bc

Love me back again

book_age18+
1.5K
FOLLOW
18.2K
READ
love-triangle
second chance
first love
engineer
like
intro-logo
Blurb

Sa makalipas na limang taon mula nang umalis si Cally o mas kilalang Eve ay muli siyang babalik sa Pilipinas dahil sa isang project ngunit hindi inaasahan ni Cally na muling maglalandas ang mundo niya at ng lalaking iniwan niya limang taon na ang nakalipas.

Sa muling pagkikita nila Dylan at Cally ay ano kaya ang kanilang mararamdaman?

May pag-asa pa kayang maipagpatuloy nila ang kanilang naudlot na pagmamahalan o talagang huli na ang lahat?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
FIVE YEARS LATER C A L L I S T A “Goodmorning, Engineer ko!” Tumingin ako sa lalaking sumigaw nang makalabas na ako sa bahay ko. “Oh? Atreus? Nakabalik ka na pala?” tanong ko sa kaniya dahil ang pagkakaalam ko ay sa isang buwan pa ang balik niya rito galing Spain. “Napaaga ang uwi ko dahil maaga ko rin natapos ang project do’n,” sagot niya at lumapit sa akin. “Wala man lang ba akong yakap d’yan, Engineer ko?” nakangiting tanong nito sa akin kaya naman napangiti rin ako. Binukas ko amg aking mga braso upang yakapin siya, agad na magliwanag ang kaniyang mukha nang makita niya ang posisyon ko. Lalapit na siya sa akin nang magsalita ako. “Tara dito, yayakapin kita sa leeg,” sabi ko na nakapagpaatras sa kaniya. “Napaka-harsh mo naman sa akin, parang hindi mo ako niyakap noon,” aniya kaya naman kumibot ang gilid ng labi ko. Kinikilabutan talaga sa tuwing pinapaalala nitong lalaking ’to ang nangyari sa amin dati. “Atreus gusto mo bang isama kita sa sementong pinapahalo ko sa site!?” tanong ko sa kaniya at ang loko tinawanan lang ako. “Mahirap nga palang magbiro sa mga gaya mo, hala! Lumayas ka na! Nasaan si Maxine?” tanong niya sumilip-silip pa sa bahay ko. “Pasukin mo, nand’yan sa loob,” sabi ko at tinalikuran na siya upang pumunta sa kotseng sasakyan ko papuntang site. Hindi mabilis at hindi rin mabagal ang takbo ko ’yong sakto lang. Habang nagda-drive ay sumisipol ako upang sabayan nang kantang tumutugtog sa radio ko. “Hihintayin kita sa iyong pagbabalik...” Napahinto ako sa aking pagkanta nang may pumasok na tao sa aking isipan nang marinig ko amg linya na ’yon. ‘Dylan...’ Limang taon na rin pala ang nakalipas simula nang umalis ako sa Pilipinas. Limang taon na rin ang nakaraan nang huli ko siyang nakita. Napapreno akong bigla nang maalala ko amg kaniyang hitsura no’n. Umiiyak, nagmamakaawa, sumisigaw... ‘Kumusta ka na Dylan?’ Kumusta na kayong lahat? “ENGINEER!!!” Ilang ulit akong napapikit nang marinig ko ang isa na namang boses ng lalaki ang tumatawag sa akin. “GOOD MORNING, ENGINEER!!!” sigaw nito ulit kaya naman ngumiti ako bago bumaba sa aking sasakyan uoang kawayan siya. “Hi, Lenon!” bati ko sa kaniya nang makalapit na siya sa akin. “How are you?” tanong ko rito. “I’m so fine, Engineer. You? Did you eat your breakfast?” tanong nito sa akin kaya naman tumango ako. “Everything is fine?” tanong ko habang nakatanaw sa site. “Everyting is fine!” Masiglang sagot nito kaya naman nakangiti akong napatango dahil sa sinabi niya. “Let’s go,” ani ko at sabay kaming naglakad papunta sa site. “Good morning, Engineer!” “Engineer, good morning!” “Have a nice day, Engineer!” “Be careful, Engineer!” Tanging kaway na lang ang naisagot ko sa mga manggagawa rito sa site, dahil sa dami nila ay siguradong mauubos ang laway ko kakabati sa kanila. Dumiretso ako sa mini office ko rito sa site. “Hay, umaga palang pero pagod na ako,” bulong ko sa aking sarili bago mag-inat. Wala pa nga akong ginagawa peeo nangangawit na ako. Tumingin ako sa lamesa ko at nakita ko ro’n ang aking pangalan. “Engineer...Valencia.” Napakagandang tanawin. Paano ba ’yan, Dylan. Engineer na ako, nagkatotoo nga ang sinabi mo. Hihintayin kitang magpagawa sa akin ng bahay. Natawa ako sa sarili kong naisip. Siya kaya? Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Siguro ay isa na rin siyang magaling at kilalang architect. Siguro ay madami na rin siyang mga project na nakukuha. Siguro ay madami nang nakakakilala sa’yo at siguro ay may nobya ka na rin ngayon. Agad kong kinuha ang cellphone ko nang tumunog ito at nakita ko ang pangalan ni Jade. “He—” “Hello!? Kailan ka ba uuwi ng Pilipinas!?” Napahinto ako dahil sa biglaan niyang pagtatanong sa akin. “Bak—” “Sabi mo no’ng nakaraang buwan ay uuwi ka na tapos hanggang ngayon ay wala ka pa rin dito!” “P’wede ba—” “Sabihin mo kailang ka ba talaga uuwi!?” Napakagat ako sa aking labi dahil nagsisimula na namang uminit ang ulo. “Hindi pa tapos ang project ko rito kaya baka sa isang taon pa ang uwi ko d’yan!” singhal ko. “Kung sa isang taon ka pa uuwi ay ’wag mo nang ituloy,” sabi niya na aking ipinagtaka. “Bakit ba atat na atat kang umuwi ako?” tanong ko sa kaniya at narinig ko muna ang kaniyang mabibigat na hininga bago siya sagutin ang tanong ko. “Ikakasal na si Dylan...” Para akong nanigas sa sinabi ni Jade. “A-ano?” tanong ko rito. Gusto kong masigurado na tama ang narinig ko. ‘P-pero bakit? Bakit... Bakit hindi mo na ako nagawang hintayin, Dylan?’ “Tama ang narinig mo, Cally. Ikakasal na si Dylan,” aniyang muli at nahigpitan ko ang pagkakahawak ko sa aking cellphone. “At kung wala ka na talagang pakialam sa kaniya ay ’wag ka na lang umuwi rito.” “When?” “Siyam na buwan simula ngayon.” Napatango ako sa sinabi niya. Nakakatuwa naman, si Dylan... Ikakasal na ’yon nga lang ay hindi sa akin. Kahit na nahihirapan ay pilit akong ngumiti. Ayos lang ’yon, siguro ay hindi na rin ako nahintay ni Dylan pero kasi hinabol niya ako no’n, pumunta siya sa airport no’n. M-masaya ako... “Cally? Nand’yan ka pa ba?” tanong nang kausap ko sa kabilang linya. “Y-yup, ibaba ko na ’to. Nasa site na kasi ako,” sabi ko sa kaniya. “Sige, mag-isip ka rin minsan, Eve.” Binaba ko ang aking cellphone sa lamesang nasa likod ko. Tinukod ko rito ang dalawa kong braso bago mapayuko at bumigat ang paghinga. Kung gano’n pala ay hindi ka tumupad sa kasunduan natin, Dylan. Ang daya mo, sa loob ng limang taon ay nakahanap ka kaagad nang ipapalit sa akin samantalang ako ay nandito pa rin at umaasang may babalikan pa sa’yo. “Tss, abno.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.1K
bc

His Obsession

read
71.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook