bc

The Chosen Romance

book_age18+
907
FOLLOW
5.2K
READ
dark
forbidden
possessive
independent
drama
sweet
bxg
first love
crime
passionate
like
intro-logo
Blurb

Isa lang ang hiling ni Therese Yvonne Costalejo sa tuwing bibigyan siya ng misyon ng kaniyang ama na Heneral— ang makasama ang kaniyang ina na matagal na niyang hindi nakikita o nakakausap man lamang na magiging premyo niya sakaling magawa ang misyong inuutos.

Ang misyon ay dakpin ang lalaking nagngangalang Ross Mclin Sacueza sa kadahilanang pinatay nito ang sariling ama. Kasalukuyan itong nagtatago sa tagong isla kung kaya, kinakailangan niyang mapapayag itong sumama sa kaniya sa Manila.

Ngunit nang malaman ni Therese ang tunay na nangyari ay gusto niyang tuluyang makalaya ang lalaki sa pagbibintang at akusasyon. Lalo pa nang mahalin niya ito sa araw-araw na nagdaan na sila lang dalawa ang magkasama sa islang iyon.

Pero paano ang premyong matagal na niyang inaasam? Paano niya iyon makukuha kung kapalit ng premyong iyon ay ang pagkakakulong ng lalaking minamahal niya?

Ngunit ano nga ba ang mas matimbang sa kaniya at ano ang dapat niyang sundin?

Will she give up her beloved in exchange for what she has long hoped for? Or will she just choose to live in hiding, just to be with the man longer?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
THERESE'S POV           FRIDAY EVENING, here I am at the school locker area, waiting for my friends to finish what they're doing. I am tired because of the school work and activities. Gosh! I still can't understand why we need to do that theater play. Parang hindi naman siya pasok sa kurso na pinili namin? Bakit naman kasi kailangan pa ng kaartehan kung pwede namang ituro na lang sa amin ang mga dapat na aralin? Iyong pasok doon sa kinuha naming kurso. I rolled my eyes as the memories of that activity flash into my mind. It's still fresh. And I get really horrified when I remember. "Oh, you're done, bakla?" Ciara— my friend—asked me. I just nodded my head with no energy at all. Para akong lantang gulay dahil pagod na pagod ang kaluluwa ko. "Anyway, you're great at acting, huh," nakangisi niyang dagdag— halata ang pagsisinungaling. So I rolled my eyes once again. Yeah, I know she's lying. Teasing me made her day. Kulang na kulang ang isang araw niya kapag hindi ako naasar dahil sa kaniya.  "Oh, stop that s**t, Ciara. Alam nating lahat kung sino ang feel na feel maging kontrabida." Sabay-sabay kaming natawa dahil sa biro kong iyon dahil pareho kaming napatingin kay Suzy na isa pa naming kaibigan. Abala sa pagla-lock ng drawer niya. Magkakasabay kaming sumakay sa elevator papunta sa basement nitong University kung saan naghihintay ang pare-pareho naming sundo. "Bye, girls. I'll go ahead na. Mom's waiting for me. I'll make bawi na lang kapag I have free time." That's Suzy, my very maarteng friend.  Nalungkot naman ako nang kaunti dahil hindi na naman siya makakasama. She can't go our weekend session. What I mean is, our weekend routine. Every saturday kasi ay pumupunta sila sa bahay para magkakasama naming gawin ang mga homeworks and after that, sa bahay rin sila nag-i-sleepover. Kapag sunday naman, it's our bonding day. Meaning, no phones, no laptop, and no social media. We'll spend our whole day by watching movies, videoke at lahat ng puwedeng gawing libangan to release our stress in life and in school. We're doing that since we're still in first year secondary. At hanggang ngayon ginagawa pa rin namin siya. Pare-pareho kasi kaming nag-iisang anak ng mga magulang namin kaya kaming tatlo na ang tumuring sa isa't isa bilang magkakapatid. And sadly, no bonding this weekend dahil kulang kami ng isa. So we decided to separate our ways and bid goodbyes. Dahil sa pagod ay matamlay akong kumaway sa kanilang dalawa atsaka pumasok sa loob ng kotse, at ganoon din ang ginawa nila. Ilang minuto lang ang tinagal ko sa kotse, agad kaming nakarating sa mansyon. Ramdam na ramdam ko ang pagod nang sumalubong sa akin ang naghihintay na lalaki. Malawak ang pagkakangiti niya. "How's school, my baby?" Sinalubong ako ng yakap ni Papa at sabay kaming pumasok sa main door. Balak ko sanang kontrahin si Papa dahil sa pagtawag niya sa akin ng baby, pero masyado akong pagod ngayon para intindihin pa 'yon. Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo kami sa sofa. I stretched my both arms and laid my head into his shoulder. "Okay naman po. Actually, pahirap na nang pahirap ang pinagagawa ng teachers dahil graduating na kami."  "Shh... someday, when you finished your studies, you'll never go to that school everyday," Binawi ko ang pagkakahilig ng ulo kay Papa saka nakakunot-noo ko siyang tiningnan. Ano ba 'tong sinasabi ni Papa. E, obvious naman na hindi ako pupunta ng school kasi tapos na akong mag-aral. I sighed. "E, papa, bakit ako pupunta sa school kung tapos na ako mag-aral?" He chuckled. "Exactly what I'm saying, darling. "Tss. You're not helping, 'Pa!" "I know, so just go to your room and have some rest. I'll call you when dinner is ready."  Hindi na ako sumagot at sinunod na lang siya, umakyat na ako sa kuwarto para magbihis. Ngunit pagkapasok pa lang ng k'warto ko'y bumungad na sa akin ang bagong palit na bedsheet at mga punda. I forgot, it's already September. At kapag pumasok na ang bermonths, ang buo kong k'warto ay nagiging pula. Christmas is coming. Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama, muling sumilay sa puso ko ang pangungulila. I'm now fifteen, and it's been fifteen years na hindi ko kasama sa christmas ang mama ko. She left me. She left us. Pero kahit hindi ko alam ang rason niya kung bakit niya ako iniwan, hindi ko magawang magalit sa kaniya. Mas nananaig sa akin ang kagustuhang makita siya... makayakap siya. O kahit mahawakan man lang. I am thankful na hindi pinagkait sa akin ni Papa ang katotohanan, lahat sinabi niya sa akin, maging ang pangalan at kung nasaan ang mama ko ngayon. Pero hindi ko magawang puntahan. Hindi dahil sa binabawalan ako ni Papa kundi dahil hindi ko alam kung saan mag-uumpisa. Imagine? Paano ako pupunta roon at ano ang sasabihin ko? Na ako ang anak niyang iniwan fifteen years ago? Na ako si Therese na hindi niya nagawang hanapin o kumustahin? I don't want that. Gusto ko kapag nakaharap ko si mama, proud siya sa akin. Na kahit iniwan niya ako, napalaki ako ng maayos ni papa. Gusto kong maging successful muna bago ako magpunta sa kaniya kasi gusto kong patunayan na hindi naging hadlang ang pag-iwan niya sa akin. Ngunit hindi ko pa iyon magagawa ngayon dahil isang bagay ang hindi binigay sa akin ni Papa, ang impormasyon kung papaano mako-kontak si Mama. He wants me to find her using my abilities and strength. I can't blame him. He's the Police General. Usong-uso sa kaniya ang linyang "Kapag may tyaga, may nilaga". Kaya hinahayaan niya akong gawin ang gusto ko, pero sa sarili kong paraan. Ayaw niya akong lumaki na umaasa ako sa kaniya. Gusto niya akong matuto sa sarili kong mga paa. Bagay na kinahahanga ko kay papa. I promised to myself, after I finished my studies, I will find her. After I become successful, I will show to her that no matter what her reasons were, I still love her. That's the only thing I am wishing for. "Someday, we will hug each other, 'ma... with tears falling from our eyes... with tears of happiness..."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

The Sex Web

read
131.3K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
90.8K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
36.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.9K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.4K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
33.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook