bc

Virgin Hunt (Tagalog)

book_age16+
532
FOLLOW
2.0K
READ
zombie
brave
doctor
bxg
mystery
scary
apocalypse
horror
weak to strong
virgin
like
intro-logo
Blurb

She is determine to search for her parents and wanted to know what is the reason why they leave her alone. Kaya naman ay hindi siya nag-alinlangan at nakasama niya ang kaniyang boyfriend sa kaniyang paghahanap. But when they are started to search, suddenly unexpected event came. There was a virus that killed a million of humans.

Now, they need to survive, in order to save their lives. Can they survive with this phenomenon?

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue Sa ilalim ng makulimlim na langit. Sa panaka-nakang pagsilip ng haring araw sa mga ulap para magbigay ng liwanag sa buong paligid. Ang mga huni ng ibon at ang sigawan ng mga tao sa paligid habang sinusundan ang mga kumpulan ng tao sa unahan. Mga iyakan ng ilan at ang mga putok ng baril. Mga huni pa ng insektong hindi niya na maintindihan. At isang mahabang alulong ng kung ano na mula sa kanilang likuran. She was running out of breath. Hingal na hingal na siya sa kakatakbo simula pa kanina. Sa tantiya niya'y halos tatlong oras na siyang tumatakbo sa loob ng malawak na kagubatang ito. Naliligo na rin siya sa sariling pawis. Humihina na rin ang kanyang mga paa sa pagtakbo lalo na't pulos galos na ang mga ito. Idagdag pa ang katotohanang naiwan niya ang sapin ng paa sa kung saan kanina. Kailangan niyang makaalis at makalayo sa kagubatang ito! Hindi nila dapat siya maabutan. Hindi dapat nila siya makita. Hindi dapat siya mamatay agad. Kailangan pa siya ng kanyang mga pamilya. Marami pa siyang pangarap sa buhay. They are running. A lot of people like her. They want all to be alive. They want all to survive. Chasing. . .running. . . "Run! Run! They are approaching! Run as fast as you can!" Nanginig ang buong kalamnan niya nang marinig ang isang sigaw ng lalaki sa kanilang likuran. Mas binilisan niya ang pagtakbo. Kahit na pagod na pagod na siya at wala nang lakas. Kahit nanlalabo na ang kanyang paningin ay hindi pa rin siya tumitigil. Hanggang sa sumabit ang paa niya sa nakausling ugat ng isang punong-kahoy. "Oh, f*****g s**t!" mura niya nang bumagsak ang buong katawan niya sa lupa na padapa. Naramdaman niya ang ibayong sakit mula sa kaniyang paa. Ipinikit niya nang mariin ang mga mata habang pinipigilan ang mapasigaw dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Hindi niya napansing nakaapak na pala siya ng isang matulis na pinutol na sanga ng punong-kahoy. Nakatayo iyon kung kaya't diretso sa kanyang paa. Tagos na tagos sa dapa-dapa hanggang sa ibabaw. "Tumakbo ka na! Mamatay ka!" sigaw sa kanya ng isang matandang babae na may suot na salamin. Puti na ang buhok nito habang mahinang nagtatakbo. Anong nangyayari? Anong mayroon sa lugar na ito? Anong klase o ano ang humahabol sa kanila? Bakit sila hinahabol? At bakit sila kailangang tumakbo? "Oh, s**t!" Napatingin siya sa lalaking naka-white gown laboratory ang suot nang marinig niya ang mura nito. Nakatingin ito sa kaniya at napatingin sa kanyang paa'ng may naka-tusok na isang matulis na sanga ng punong-kahoy. "Wala na tayong oras," wika nito sabay buhat sa kaniya at isinama siya sa pagtakbo. Napatingin siya sa matandang babae. Nanlalaki ang mga mata nitong nakasunod ang tingin sa kanila. Bakit hindi ito tinulungan ng lalaki at siya ang tinulungan nito? Weird. Hindi niya na kaya pang pigilan ang pagsama ng kanyang pakiramdam. Hinang-hina na siya. Kung kaya't unti-unting nanlabo ang kanyang mga mata at tuluyan nang nawalan ng malay sa bisig ng lalaking karga-karga siya. - "TELL me, are you virgin?!" Nasampal niya ito nang malakas sa kanang pisngi dahil sa naging tanong nito sa kanya. "What the hell?!" mura ng lalaki pagkatapos nitong makita ang dugo sa gilid ng labi. Nagising siya na sa isang hindi pamilyar na silid. Nakahiga siya sa kama. Malinis na ang buong katawan niya at may mga band-aid na ang lahat ng mga galos at pasa niyang natamo sa buong katawan. Maging ang kanyang paa'y nakabenda na. Tinapunan niya nang masamang tingin ang lalaki. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. "Ayon ba ang paraan ng pasasalamat mo sa pagligtas ko sa iyo?" Tinaasan niya ito ng kaniyang kilay. "Hindi ko naman sa iyo sinabing ililigtas mo ako!" Mas sumama ang titig nito sa kanya. "Sana nga hindi na lang kita tinulungan kanina." Umiling ang lalaki saka humakbang na papalabas ng silid na kinaroroonan niya. Pero tumigil ito nang nasa pintuan na. Nanatili itong nakatalikod sa kanya. "If you are virgin, they will be hunting you. . . if you are not, then you will die." Pagkatapos nito iyong sabihin ay malakas nitong isinara ang pinto. Napalunok siya ng sariling laway dahil sa sinabi ng lalaki. Napatingin siya sa labas ng bintana at nakaramdam ng kakaibang takot na noon niya lang naramdaman sa tanang buhay. Muling nanumbalik sa kanyang isipan ang sinabi ng lalaki sa kanya bago lang. "If you are virgin, they will be hunting you. . .then if you are not, you will die." "Is this a virgin hunt?!" Well, if that's the case. . . she needs to survive.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
11.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
117.6K
bc

His Obsession

read
63.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook