bc

SAVED BY YOUR LOVE

book_age16+
1.3K
FOLLOW
5.5K
READ
love-triangle
friends to lovers
badboy
inspirational
drama
sweet
bxg
secrets
like
intro-logo
Blurb

DALAWANG taong may mapait na karanasan sa pag-ibig na pinagtagpo ng tadhana ‘yan sina Camille at Izaiah.

Halos nakalimutan na ni Izaiah ang maging masaya mula nang biglaang pumanaw ang kanyang asawa. Sa gitna ng madilim na bahagi ng kanyang buhay ay natagpuan niya si Camille, isang dalagang ina na pilit ding bumabangon mula sa pagkakamali sa pag-ibig.

Muling binuksan ni Izaiah ang kanyang puso para magmahal hanggang sa puntong handa rin niyang akuin ang responsibilidad na hindi naman sa kanya, ang pagiging ama sa anak ni Camille.

Naging malapit ang anak ni Camille na si Cyd kay Izaiah ngunit kasabay noon ang pagkahulog ng damdamin ni Camille sa lalaki. Nakita niya ang father and son relationship. Takot man siya pero muli siyang nangarap na possible pang magkaroon ng buo at masayang pamilya sa piling ni Izaiah.

Ano ang kahaharapin nilang pagsubok ngayong muling nag-krus ang landas nina Camille at Ivan at nalamang may anak pala ito sa dating nobya?

Magagawa pa kayang panindigan ni Izaiah ang kanyang mga binitiwang pangako kay Camille at anak nitong si Cyd?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
  BUMABA si Izaiah sa gusali ng kanyang opisina at tinungo ang parke na halos katabi lamang ng parking area. Malawak at naglalakihang ang mga puno sa parke na nagbibigay ng sariwang hangin sa paligid. Dito siya madalas pumunta sa tuwing stress siya. Sumasakit na ang kanyang ulo, idagdag pa ang hindi matapos-tapos na problema niya sa opisina. Lately, ay nagkakasakit na rin ang kanyang daddy kaya bilang nakatatanda sa magkakapatid kailangan niyang maging matatag at ipagpatuloy ang sinimulang achitectural firm na pinaghirapang itayo ng kanyang mga magulang.    Inikot niya ang paningin sa paligid, wala pa masyadong mga bata na naglalaro dahil maaga pa. Kadalasan ay tuwing hapon maraming mga bata at mga couples na namamasyal sa parke.   Dinukot niya sa bulsa ang kanyang cellphone na kanina pa tumutunog. As usual related sa trabaho. Walang katapusang tawag at follow-ups. Ipinaalala sa kanya ng kanyang secretary ang meeting niya mamayang hapon. Napabuntong-hininga siya at wala sa loob na nilaro-laro ng paa ang basyo ng softdrink in can na naapakan niya. Naalala pa niya noong nasa kolehiyo siya, madalas silang maglaro ng socker sa kanilang campus. Buong lakas niya itong sinipa at hindi na tiningnan kung hanggang saan ito makakarating.   “I love you, Izaiah!” Kumakaway sa kanya ang nakangiting si Amber, his number one fan and girlfriend. Todo supporta ito sa kanya hindi lang sa sports na kanyang pinili kundi sa lahat ng bagay. Proud na proud ito sa kanya manalo man siya o matalo kaya naman mas lalo niya itong minamahal. Napangiti siya’t nag-flying kiss pa sa dalaga. Napakaganda talaga ng kanyang girfriend ito na ang babaeng pakakasalan niya balang araw.   “Hoy! Ikaw ba ang nagbato nito sa’kin?” Biglang nahimasmasan siya sa kanyang masayang imahinasyon sa narinig na sigaw ng isang babae. Hindi niya tiningnan ang mukha nito bagkus ay patuloy lang siya sa paglalakad habang nakapamulsa. “Mister!” sigaw nito. Tumigil siya dahil tila siya ang tinatawag nito. Palapit ng palapit ang galit na babae sa kinatatayuan niya. “Anong problema mo, ha?!” galit na tanong ng babae. Unti-unti niyang inangat ang kanyang paningin sa babae na halos dalawang dipa lang ang layo sa kanyang kinatatayuan. Napasinghap siya at namilog ang kanyang mga mata, “Amber?!” Dali-dali siyang humakbang papunta sa babae at niyakap ito. “Bastos ka!” Napahawak siya sa kanyang pisngi’t napakurap-kurap dahil sa malakas na sampal na dumapo sa kanya. Pakiramdam niya ay matatanggal ang kanyang panga sa lakas ng pagkakasampal nito. Hindi pala si Amber ang kanyang kaharap kundi tila isang dragon na handa nang bumuga ng apoy sa galit. Napatitig siya lalo sa mukha ng babae at napalunok. Medyo kahawig nga ito ni Amber. Parehas ang buhok nitong layered na lagpas balikat. Maliit din ang mukha nito at may mga mata din itong tsinita na katulad ng kay Amber. Biglang pinaalala sa kanya ng kanyang konsensya, matagal na nga palang wala si Amber at kahit kailan ay hindi na ito babalik pa.   “Anong tinitingin-tingin mo?!” singhal ng babae sa kanya dahilan para bigla siyang mapaatras. Itinaas niya ang dalawang kamay hudyat ng pagpapaliwanag. “I’m sorry, Miss, hindi ko sinasadya. T-teka bakit ka ba galit na galit sa’kin? Napadaan lang ako, ah.” Itinaas nito ang basyo ng softdrink in can na pumantay sa kanyang mukha. Noon lang niya napagtanto ang sinipa niyang basyo kanina. Napakamot siya sa ulo. “Oh! Sorry, y-you mean natamaan ka?” “Do’n ako nakaupo and you’re not aware? My goodness! Lumilipad ba utak mo?!” asar na sabi ng babae. Tama lumilipad nga ang kanyang utak. At madalas mas gusto niyang mabuhay nalang sa imahinasyon kasya sa reyalidad. “I’m so sorry, Miss, I swear hindi talaga kita nakita. At pasensya na rin kung napagkamalan kitang si—“ napailing siya. “Sorry talaga,” paumanhin niya. Tumalikod na siya at naglakad palayo sa babae para hindi na humaba pa ang pagtatalo nila. “Itapon mo sa tamang basurahan ‘yang kalat mo!” sabay bato rin nito sa kanya ng basyo at natamaan siya sa ulo. “Ouch!” usal niya. Mariin siyang napapikit at pigil ang inis na nilingon muli ang babae. Kaya pala ganoon na lang ang galit nito sa kanya dahil masakit pala talaga. Sinundan niya ng tingin ang babae habang naglalakad palayo.   “Hey! Miss, teka lang!” tawag niya. Napansin niyang may naiwan ito sa bench kung saan nakaupo ito kanina kaya pinuntahan niya. The Forbidden Love, binasa niya ang dinampot na isang pocketbook. “What a trash…nagbabasa siya ng mga ganito?” usal niya. Umarko ang isang sulok ng mga labi niya habang tinitingnan ang nilalaman. May nakaipit itong company ID na nakapangalan sa isang coffee shop. “Camille F. Montecillo….Camille’s Coffeshop,” binasa niya. Napangiti siya. “So Camille pala ang pangalan niya, ha.” usal niyang napapangiti. Magkikita pa sila nito dahil empleyada pala ito sa coffee shop na nasa ibaba lang ng kanilang gusali. Kinuha niya ang pocketbook. Isasauli na lang niya ito sa masungit na babaeng iyon kapag nagawi siya roon.     DALAWANG araw pa ang lumipas at naisipan ni Izaiah na dumaan sa coffee shop. “So dito pala s’ya nagtatrabaho?” tumingin-tingin si Izaiah sa paligid nang makapasok sa coffee shop. Medyo kumakalam na ang sikmura niya hindi kasi siya nag-breakfast sa condo unit niya kanina kung kaya’t naisip niyang mag-breakfast muna bago pumanhik sa opisina. Hahanapin din niya ang masungit na babaeng nakaengkwento niya noong isang araw sa parke. Inilagay niya sa bulsa sa loob ng kanyang coat ang pocketbook, baka kasi may makakita pa sa kanya at sabihing nagbabasa siya ng romance pocketbook. Wala kasi sa kanyang bokabularyo ang magbasa ng mga ganoong genre.   Umupo siya sa bakanteng mesa at saglit na naghintay kung makikita niya ang babaeng hinahanap niya. Mayamaya ay sinenyasan niya ang isang female crew na agad namang lumapit sa kanya. “Yes, Sir, ano pong order nila?” “Miss, dito ba nagtatrabaho si Camille Montecillo?” tanong niya. Ngumiti ang crew, “Ah! Si Ma’am Camille po ba ang tinutuloy n’yo?” Napatango siya, “Yes. Ito siya, oh.” Ipinakita niya ang company ID ng babae. “Ay, opo, boss ko po siya. Ano pong pangalan nila, Sir?” “Pakisabi, Izaiah De La Torre.” Umupo muna siya sa mesa at nagtawag ng waiter para um-order habang hinihintay niya si Camille na tinawag ng kausap niya kanina.     Agad na pinuntahan ni Grace si Camille sa maliit na opisina nito. “Good morning, Ma’am!” “Uh! Grace, mukha yatang maganda ang gising mo ngayon. Hindi pa nagagawa ang payroll n’yo kaya ‘wag mo akong ngitian nang ganyan,” tugon niya. “Walang lang, Ma’am, napapangiti lang talaga ako kapag nandiyan si crush,” anitong kinikilig. Napakunot noo si Camille na nalingon nito si Grace na malapad ang ngiti. “Sinong crush? Hay! Naku, Grace, ha, baka mamaya makita na naman kitang luhaan d’yan.” Matagal na niyang empleyado si Grace at close sa kanya ito. Hindi rin lingid sa kanya ang mga problema nito sa bahay, lovelife at kung anu-ano pa. “Wala naman sigurong masama, Ma’am, kung humanga ako sa isang napaka-guwapong nilalang. Pa’no ba naman, lagi siyang nakatambay dito sa shop natin mukhang nagpapa-cute talaga siya sa’kin. Regular customer na natin siya rito, Ma’am?” anang si Grace. “Ah, talaga? Sino?” kumunot ang kanyang noo hindi kasi siya matandain sa mga mukha ng mga customers. “Izaiah De La Torre daw pangalan, Ma’am. Ayun s’ya, ‘yong lalaking nakaitim na coat,” iginiya siya ng paningin ni Grace sa kinaroroonan ng lalaki. Nasapo niya ang kanyang noo nang makita ang pamilyar na mukha. Sino ba naman ang makakalimot sa hitsura ng lalaking iyon. Napailing siya sa naalalang engkwentro nila ng lalaking iyon sa parke. “You mean regular customer natin siya?? Ngayon ko lang yata siya nakita dito?” “Naku, Ma’am, pano n’yo naman po mapapansin, eh, sa boyfriend mo lang umiikot ang mundo n’yo,” sabay napahagikhik ito. Parang gusto nalang niya pagtaguan ang lalaki, nahiya din siya at medyo napalakas kasi ang pagbato niya ng basyo dito sa sobrang inis niya. Kung totoo man ang pinapaliwanang nito dapat lang siguro na makaramdam siya ng hiya sa inasal niya. Pero bakit naman bigla siyang niyakap nito? Style niya bulok, sa loob loob niya.   “Teka hinahanap niya kamo ako? Bakit? Naku! hindi kaya stalker ang lalaking ‘yan, Grace?” tila mapapaatras na siya nang biglang napatingin sa dako nila si Izaiah. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi at natahimik. “Anong gagawin ko?” pabulong na tanong niya kay Grace sabay siko dito. “Eh, mukha naman pong harmless, Ma’am, sige na po lapitan niyo na. Don’t worry Ma’am, kapag mangangagat na siya itulak mo ako.” “Sira ka talaga!” muli niya itong siniko. Wala na siyang nagawa kundi ang lumapit sa lalaki habang nakasunod naman si Grace sa kanya. “Hinahanap mo daw ako? Bakit anong kailangan mo sa’kin?” masungit na turan ng dalaga. “Hindi naman siguro bawal pumunta dito, besides I’m a customer,” nakangiting tugon ni Izaiah. “Bakit mo ako hinahanap, at bakit alam mo ang pangalan ko?” Agad na itinaas ng lalaki sa mukha niya ang kanyang ID. Napatingin siya dito at biglang kinuha sa kamay ng lalaki. “Teka, bakit na sa’yo to? Ha? Stalker ka ano?” pinaningkitan ito nang mata ng dalaga. Ngumiti lang ang lalaki at may dinukot ito sa loob ng coat. “I’m not a stalker. I believe it’s yours…” inabot nito sa dalaga ang pocketbook. Noon lang napagtanto ni Camille na ito ang naiwan niya sa parke sa sobrang pagmamadali niyang makaalis doon.     