bc

Fantasy Book 1: They Exist

book_age0+
1.3K
FOLLOW
7.2K
READ
dark
possessive
arrogant
manipulative
twisted
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Ito ang kwentong magbibigay sayo ng pag-asa

na kahit magkaiba pa kayo ng mahal mo ay mayroon pa ring chance na maging kayo.

Mabigo man kayo o magtagumpay, at least sinubukan niyo. Hindi kayo nagpadala

dun sa bagay na pinagkaiba niyo.

Marami pa ngang misteryo ang itinatago ng

mundo. Marami pang kababalaghan ang hindi pa nalalaman ng mga tao. May mga

nilalang pa na nakikihalubilo sa atin na hindi pa natin nakikilala. Sila ang

mga Exist. Iyan ang tawag nila sa kanilang mga sarili.

Sampung taon lang ang buhay ng isang Exist.

Hindi katulad ng mga tao sa sampung taon na iyon ay kawangis na nila ang isang

dalawampu't limang taong gulang at kasing talino naman ng isang apatnapung

taong gulang na tao. Maliban sa mapanghalina nilang pisikal na kaanyuan ang

bawat isang Exist ay nagtataglay ng isang natatanging kapangyrihan na siya

lamang ang nagtataglay.

Nakatakdang pigilan ni Jelan Areus ang

masasamang adhikain ni Jorizce Avio. Tutulungan siya ni Fantasia at hindi nila

maiiwasang pagyabungin ang paghangang ikinukubli ng bawat isa. Isa na naman

bang kasalanan na dulot ng pagmamahalan ang mabubuo? Paano kung mas maraming

lihim pa ang mabunyag? Kakayanin ba ng isang mortal na babae na umibig sa isang

lalaking iiwan din siya sa kalaunan? Kakayanin ba ng isang Exist na mawala sa

isang babaeng natutunan na niyang mahalin?

Pasukin ang isang bagong misteryo. Buhayin

ang iyong mga pantasya. Ito ang Fantasy Book 1: They Exist.

To my dearest readers:

Dark Erotic Fantasy Romantic Comedy, lahat

po yan ay sasakupin ng FTE. Series po ito at ito ang unang libro. Maambisyon

ang konsepto ng kwentong ito kaya hindi ka dapat bumitiw hanggang sa huli. Sa

lahat ng vampire story lovers dyan heto ang handog ko para sa inyo. Though

semi-vampire story lang ito. Hehe!

Neri Joy Jayson

chap-preview
Free preview
Prologue
PROLOGUE 2013 Isang malakas na kalabog ang narinig ni Fantasia sa labas ng bahay. Nasa sala siya sa ibaba ngayon ng two-storey house ng kanyang kaibigang si Jeremiah. Dito na siya tumira mula ng mamatay ang mga magulang sa isang car accident limang taon na ang nakararaan. Alas-dos na ng madaling araw. Wala siyang kasama sa bahay dahil nakabakasyon ang kaibigan at ang ate nitong si Ma. Eunice. Hindi na naman siya pinatulog ng kanyang panaginip. Napanaginipan na naman niya ang dalawang lalaking hinahabol siya. Tumatakbo siya at lagi siyang napupunta sa dulo ng isang bangin. "Ano kaya yun?" Natanong niya sa sarili. Kabado siyang lumapit sa pinto ngunit nagdadalawang isip siya kung bubuksan ito. Huminga siya ng malalim at mabilis niyang binuksan ang pinto. "Wala naman pala." Lumabas pa siya upang maniguro ngunit wala naman siyang nakitang kung ano sa kadiliman ng gabi. Tumaas lang ang kanyang balahibo ng biglang umihip ang malamig na hangin. Papasok na sana siya sa loob ng biglang sumara ang pinto. "Hangin lang yun kaya sumara ang pinto," pangungumbinse nya sa sarili. Pilit niyang inaalis ang takot na nararamdaman. Kumabog ng mabilis ang dibdib niya bago niya buksan ang pinto. Pagbukas niya ay patay na ang ilaw sa loob ng bahay. Tumingin siya sa kalapit na bahay ngunit nakasindi naman ang mga ilaw dito. "Baka naman naputulan lang kami ng kuryente. Baka naman hindi nakapagbayad sina Miah." Patuloy pa rin siya sa pagpapalakas ng loob gayong alam naman niyang bayad sila sa kuryente sa buwang ito. Ang totoo pa niyan ay siya pa ang nagbayad ng kanilang bill noong nakaraang linggo. Pumasok siya kasama ang kaba na nararamdaman. Kakapain na sana niya ang switch sa gilid ng may biglang may humawak sa kanyang mga paa. "Ahhh!" Napasigaw siya sa takot. Tatakbo sana siya palabas ng lalong humigpit ang pagkakahawak sa kanyang mga paa. "He-help me." Boses ng isang lalaki ang lalo pang nagpadagundong sa kabang kanyang nararamdaman. Baka magnanakaw ito o baka naman mamamatay tao o pwede ring pagsasamantalahan siya nito. Ang nakakapagtaka lang ay humihingi ito ng tulong. "Huwag mo akong papatayin! Maawa ka naman sa akin." "Help me please." Mabilis niyang kinapa ang switch sa gilid. Pagsindi ng ilaw ay tumambad sa kanya ang isang sugatang lalaki. Gula-gulanit na ang suot nitong putting t-shirt at may bahid ng dugo. "Kriminal ka ba? Bakit ka duguan?" Pinakawalan na siya nito dahilan para siya'y lumayo. "No no I'm not. I just need your help. Only for tonight." Napaisip siya sa sinabi nito. Darating na rin bukas ng mga alas-otso ng umaga ang kanyang kaibigan at ang ate nito kaya nangangamba siyang malaman ng mga ito na nagpapasok siya ng lalaki sa bahay na duguan at hindi nila kakilala. Hindi siya papayag, iyon ang desisyon niya. Ngunit bakit may kakaibang bumubulong sa kanyang puso na dapat niya itong tulungan. Pinagmasdan niya ang mukha nito at buong kabuunan ng lalaki. Matangos ang ilong nito, makinis ang kutis at asul ang kulay ng mata. Matangkad din ito at maganda ang pangangatawan. Maaaring kaya ito nagsasalita sa wikang banyaga ay dahil banyaga nga ito. Kung hindi lang dahil sa dugo nito sa katawan ay masasabi niyang isa itong perpektong lalaki kung panlabas lang din naman na kaanyuan ang pagbabasehan. "Sige tutulungan kita." Hindi niya alam kung bakit niya iyon nasabi. Humahanga siya sa lalaking ito at hindi niya iyon maikakaila. Hindi siya kagandahan, morena siya, may mga taghiyawat sa mukha at kapansin-pansin ang nunal sa kanyang ilong na may buhok pa. Kabaligtaran ng pangalan niyang Fantasia Aldana ang kanyang pisikal na kaanyuan. Hindi siya pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan dahilan kung bakit dalawampu't isang taong gulang na siya ay wala pa rin siyang nagiging nobyo. Pangalan lang ang maganda sa kanya. Baka ang lalaking ito na ang sagot sa kanyang mga pantasya. "Thank you. I'll leave very soon. I just need to rest." Inakay na niya ang lalaki papanik sa itaas sa unang kwarto. Bakit ganito ang nalalanghap niya mula rito? Hindi ito malansa at amoy dugo o pawis man lang. Nangingibabaw pa rin ang isang mabangong halimuyak mula rito. Amoy lalaki, yung lalaking masarap amuy-amoyin. Ito ang lalaking pinangarap niya. Muntik na niya itong mabitawan dahil sa pinag-iiisip niya. Hiniga niya ito sa kanyang kama. "Kabigat mo naman... Sandali lang huh kukuha lang ako ng bimpong basa para mapunasan ka. May sugat ka pa bang malala o mga galos lang?" Umiling lang ang lalaki sa tanong niya. Bumaba na muna siya sa kusina upang kumuha ng palanggana. Nilagyan niya ito ng tubig at saka kumuha ng bimpo. Pagbalik sa kanyang kwarto ay muntik na niyang mabitawan ang dalang palanggana. Nakahubad na ang pang-itaas ang lalaki. Hindi niya maiwasang mapalunok dahil sa abs nito. May bahid pa ito ng dugo at tila nagpapapunas na sa kanya. "Ahhhhhh.... Pupunasan lang kita ah?" Hindi ito tumugon. Nakatulog na yata. Okay lang na mapuyat gabi-gabi kung ganitong lalaki naman ang dahilan ng pagkapuyat mo. Naisip niya habang pinupunasan niya ito. Hindi niya maiwasang hindi tumingin sa abs nito at pati na rin sa mga brasong pinupunasan niya ngayon. Gusto niya itong diinan at damhin ang muscle nito roon pero pinangungunahan siya ng hiya. Hindi na sana niya pupunasan ang katawan nito ngunit nabigla siya ng hawakan ng lalaki ang kanyang kamay at dalin ito sa katawan nito. She gulped again. Hinagod niya ang bimpo sa katawan nito. Para siyang nagsisilbi sa isang Diyos na sa mga kwento lang sa Greek mythology mababasa. Ilang sandali pa ay unti-unting naglalaho ang sugat nito sa katawan. Dahil sa bigla sa nasaksihan ay tatayo n asana siya sa pagkakaupo sa gilid ng kanyang kama ngunit bigla siyang hinatak ng lalaki papunta sa rito. Nang kanyang matanto ay magkalapat pala ang kanilang mga labi. Mabilis ang naging takbo ng mga pangyayari. Pumaibabaw sa kanya ang lalaki. Siya na ngayon ang nasa ilalim nito. Malakas na ito, iba na sa kaninang nanghihina. "Huwag mo naman akong pagsamantalahan oh... Please!" napalitan ng takot ang kabog ng kanyang dibdib. "Pssshhh..." at inangkin nito ng tuluyan ang kanyang mga labi. Gusto niyang pumalag sa ginagawa nito pero hindi niya maitatangging gusto niya rin ito at nakikipagsabayan na rin ang kanyang mga labi sa mga labi nito. He started to unworn his pants and underwear. She felt she was hypnotized by his body. Hinayaan niyang hubarin din ng lalaki ang kanyang mga saplot. Nagsimulang halikan ng lalaki ang kanyang paa papanik sa kanyang hita. Nilagpasan nito ang kanyang p********e bagkus pumanik ito papunta sa kanyang hinaharap. Ito lang ang masasabi niyang maganda sa kanya. Kakaibang sensasyon ang dulot sa kanya ng labi nito. She moaned when his lips touched her neck. "Tigilan mo na to." Mahina niyang bulong dito. Natigilan ang lalaki sa ginagawang paghalik sa kanyang leeg. Tumayo ito at mabilis na sinuot ang pantalong nakakalat sa sahig. "I'm sorry. Thank you for taking care of me." He hurriedly went out the room. "Sandali lang!" Hahabulin pa sana niya ito dahil baka hindi pa ito magaling. Paglabas niya ng kanyang kwarto habang nakahubo't hubad ay nawala nalang bigla ang lalaki. May malamig na naman na hangin siyang naramdaman dahilan para bumalik siya sa loob ng kanyang kwarto. "Sayang naman yun." Tinakpan niya ang bibig sa kanyang sinabi. "Ano ba ang sinabi ko? Hindi ako nanghihinayang. Muntik na nga akong mapagsamantalahan eh." She laid herself on her bed. "Parang siya yung mga lalaki sa pantasya ko, sa mga panaginip ko. Teka lang, sa mga panaginip?" Nangilabot siya ng maalala niyang ang lalaking kaninang pinatuloy niya sa kanyang kwarto ay ang isa sa lalaking humahabol sa kanya sa kanyang mga panaginip. Please follow me on my social media accounts! Thank you! Facebook: Neri Joy Jayson / https://web.facebook.com/jayson.aldama.5 Twitter: @lady_25me I'm super active below *you can really interact with me* Instagram: @neri_joy_jayson Youtube: Neri Joy Jayson / https://www.youtube.com/channel/UCduNEWNBT3UIBJrpmtdsc8g

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.1K
bc

NINONG III

read
362.6K
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.7K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
171.2K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook