I HAVE A LOVER [COMPLETED]

I HAVE A LOVER [COMPLETED]

book_age18+
4.8K
FOLLOW
30.7K
READ
revenge
forbidden
family
drama
betrayal
lies
mxm
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

SYNOPSIS:

Si Theo, isang ulirang asawa ngunit hindi pinapahalagahan.

Si Sofia, ang asawang walang ibang pinapahalagahan kundi si Ronnie, ang kanyang kabit.

At si Ronnie, nangabit para maglapit ang mundo nila ng taong totoo niyang gusto.

Sa pag-ibig na mapanakit, sino sa kanila ang lubusang magiging masaya sa huli?

I HAVE A LOVER BY FRANCIS ALFARO

A M2M ORIGINAL NOVEL

Dreame's LGBT Award Winner of 2020

Copyright, 2022

All Rights Reserved, 2022

DISCLAIMER: This story is purely fictional. Any resemblance to living or dead person, places, events, and others are only coincidental.

ic_default
chap-preview
Free preview
PREMISE
No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical including photocopying, printing, or by any information storage and retrieval system without the permission of the author. Please do not re-copy, re-edit, and re- publish this story without asking the writer's permission. All of the characters in this story are fictitious, and any resemblance to actual persons, living or dead, is purely coincidental. Copyright (c) 2019 All Rights Reserve 2019 --- PREMISE “Ughhh!!! F*ck! Ah! Ah! Ah!” “Ahhh... you’re so hard and big!” “Ughhh... Ah! Ah! Ah!” “Faster babe! F*ck me harder! Ahhh!” Kaboogsh! Napatigil siya sa paghahalo ng kanyang nilulutong ulam na kaldereta para sa hapunan. Tumingala siya ng tingin. Ilang sandali lang ay nagbuntong-hininga na lamang siya. “Mukhang nagiging wild na naman sila,” mahinang sambit niya. Mababakas ang lungkot sa boses niya na mababanaag din sa kanyang mga mata. Gusto niyang magalit. Gusto niyang magwala. Nais niyang manumbat. Gusto niyang manakit... ngunit kahit sa isa mga ito ay hindi niya magawa. Pakiramdam niya, ang hina-hina niya dahil wala siyang magawa. Bahagyang iniling na lamang niya ang kanyang ulo saka muling hinalo ng hawak-hawak niyang sandok ang kanyang niluluto sa nakabukas na kalan. Naririnig pa rin niya ang mga kalabog mula mismo sa loob ng kanilang kwarto mag-asawa kung saan kasama nito ang kabit nito at may ginagawang milagro. Mapait na ngumiti ang labi niya. Nagbibingi-bingihan siya. Nagbubulag-bulagan siya. Pinapaniwala niya ang kanyang sarili na ayos lang ang lahat. ‘Dapat ako ang kasalo ng asawa ko sa init. Sa akin dapat siya nasasarapan at hindi sa lalaking ‘yon,’ isip-isip niya. ‘Dapat ako ang humahalik sa kanya, ako dapat ang humahagod sa bawat parte ng kanyang katawan at humahaplos sa kanyang makinis na balat at pumapasok sa kaibuturan niya at hindi ang lalaking iyon,’ wika niya pa sa kanyang utak. ‘Ako dapat ang kasama niya sa ibabaw ng kama naming dalawa,’ aniya pa. Alam ng halos ng nakakilala sa kanya na siya na ang pinaka-martir na mister na nakilala nila. Sa limang taon nilang pagsasama ng kanyang misis, isang taon lang siya naging masaya at sa mga sumunod na taon ay naging impyerno na ang buhay niya. Hindi niya alam kung bakit natapos ang kaligayahan. Hindi niya alam kung anong nagawa niyang mali kung bakit niya ito nararanasan. Nagising na lang siya isang araw na nagbago na lang ang lahat sa pagsasama nila. Pakiramdam niya ay pinaparusahan siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa ngunit pinagdudusahan niya. Ang init ay naging lamig. Ang pagmamahal ay naging sakit. Bilang mister, aminado siyang may mga nagiging pagkukulang siya sa kanyang misis ngunit sigurado siyang hindi siya nagkulang sa pagmamahal na ibinibigay ng kanyang puso, hanggang ngayon kahit na sakit at kirot sa damdamin ang laging isinusukli nito sa kanya. Bakit hindi pa niya hinihiwalayan ang kanyang asawa? Isa lang naman ang sagot, dahil mahal na mahal niya ang kanyang misis. Hindi niya kakayanin kung mawawala ito sa piling niya kaya kahit na sa marriage certificate na lang ang nagdurugtong sa kanilang mga puso, hindi niya hahayaan na pati iyon ay mawala pa sa kanila. Gagawin niya ang makakaya niya para manatili itong misis niya hangga’t nabubuhay siya. Lahat ng gusto ng kanyang misis ay sinusunod niya. Lahat ng naisin nito ay ibinibigay niya. Kahit ang pinakamasakit huwag lamang siyang iwan. Katangahan man kung tawagin ito ng iba ngunit para sa kanya, mas nanaisin pa niya na maging tanga hangga’t nabubuhay siya kaysa mawala ang taong pinakamahalaga sa kanya kahit na ginagawa na lamang siya nitong parang basura. Sa mga taon ng sakit, aminado siyang nasanay na. Nasanay ngunit hindi siya naging manhid dahil paulit-ulit pa rin niya nararamdaman ang kirot. Huminga na lang siya ng malalim. Tinapos niya ang kanyang niluluto saka inilagay ito sa malaking mangkok. Pamaya-maya ay bababa na ang dalawa para kumain ng pagkaing niluto niya. Mapait siyang ngumiti. Inayos na niya ang lamesa at inihain na ang mga pagkaing hinanda niya. Saktong-sakto na wala na siyang naririnig na kalabog mula sa kwarto kaya sa tingin niya ay mukhang natapos na naman ang isang gabi ng pag-iisa na ikinadudurog ng kanyang puso. Pinunasan niya ang kanyang namuong pawis sa noo at tinanggal ang apron na suot sa kanyang katawan. Lumitaw ang magandang hubog ng kanyang katawan na walang saplot. Nangingintab ang makinis at maputing balat niya dahil sa butil-butil na pawis na dulot ng mainit na panahon. Malapad ang kanyang balikat at batak ang kanyang mga braso, hita at binti at may kahabaan rin ang mga ito na bumagay sa laki ng kanyang katawan at taas. Maumbok at malapad ang kanyang dibdib na may pares ng medyo pink na u***g at matigas ang mga abs niya na sa bilang ay anim. Gwapo naman siya. Undercut ang gupit ng kanyang buhok. Makinis ang kanyang mukha at chinito ang mga mata na pinarisan ng makakapal na kilay at may kahabaang pilik-mata. Matangos ang kanyang ilong at manipis ang natural na mapulang labi niya. Maamo ang kanyang mukha at soft-spoken siya kung magsalita. Hindi siya madaling magalit pero kapag nagalit siya, matindi. Maganda ang pisikal na aspeto niya na kinahumalingan din ng kanyang misis noon ngunit kaagad din nitong pinagsawaan. Kinuha niya ang kanyang semi-fit shirt na kulay gray na nakapatong sa sandalan ng isa sa mga upuan na nasa hapag-kainan saka niya ito isinuot. Humubog sa sinuot niyang shirt ang maganda niyang pangangatawan. Binagayan ng suot niyang shirt ang maong short na pang-ibaba niya. Nakarinig siya ng mga yabag pababa hanggang sa bumungad sa bukana ng kusina ang dalawa. Ang kanyang asawa na tanging sexy white sando na bakat pa ang pares ng n*****s doon at maikling short lamang ang suot at nakabukas pa ang butones. Maganda at talaga namang kaakit-akit ang misis niya lalo na ang katawan nitong pumarehas ang hubog sa bote ng softdrinks. Makinis ang mestisa nitong balat na isa rin sa nagustuhan niya sa pisikal nito. Sunod niyang tiningnan ang kabit ng kanyang misis na nakangisi pang nakatitig sa kanya. Nakatapis lang ito ng twalya at halatang walang suot na underwear sa loob dahil bumubukol ang nasa pagitan ng mga malalaking hita nito. Hindi niya maiwasang pasadahan ito ng tingin. Kung tutuusin, hindi sila nalalayo sa kagwapuhan at kakisigan. Bumagay sa hulma ng mukha nito ang semi-kalbo na gupit ng buhok. Makapal ang pares ng kilay nito at itim na itim ang kulay. Bilugan ang mga mata na kung titingin ay tila nangungusap. Matangos ang ilong at may kakakapalan ang labi. Ahit ang bigote at balbas nito na kapag tumubo ay makapal na nagpapa-masculine sa kagwapuhan niya. Moreno at makinis ang kanyang balat. Brusko at malakas ang kanyang dating. Tiningnan din niya ang katawan nito. Malapad at batak ang balikat. Mas malaki at batak ang muscles nito sa mga braso kumpara sa kanya. Maumbok at malapad ang dibdib na may pares ng brownish na u***g. Batak ang abs. Mahaba at malalaki ang legs. Sa kanyang palagay ay nasa six-one ang tangkad nito dahil mas matangkad ito ng kaunti sa kanya. Sa lahat ng naging kabit ng kanyang misis ay ito ang nagtagal sa piling niya kaya halos gabi-gabi ay narito ito sa bahay at walang pakiealam kung nandito pa siya na legal na mister ng asawa niya. Wala silang pakiealam kung nababastos na ba siya at ipinagsasawalang-bahala na lamang niya ang lahat. Wala siyang magawa, ito ang kagustuhan ng kanyang asawa kaya pinagbibigyan niya. “Handa na ba ang pagkain?” malamig na tanong ng kanyang misis sa kanya. “Nagugutom na kasi kami,” sabi pa niya. “Oo,” sagot na lang niya saka nagbaba nang tingin. Napapangiti naman ang lalaking kabit. Tila nang-aasar ang ngiti niya habang nakatingin pa rin sa kanya. Tiningnan ng kanyang misis ang kabit. Ningitian niya ito ng matamis. “Hon, halika na at kumain na tayo,” aya niya na may halong landi. Sumigla din ang boses niya na kanina ay kasing-lamig ng yelo. “I’m sure na magugustuhan mo ang luto niya kasi magaling at masarap ‘yan magluto,” pagmamalaki niya. “Mabuti nga at may natitira pa siyang talent,” pagpaparinig niya pa sa sarcastic na tono. “Talaga? Masarap siya?” tanong ng kabit na mabilis niyang ikinatingin dito. Nakatingin lamang ito sa kanya habang nangingiti pa rin ang labi. ‘Ano bang sinasabi nito?’ sa isip-isip niya habang nakasimangot. “Ang luto niya ang masarap at hindi siya,” natatawang sabi ng kanyang misis sa kabit nito. Malutong na tumawa ang lalaking kabit. “Sorry at bigla akong nalito sa sinabi mo,” pagdadahilan niya. Hindi naalis ang tingin sa kanya. “Talaga ba na masarap siya... I mean, ang luto niya?” paglilinaw niya pa. “Oo nga. Masarap ang luto niya,” nangingiting sagot ng misis niya sa kabit. First time lang niyang magluto para sa mga ito dahil madalas ay kumakain na muna ang mga ito sa labas bago pumunta sa bahay. Nagulat nga siya dahil inutusan siya ng kanyang misis na ipagluto sila na sinunod naman niya. ‘Tsk! Nagyayabang ba siya kasi nagagawa niyang ahasin nang harap-harapan ang asawa ko?’ iniisip pa niya habang nakatingin sa lalaki. Hanggang sa utak lang niya nagagawang magsalita ngunit hindi sa aktwal dahil may takot siyang baka mainis sa kanya ang asawa at worst, magalit sa kanya at ayaw niyang mangyari iyon. Lumapit ang lalaking kabit sa misis niya habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Hinapit nito sa baywang ang misis niya at bago pa niya makitang halikan nito sa labi ang kanyang asawa ay inunahan na niya. Gumuhit ang sakit sa mga mata niyang nakatitig sa sahig. Masakit para sa kanya na makita iyon ngunit wala naman siyang magawa para pigilan dahil kung pipigilan niya ay tuluyan naman siyang iiwan ng kanyang misis. Mahal na mahal niya ang asawa. Ito na lang ang pamilya niya, ang misis na lamang niya ang kasama niya sa mundo. Aminado siyang natatakot siyang mag-isa kaya naman kahit na ang sakit-sakit na, pinipili niyang manatili pa rin sa tabi nito. Narinig niya ang pag-usog ng mga upuan. Sa tingin niya ay tapos nang maghalikan ang dalawa at lumapit na ang mga ito sa lamesa. “Ikaw? Hindi ka pa ba kakain?” tanong ng misis niya sa kanya. Tumingin siya ulit sa kanyang misis. Pinilit niyang ningiti ang kanyang labi. “Kayo na lang muna, busog pa ako,” pagtanggi niya. “Sumabay ka na, pare. Baka mamaya sisihin mo pa kami kasi naubos namin ang pagkain at wala ka nang makain,” pagsabat naman ng lalaking kabet. Tiningnan niya ang lalaking kabet. ‘Ang lakas ng loob niyang tawagin akong pare. Ang kapal ng mukha niya talaga,’ naiinis na wika niya sa kanyang isipan. Tipid na lang siyang ngumiti. “Hayaan mo na siya, Hon. Siguro busog pa siya kaya ayaw niya pa. Hindi naman niya hahayaang gutumin ang sarili niya kaya kakain din ‘yan mamaya,” wika ng misis niya saka inirapan pa siya. “Mauna na tayong kumain,” sabi pa niya. Napangiti lamang ulit ang lalaking kabit, ang misis niya ay naging busy na sa pagkain ng inihanda niya. Huminga na lang siya ng malalim saka iniwas ang tingin sa dalawa. Naglakad siya ng dahan-dahan palabas ng dining area. “Oh, masarap nga siya... I mean... masarap nga ang luto niya.” Narinig niya pang sabi ng kabet na nakasunod ang tingin sa kanya habang nangingiti ang labi. Tunay na nasarapan siya sa luto niya. Napailing na lang siya habang patuloy na naglalakad. Sa kanyang paglabas, tumulo ang kanyang kanina pa pinipigilang luha. Hindi na niya napigilan pa na ilabas ang pagkadurog na nararamdaman niya. Ilang sandali lang ay huminto siya sa paglalakad. Humugot siya ng sobrang lalim na hininga. “Tiisin mo lang ang lahat. Hindi mo gustong mag-isa, ‘di ba? Tiisin mo lang ang kirot,” pagkausap niya sa kanyang sarili. Marahas niyang pinunasan ang kanyang mga luha sa magkabilang pisngi niya saka muli siyang naglakad at pumunta sa kwarto niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

POSSESSIVE HEIRS1-ACE ANDERSON

read
71.7K
bc

NINONG II

read
644.4K
bc

BAYAW

read
79.9K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

NINONG III

read
408.5K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
57.5K
bc

Beauty As The Beast

read
36.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook