CHAPTER 1
GD's POV
"Kuya? Kuya... "
"Ma? San si kuya?" Tanong ko kay mama
"Ba't mo naman hinahanap? Alam mong may trabaho ang kuya mo ngayon diba" Sagot ni mama habang nagsasampay ng mga damit sa labas ng bahay.
"Ah ganon ba? Hintayin ko na lang sya na umuwi" Tugon ko sabay upo sa duyan na nasa tabi lamang ng pintuan ng bahay namin
"Ba't naman hihintayin mopa kuya mo? Busy sa trabaho yun, magugutom ka lang kakahintay. Ang mabuti pa kumain ka muna dun" Paliwanag ni mama
"Sige po"
Pumunta na lang ako sa kusina at kumain. Maya maya pa'y pumasok na sina papa kasabay ni kuya Sol.
"Wow lechon!" Nagagalak na tugon ni kuya.
"Kumain na kayo riyan. Masarap ang ulam ngayon" Wika ni papa habang kumakain
Tumayo ako para kunin ang plato at binigay kay kuya. Pagkatapos ay umupo narin ako para kumain.
Masaya kaming nagsasalu-salo kami sa lamesa nung tanghaling iyon.
"Sol kamusta nga pala yung pag apply mo dun sa ano nga yun?"
"Naghihintay na lang sa tawag ma" Sagot ni kuya
"Mabuti yan nak, para may pandagdag tayo sa gastusin dito sa bahay. Alam mo naman na mahina na ang papa"
Tinignan lang ni kuya si papa sabay subo sa pagkain nito
"Ahh...nga pala ma, pa, magpapaalam po sana ako if pwede ho ba akong sumali sa boy band?" Tanong ko sakanila na may halong galak
Excited ako na sabihin yun sakanila kasi pangarap ko talagang maging rapper at makasama sa isang boyband. Hinintay ko ang sagot nila at tinignan ko si kuya
"Talaga bunso? Eh diba pangarap mo yan? I pursue mona yan malay mo dyan ka ma discover diba" Tugon ni kuya.
Alam ko namang sinasabi lang yun ni kuya para payagan ako nina mama at papa na sumali. Alam ko naman kasing tutol si mama sa pagrarap ko. Si kuya lang ang tanging naniniwala sa kakayahan ko. Kaya kahit alam ko ang sagot nila, hinintay ko parin ang reaksyon nina mama
"Alam nyo ba ma, matibay yan si GD,. Nakita ko mga sinulat nyang kanta ang gaganda" Pangungumbinsi ni kuya
Natigilan si mama sa kanyang kinakain at tumingin sa'kin
"Kaya mo bang tustusan ang pangagailangan mo sa boy band na yan?" Tanong ni mama
"Eh ma ano po-"
"Tignan mo, aasa ka pa yata sa kuya mo. Eh alam mo namang nagdo doble kayod si Sol para lang may pang gastos dito sa bahay. Sya pa nagpo-provide ng pang baon mo tapos dadagdagan mo pa sa pagsali mo sa mga boyband boyband na yan"
Mahigpit ko lang na hinawakan ang kutsara ko at napansin yun ni kuya kaya sya na ang nagsalita
"Ma, kaya ko namang-"
"Anong kaya Sol? Ano hahayaan mo na lang ang kapatid mo sa mga luho nya habang ikaw nagkakanda kuba na sa pagod? Hoy GD, bat di mo muna unahin yang pag aaral mo... Ng balang araw makatulong ka naman dito sa bahay. Ang daming gastusin oh... Tumatanda na kami ng mama mo alam mo yan. Hindi magtatagal mawawala na rin kami kaya dapat matuto ka nang tumayo sa sarili mong mga paa" Wika ni papa
"GD alam kong pangarap mo yan, pero sana isipin mo muna kung makakatulong ba yan sa ipangtutustos mo dito sa bahay. Ang pamasahe mo lang magkano? Sana inisip mo man muna si Sol, sya ang gumagastos para mapag aral ka at para makapagtapos ka. Kaya sana intindihin mo muna na kailangan nating unahin ang pangagailangan natin anak" Dugtong ni mama
Natigilan kami ni kuya sa mga salita ni mama at papa. Nag side eye na lang si kuya saakin at ramdam ko ang awa nito.
"Hmm sige po... uhm kalimutan na lang natin yung mga sinabi ko sainyo. Don't worry kuya mag-aaral na'ko ng mabuti para makatulong ako sa'yo someday... Mauna na po ako ma, pa, kuya Sol"
Nawalan na'ko ng gana sa pagkain. Sumubo na lang ako ng isa at umalis
KINAGABIHAN
******************************************
SOL's POV
Pumasok ako sa kwarto at nakita ko si GD na hawak ang songbook nya. Hindi yung sa karaoke ah.... Ito yung notebook na dala nya lagi, punung-puno ng mga kantang sinusulat nya. Mag aalas-dyes na ng gabi noon kaya tinapik ko ang balikat nya para Hindi na sya magpuyat.
"Huy... Anong ginagawa mo? Gabi na ah nagsusulat ka pa?" Ani ko habang patuloy lang sya sa pagsulat at parang ayaw tumingin sa'kin.
"Okay lang ako kuya...tapusin ko lang 'to" Sagot nya habang patuloy sa pagsulat
"Nagsusulat ka nanaman, is this about what happened earlier?" Tanong ko
Tumigil sya sa pagsulat at humarap sya sa akin ng maluha-luhang mata
"Umiyak ka ba?" Natatawa kong sambit pero ang totoo naaawa ako sa kanya
"No kuya, sayang lang kasi yung opportunity gusto ko din ma experience. Kaso nga-"
"Kaso ayaw nina mama? Alam mo tol tama si mama eh...dapat pag-aaral nmn talaga ng inuuna mo Hindi yan" Natatawa kong tugon sakanya
"Hay nako kuya kung sesermonan mo lang ako gaya nina mama, nako matulog kana lang nakakarindi s tenga ulit ulit kayo" Pagrereklamo ni GD
"Yan ang hirap sa'yo, kapag pinagsasabihan ka. pasok sa kabilang tenga, labas sa kabila. Pano ka matututo nyan?"
"Ginagawa ko naman best ko ah. Hindi pa ba sapat yun? Gusto ko lang naman kahit papano ipakita yung tunay na ako. Kuya gusto ko maging rapper" Paliwanag nya
"Wala tayong magagawa kung ayaw nina mama...pero hindi ko naman sinabing tutol ako sa pangarap mo diba?" Ani ko
"Ano ibig mong sabihin kuya?" Tanong nya
"Sus! Wag ka nang mag deny alam kong alam mo kung ano sinasabi ko... Ang ibig kong sabihin, suportado kita sa kahit na anong gusto mong gawin. But good doings only ha. Ayokong magkaroon ng kapatid na baliko" Natatawang tugon ko
Umiiwas sya ng tingin ng mga oras na iyon. HAHAHA parang hindi ko kadugo ah. We just watch each other eye to eye that time. Hindi ako sanay na malungkot si GD kaya binasag ko na ang katahimikan ng kwarto namin.
"Ilan ba gagastusin mo dun?" Diretsa kong tanong
"Ha?" Sabi nya. Tinignan nya ako ng may halong kyuryosidad
"Ha..." Tinawanan ko na lang sya sa pag iinarteng ginagawa nya ngayon
"Ang sabi ko magkano magagastos mo jan sa boyband na yan? Pamasahe, yung entrance fee at registration fee meron ba? And where will it happen?" Sabi ko
"Wehh???? Tutulungan mo'ko kuya? Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh salamat kuya" Sabi nya habang tumatalon sa saya
"Alam mo naman na Hindi kita matitiis diba.... Oh eto spend it for good things and para yan sa pangagailangan mo dyan sa boyband na yan" Paliwanag ko
"Pero kuya sweldo mo to ah... 5k? Sobra na to" pag aalangan nya habang ibinabalik sa akin ang ibang pera
"Kulang pa yan para malaman mong nandito lang ang kuya kasama mo sa pagtupad ng pangarap mo. Kaya siguraduhin mong makakapasok ka jan sa boyband na yan ah sisingilin pa kita" Tumatawa kong tugon sa kanya
"Maraming salamat talaga kuya, hayaan mo pag nanalo ako ibabalik ko agad sa'yo to promise" Pangangako nya
"Ang mahalaga maranasan mong tuparin ang pangarap mo. At tsaka ano yung sinabi mo kaninang para ma ipakita mo yung tunay na ikaw eh kilalang kilalang na kita" Pagbibiro ko
"H-huh?" Kinakabahan nyang sabi
Ramdam kong nag init ang ilong ni GD nang sabihin ko iyon. Pinitik ko na lang ang ilong nya para Hindi na sya mag alala
"Sige tulog na bading" Biro ko sabay taklob ng kumot
"Kuya!!" Naiinis nyang tugon at binato ako ng unan sa braso
Masaya na'ko makita lang na masaya si GD. Gusto kong sya ang tumupad ng pangarap na binuo ko bago ako magsimulang magtrabaho. I haven't given a chance to experience reaching my dreams that's why I want him tho reach it up for me. It's time for GD, and I want to make sure that time is for him
—TO BE CONTINUED—