bc

The Story Of Us 2: Timothy Serrano

book_age16+
694
FOLLOW
2.0K
READ
family
love after marriage
drama
twisted
heavy
ambitious
realistic earth
wife
husband
passionate
like
intro-logo
Blurb

The marriage of Timothy Serrano and Scarlett Dela Rama made them stronger. Or at least, that's what they thought. At first, it was pure bliss… the intimacy brought them to heaven. However, they discover more things about each other... that were unknown to them before. The simplest details they ignore turned into something big… leading them to the ugliest part of their relationship.

Understanding, commitment, and communication – three essential elements of a successful marriage. But… what if one of them fails to fulfill all of these? Will they be able to keep their vows? Or... their own vows will destroy them?

chap-preview
Free preview
Prologue
Nakasandal ako sa pader malapit sa pintuan ng banyo. Kanina pa ako hindi mapakali. Ang tagal kasing lumabas ni Scarlett. Kinakabahan tuloy ako. Ilang sandali pa ang lumipas ay hindi pa rin siya lumalabas. Kaya naman nang hindi ko na matiis ay kumatok na ako. "Asawa ko…" tawag ko sa kanya. Itinapat ko ang isang tainga ko sa pintuan. I hear nothing but silence. "Asawa ko…" katok ko ulit. Suddenly, the doorknob twitched. Napa ayos agad ako ng tayo. Lumabas si Scarlett. Nakayuko siya at nanginginig ang kanyang balikat. Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman. "Asawa ko… ano na?" napalunok ako. "I'm..." Nag angat siya ng tingin sa akin. Isang malawak na ngiti ang nakapinta sa kanyang labi. "You are?" "I'm pregnant, Timothy!" masayang sabi niya sabay taas sa resulta ng pregnancy kit. Tumigil ang ikot ng mundo ko. Nakatitig lamang ako hawak ni Scarlett. Dalawang linya. Positive... Napakurap ako. Hindi makapaniwala sa nangyayari. "You are..." kinuha ko ang resulta sa kanya. "You are pregnant!" masayang sabi ko. Niyakap ko ng mahigpit ang aking asawa. She is really pregnant! I knew it... I really knew it. Tuwing umaga ay palagi siyang tamad bumangon. Minsan ay nagsusuka rin siya. She has a lot of cravings. Kapag may gusto siyang kainin, dapat ay mabili ko iyon kaagad. And then, from there... I knew she’s really pregnant. "We're having a baby!" mas mahigpit ang yakap na ibinigay niya sa akin. Tumulo ang luha ko dahil sa sobrang saya.  "I love you so much, Scarlett. You make me happy every damn moment of my life." "I love you too," she answered. I inhaled the sweet and addicting scent of her neck. Wala pa man akong ginagawa ay bigla nang dumiin ang mga kuko niya sa aking likod. I kissed her neck tenderly. Mas niyakap ko pa siya sa baywang. I want her to feel my reaction. Gusto kong malaman niya na siya lang ang nakakagawa sa akin nito. Umakyat ang halik ko sa kanyang pisngi... hanggang sa umabot ito sa labi. Maingat ko siyang hinalikan. Nakapikit na ang kanyang mga mata, tila malapit nang mawala sa sarili. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Indeed, I'm a lucky man. I'm married to her and now she's really pregnant! I really got her pregnant. Iyon talaga ang pangunahing hiling ko nang ikasal kami. Gusto kong magka anak na kami. At ngayon... natupad na ang aking pangarap. Sa loob ng anim na buwan pagkatapos naming ikasal ay marami na’ng nangyari sa amin. Hindi ako makapaniwala na ang babaeng matagal kong inaasam ay napa sa 'kin na ng tuluyan. Mahal na mahal kita, Scarlett. Tumigil ako sa paghalik at binuhat ang asawa ko patungo sa aming kama. Minulat niya ang kanyang mga mata. Niyakap niya ang aking leeg. Nakatuon ang mga mata niya sa aking labi. She's panting so hard right now. Marahan ko siyang binaba sa kama. Nilagay ko sa mesa ang pregnancy kit result. Dinaganan ko siya nang hindi binibigay ang aking bigat. Nakatukod ang aking mga siko sa magkabilang gilid niya. Nagtagpo ang aming mga mata. Ngumiti siya sa akin. "I love you," hinalikan ko ang kanyang noo. "I love you..." Hinalikan ko ang kanyang pisngi. Nilapat niya ang kanyang mga palad sa aking dibdib. Nararamdaman ko na ang init mula dito. My lower part slightly touched her thigh. Napakagat siya sa ibang labi. "Nararamdaman mo?" marahang tanong ko. She nodded, still biting her lower lip. "Kiss me..." utos niya. Napangiti ako. Perks of having a pregnant wife, huh? The first trimester of Scarlett’s pregnancy was hard. Palagi siyang nagsusuka. Kung minsan ay nagagalit siya sa akin nang wala namang dahilan. Gumalaw lang ako ng kaunti, magagalit na siya kaagad. I understand her hormones, though. "Huwag ka'ng masyadong magpapagod," paalala ko sa kanya bago siya pumasok sa trabaho. "Oo…" sabi niya. Bumaba na siya sa aking sasakyan. Hindi man lang niya ako hinalikan. Kahit na masungit ka ngayon, mahal na mahal pa rin kita. On her fifth month, we already knew the gender of our baby. Tuwang-tuwa si Scarlett nang malaman na babae ang anak namin. Mas lalo naman akong naging masaya dahil maliban sa kanya, magmamahal na ulit ako ng ibang babae. 'Yan ay ang magiging anak namin. "Hmm… ano kaya ang magandang pangalan?" Tanong niya. Nakahiga siya sa hubad kong dibdib. Sigurado akong naririnig niya ang bawat t***k ng aking puso. Hinaplos ko ang kanyang braso. Excited na talaga siyang lumabas ang anak namin. Araw-araw ay tumutingin siya ng magagandang pangalan sa internet. Hahanap siya, pagkatapos pag nakakita siya ng mas magandang pangalan, papalitan ulit niya. "Ellena?" I suggest. "Then, we can call her Ellie." Nag angat siya ng tingin sa akin. I can actually see the happiness inside her heart. "Pretty. I like it..." She nodded continuously. Hinaplos ng isang kamay ko ang kanyang tiyan. "Hi, baby Ellie. I'm your Daddy," sambit ko habang nakatuon ang mata kay Scarlett. "I'm so excited to see you." Sigurado ako, mamahalin ko silang dalawa ng higit pa sa aking buhay. Lahat ay ibibigay at gagawin ko para sa mag-ina ko. I will love and protect them forever. Hindi ko hahayaan na may manakit sa kanilang dalawa. "Why don't you pursue Medicine?" Tanong ni Doc Francis sa akin habang kasama niya akong nag iikot sa ospital. "I'm not underestimating your job, but... you know... you can do better than that. Magaling ka, Timothy. Kaya nga na-promote ka agad, ‘di ba? Just an opinion, though. You're still young… marami pang pintuan ng oportunidad para sa 'yo." "I'm fine with my job, doc…" sagot ko. "Tsaka, buntis ang asawa ko. Magkaka-anak na kami. Hindi ko alam kung mabibigyan ko pa ng oras ang pag-aaral." "Well, kung 'yan ang gusto mo…" ani Doc. "Pero kung magbago man ang isip mo... sabihan mo lang ako." I must admit, it was really a good opportunity. Kaso ay matagal na panahon na naman ang ilalaan ko para dito. Hindi ko alam kung maipagkakasya ko ang mga oras ko para sa pag-aaral at pamilya. In the end, I refused to acknowledge it. "This is our room," sambit ni Scarlett nang bisitahin namin ang ginagawang bahay sa Tagaytay. Sa ngayon kasi ay doon muna kami tumutuloy sa condo ko. Kaya naman minamadali na namin ang bahay. Malaki rin ang natipid namin ni Scarlett dahil siya ang Architect at si Jude naman ang Engineer. Niyakap ko siya mula sa likuran. Hinaplos ko ang kanyang tiyan. Isang buwan na lang, lalabas na ang anak namin. Hindi na ako makapag hintay. "Baby Ellie, this is our house…" hinalikan ko ng paulit ulit ang balikat ni Scarlett. Napahawak agad siya sa aking mga kamay. "Timothy... may mga nagtatrabaho sa ibaba," saway niya. Hindi ko siya pinakinggan. I slightly bit her shoulder. Halos mapasinghap siya sa ginawa ko. "Hindi naman sila aakyat dito,"bulong ko. "And… it's not my fault that I have a very beautiful pregnant wife." "Stop it…" she moaned. "Hindi mo naman tinutuloy." Tumawa ako sa kanyang leeg. She arched her head. "I couldn't risk it. You know me... baka matamaan ko si Baby Ellie." "Then... stop it." Nag leave na rin ako sa trabaho bago manganak si Scarlett. Natatakot na kasi akong iwan siyang mag-isa. Kahit na sinasabi niyang ayos lang siya, nag-aalala pa rin ako. Mas mabuti na iyong sigurado. Pinagmamasdan ko siya habang natutulog. Sa loob ng halos isang taong pagsasama namin, hanggang ngayon ay nandito pa rin ang kakaibang saya sa puso ko. Parang kahapon lang kasi nangyari ang lahat. Masaya ako dahil sa bawat pagtupad niya sa kanyang mga pangarap ay kasama niya ako. Gumalaw siya ng kaunti. Tila hindi mapakali sa kanyang pwesto. Hinawakan ko ang kanyang noo. Pawis na pawis ito. "Scarlett?" napabangon ako. Minulat niya ang kanyang mga mata. Mapungay ang mga ito. "Timothy…" nahihirapan niyang sabi. "M-manganganak na a-ata ako." Nataranta ako nang maramdaman na basa na ang aming kama. Sht! Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Pinalitan ko muna ang damit niya bago ako magbihis. Sigaw siya ng sigaw kaya mas natataranta ako. Ni hindi ko na matandaan ang mga pangyayari. Pinaharurot ko kaagad ang sasakyan hanggang sa makarating kami sa ospital. Sinugod agad siya sa Delivery Room. Hindi ko siya iniwan. I kissed her hand. Sobrang diin ng hawak niya sa akin. Bumabaon na ang mga kuko niya sa aking balat. "Push…" sambit ng OB. "I can see her head." Huminga ng malalim si Scarlett at paimpit na pinigilan ang pagsigaw. Kagat niya ang ibabang labi niya. "Uhh... Timothy!" kitang kita ko ang paghihirap sa kanyang mukha. Basang basa na rin ang kanyang leeg dahil sa pawis. Palipat lipat naman ang tingin ko sa mga Nurse at sa aking asawa. Hindi ko maipirmi ang aking mga mata. Humihingal na si Scarlett. But still… she managed to push it. "Malapit na, Mrs. Serrano…" anang OB. Tutok ang mga mata niya sa pagitan ng hita ni Scarlett. Isang malakas na tulak pa ang ginawa ng asawa ko hanggang sa lumabas na ang aming anak. Nanghihina siyang tumingin sa akin habang hinihingal. Lumuwag ang hawak niya sa aking kamay. "She's here…" bulong ko sabay halik sa kanya. Pagod siyang ngumiti sabay pikit ng kanyang mga mata. Naluha ako nang makita ko ang anak namin na nililinisan ng mga Nurse. She's so tiny, but very beautiful. Sigurado akong nagmana siya sa kanyang ina. Ang iyak niya ay nagsilbing musika sa aking tainga. Nilagay na sa nursery si baby Ellie. Si Scarlett naman ay nilipat na sa ibang kwarto. Wala pa rin siyang malay. Pasikat na ang araw nang tawagan ko ang mga magulang namin. Sinabi ko sa kanila na nanganak ang asawa ko. Pati sa mga kaibigan namin ay masaya ko itong ibinalita. Thank you so much, Scarlett. We are now a family. Nandyan na ang prinsesa natin. Sigrado ako, matutuwa ka paggising mo. Makikita mo kung gaano siya kaganda. Napatingin ako sa pintuan nang bumukas ito. Dumating na ang mga magulang ni Scarlett. Tumayo ako at nagmano sa kanila. "Kumusta?" Tanong ni Mommy. "Nasaan na ang apo namin?" "Ayos na po si Scarlett… nagpapahinga lang. Nasa nursery naman po ang anak namin." Tumango siya. Tinabihan niya si Scarlett. "Sana'y tinawagan mo kami kaagad para may nakasama ka." "Ayos lang po, Dad. Medyo nataranta na rin po kasi ako kagabi kaya hindi na ako nakatawag." Tumabi siya sa akin. Tinapik niya ang aking balikat. Ngumiti siya sa akin. "Magulang na kayo…" "Opo, Dad..." ngiti ko. Pinagmasdan ko ang aking asawa. "Sobrang saya ko." Ilang sandali pa ay nagpaalam muna sila sa akin para tingnan si baby Ellie. Tumabi ulit ako kay Scarlett. "Hmm," gumalaw ang kanyang mga daliri at unti unting bumukas ang mga mata niya. Nilibot niya ang kanyan paningin. Tumigil ang mata niya sa akin nang makita akong nasa tabi niya. "Si... baby Ellie?" bakas pa rin ang panghihina sa kanyang boses. "Nasa nursery," ngiti ko. "Ang ganda niya. Kamukha mo." "Gusto ko siyang… makita." "Mamaya na lang. Magpahinga ka muna ng maayos," hinalikan ko siya sa noo. "Nandito na rin si Mommy at Daddy. Excited sila sa kanilang unang apo..." Ngumiti siya at tumango. "Thank you, Timothy…" aniya. "Salamat dahil hindi ka umalis sa tabi ko habang nanganganak ako." "That's my duty," inayos ko ang kanyang buhok. "Sorry kung nasaktan ka..." biro ko pa. "A good kind of pain, though," mahina siyang natawa. "I really love you, Scarlett. Sobrang saya ko dahil binigyan mo ako ng magandang anak." "That's our child. Binigyan natin siya ng buhay. Kaya dapat ay magpasalamat ka rin sa sarili mo," hinawakan niya ang aking mga kamay. "And... I love you too, Timothy. Mahal ko kayo ni baby Ellie." "Aalagaan ko kayo." Pagkalipas ng tatlong buwan ay bininyagan na ang anak namin. Medyo malaki na siya at malusog. Mas nakikita ko na rin ngayon na nagmana talaga siya kay Scarlett. Magkatulad ang kanilang mga mata at labi. "Yiie... ang cute talaga ni baby Ellie!" ani Wendy habang hawak niya ang anak namin. "Ang sarap pisilin ng pisngi!" "Hoy, bawal 'yan!" sita ko agad. "Ito naman! Nagbibiro lang..." tawa niya. Binigay niya sa akin si Ellie. She's sleeping peacefully now. Pero kaninang nasa simbahan kami, iyak siya ng iyak. Hinanap ko si Scarlett. Nandoon siya sa mesa kasama ang kanyang mga katrabaho. Ngumiti agad siya nang makita ako. Nagpaalam siya sa kanyang mga kasamahan. Lumapit siya sa akin at agad na kinagra ang aming anak. "Oh... napagod na ang prinsesa namin!" "Oo nga," hinapit ko ang baywang niya. "Kanina pa kasi pinagpapasahan." Gabi na nang matapos ang party ni baby Ellie. Pagod na pagod kaming tatlo dahil sa dami ng bisita. Alas otso pa lang ay humihikab na ng husto si Scarlett. Pumasok agad sa siya sa kwarto pagdating namin sa condo. Ako naman ay bumalik pa sa sasakyan para kunin ang mga natanggap na regalo ng anak namin. Tatlong balik din ang ginawa ko bago makuha ang lahat. Nang pumasok ako sa aming kwarto ay naabutan kong bini-breastfeed ni Scarlett si Ellie. Humihikab siya habang pinagmamasdan ang anak namin. Sinara ko ang pinto pagkatapos ay umupo sa tabi niya. "Pagod ka na," sabi ko. Tumango siya. "Medyo. Papatapusin ko lang ang anak natin," humikab ulit siya bago magsalita. "Timothy... babalik na nga pala ako sa trabaho sa susunod na buwan." Natigilan ako sa sinabi niya. "Uhh, medyo na-extend na rin kasi ang leave ko. Hindi naman pwedeng mawala pa ako ng isa pang buwan…" she bit her lower lip. "Tambak na ako ng ibang projects." "Ahh, sige…" sagot ko. "Gusto mo bang kumuha na lang tayo ng mag-aalaga sa anak natin?" Umiling agad siya. "Ayoko," aniya. "Gusto ko ay lumaki sa pangangalaga natin si Ellie." Well, then... "Gusto mo ba... uhm, umalis na lang ako sa trabaho? Kung gusto mo..." Inayos niya ang kanyang damit nang tumigil na ang anak namin. Gulat siyang tumingin sa akin. "Timothy, hindi naman sa ganun," aniya. "Hindi ganun ang ibig kong sabihin." "Ayos lang naman sa akin," ngumiti ako. "Tsaka, ganun din naman ang gusto ko. Ako na lang ang magbabantay sa anak natin." Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi. "I'm gonna file a resignation letter."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
86.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.3K
bc

His Obsession

read
71.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook