila na palabas ng babae si Damon Marquez. Doon pa lang nag-unahan ang mga luha ko sa pagtulo. Sa unang pagkakataon, naramdaman ko kung gaano ako kaliit. Oo, mahirap ako. Mulat ako sa kahirapan simula noong bata pa ako. Pero ang sakit sakit pala talaga na may mga taong lalo pang tatapakan ang pagkatao mo. Malungkot ako hanggang sa matapos ang shift ko ngayong unang gabi ko sa trabaho. Hindi ko na ipinaalam sa iba ang mga nangyari kanina. Sigurado naman na ito na ang una at huling pagkikita namin ni Damon Marquez. Mas mabuti na iyon. Ayoko ng mag-krus pa ulit ang landas namin. “Bye, Celine!” paalam ni Esmeralda nang makasakay na siya sa taxi. Binuksan niya ang bintana nito at kumaway pa sa akin. Kumaway na rin ako sa kanya. Nanatili ako sa gilid ng kalsada habang naghihintay ng jeep na masasakyan. Pinipilit nga ako ni Esmeralda na mag taxi na lang din, pero ayoko. Sayang naman ang ibabayad ko du’n. Mas makakamura ako kapag jeep ang sinakyan ko. Malaki ang matitipid ko. Mas lalo pa akong gumilid sa kalsada nang may tumigil na magarang sasakyan sa harapan ko. Hindi ko ito pinansin dahil buong akala ko ay panandalian lang niyang ipaparada ang sasakyan. Pero nagulat ako nang tumigil ang makina nito at lumabas ang nagmamaneho. Si Damon Marquez… Bumalik ulit sa akin ang sakit ng mga salita na sinabi niya kanina. Ano bang ginagawa niya ngayon dito? Iinsultuhin na naman ba niya ang pagkatao ko? Bakit ba niya pinagaaksayahan ng oras ang isang babaeng katulad ko? Sigurado naman ako na hindi siya nauubusan ng babae. Kaya, bakit pa niya ako ginugulo? “It’s you, huh?” ngisi niya. Tumabi siya sa akin. “Uuwi ka na?” Tango lang ang sagot ko. Sa kalsada pa rin ako nakatingin, nag-aabang ng jeep. “Tara, hotel tayo?” walang preno niyang sabi. “Have you ever been to a hotel? You’re pretty, pero mukhang wala kang perang pambayad para makapunta sa mga ganoong lugar. Ano? Dalhin kita do’n? Ang katawan mo ang ibabayad mo sa ‘kin.” Hindi ko na nga siguro mababago ang tingin niya sa 'kin. Pagod akong bumaling sa kanya sabay buntong hininga. “Sir, hindi nga po ako—“ “I don’t care,” sumeryoso ang boses niya. “I fcking want you in my bed… at kapag gusto ko… makukuha ko.” “Hindi ko po binibenta ang sarili ko,” pilit ko kahit na alam kong hindi naman siya naniniwala. “Oh, just quit this act!” sarkastiko niyang sabi. “Name your price… one millon?” Hindi ako umimik. “Five million?” aniya ulit. “Hindi na masamang presyo ‘yan. Isang gabi lang ‘yan, may limang milyon ka na. At kapag nagustuhan ko ang performance mo, baka doblehin ko pa 'yan. The way you danced earlier, you turned me on." Hindi ko pa rin siya pinansin. "Hihiga ka lang, ibubuka ang mga hita, pagkatapos ay kikita ka na ng malaking halaga,” makahulugan niyang sabi. Pumikit ako ng mariin. Huminga ng malalim, pagkatapos ay idinirekta ang mga mata sa kanya. Sobrang na-insilto na ako sa huli niyang sinabi. Akala ba niya lahat ay mabibili ng pera niya? “Sir…” kalmado kong sabi. “Hindi po dahil gusto niyo ay mabibili niyo na. Hindi ko po binibenta ang katawan ko. At kahit na maghirap pa kami lalo, hinding hindi ko pa rin ito ibibenta. Pasensya na po.” Mabuti na lang at may dumating ng jeep. Mabilis ko itong pinara. Hindi ko na binalingan ng tingin si Damon Marquez. Pero bago pa man ako makasakay ng tuluyan sa jeep, muli na naman siyang nagsalita. “Really, huh?” sarkastiko pa rin ang kanyang tono. “Tingnan natin kung masasabi mo pa ‘yan sa mga susunod na araw…”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
71.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook