Share:

Baste Jr (Tambay Pogi Volume II)

READING AGE 16+

Florante Galvez Tagudan Romance

17601 reads

"PANGIT!"

"Mas pangit ka!"

Aba, sumasagot pa ang babaeng ito. Siya na nga itong nakagawa ng kasalanan tapos siya pa itong matapang.

Kung paalisin ko kaya siya ngayon. Nakakainis na ang pagmumukha niya dito sa bahay. Bakit ba kasi siya pa ang kinuhang kasama ni nanay sa pagbabantay sa mga pamangkin ko?

"Lagot ka sa akin mamaya pag namalengke si nanay," pinagbantaan ko siya.

"Isusumbong kita sa tatay mo. Namimihasa ka nang ibinabalibag ako. Babae ako, hindi ako kasing lakas mo," mahina niyang wika saka inagaw sa akin ang hinuhugasan kong baso.

Porke't wala pa akong trabaho at kagagraduate ko pa lang ay isang utusan na ako dito sa bahay, may katulong naman.

"Buti sinabi mong babae ka, mukha kang malaking mama," tinalsikan ko pa siya ng bula.

"Ma'am yung junior niyo oh," sigaw niya.

Agad kong tinakpan ang kanyang bibig kaya naman napuno na ito ng bula.

"Uuhhmm," reklamo niya.

"Hoy kangkarot, huwag mo akong susubukan. Kapag sinumbong mo pa ako, maibabalibag kita ulit," banta kong muli.

"Huwag mo akong takutin pangit na walang abs, hindi ako natatakot sa'yo, bleh!"

At pinandilatan niya pa ako. Talagang inaasar niya ako ah.

"Kaya pala panay ang tingin mo sa akin kapag nakahubad ako dito sa bahay," wika ko pa habang patuloy sa paghuhugas.

"Nye nye nye!" Aniya.

"Kaya pala naiinis ka kapag nandito ang mga barkada kong babae," dagdag ko pa.

"Whatever!"

"Kaya pala wala ka pang boyfriend dahil umaasa ka sa akin," sinasadya kong inisin siya.

"Feeling ka, maraming nanliligaw sa akin."

"Wala nga ni isa eh."

"Baste tumahimik ka na," sa wakas nainis na siya.

"Wala ka kasing sex appeal" Dagdag ko pa.

"Isa."

"Hindi ka rin sexy."

"Dalawa."

"Wala ka ring boobs, aray."

At saka niya ako binatukan at tumakbo palayo.

"Hoy kangkarot bumalik ka dito, kailangan kong gumanti," sigaw ko na ikinalingon ng mga tao sa bahay.

"Kangkarot humanda ka pag naabutan kita!"

Naiinis ko siyang hinabol hanggang sa labas ng bahay.

Kainis!

Unfold

Tags: second chancepregnantbadboycomedysweetbxghumoroussmall townenemies to lovers
Latest Updated
Chapter Forty Two

Chapter Forty Two

ANGELA

KINAGABIHAN ay nagkwentuhan kami ni Baste. Umalis ang kanyang mga magulang at hinatid si Princess sa kabilang probinsya. Doon daw muna sila mamamalagi ng ilang araw at maiiwan kami ni Baste dito sa bahay.

Sanay naman na ako kay Baste at hindi na ako naiilang kapag kami na lan……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.