bc

Get Drunk with the Writer

book_age16+
318
FOLLOW
1.2K
READ
forbidden
confident
sweet
gxg
humorous
bold
secrets
slice of life
reckless
turning gay
like
intro-logo
Blurb

Christienne Uy, 18. Straight STEM student. She's part of the Senior High Dance Squad and their University Choir. Aside from dancing and her fondness for music, Christienne is also interested in some forms of writing. Preferably, works of her favorite writer 'uhtceare'

Aliyah Nheo Vicencio, 18. A closeted bisexual and also a STEM student. She writes a lot wherein she gathered a lot of readers from her published stories, poems and proses, inspirational literature and other more that can be linked to writing. However, with the vast number of her followers, no one even knew that she is the author behind every successful piece of stories. Aliyah hides behind her pen name 'uhtceare'.

Sa pagtatagpo ng kanilang mga landas, saan hahantong ang relasyon nila mula sa unang pagkikita sa isang bar hanggang sa pagiging boardmates?

Get Drunk with the Writer, fvck the poet.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Christienne’s POV  “Virgin ka naman no?” baling ni Xedrick sa akin. Napansin ko naman na halos maibuga ni Britney ang iniinom niya. Lumalalim na ang gabi ngunit hindi ito pansin sa lugar na kinalalagyan ko. Mula sa pwesto, pansin ang animo’y dagat na bilang ng mga tao. Sabay-sabay sila sa pag indayog sa musikang ibinibigay ng DJ sa gawing stage.   “Huy, ‘yong bibig mo nga ayusin mo Xed! Grade 12 pa lang tayo ganyan kadumi utak mo,” pagsasaway ni Jeneselle sa kasama namin. Sinalubong ko lang iyon ng tawa na siya namang sinundan ng mas malakas na halakhakan. Pito kaming magkakasama sa table. Apat ang lalaki na sina Jonas, Amiel, Xedrick at Rendell. Tatlo naman kaming babae nila Jenesselle at Britney.  Hindi na bago sa akin ang ganong asal ni Xed. Sa tinagal-tagal na naming magbabarkada ay nasanay na ako. Natanaw ko ang pag abot sa kaniya ng baso ni Jonas na dali-dali rin niyang nilagok.  “Sa tingin mo bruh?” maikli at nanghahamon kong wika sa kaninang lalaki. Kung kanina ay nakasandal ako, nayon naman ay iginiya ko ang sarili ng bahagya sa direksyon nito. Bumaling ito agad ng sagot. Aniya, “Iyong tipo ni Andy? Tsk! Malayong makaisa ‘yon sa’yo. Weak Sh*t lang yon Chen. I know you.” Maya-maya pa narinig ko ang isa sa mga kasamahan namin ang magsalita. Base sa pagkakakilala ko, kay Amiel galing ang tinig. “Kayo ba boys, mga virgin pa ba kayo? Umamin na kayo wala namang laglagan eh!” Napailing na lang ako roon. Halata naman na nagkakasiyahan na talaga sila dahil nagiging wild na ang topic nila. Muli kong ibinalik ang sarili sa pagkakasandal at hinayaan silang mag piyesta sa hinaing usapan ni Xedrick. Sa kabilang upuan, pansin ko ang pakikisama nila Britney at Jeneselle. Kumpara sa akin, mas baby pa ang mga utak nila kaya hindi pa ganoon ka open sa mga ganong usapan. Pakiramdam ko tuloy ang rebelde ko sa ganoong dating para makomportable sa ganoong klase ng usapan.   “Aba! Malay nating lahat, isa sa atin ang maka-experience ngayong gabi?” ani Xedrick na nagtataas-baba pa ang kilay. Noon din ay nag-apiran silang mga lalaki.   “Malaki ang posibility na ikaw ‘yon Xedrick kasi mula kanina ayan ang bukang bibig mo!” wika ko naman. Hindi ko alam kung nasaan umiikot ang baso pero ayos na rin iyon dahil takas ng isang chance na malasing ako. Narinig kong muli si Xedrick. Bulyaw nito kasabay ang malakas na tawa, “Edi sa wakas experienced nako non? Ipapa-tarpaulin ko pa sa harap namin na naka jackpot ako ngayong gabi!”  “Bakit ba akala mo trophy sa inyong mga lalaki ‘yong ganyang bagay no? Nakakababa ng tingin sa totoo lang,” saad ni Britney. Mapait ang tono nito. Kung tutuosin may punto si Britney. Karamihan naman talaga sa mga lalaki ay may ganitong mentalidad. Sa mga naririnig ko mula sa mga bibig nitong kasamahan naming lalaki, medyo nag aalangan na ako. Kahit pa siguro sabihing sa ibang tao nila naiisipang gawin iyon, hindi man sa aming mga kaibigang babae, nakaka-turn off pa rin. Ang bottomline, may mga pantasya silang ganon at tila achievement nga talaga sa kanila ang ideyang yon. Mabilis na bawi ni Xedrick, “Ito naman hindi mabiro. Shot mo muna Brit init ng ulo mo, eh.” Nakita kong umiling si Britney. Pinasa niya iyong baso sa susunod naming kasama, si Rendell.  The cold breeze made all the hairs on my body stand on end. I rubbed my hands on both of my arms covered by a thick layer of jacket. Ang paulit-ulit na pagtama ng mga masisiglang ilaw sa akin ang tila nagpapaalala na hindi nga pala ako nag iisa sa madilim na sulok ng bar. Naaninag ko ang kamay ng kasama namin. Kumislap iyong likido sa loob ng baso. “Ang bilis naman ng ikot? Saka bakit parang ang taas lagi ng tagay mo Jonas?” singhap ko pero tinanggap din ‘yong basong kakaabot lang sa akin. Ang bilis kong magreklamo pero hindi ko tinanggihan, eh, ‘no? Ilang tawanan ang narinig ko mula sa mga kasamahan ko.  “Kaya nga tayo umiinom para malasing, ‘di ba? Hayaan mo na ‘yong taas ng tagay Chen!” ani Amiel sa akin na pangisi-ngisi pa. Noon din naalala ko ang dahilan ng pagpunta namin rito. Matapos kong lagukin ang iniinom, ibinagsak ko ang baso sa mesa nang maramdamang gumuhit ang likido sa lalamunan ko. Kasunod noon ang pagyukot ng mukha ko dahil sa pait ng alak. Bigla namang may nagsalita mula sa gilid. “Pabugbog ko na ba ‘yong ungas na Andy na ‘yon? May kakilala ako sa ABM Chen sabihin mo lang,” dinig ko sa isa pang babae sa grupo namin, si Jeneselle. “Hayaan niyo na. Karma na bahala sa kaniya,” bawi ko na siyang umani ng malalakas na tawanan sa grupo.   Muli kong inilibot ang tingin sa paligid ng bar. Kung kanina, maraming tao ang nakita kong nagsasayaw, ngayon, mas dumami pa ang bilang nila.  Ngayon lang din ako nagkaroon ng pagkakataon na i-familiarize ang sarili ko sa disenyo ng bar. Bukod sa ibat-ibang kulay na sumasayaw sa paligid, visible iyong mga malalaking poste sa tulong ng LED lights na nakapaikot sa bawat edge nito. Sa mid-section na bahagi ng mga poste, napapagitnaan iyon ng salamin. Sa loob noon ay may mga animo’y ibat-ibang sculptures. Napaisip tuloy ako kung ang mga posteng ito ba talaga ang sumusoporta sa kisame ng engrandeng kwarto. Naputol naman ako sa pagmamasid ng marinig ko ang pagtawag ni Rendell. Sa unang beses ay nagsalita ito.  “Mauuna na akong umuwi. Hinahanap na ako ni Mame. Ingat kayo sa pag-uwi guys.” Noon din, tumayo siya at isa-isang nagpaalam sa amin. Narinig ko pa ang ilan sa mga lalaki na kumontra sa paalam nito ngunit hindi natinag noon si Rendell. Masasabi kong sa kanilang apat, si Rendell itong mas mapagkakatiwalaan talaga. Ano pa ba’t mama’s boy siya noon pa man. “Maya-maya uwi na rin tayo. Pakiramdam ko masusuka na ako,” ani Jonas. Di nagtagal, nakaramadam ako ng mainit na kamay sa hita ko. Agad lumapat ang mga mata ko sa gawing iyon. Mabilis na umakyat ang dugo sa ulo ko at pakiramdam ko’y ilang sandali lang makakapanakit ako. “Baka gusto mo sakin kana sumabay Chen? May dala akong motor,” alok ni Jonas sa akin. Nagtaas ako ng kilay pero sinubukan ko namang sagutin iyon ng maayos. “Okay lang ako. Magpapaiwan na lang muna kami nila Britney. Mauna na kayong umuwi,” baling ko bago tanguan ang dalawa ko pang kaibigang babae. Sinuklian iyon ng tipid na ‘oo’ nila Brit at Jeneselle. Tila nakukuha ang nais kong iparating. “Sigurado kayo? Pero babae kayo, hindi safe kung maiiwan kayong tatlo dito na walang kasamang lalaki?” banat muli ni Jonas. This time sinamaan ko ito ng tingin kahit hindi ko sigurado kung nakikita niya ba given the situation na madilim sa loob ng bar. “Mas safe kung sila-silang babae lang rin ang matitira sa table,” umalingawngaw ang di kilalang tinig sa di kalayuan. Agad ko ring napansin ang pagkunot ng noo ni Jonas nang saktong tumama sa kaniya ang ilan sa sumasayaw na ilaw. Sasagot pa sana siya nang bigla na lang may mag flash na camera sa direksyon namin. Precisely, sa diresyon ko at ni Jonas. Noon din ay dali-dali nitong inialis ang kamay niya sa balat ko. Mabilis na humupa ang init ng dugo sa loob ko sa oras na iyon. Aktong magsasalita na rin sana ako nang marinig muli ang tinig ng babae. “I didn’t know may talent ako sa photography. Nice angle, good shot.” Sarkastiko ngunit matamlay na wika noong babaeng boses. Tumayo mula sa pwesto si Jonas at aktong susugod na sana. Agad namang lumapit ang dalawa pang lalaki sa tabi niya para pumagitna. “Hey did you just took a photo without consent? Wag mo sabihing babae ka papatulan kita,” matalim na tono ni Jonas. Hindi natinag ang babae sa harap namin. Sa halip, tila inimbitahan pa nito ang sarili papunta sa direksyon namin. Sa paglapit niya, hirap kong sinubukang kilalanin ang mukha nito sa dilim.  Aniya muli, “Oh, we’re talking about consent pala Sir. You might wanna check my shot?” noon din, iniharap niya sa amin ang hawak-hawak nitong cellphone. Halos mapaawang ang bibig ko nang mapagtantong ako nga iyon at si Jonas ngunit agaw pansin ang kamay nito sa hita ko. Huling sambit ng babae. “You think this might be a good representation of your so-called lack of consent, Sir?” huling sambit ng babae.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
86.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.4K
bc

NINONG III

read
362.9K
bc

NINONG II

read
618.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.3K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook