bc

BL SERIES #1: TAMING THE BEAST

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
HE
opposites attract
badboy
brave
heir/heiress
bxb
lighthearted
mystery
loser
witty
campus
highschool
like
intro-logo
Blurb

Akiro Miguel Gomez, ang star player ng Saint Benedict's Varsity Team, o mas kilala sa tawag na D’Beasts na tinitilian ng mga kababaihan, ay hindi inaasahang magbabago ang mundo sa biglaang pagdating ng transferred student na si Damien sa kanilang paaralan ng dahil sa isang rason—na naging dahilan ng mababaw na alitan ng dalawa. Lingid sa kaalaman ni Akiro, habang tumatagal ay nag-iiba na rin ang nararamdaman niya para sa binata. Magagawa niya pa kayang labanan ang kakaibang pakiramdam, o magpapadala na lang siya sa bugso ng damdamin? Hanggang saan nga kaya aabot ang pagmamahalang hindi matanggap ng karamihan? Will they fight for it? Or will they fight again because of it?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“Love has no gender!” pagdepensa ni Tan nang magsimula nang umepekto sa amin ang alak na kanina pa naming iniinom. “Alam mo, insan sa totoo lang, hindi ako naniniwala riyan sa kasabihan mong ’yan, masyado nang luma,” natatawang iling ko. Bakit nga ba hindi ako naniniwala? Simple lang, dahil para sa akin ang lalaki ay para lang sa babae. Period. “Hoy, Akiro! For your information, ang dami na kayang nagkakatuluyan na pareho ang kasarian. Tsaka, wala naman masama roon. Open na ang mga tao sa ganitong concept, hindi kagaya noon.” Isinalin kong muli ang alak at naiiling na ininom ito habang dinadama ang pagguhit ng init nito sa aking lalamunan. Ilang beses na kaming nagtatalo sa ganito, and as usual, talo pa rin ako siyempre. Hindi naman kasi siya ’yong tipo ng taong nagpapatalo, lalo pa at ganito ang topic. “Oo na nga. Sige na, tama ka, wala naman talagang masama.” Walang masama, sadyang hindi lang applicable sa akin ang ganoon. Isa pa, magkakaiba naman tayo ng gender preferences, but still I respect those people na bahagi ng LGBTQIA+, sadyang hindi lang ako roon kabilang… siguro? “Ibig sabihin ba niyan, posible ka rin magkagusto sa kapwa mo lalaki?” Posible nga ba? Natawa ako nang malakas sa sinabi niya at mabilis na umiling, animo’y napapaso. “Hindi tayo magkapareho, Tan! Magpasalamat ka na lang at hindi ko sinasabi kay Tito na kapwa lalaki rin ang trip mo,” nakangising pang-aasar ko. He just confessed a few weeks ago na hindi siya straight na lalaki. Siyempre nagulat kami noong una, lalo na ako, pero kung hindi namin siya matatanggap, sinong tatanggap sa kaniya, hindi ba? Tsaka hindi naman nakakabawas ng pagkatao ang pagiging bahagi ng LGBTQIA+. Tanggap ko si Nathan, hindi lang dahil pinsan ko siya— kung hindi bilang tao, bilang siya. “Baka nakakalimutan mo, magkadugo tayo! Malay mo bukas paggising mo, in love ka na pala kay Bien,” aniya. Kung tutuusin ay nakakakilabot isipin. Sa dami ng lalaki, kay Bien pa talaga? “Hinding-hindi ko naman papatulan iyang si Bien, ’no! Kung makapag-suggest ka, parang sa suntukan lang, ah.” Bahagyang nagising si Bien nang marinig ang kwentuhan naming magpinsan. Umayos siya ng higa sa couch at niyakap ako nang mahigpit, na siya namang ikinabigla ko. Akma pa niya akong hahalikan kaya naman agad ko siyang sinapak ng marahan sa mukha para mabitiwin ako. “Tan, t-tulungan mo nga akong ayusin ang higa ng isang ’to. Tch! Mga mahihinang nilalang. Gustong-gusto mag-inom, pero magpapa-alaga naman kapag nalalasing,” pagmamaktol ko. Broken-hearted daw kasi si Bien ngayon kaya naisipan niya kaming ilibre ng alak. Mabuti na lang at kakilala naman ng isa pa naming kaibigan na si Ford ang may-ari nitong dorm na tinutuluyan namin kaya pinayagan kaming magdala ng alak, basta raw huwag babae dahil alam naman ng landlord na mga estudyante pa kami. “Hayaan na natin ’yan, insan. Lalagyan ko na lang sila ng kumot para hindi lamukin. Mapupuyat tayo niyan, eh. May pasok pa naman bukas,” suhestiyon ni Tan habang napapakamot sa ulo pagkatapos ay tamad na tumayo para kumuha ng kumot sa kwarto niya. Ang totoo ay ayoko sanang mag-inom ngayon dahil nga may pasok kami bukas, pero dahil wala rin naman akong gagawin kung hindi ang manood sa kanila kaya pumayag na lang ako. Isa pa, sino ba naman ako para tumanggi sa libre? Kaya lang, hindi ko naman inakalang ako pa ang maiiwan para magligpit ng kalat. Habang hinihintay si Tan ay sinimulan ko nang ayusin ang mga kalat kahit pa nakakaramdam na rin ako ng hilo. Marami rin akong nainom at aaminin kong hindi gaanong mataas ang tolerance ko pagdating sa alak. Hindi kasi ako mahilig dumayo sa mga bar noon o kahit uminom lang ng kahit anong may mataas na alcohol content, natuto lang din akong uminom at maglasing nang umaalis ako sa bahay namin at naisipang mag renta ng dorm kasama ang tatlo kong mga kaibigan. Tapon dito at punas doon ang paulit-ulit kong ginawa dahil sa rami ng kalat. Puro bote at maraming balat ng mga junk food na ginawang pulutan ang nakakalat maging sa daanan papuntang banyo. Ilang minuto rin akong halos matumba na sa hilo dahil pabalik-balik akong nagwawalis. Nang sa wakas ay natapos na akong magligpit ay kapansin-pansing wala pa rin si Tan. Grabe, ganoon ba kabigat ang kumot niya? Naiiling na lang akong naglakad papunta ng kwarto niya at kumatok ng tatlong beses. Hindi niya ako pinagbuksan kaya inulit kong muli ang pagkatok hanggang sa halos mamula na lang ang mga buko ng kamay ko pero hindi pa rin siya lumalabas ng kwarto o kahit pagbuksan manlang ako. “Tan? Bubuksan ko na ’to, ha. Ang tagal mo kasing kumuha ng kumot! Nakapaglinis na lang ako’t lahat, wala ka pa rin. Inaantok na rin ako!” dire-diretsong paalam ko. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob para tingnan kung naka-lock ba ito o hindi. Nang masigurado kong bukas naman pala ang pinto ay maingat akong pumasok. Tahimik at sobrang dilim sa loob, kaya nang buhayin ko ang ilaw ay tsaka ko lang nakita ang hinahanap ko. Si Tan sa kaniyang kama, mahimbing ang tulog, nakadapa, at yakap ang unan niya na parang inosenteng bata. “All this time, natutulog na pala. Humanda silang lahat sa akin bukas,” bulong ko sa aking sarili. Pinili kong kuhain ang kumot na nakabalot sa kaniya bago siya hinampas ng unan, sakto lang ang lakas para gumalaw siya ng bahagya. Sa sobrang lalim na ng tulog niya ay hindi manlang siya nagising. Walang magawang bumalik na lang ako sa sala dala ang nakuha kong kumot at kinumutan ang dalawa ko pang kasama na halos mamaluktot na sa lamig Sinigurado kong naka-lock na ang main door bago ako pumasok sa aking kwarto. Nawala ang antok na kanina pang dinadaing ko kaya naman minabuti kong tanawin na lamang ang kalaliman ng gabi mula sa bintana ng aking kwarto. Hinawi ko ang kurtina at hindi pa nakuntento, binuksan ko na rin pati ang bintana. Kaagad akong hinampas ng malakas na simoy ng hangin na siyang nakapagpagaan ng loob ko. “Sana pala hindi na lang ako nag-tryout sa basketball. Mukhang mawawalan na ako ng oras kay Faye,” bulong ko na para bang may kausap na kung sino. Inabot ko ang teleponong nasa bulsa ng suot kong sweat pants at sinipat kung may text ba galing sa kaniya. Dismayado akong huminga nang malalim dahil dumaan na lang ang Sabado at Linggo, pero wala pa rin akong nakukuhang reply mula sa kaniya. Pinipilit ko na nga lang na lawakan ang pang-unawa ko dahil unang-una, hindi ko naman siya girlfriend para mag-demand ng oras niya. “Hay! Bakit ba kasi hindi pa ako handang mag-commit?” Ayaw kong isipin na hindi ako seryoso kay Faye, pero kung commitment ang usapan, pakiramdam ko wala pa ako sa wastong gulang para roon. I don’t feel worthy enough to commit to a relationship. I don’t believe I can trust them. They might leave me, and they likely will. Ganito ba talaga kapag lumaki sa household na walang bahid ng kahit anong affection? Galing ako sa isang broken family. Wala rin akong kapatid na maituturing, kahit pa si dad ay may bago nang mga anak ngayon sa kaniyang bagong asawa. I was supposedly under his supervision, but I decided to leave the house and live independently away from them. Ang nanay ko naman ay hindi ko na alam kung nasaan, kung kumusta, o kung buhay pa ba. Laking pasasalamat ko na lang talaga sa mga kasama ko ngayon dito sa dorm ni nirerentahan ko. Sila na ang naging pamilya ko rito kaya naman suportado ko silang lahat, lalo na ang pinsan kong si Nathan na kasama ko rin dito. Para sa akin, pamilya na kami rito, at kung tatanungin ako, talagang sila na lang ang mayroon ako ngayon. D’Beasts na lang ang matatakbuban ko, may kailangan man o wala. “Tama na nga! Baka mamaya ay maiyak pa ako,” bulong ko at sinarado na ang bintana. Siguradong hindi ako makakagising ng maaga nito. But for some reason, pakiramdam ko ay maganda ang magiging araw ko bukas. Hindi ko gusto ang Lunes pero dahil makikita ko naman si Faye matapos ang nagdaang weekends, wala nang mapaglagyan ang tuwa ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.5M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
462.4K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
496.2K
bc

The Perfect Luna

read
4.0M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
601.2K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
463.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook