LASM ( VICTOR VAN ART ) : CHAPTER 1
VICTOR POV
I was driving my car on my way home. I saw a woman standing on the side of the bridge. I thought she was waiting for someone. But to my surprise, she stepped on the bridge. I stopped my car and ran towards and stop her plan.
"Miss! Miss! Stop don't jump. Whatever your problem is, we can talk about it," i said.
"Don't come near me!" sabi niya habang umiiyak.
She was about to jump but I quickly grabbed her hand at bumagsak kaming dalawa sa kalsada.
"What the hell are you doing!? Why did you stop me!?" sigaw niya.
"Are you crazy, what do you want me to do, I'll let you jump?"
"Oo, bingi ka ba? Hayaan mo na ako! Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko. My family reject me because I am pregnant, my boyfriend left me after he got me pregnant! Para ano pa kung mabubuhay ako?!" sigaw niya .
Tumayo siya at pumatong ulit sa ibabaw ng tulay.
"I said stop it. Is that what you want? Suicide? Think of your baby, that baby is innocent hindi mo siya dapat idadamay," i said.
"You have no idea! Hindi mo ako maintindihan, ganiyan naman kayong mga lalaki e, pagkatapos ninyong makuha ang gusto ninyo at kapag nabuntis na, tatalikuran niyo!" singhal niya.
"Why, have you ever had a relationship with all men? Not all men are cheaters, 'wag mong isisi sa lahat. It is your fault also, you've been trusted him and now what? Even innocent one dinadamay mo!" i said to her.
"Wala kang pakialam! Just leave, leave me alone!" sigaw niya. I didn't listen to her, nagsimula nang pumatak ang ulan.
"I won't leave you here, get in my car," i said.
Hindi siya nakinig at nakatungo lang siya habang umiiyak.
"Get in my car, it's raining."
Lumalakas na ang ulan at nababasa na kaming dalawa.
"Umalis ka na, 'di kita kailangan," sabi niya. I rubbed my forehead and sighed. Nilapitan ko siya at binuhat, pinasok ko siya sa kotse ko at mabilis akong sumakay. I removed my coat and give it to her.
"Wear this," abot ko sa coat ko.
"What are you doing? Buksan mo ang pinto ng kotse! Hindi ako sasama sa 'yo!" sigaw niya. Hindi ko na siya pinakinggang.
I start the engine and drive, napalingon ako sa kaniya dahil narinig ko siyang humikbi, hinayaan ko na lang siya hanggang sa tumigil na siya.
"Good evening, sir," bati ng mga guards.
"Good evening," I respond. Binuksan ko ang kabilang pinto ng kotse at kinarga siya. Nakatulugan niya pala ang pag-iyak kanina.
"Manang?" twag ko kay Manang Lucy, katiwala ko sa bahay.
"Victor, ikaw pala. Sino 'yang karga mo?" tanong niya.
"I didn't know her. But she need to change her clothes, naulanan kami pareho," sabi ko.
"Gano'n ba? Sige, dalhin mo na lang siya sa guest room, ako na ang bahala sa kaniya, kukuha lang ako ng pamunas," sabi sa akin ni Manang.
Dinala ko siya sa guest room at dahan-dahan ko siyang hiniga sa kama. Hinawi ko ang hibla ng kanyang buhok at pinagmasdan ko siya. She's beautiful sleeping Angel. Naalala ko ang mga sinabi niya kanina, may pinagdadaanan pala siya. How irresponsible that man. Umigting ang panga ko sa inis, after he got her pregnant?
"Iho, magbihis ka na rin. Nagpagawa ako ng sopas kay Merlin kainin mo 'yon," sabi ni Manang pagpasok. I nod my head at lumabas. I took a shower and wear my pajamas at bumaba. Pababa na si Manang at lumapit sa akin.
"Hindi mo ba kilala ang babaeng iyon? Saan mo siya nakita?" Manang asked. Sinabi ko sa kaniya ang nangyari at pati na rin ang problema ng babaeng 'yon.
"Susmaryusep, kawawa naman pala ang babaeng iyon. Magandang bata, at halatang galing sa mayayamang pamilya. Pero bakit naman siya tinalikuran ng kaniyang nobyo, mga kabataan talaga ngayon hindi na iniisip ang kanilang mga ginagawa sa buhay," She said.
"I'll talk to her tomorrow Manang. Thank you, matulog na po kayo. Thank you sa soup," I said. Umakyat na ako sa taas at sinilip ko muna siya bago dumiretso sa aking kuwarto.
My parents died because of car accident. I only have Manang Lucy, she took care of me. I was just young child when I studied to handle our family business. When I come at my right age, the company named transferred to me. And now, I am the number one billionaire. I have almost everything, money, luxury cars, condo, hotels, resorts and many more. There's only one thing that I don't have. A complete Family.
My parents death was questionable. I don't believe that it was an accident and I will not stop chasing those people that capable of my parents death.
ANDREA POV
Nagising ako sa malambot na kama at mabangong kwarto. Mabangong kuwarto?
Napabalikwas ako ng bangon at sinuri aking sarili, nakapantulog na ako. Inalala ko ang nangyari kagabi. Iyong lalaki, hindi kaya... hindi kaya siya ang nagpalit ng damit ko? Mabilis akong umalis sa kama, naghilamos ako at lumabas, ang laki ng bahay, halatang mayaman. Hinanap ko ang hagdanan, bumaba ako at may nakita akong babae na naka uniporme.
"Ahm, excuse me," sabi ko. Lumingon naman siya.
"Good morning po, maam, ano pong maipaglilingkod ko?" nakangiting sabi niya.
"G-good morning, itatanong ko lang kung na saan ako at ikaw ba ang nagbihis sa akin?" tanong ko.
"Nandito po kayo sa mansion ni Sir Victor at hindi po ako ang nagbihis sa inyo," sagot niya. Victor? Victor ang pangalan ng lalaking 'yon?
"G-gano'n ba, sige salamat," sabi ko. Inilibot ko ang paningin ko sa bahay, ang ganda ng disenyo at halatang mamahalin ang mga gamit.
"Magandang umaga sa'yo iha," napalingon ako sa may edad na babae.
"G-good morning po," sagot ko.
"Mabuti naman at gising ka na, nagugutom ka na ba? Ipaghahanda kita ng almusal," tanong niya. Mabait naman siya, siguro siya ang mayordoma ng bahay na ito.
"Ahh ako nga pala si Manang Lucy, katiwala sa bahay na ito. At 'yong babae naman na nakausap mo kanina si Merlin," sabi niya .
"Gano'n po ba? Andrea po, Andrea ang pangalan ko," sabi ko sa kaniya.
"Tara ipaghanda kita ng makakain, mayamaya lang gigising na ang alaga ko," sabi niya. Si Victor siguro ang tinutukoy niya.
"Kung nagtataka ka, ako ang nagbihis sa iyo kagabi, basa ka kasi kaya pinapabihisan ka ni Victor," sabi niya.
"S-salamat po, Manang Lucy," nahihiyang sabi ko.
"Naku wala 'yon, nagtaka nga ako kung bakit may kasamang babae si Victor. Akala ko nga girlfriend niya pero no'ng sinabi niya sa akin ang problema mo, hindi na ako nagtanong," sabi niya sa akin.
"Ahm, pasensya na po kayo sa abala, aalis din po ako rito," sabi ko.
"And who told you that you can leave?" sabi ng lalaking pinanganak sa sama ng loob.
"Oh, iho gising ka na pala, tamang-tama nagluto ako ng almusal, umupo ka na at ihahanda ko na ito," sabi ni Manang.
"Thank you Manang and a cup of coffee please," sabi niya.
"And why I can't leave? Hindi ko bahay 'to and you? You were just a stranger ruining my plan," sabi ko sa kaniya.
"Manang, don't let her go. Mahirap na baka maisipang magpakamatay ulit baka ako pa ang masisisi," sabi niya .
"Oh, siya, siya mamaya na kayo magbangayan at masama iyan, nasa harapan kayo ng grasya," saway ni Manang sa amin.
"Tsk," singhal ko.
Natakam ako sa pagkain na nasa mesa kaya hindi ko na siya pinansin at kumain na lang ako. Hindi pala ako nakapaghapunan kagabi.
"Ang takaw, can I have one?" tanong niya habang tusok ng tinidor ang hotdog.
"No," sagot ko.
"What?" sanong niya.
"I said no, hindi kita bibigyan magluto ka kung gusto mo," sabi ko.
"Aysss," sabi niya at nilapag ulit sa plato ang hotdog, natawa ako ng lihim sa inasta niya. Kinuha ko 'yon at kunyaring ilalagay ko sa plato ko.
"Oh sa'yo na, actually busog na ako. I'm just teasing you," sabi ko at tumayo na.
Bumalik ako sa kuwarto ko at nakatayo sa harap ng bintana. Naalala ko ang batang nasa tiyan ko. "Im sorry baby, I'm sorry if naging mahina si mommy. Kapit ka lang diyan ha, I promise I will take care of you," sabi ko sa kaniya habang himas-himas ko.
May narinig akong katok sa pinto.
"B-bukas yan," sabi ko. Bumukas 'yon at mga yabag niya ang narinig ko.
"Don't worry aalis rin ako ngayon dito sa bahay mo. Salamat at pasensya na sa abala," diretsong sabi ko.
"Did I say na aalis ka?" tanong niya.
"No, ako ang gustong umalis. Isa pa ayokong may naabalang tao, I have to be independent. I have to stand on my own for my child. Ayokong umaasa sa iba," sabi ko sa kaniya.
"Look, I'm sorry about last night. I just can't watch you out there and pretend that I didn't see you, trying to suicide," sabi niya.
"No, ako ang dapat na mag-sorry. I'm sorry, kung hindi dahil sa'yo, baka wala na kami ng anak ko ngayon. Tama ka, hindi ko siya dapat idadamay sa katangahan ko. Thank you," sabi ko sa kaniya at binigyan ko siya ng matipid na ngiti.
"It's okay, it doesn't matter. You know what I can help you," sabi niya . Napatingin naman ako sa kaniya.
"You're helping me already V-victor, you save me and you save my child. Malaking utang na loob ko na 'yon sa'yo," Sabi ko sa kaniya.
"Yeah, but, in your situation. Saan ka pupunta kung aalis ka rito?" tanong niya.
"Hmm, maghahanap. Kailangan ko rin magtrabaho para may magamit ako sa kapanganakan ko," sagot ko.
"You don't have to work. Just take my offer as a friend, just a friend. I let you stay here in my house, hanggang sa manganak ka. I will help you for your baby needs," abi niya.
Nagulat ako sa sinabi niya, seryoso ba siya?
"Are you serious?" tanong ko
"Do I look like kidding?" tanong niya.
"But Victor, we don't know each other. Kagabi lang tayo nagkita," sabi ko sa kaniya.
"Then let me introduce my self to you. I'm Victor Van Art," pakilala niya.
"Andrea Sylvania," pakilala ko at inabot ang kamay niya.
"Magkakilala na tayo, puwede na ba tayong maging magkaibigan?" tanong niya.
"Oo naman," sagot ko.
"Will you take my offer now?" tanong niya.
Seryoso talaga siya, kung tatanggapin ko 'yon, malaking tulong na 'yon sa amin ng anak ko. Hindi rin ako sigurado kung ligtas kami kapag aalis ako rito sa bahay niya.
"Sige, but just for 10 months. Hanggang sa makapanganak at maka-recover ako. Puwede ba 'yon?" tanong ko.
"Yeah sure. Don't worry hindi kita sisingilin, everything is free for the both of you," nakangiting sabi niya.
"Thank you Victor. Hindi ko alam kung ano ang maisusukli ko sa'yo. But don't worry, hindi ako maging pabigat rito sa bahay mo," sabi ko sa kaniya.
"It's okay. But be careful, you are pregnant. May katulong naman at si Manang Lucy, she can help you," sabi niya. Tumango lang ako bilang sagot.
"So I have to go, you need anything?" tanong niya. Napaisip naman ako. 'Yong phone ko kinuha ni Daddy, may kaunting pera ako sa bag. 'Yong bag ko nga pala?
"Ahm, Victor na saan ang bag ko? May dala akong bag kagabi," tanong ko. Naroon ang mga I.D's ko at iba pa.
"Oh I forgot, naiwan ko sa kotse. Wait me here, kukunin ko lang," sabi niya at lumabas na ng kuwarto.
Tama na siguro 'yong ipon ko para makabili ng bagong damit. Hays, pinalayas nila ako na tanging bag ko lang ang dala ko at 'yong suot ko kagabi.
Mayamaya pa nakabalik na siya dala ang bag ko.
"Here," sabi niya sabay abot sa akin.
"Thank you." Hinalungkat ko ang gamit ko at sinilip ko ang wallet ko.
"Ahm, Victor puwede ba akong pumunta sa mall? Bibili lang ako ng bagong damit. Wala akong dalang damit 'di ba," sabi ko.
"Yeah sure. I'll come with you," sagot niya.
"Hindi ba nakakaabala? Puwede naman akong mag commute," sabi ko sa kaniya.
"I insist, change your clothes. I'll wait you downstairs," sabi niya at lumabas na ng kuwarto. Nagbihis agad ako at bumaba.
"Let's go?" tanong niya.
"Yes," sagot ko.
Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse niya. Sports car, ang yaman talaga ng taong 'to but I wonder, bakit hindi niya kasama ang mga magulang niya.
"Ahm, Victor, can I ask? Pero kung hindi mo sasagutin okay lang," sabi ko.
"Go on, what is it?" sabi niya.
"Ahm, itatanong ko lang kung na saan ang mga magulang mo. I mean, are you separated with them?" tanong ko. Matagal siyang hindi sumagot.
"They died when I was 12 years old because of car accident," sagot niya .
"Ah okay, I'm sorry," sabi ko at tumingin sa labas ng bintana.
"How about you? Are you not in good terms of your father or mother?" tanong niya.
"Hmm, actually my Dad hates me. Madalas nasasaktan niya ako, walang magawa si Mommy dahil sinasaktan rin siya ng Daddy. Lahat ng gusto niya sinusunod ko, hanggang sa dumating sa point na naging rebelde ako. Gala, inom at nakipagrelasyon ako ng sekreto. Pero nagkamali ako, nalasing kami at 'yon, may nangyari na 'di dapat. And then, after 1 month I found out na, buntis ako. Sinabi ko sa boyfriend ko pero tumanggi siyang siya ang Ama, funny right. Maybe, that was my karma and then Mommy found out about my pregnancy. Pumasok pa rin ako, I was a graduating student, pag-uwi ko sampal ni Daddy ang sumalubong sa akin. He was so mad at me, sinampal niya ako ng dalawang beses, at pinalayas. He took my phone too and cards. Buti nalang may cash akong naipon 'yon lang ang dala ko pag-alis ko ng bahay, wala ring magawa si Mommy," kwento ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
"I'm sorry to hear that," sabi niya.
"It's okay, I feel better parang nabawasan 'yong bigat ng kalooban ko," sabi ko sa kaniya.
Nasa mall na kami at naghahanap ako ng mga damit na bibilhin ko. Nakasunod lang sa akin si Victor at tumitingin.
"Miss pa-punch ng mga 'to, salamat," sabi ko sa saleslady.
"Maam, 8,789 pesos po lahat," sabi ng cashier.
Kinuha ko ang pera sa wallet ko at binayaran ang mga 'yon.
"Here's your change Maam, thank you. Come again po," Sabi ng cashier.
"Thank you," sabi ko at kinuha ang paper bags.
"Give it to me, ako na ang magdadala," offer niya.
"No, it's okay kaya ko pa naman e. Mamaya pag 'di ko na madala lahat magpapatulong ako sa'yo," sabi ko.
Hindi na siya nakipagtalo. Sa groceries naman kami nagpunta, mamimili ako ng makakain ko, nakakahiya naman sa lalaking 'to kong pati pagkain ko siya pa ang gagastos. Habang namimili ako, natatakam ako sa nuts. Hindi ako mahilig nito dati pero ngayon naglalaway ako. Kumuha ako ng limang piraso, may peanut butter din. Tapos naghanap ako ng dark chocolate flavor ice cream and vanilla. Normal lang ba sa buntis ang ganito? tanong ko sa isip ko habang namimili.
"Is that all you want?" singit ni Victor.
Tiningnan ko ang cart ko, 'di pa naman marami ang groceries ko. Last kong kinuha ay ang fresh milk.
"Okay na 'to, ikaw do you need anything?" tanong ko sa kaniya.
"Nope. Let's pay your groceries and take a lunch. It's already 12, I am hungry," sabi niya.
"Sorry, tara na," sabi ko at nagmamadaling pumila.
Binayaran na namin at naghanap ng makakainan.
"Where do you want to eat?" tanong niya.
"Hmm, ikaw na mag-isip," sagot ko.
Dumiretso lang siya at sumunod lang ako. Pumasok siya sa isang restaurant na tingin ko ay mamahalin ang mga pagkain.
"Chose your order, my treat," sabi niya.
"Sure ka? Puwede naman tayong maghati," sabi ko.
"No, my treat. Keep your money, you need it," sabi niya.
"Okay, pork steak, rice and ice tea." Iyon na lang ang pinili ko.
"Okay, waiter?" Tawag niya sa crew. Agad naman itong lumapit sa amin.
"Yes, sir?" tanong nito.
"One pork steak, rice and ice tea for her and beef steak, rice and ice tea for me," order niya.
"Right away, sir," sabi ng crew.
Habang naghihintay kami ng order, may nakita akong dalawang tao na familiar sa akin. Totoo pala ang mga chismiss na nasasagap ko. A cheater and a snake. Napakaliit nga naman ng mundo. There is anger inside of me. Gusto ko silang sugurin na dalawa.
"Andrea? Are you okay?" tanong ni Victor.
"Yeah, I just saw a familiar faces. Don't worry I'm fine," sabi ko.
Dumating na rin ang orders namin at nagsimula na kaming kumain.
A couple of minutes, lumabas na kami ng restaurant. Tinulungan na ako ni Victor sa mga pinamili ko. Habang naglalakad kami palabas, nagkabanggaan kami ni Thea.
"Hey, are you blind?!" singhal niya. Nabitawan ko ang paper bags ko, agad namang lumapit si Victor para tulungan ako. Hinarap ko siya na may ngiti sa labi.
"No, I'm not, baka ikaw?" sabi ko. Nagulat naman siya, hindi niya siguro akalain na ako ang nakabangga niya.
"It's good to see you again Thea and Andrie," bati ko sa kanilang dalawa.
"A-andrea?" bulalas niya.
"Yes, it's me. Bakit parang nakakita kayo ng multo? Ah, oo nga pala, sino ba namang hindi magugulat 'di ba? What a small world right?" sabi ko.
"N-nice to see you, best," sabi ni Thea. Tumawa ako ng malakas.
"Wow! How sweet of you. After what you did? May lakas ng loob ka pang tawagin akong best?" gigil kong sabi.
"Andrea, don't make a scene here," saway ni Andrie.
"Oh, relax Andrei by the way. So the rumors are true, about the two of you. Kaya pala, kaya pala tinalikuran mo 'ko," sabi ko. Hindi ko napigilan pa ang sarili ko, gusto kong sabihin lahat ng gusto kong sabihin sa dalawang 'to.
"Andrea, not here. We can talk in private," mahinahong sabi ni Thea.
"Private? Bakit? Dahil ba nahihiya kayo? Nahihiya kang malaman ng lahat rito na... Inahas mo ang boyfriend na magiging ama na sana ng anak ko!" madiin kong sabi.
"Andrea stop it," saway ni Andrie.
"No! You shut up! Bakit no'ng pinigilan kitang 'wag akong iwan, nagpapigil ka ba? Hindi ba tinalikuran mo 'ko, kami ng magiging anak mo sana!" madiin kong sabi.
"Andrea, I'm sorry," sabi ni Thea.
I slapped here.
"Traidor! Ahas! We're friends since highschool Thea. Napakabait ko sa'yo pero tinraidor mo 'ko, inahas mo ang boyfriend ko! And now, mag-so sorry ka!? I'm sorry but I won't forgive you! Sl*t, a traitor b*tch!" singhal ko .
"And you! Kakarmahin ka rin. You will never ever meet your child. Dahil simula no'ng araw na tinalikuran mo 'ko, tinalikuran mo na rin ang pagiging Ama sa anak ko!" sabi ko kay Andrei at umalis na sa harapan nila. Dumiretso ako kung saan nakaparada ang kotse ni Victor at naghintay sa kaniya. Tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinigilan.
"Get in," sabi ni Victor at pinagbuksan ako ng pinto. Sumakay ako at tahimik akong umiyak ng umiyak.
Nakarating na kami sa bahay niya. Kinuha ko ang mga pinamili ko sa compartment para dalhin sa loob.
"Let me help you," sabi niya. Hindi na ako umimik at hinayaan lang siyang tulungan ako.
Umakyat ako sa taas at inayos ang mga pinamili kong damit.
"Can I come in?" Tanong ni Victor.
"Oo naman, may kailangan ka ba? Iyong mga pinamili ko nga pa lang foods okay lang ba kung ilagay ko sa ref mo 'yong iba?" tanong ko.
"Si Manang na ang nag-ayos," sagot niya.
"S-salamat," sabi ko at matipid na ngumiti.
"Is he the father?" tanong niya. Natigilan ako at tumingin sa kaniya.
"Yeah, si Andrei and that woman, she's my best friend, ex best friend," sagot ko.
"Okay, don't stress yourself for them, mind your baby and you also. Tomorrow sasamahan kitang magpa-check up, if you want," sabi niya.
"Victor, you don't have to do that. I can manage my self. Living here, at your house is a big help to me. Kaya ko naman sarili ko, ako na lang ang magpapa-check up bukas," sabi ko sa kaniya.
"Hmm, fine. You can use my car, iiwan ko kay Manang ang susi, you can used that gray honda civic. And you can ask one of the guards to drive," sabi niya. Bakit ang bait ng taong 'to? Masyado na siyang maraming naitulong sa akin. Sana balang araw masuklian ko 'yon.
"Hey, Andrea are you listening?" pukaw niya sa akin.
"Ahh, ahm yeah t-thank you," sabi ko sa kaniya.
"Your welcome, lalabas na ako. If you need anything ask Manang okay?" bilin niya.
"Sige, thank you ulit," sabi ko at lumabas na siya ng kuwarto.
Pagkatapos kong mag-ayos ng mga gamit ko bumaba na ako.
"Manang, 'yong mga pinamili ko po?" tanong ko.
"Nasa ref iha, at 'yong iba nandito sa cabinet na ito. Sabi ni Victor sa iyo daw 'to, dito mo ilagay ang mga pinamili mo, para kapag kailangan mo hindi ka na maghahanap," sabi niya.
"Maraming salamat po Manang. Ang bait-bait ninyo parang si Victor, subrang bait niya," sabi ko.
"Gano'n talaga ang batang 'yon iha. Simula no'ng mawala ang magulang niya ganiyan na siya. Sa katunayan, may orphanage siya na pinagawa. Victorius Orphanage ang pangalan, kapag may mga bata siyang nakikita sa kalsada, dinadala niya ang mga 'yon roon. Binigyan niya ng mga damit, mga pagkain at pinag-aral niya pa," kwento ni Manang.
"Talaga po Manang? No wonder, lagi siyang pinagpala ng Dios," nasabi ko.
"Oo iha, at nagpatayo din siya ng paaralan. Ipinangalan niya ito sa kaniyang magulang," Sabi niya.
"Ano pong pangalan ng school?" tanong ko.
"Corazon El Rico School of Art's and Academic," sabi ni Manang. Namangha ako sa pangalan ng eskwelahan na 'yon, narinig ko na ito minsan sa mga kaklase ko, maganda raw ito at malaki. Siya pala ang nagmamay-ari.
"Siya pala ang nagmamay-ari ng eskwelahang 'yon Manang?" tanong ko.
"Doon ka ba nag-aaral iha?" tanong niya.
"Hindi po, pero naririnig kong pinag-uusapan ng mga kaibigan ko ang school na 'yon, maganda at malaki raw ito," sabi ko.
"Totoo 'yan, nakatitiyak akong masaya ang mga magulang niya dahil napakabuti ng anak nila. Hindi kagaya sa ibang mayayaman na matapobre at mapagmataas," sabi ni Manang. Naubos ko ang ice cream habang nagkwentuhan kami ni Manang. Marami siyang na kuwento tungkol kay Victor. Ang swerte ng magiging asawa niya, bukod sa mabait, mayaman, guwapo pa ito at masasabi mong he is the man that the woman's dream.