Nakita ni Izaiah na biglang natahimik ang babae at tila lumambot na ang masungit nitong anyo kanina. “Magbe-breakfast lang naman ako. ’Tsaka gusto kong ibalik ‘yan sayo. Sorry pala sa nangyari nung isang araw,” paumanhin niya. Tipid na ngumiti ito sa lalaki. “Thank you and sorry din kung nasampal kita,” nahihiyang sabi ni Camille. “Don’t bother. Ang weird ko ano? Napagkamalan pa kita…” napagkamalan kitang asawa ko, iyon ang gusto niyang sabihin.  “I understand you’re just being protective. I mean it’s hard to trust to a stranger like me. Tapos bigla ka na lang yayakapin nang walang dahilan, tama lang siguro na nasampal mo ako,” tila napangiti siyang nahihiya sa pag-amin ng kanyang pagkakamali. “Nabigla lang din ako, so please do accept my apology also…Mr—?” “Izaiah De La Torre,” sabay naglahad siya ng kamay sa dalaga. “Camille Monticello,” tugon nitong nakipagkamay sa kanya. “Yah, I know you’re Camille.” Mas lalong natitigan niya ang babae sa malapitan maganda ito at may pagkakahawig talaga ito sa kanyang yumaong asawa. Agad na bumitiw si Camille sa kamay ng lalaki nang dumating ang order ng lalaki dala ng isang waiter. “If you don’t mind, p’wede mo ba akong samahan mag-breakfast? Just a friendly talk.” Noon lang napansin ni Camille na para sa dalawang tao pala ang in-order ng lalaki. “Uh! Nag-abala ka pa. Thank you, Mr. De La Torre. Pero pasensya na kung hindi kita masasamahan. I’m in a hurry may pupuntahan lang ako. Maybe we can have breakfast, next time?” “Uh! It’s alright. Sige next time na lang.” Nanghinayang siya na hindi niya makakasabay ang dalaga pero atleast may next time naman. Teka, tama ba ang kanyang narinig sinabi nitong next time? Napangiti siya.  “Ikaw na muna ang bahala dito, Grace. I have to go,” bilin nito sa empleyada pagkuwa’y tumingin sa kanya. Tumango siya sa dalaga at pinagmasdan ito habang palabas ng coffee shop. Mukhang nagmamadali nga ito. It’s been three years, ngayon lang siya nakipagkilala ulit sa isang babae. Teka, bakit ba siya nagkakaganito? Nagkaroon na ba ng spark ang kanyang madilim na mundo nang makilala niya ang babae?   “Sir, may order pa po kayo?” anang si Grace na nakatingin sa kanya. Nabaling ang kanyang tingin sa kaharap. Baka napansin nitong sinusundan niya ng tingin si Camille. “Obviously wala na, dalawa na ‘tong na-order ko, eh. Gusto mo sayo na lang,” alok niya sa kaharap. “Ay! Bawal po sa’min, Sir, eh. Take-out mo na lang po,” suhestiyon ng babae na halatang kinikilig habang kausap ang lalaki. “Okay sige at ibibigay ko na lang sa secretary ko.” “Ang swerte naman po ng secretary n’yo, Sir, sana ako na lang secretary n’yo. Joke lang po,” sabay ngisi ni Grace. Ngumiti na lang siya, ‘di naman kasi bago sa kanya na may mga ganitong approach ng mga babae sa kanya.     KANINA pa nakaalis si Camille sa coffee shop pero bakit ang mukha ng lalaking iyon ang nasa isip niya. “Mukha naman siyang matinong tao, sa katunayan ang ganda niya magdala ng damit. Wait, ibig sabihin malapit lang siya dun?” para siyang tanga na kinakausap ang sarili habang nagmamaneho. Hanggang ngayon ay nakikita niya ang lalaki sa kanyang isipan, the way he smile, ang pantay-pantay nitong mga ngipin at magagandang mata na nakatitig sa kanya. “Hay! Camille umayos ka may boyfriend ka na,” aniya sa sarili.   Teka mukhang nakalimutan niyang nagmamadali pala siya. Napahampas siya sa manibela nang makita ang haba ng traffic jam na halos hindi na umuusad. Pupuntahan niya si Ivan sa airport dahil paalis na ito papuntang Cebu. Kanina lang niya nalaman na lilipad pala ito papuntang Cebu dahil mag-aabay daw ito sa kasal ng kapatid ni Cassandra na bestfriend nito. Madalas maikwento sa kanya ng nobyo ang tungkol kay Cassandra. Ayon sa lalaki ay kababata raw nito si Cassandra at talagang close ang kani-kanilang pamilya. Minsan nga ay nagtatampo na siya dahil kapag magkasama sila walang pagkakataon na hindi nababanggit ng lalaki si Cassandra. Minsan na niyang pinagselosan ang closeness ng dalawa pero nauuwi lang sila sa pagtatalo ng lalaki. Hamakin mo na ang lahat ‘wag lang ang bestfriend ko, iyon ang kasabihang mailalarawan niya sa closeness ng dalawa. Kahit naipaliwanag naman sa kanya si Ivan kanina sa telepono na biglaan ang pag-imbita sa kanya ng pamilya ni Cassandra, may parte pa rin sa kanyang utak na hindi niya lubos mapaniwalaan. Kung kaya’t nagpasya siyang habulin ito sa airport dahil gusto niya itong makausap ng personal.     Sa wakas, lumuwag na ang kalsada at ilang minuto na lang ay naroon na siya sa airport. Ang sabi ng nobyo ay ala-una pa naman ang flight nito. May dalawang oras pa siya para makausap si Ivan.   

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.1K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.6K
bc

Contract - Tagalog

read
753.2K
bc

A night with Mr. CEO

read
175.2K
bc

Taz Ezra Westaria

read
106.8K
bc

The Professor's Wife

read
449.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook