bc

Who's my 2001?

book_age12+
4
FOLLOW
1K
READ
age gap
friends to lovers
self-improved
drama
tragedy
sweet
Writing Challenge
YA Fiction Writing Contest
bxg
sassy
like
intro-logo
Blurb

Amor is a simple woman with a kind heart. Her parents died in an accident kaya naman kailangan niyang maging matatag at maging masipag para mapag-aral ang kaniyang kapatid. She's a minor kaya maaga siyang minulat ng mundo.

He has a new friend named Enrico, they share the same interests and are always together. They always laughed for no reason, Amor just felt comfortable with Enrico.

Amor believes what fortune teller says that her future love was born in the year of 2001. She had to find it even though she didn't know if it was true, she just believed.

chap-preview
Free preview
Prologo
Alas-onse pa lang ay maaga na akong lumabas ng bahay. Na-trauma na ako ng sigawan ako ng guro ko kahapon dahil late na akong nakapasok sa klase niya.  Kinailangan ko kasing daluhan ang meeting sa school ng kapatid ko kaya nahuli ako sa klase. Habang naglalakad ay may mga bumabati sa akin dito sa aming lugar. Sadyang kilala na talaga ako dito dahil sa nangyaring trahedya sa mga magulang ko, hindi lang doon dahil kilala rin akong madiskarte kaya marami akong kapitbahay na lumalapit sa akin para magtanong kung may raket ba ako.  Kinuha ko ang payong sa bag ko dahil sa sobrang init ng panahon ngayon. Mukhang mato-toasted ang sunog kong balat. Umakyat ako sa overpass at binilisan ang paglalakad. Para akong nasa impyerno sa sobrang init. Nasa ika-siyam na baitang palang ako at buwan na ng pebrero ngayon. Malapit na ang bakasyon kaya makakahanap na ako ng pansamantalang raket para sa pangpa-aral ko kay Chielo, pitong taong gulang kong kapatid na babae. Tsaka para na rin sa pangkabuhayan namin dahil ayoko naman umasa sa mga kamag-anak kong kuripot.  Natanawan ko ang isang tent sa hindi kalayuan. Mukhang may bago na namang itinayong tindahan dito sa Sandigan. Mas binilisan ko pa ang lakad ko at agad na bumaba ng overpass. Pinuntahan ko iyon kung saan nakatayo at tinignan ang karatulang nakasabit sa labas. Kinuha ko ang tubig ko sa bag at uminom sa sobrang uhaw.  Do you wonder what your fate is?  What do you want to know about your future?  Is this your last generation?  We can predict your future for only 50 pesos!  Medyo naging interesado ako sa sinasabi ng karatula. Gusto kong malaman kung ano ang mangyayari sa buhay namin ni Chielo sa hinaharap. Gusto kong malaman kung magkaka-lovelife ba ako? Hindi naman siguro masama ang malaman kung ano ang magiging buhay pag-ibig ko hindi ba? Sa hirap ng buhay ay kailangan ko rin ng mga ganitong kaalaman sa buhay. Pero hindi ko sinasabing magno-nobyo o mag-aasawa na kaagad ako. Nilabas ko ang wallet ko at nakita kong isang daan lang ang nadala ko ngayong araw. Napapikit ako ng mariin at nag-desididong magpahula ngayong araw. Walang masama, singkwenta pesos lang iyon at mababawi ko rin iyon sa mga raket ko. Pumasok ako at madilim dito. Ang tanging nagbibigay ng liwanag ay ang isang kristal na bola na umiilaw. Nakaupo ang isang medyo may katabaang babae na may panyo sa ulo, maraming alahas sa katawan at balot na balot na pananamit. “Maupo ka,” sabi niya at inilahad ang kamay sa upuang nasa harapan niya. Sinunod ko ang sinabi niya at umupo ako doon. Pinagkatitigan ko ang kristal na bolang umiilaw. Nakakamangha lang dahil ngayon palang ako nakakita ng ganitong klase lalo na’t pagmamay-ari ito ng manghuhula. “Gusto ko po sana magpahula,” sabi ko sa kaniya ng mapansing naka-titig lang ito sa akin. “May trahedya ka muling mararanasan, hindi ngayon pero sa hinaharap.” Nginitian niya ako. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ang palad ko. “Magiging masaya ka sa piling niya.” “Sa piling po nino?” tanong ko ng hindi ko maintindihan kung ano ang tinutukoy ng manghuhula. “Ingatan mo siya, pinanganak siya noong taon ng 2001.” sabi niya at binitawan ang kamay ko. “Yun lang.” “Teka po, sino po ba ang tinutukoy ninyo?” “Basta makikilala mo nalang siya, tandaan mo ang mga sinabi ko dahil sinisiguro kong lahat ng nasa palad mo ay totoo.” Kinuha ko ang pambayad at nilagay sa lamesa kung saan nakalagay ang bolang kristal niya. Tumayo na ako at nagpasalamat sa kaniya bago nag-martsa palabas. May mga pumasok na tanong sa isipan ko sa mga sinabi ng manghuhula. Kakaiba ang naramdaman ko lalo na’t sinabi niyang may bagong trahedya na namang mangyayari sa hinaharap. Nagtataka ako kung sino ang tinutukoy niya. Magiging masaya raw ako sa piling niya at dapat ko siyang ingatan? Ito na ba ang pag-ibig ko? Who’s my 2001? 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

WHAT IF IT'S ME

read
66.2K
bc

Rewrite The Stars

read
94.6K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
231.4K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
124.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook