bc

HIS DIRTY SECRETS

book_age16+
1.3K
FOLLOW
5.8K
READ
billionaire
revenge
dark
badboy
boss
twisted
city
abuse
secrets
tricky
like
intro-logo
Blurb

⚠️WARNING!⚠️

❕RATED 18+ ONLY❕

THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT LIKE S*x Violence. Please, read at your own risk..

BLURB:

Zyair loves to punish a deceitful woman.

Kinatutuwaan niyang paglaruan ang mga babaeng hindi marunong makuntento sa kanilang mga asawa o boyfriend.

Huhulihin ang loob, paiibigin, gagamitin sa kama, paliligayahin, at pagkatapos ay iiwanan sa pinakamasakit na paraan..

Natural na sa kanya ang manloko, ang katwiran niya, manloloko din naman ang mga niloloko niya. Pero ang totoo, isa ito sa paraan niya ng paghihiganti sa mga kalahi ni Eba. Mga babaeng nagdulot sa kanya ng labis na trauma at paghihirap noong siya ay musmos pa..

Pero nagbago ang lahat ng makilala niya si Esperanza- isang dalagang ina na kung kani-kanino sumasama. Kalaunan ay napagtanto niyang pera ang dahilan ng lahat at ang inakala niyang asawa nito ay kapatid lamang pala. Gusto niyang umatras sa nasimulan, pero huli na...

Naiparamdam na ni Esperanza sa kanya ang isang bagay na ni minsan ay hindi niya inakalang posible niya palang maramdaman sa isang babae. Ang akala niya ay madali lang..

Pero paano kung biglang bumaliktad ang lahat? Paano kung siya naman ang mapapaibig at iiwanan sa pinakamasakit na paraan? Paano niya tatanggapin ang katotohanang isa lamang siyang uri ng trabaho para kay Esperanza? Isang trabahong kailangan pag-igihan kapalit ng malaking halaga...

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“I wonder how she looks like without any make-up.” Napangisi ako sa isiping iyon. Ang katulad niyang babae ay hindi lamang sa mga asawa nila magaling magtago ng katauhan. Maging sa mga koloreteng inilalagay nila sa mukha nila, alam kong nakatago ang tunay nilang hitsura. Muli akong humithit ng sigarilyo habang matiyagang naghihintay sa paglabas niya sa CR. “Tssh, ang tagal. Mukhang nahihiya pang humarap.” Naiiling na kausap ko sa sarili. Medyo naiinip na rin ako. Sinipat ko ang magarang relo sa palapulsuhan ko. May bente minuto ng rin yata siyang naliligo. Tumayo ako at tuluyang tinanggal ang tanging tuwalya na bumabalot sa kahubaran ko. Sinipat ko ang sariling repleksyon sa malaking salamin na nasa tapat ng kama. Napangiti ako sa magandang tanawin na napagmamasdan ko. Ilang minuto pa ay lumangitngit na ang pintuan ng CR. Mula sa salamin ay natanaw ko ang paglabas niya. Kaagad na humalimuyak sa buong silid ang amoy ng sabong ginamit niya. Suot niya rin ang ibinigay kong kulay pulang lingerie pero dahil dim ang ilaw ay halos hindi ko makita nang malinaw ang buong mukha niya. Abot-kamay ko lang ang switch ng ilaw kaya naisipan kong pintudin iyon ng walang pasabi. Hindi ko muna siya tiningnan, gusto kong ma-thrill. Pero napaigtad ako ng biglang may humawak sa balikat ko. Nagulat man ay hindi ko iyon pinahalata. Bumuntong-hininga lang ako at ninamnam ang mainit init na palad niyang humahaplos na noon sa dibdib ko. Nanatili siya sa likuran ko. Aaminin kong nagsisimula ng mag-init ang pakiramdam ko. Napapikit ako ng madaanan ng daliri niya ang sensitibong umbok sa dibdib ko. Hindi na ako nakapagpigil pa. Hinawakan ko nang marahas ang kamay niya at humarap sa kanya para lang matigilan… “God, Ikaw na ba talaga ‘yan?” mahinang tanong ko. I can’t believe it, napaka-amo ng mukha niya. Idagdag pa ang makurba niyang balakang at flat na tiyan. Hindi mapagkakamalang may anak na siya dahil napakakinis ng balat niya. Hindi siya sumagot. Sa halip ay kumunot lamang ang noo niya at nailing nang bahagya. “You look like an angel. A very seductive angel,” paos na saad ko.. Ngumiti siya saka ako sinipat mula ulo hanggang paa. Napakagat labi siya at tiningnan ako ng kakaiba. Ng ilapit niya ang mukha sa mukha ko ay itinulak ko siya nang marahan. I still wanted to play with her. I want her to beg for my touch and kiss. Gusto kong mauhaw siya sa akin. “Please, sabihin mo sa akin kung paano kita mapapaligaya.” Pinalamlam ko ang mga mata ko at marahang pinagapang ang daliri ko sa balikat niya pababa sa kanyang kamay, pabalik sa braso at pababa naman sa kanyang dibdib. Nagpikit siya ng mata. “Yan, ganyan nga.”bulong ko sa 'king isip. Pero nagulat ako ng bigla siyang bumuntong-hininga at marahas na tabigin ang kamay ko. “Babayaran mo ako hindi ba? Kaya hayaan mo akong trabahuhin ka. Hindi ko tinatanggap ang perang hindi ko naman pinagpapawisan. At lilinawin ko lang, Mr. Adler. Hindi tayo narito para magkwentuhan. Wala rin akong plano na makipagkaibigan sa’yo kaya please lang, Let’s get into work. Marami pa akong kailangan puntahan.” Walang emosyon at walang prenong saad niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tinuran niya. Hindi ako makapaniwala. Walang anu-ano’y bigla niya na lang akong itulak ng malakas sa kama.... Butil-butil ang pawis ko ng magising.. Isang panaginip lamang pala.. Napakagandang panaginip! Sino kaya ang babaeng yun?! ................................ "Please, Zyair. Don't leave me like this. I sacrifice everything for you. A-ano bang nagawa kong mali? Magbabago ako, sabihin mo lang kung ano ang gusto mo at susundin ko," hilam ng luha ang mga matang saad ni Selina. Magulo ang mga buhok niya at suot na damit. Kulang nalang ay maglumuhod na rin ang dalaga sa harapan ni Zyair. Yumukod si Zyair at itinapat ang mukha sa dalaga, pinakatitigan niya ang malungkot na mukha nito, bakas ang hirap ng kalooban sa mga mata niya na sobrang ikinalulugod ni Zyair. "Wow, such a satisfying scene!" naiiling na bulong ni Zyair sa sarili habang nagniningning ang mga mata. Mugto na ang mga mata ni Selina dahil sa walang patid na pag-iyak. Gayunpaman ay naroon pa rin ang hindi maitatangging ganda ng babae. Maliit ang mukha niya at animo'y barbie gayundin ang seksing hulma ng katawan nito. Maputi at makinis din ang balat niya. Napangisi si Zyair, balewala na sa kanya ang lahat ng iyon dahil napagsawaan niya naman na si Selina. Lingid sa kaalaman ng kaharap niya, masayang masaya ang pakiramdam ni Zyair. Parang nagawa niya nanamang tuparin ang isa sa mga pinakagusto niyang gawin, ang panuorin kung paano mawasak ang isang babaeng manloloko. "I'm sorry, Selin-" Sukat do'n ay dagling lumuhod si Selina sa paanan ni Zyair. Niyakap na din niya ang mga binti nito ng sobrang higpit. "Hindi ko kakayanin, Zyair! Wala na akong babalikan. Itinakwil na ako ng pamilya ko sa ginawa kong pang-iiwan sa fiance ko para sumama sa 'yo. Ikaw na lang ang meron ako, alam mo yan. 'Wag mo naman gawin sa akin 'to, nagmamakaawa ako sayo," Lihim na tumatawa naman si Zyair pero iba ang pinapakita ng mukha niya. kunwari ay wala siyang nararamdaman. Nanatili siyang nakatayo at nakamasid sa dalaga. "I didn't ask you to do that," malamig na saad niya. "I know, I know. Ginawa ko yun dahil gusto kita, dahil mahal kita. I'm sorry, Huwag mo 'kong iwan," pagmamakaawa pa rin ni Selina pero talagang matigas si Zyair. Naupo ang binata at pilit na binawi ang paa niya kay Selina. Itinayo niya ito at saka inayos at inipit ang magulong buhok sa tainga niya. "I find it very boring, Selin. I need space," "Pero- it's been 1 month, paanong naboring ka kaagad sa akin? Magaling naman ako sa kama, 'di ba? M-may gusto ka pa ba? Sabihin mo lang at aaralin ko. Paliligayahin kita sa abot ng makakaya ko." Umiiyak na saad ng dalaga. "No, there's nothing you can do. I have made up my mind. You better find someone else. Bago naman ako may iba ka pa kahit may fiance ka na. Baka pwede kang bumalik na ulit sa kanila?" "Hindi," mariing umiling si Selina. "Mag-magpapakamatay ako 'pag iniwan mo 'ko," determinadong tugon ni Selina. "Alright, here we go again." Bulong ni Zyair sa sarili. Hindi niya ikinagulat ang narinig. Ilang beses niya na bang narinig ang katagang 'yon sa mga iniiwan niyang babae? Hindi lang tatlong beses, ang totoo, hindi niya na rin matandaan kung ilang beses na. "Oh, I'm afraid I can't come to your funeral," sarkastikong tugon ni Zyair. Sukat do'n ay kumunot ang malungkot na mukha ni Selina. "Seryoso ka ba sa sinabi mo?" Seryosong tumango si Zyair. "Do you mean, baliwala lang sa 'yo kahit magpakamatay ako?" Hindi makapaniwalang tanong ng dalaga. "Yeah! I told you, ayoko na sa 'yo at kung pagbabantaan mo ako upang 'wag ka lang iwan. I'm sorry but that's not for me. I don't have a good heart para mag-alala sayo," walang prenong sambit ni Zyair. "I can't believe I am hearing this words from you, Zyair. Parang kailan lang para kang maamong tupa. Napakarami mong pangako na pinaniwalaan ko, bakit ngayon?" naguguluhang tanong ni Selina. "You better stop believing. Promises are made to be broken. From now on, tandaan mo na yan ha? Saka, give yourself a little respect." Tugon ng binata bago siya nagmamadaling tumayo. "Wait, s-saan ka pupunta?" Habol ni Selina sa kanya. "I'm leaving." Balewalang saad ni Zyair. Muling napahagulgol si Selina subalit nanatili na lamang siyang nakaupo. Sapo ng dalawang kamay ang mukha niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na gano'n ka bilis lang siyang iiwan ni Zyair. Ang mas masakit pa doon ay wala itong sinabing kapani-paniwalang rason sa kanya maliban sa nagsasawa na ito. Nasaktan ng husto ang ego niya bilang babae. Lahat ay itinapon niya at ipinagpalit para kay Zyair. Totoong may ilan pang lalaki sa buhay niya bago si Zyair. Gusto niya kasing lubusin ang pagiging dalaga habang hindi pa ikinakasal sa matagal niya ng kasintahan at ipinagkasundo sa kanya ng kanyang mga magulang. Gusto niyang mag-explore lalo na sa gawaing pang-kama dahil may pagka-conservative ang nobyo niya. Mahusay magsalita at totoong nahulog siya agad sa matatamis na pangako ni Zyair. Bukod doon ay talaga namang napakagwapo nito at maskulado. Hindi niya rin maitatangging lubos siyang napapaligaya sa kama ni Zyair kaya siguro mas lalo pa siyang na-hook sa binata. Ayaw man ni Selina ay kusang tumutulo ang mga luha niya. Saan pa siya ngayon pupulutin? Napahiya na ang buong angkan niya dahil sa ginawa niyangpag-atras sa kasal nila ng kasintahan niya. Dapat ay naikasal niya na noong nakaraang linggo pero dahil nasa piling siya ni Zyair, balewala sa kanya ang dinanas na pasakit ng pamilya at iniwang nobyo. Ang mahalaga sa kanya noon ay ang kaligayang tinatamasa kasama si Zyair. Ang buong akala niya ay hindi na matatapos pa iyon. Akala niya lang pala iyon. Naroon ang kagustuhang magpatiwakal na lang. Tapusin na ang kahihiyang naidulot niya sa sarili at pamilya. Kung naging kuntento lang sana siya, hindi niya daranasin ang ganitong hirap. Subalit mahal niya si Zyair. Sa lalaki niya lang naramdaman ang ganito katinding pagmamahal. Kaya nakapag-isip isip si Selina. Hindi siya maaaring magpatalo na lang! Babawiin niya kung ano ang meron siya. Babawiin niya si Zyair at gagawin niya ang lahat upang mapabalik sa kanya ang binata. Hindi niya kakayaning makita na may kasama itong iba.. Hindi maaari!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
328.6K
bc

Love Donor

read
86.6K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.0K
bc

Unexpected Romance

read
38.1K
bc

A Billionaire In Disguise

read
653.8K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.3K
bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
308.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook