bc

FIRST FIGHT, FIRST KISS

book_age18+
2.4K
FOLLOW
9.7K
READ
student
comedy
twisted
sweet
humorous
bully
nurse
assistant
actor
model
like
intro-logo
Blurb

Fight at first sight. Iyan ang unang pagtatagpo ni Alvior Gomez at Reed Hoftsman. Simula pagkabata pa lang ay matindi na ang inis ng lalaki sa kanya. Nagsimula ang lahat noong makita at ampunin sila ng kanyang kapatid na si Concon ng mag-asawang Hoftsman-mga magulang ni Reed- sa isang fast-food chain dahil ang magaling niyang ina ay iniwan sila sa hindi malamang rason. Doon ay isinumpa na siya ng lalaki na pahihirapan ang kanyang buhay. Tinupad nito iyon hanggang sa sa sumapit sila sa parehong edad na bente-kwatro. Walang katapusang bangayan kapag sila'y nagkakasama. Aso't pusa ang turingan. Kung gaano kabuti ang mga magulang nito sa kanilang magkapatid ay iyon naman ang sama ng ugali nito sa kanya. Sa kanya lang talaga ito ganoon, dahil sa kapatid naman niya ay maayos ang turingan ng dalawa. At dahil palagi itong ganoon makitungo sa kanya ay tinapatan na rin niya ng mas higit pa. That's why, palaging nakaabang ang mga katulong sa salpukan nilang dalawa para umawat. Hindi batid ni Alvior kung bakit palagi siyang pinahihirapan ng binata. Reed was definitely an ideal man to every girls but for Alvior, he was a mistakenly species who has a perfectly good features. Perfect life, perfect career at perfect din sa kasamaan ng budhi. Yes, that was Reed for Alvior.

Hanggang saan aabot ang bangayan ng dalawa? Mauuwi ba sa love ang hatred na itinanim nila sa isat-isa?

chap-preview
Free preview
Prologue
“ATE.” Nilingon ni Alvior ang apat na taong gulang na kapatid na nakayukyok sa ibabaw ng lamesa. Mamasa-masa ang mata nitong tumingin sa kanya. “Nasaan si Mama, Ate?” Naninikip ang dibdib niya. Hindi niya alam ang isasagot sa kapatid. Kanina pa sila sa isang sikat na fast food resto ngunit hindi pa rin sila umaalis. At bakit nga ba sila aalis kung pinangakuan sila ng kanyang mama na babalik ito. Nagpaalam kasi ito sa kanila na may bibilhin lang daw sa kung saan, ngunit bago ito umalis ay binilhan muna sila ng pagkain. Pero magga-gabi na, hindi pa rin ito dumarating. Ubos na rin ang pagkain. Maya-maya lang ay pihadong magugutom na ang kanyang kapatid at magre-reklamo ito ng walang tigil. “Ate,” tawag muli ng kanyang kapatid. Bahagya pa nitong hinihila ang manggas ng damit niya. Ikinairita niya iyon. “Tumahimik ka nga, Concon! Nakakainis ka na, ah!" Tulad sa isang batang napapagalitan ay nalukot ang mukha nito bago pumalahaw ng iyak. “Mama! Mama! Mama!” malakas na pagwawala nito habang tinatangis ang ngalan ng ina. “S-sorry na. Huwag ka ng umiyak. Darating na si Mama. Tahan na,” tarantang sabi niya sa eskandalosong iyak ng kapatid. Nagsimulang pagtinginan sila ng ibang kumakain. Pati ang mga crew ng kainan ay nakatingin na rin sa kanila. “Ayoko sayo. Gusto ko kay Mama! Mama!” Ayaw paawat nito at tinulak-tulak pa siya sanhi upang malaglag siya sa upuan. Hindi niya na rin napigilan ang mapahikbi. Lalo na't naririnig niya ang kabi-kabilaang bulungan sa paligid. Nasaan na ba kasi ang mama niya? May balak pa ba itong balikan sila? “Little boy, don't cry na. Hindi dapat umiiyak ang mababait na bata, ok?" Ang pagtulo ng luha niya ay naudlot dahil sa mala-anghel na boses na iyon. Isang sopistikadang babae ang nakatunghay ngayon sa kanyang kapatid at inaalo ito. “Sino ka po?" inosente ang mata ng kapatid niyang nagtanong. Hilam na rin ang luha nito. Marahil ay sa ganda ng babae kaya ito napatigil sa pagngawa. Para kasing isang karakter sa mga librong nababasa niya ang mukha nito. Maputi. May anghel na ngiti at mukha. Kahit sinong nilalang, mapapaamo rito. Ngumiti ang babae at saka marahang inayos ang buhok ni Concon. “Tita Eula ang name ko. How about you, ano’ng pangalan mo?” malumanay na pagtatanong nito. Pino at parang tinig ng mga ibon ang boses ng babae. Pati ang pangalan, bagay na bagay rito. “Tita Eula? Concon po ang pangalan ko. Iyon po ang Ate Alvior ko." Masayang turo sa kanya ng kapatid at saka bumaba sa upuan para lumapit sa kanya. Nahihiyang tumayo naman siya. Ngumiti siya nang ngitian siya ng babae. Lumapit din ito sa kanya. Lalo itong gumanda sa paningin niya. “Conrad po ang tunay kong pangalan. Tita Eula, ibig sabihin kapatid ka po ni Mama? Kasi ‘di po ba, tita at tito ang tawag kapag kapatid po ng magulang?” Sandaling nalito ang magandang babae sa katalinuhan ng kapatid niya sa pagtatanong. "Sorry, Concon, pero hindi ako kaanu-ano ng Mama mo, eh.” Nalungkot naman ang mukha ng kanyang kapatid. “Ibig sabihin, hindi mo po alam kung nasaan si Mama?” “Ganoon na nga. By the way, kumain na ba kayo?” Sabay silang napailing na magkapatid. Napalunok siya nang maisip ang pagkain. Walang dudang gutom na nga siya. Marahil maging ang kapatid niya. “Ano’ng gusto niyong pagkain?” “Wala po kaming pera, Ma'am. Hindi pa po dumadating ang nanay namin,” sagot niya. Kumunot ang noo nito na tila nahabag. “Ilang oras ng wala ang Mama ninyo?” “Kanina pa po siya umalis.” Nag-iwas siya nang tingin upang itago ang lungkot. Matagal bago nagsalita ang babae nang bigla itong tumayo pagkatapos ay dumeresto sa counter. Pinanood niya itong kausap ang cashier. Ilang sandali ay may bitbit na itong pagkain. Nanlaki ang mata ni Concon, takam na takam ang anyo habang nakatingin sa mga pagkain. “Para sa amin po ito?” naniniguradong tanong niya sa ginang. Ginulo nito ang buhok niya. “Binili ko 'yan para sa inyo. Sige na at kumain na kayo.” Nahihiya pa silang magkapatid na kumuha ng pagkain. Ngunit sa hatid ng ngiti at assurance ng ginang ay naging komportable ang pagkain nila. “Nasaan pala ang tatay niyo?” tanong nito kapagkuwan. Napatigil siya sa pagnguya. “Patay na po ang tatay namin.” Isang taon na ang nakakalipas nang mamatay ang kanilang ama mula sa atake sa puso. “Oh my, God! I'm sorry, Hija.” Hinging tawad naman nito agad. “Ilang taon na ba kayong magkapatid?” Itinaas ni Concon ang apat na daliri sa harap ng ginang. ”Ganito na po ako. Big boy na ako, Tita Eula,” bibong sabad nito. Malapad naman ang ngiti ng ginang na tila naaaliw sa kapatid niya. “Ikaw, Alvior? Ilang taon ka na?” Binalingan siya muli nito. “Walang taon na po.” Napatango ito. “Kasing edad ka pala ng anak ko.” “May anak na po kayo?” “Oo, siguro ay pareho na kayo ng grade sa darating na pasukan ng elementarya," sabi nito. “Nag-aaral ka pa ba?” “Hindi ko pa po alam. Naghahanap pa po kasi si Mama ng perang pangpaaral sa akin," sagot niya. Wala siyang ideya kung makakapag-aral pa siya gayong hirap sila sa pera. Ito nga, malapit na ang pasukan pero hindi pa rin siya enrolled. Napatitig lamang ang ginang sa kanya. May simpatya ang mga tingin nito sa kanya. Awa, ang nakikita niya roon. “Maraming salamat po, Ma'am Eula, sa pagkain. Ang bait niyo po tapos ang ganda pa. Talaga po bang may anak na kayo? Sa ganda niyo po ay parang dalaga pa rin kayo?” Ngumiti lang ito at bago pa magawang magsalita ay may batang kasing edad niya ang sumulpot at sumigaw. “Mommy! Why are you talking to that beggar?” Nagpanting ang tainga niya. Mommy? May anak na pala talaga ang magandang babaeng nasa harap nila. Hindi halata sa unang tingin. Kung hindi pa talaga sumulpot ang batang epal ay baka hindi niya talaga maiisip iyon. “Stop it, Reed. Where did you get that kind of attitude?” saway ng Mommy nito. “But, Mommy, they are just beggars. Grandma said that it's not nice to be friendly with strangers,” maanghang na wika nito. Sumama ang mukha ng Mommy nito, ‘di makapaniwala sa inusal ng anak. “They are not beggars, Reed. Stop talking like that. Sumasama na ang ugali mo, ah. Sino ba’ng nagtuturo sa'yo ng ganyan?” Ngumuso lamang ang batang sutil at nag kibit-balikat na parang wala lang. “Ate, ano ‘yong beggar? Bakit hindi naturo iyon ni Mama sa akin?” bulong na tanong naman ng kapatid niya. Hindi pa kasi ito nag-aaral. Tinuturuan lamang ito ng kanyang ina ng mga basic knowledge. Bakit ba ang talino ng kapatid niya? Palagi siyang nahihirapang sumagot. Kasalanan ng batang lalaki ito. Kung hindi ba naman matabil ang dila, wala sanang paliwanagan ngayon. Hindi naman niya maaring sabihin na pulubi ang ibig sabihin niyon. At paano sila magiging pulubi kong may nanay naman sila? Kumakain din sila ng higit sa tatlong beses. Kaya paano? “Wala ‘yon, Concon. Huwag mo'ng pansinin ang salbaheng batang ‘yan," sa halip ay ganting bulong na lamang niya sa kapatid. Iyong mahinang-mahina at baka kasi marinig siya ng nanay ng malditong bata. Nakakahiya. Kahit na ang anak naman nito ang tunay na nakakahiya ang pag-uugali. Nahuli niyang masamang nakatingin sa kanya ang batang lalaki, inirapan niya ito nang mabilis. Umismid ito. "Mommy, Daddy is waiting for us in the car," supladong sabi nito. “We were not going home, not until you say sorry to them for being rude," matigas na utos ng mommy nito. “Mommy, that's not being rude. I'm just saying the truth!” malakas nitong reklamo. “I won’t say sorry to them.” Saka maangas na umiling. “Ma'am, ayos lang naman po kahit hindi na. Wala lang naman po sa amin iyon.” Siya na ang sumingit. Hindi dahil sa tanggap niya ang pang-iinsulto ng anak nito, kundi dahil ayaw niya ng away. Baka kapag hindi siya nakapagtimpi, masuntok niya bigla ang porselanang mukha ng anak nito. Maalam pa naman din siya ng konting self-defense. Tinuruan siya ng ama noong nabubuhay pa ito. Kaya kung hindi aalis sa harap nila ni Concon ang batang epal na ito ay baka magamit niya ang natutunan dito. “Hindi, Alvior, I won't tolerate my son this time," mariing sabi ng ginang. “Namimihasa na ang batang 'to.” Nag-beast-mode naman ang mukha ng anak nito. "Mommy!” Siya naman ay napanganga. Nasa ganoong estado siya nang sumulpot naman ang asawa ng ginang. Batid niya agad iyon dahil kamukha ng ginoo ng batang sutil na anak ng ginang. “Hi, Darling. What's happening? Bakit natagalan ka yata sa paglabas?” masuyong sambit ng asawa ng ginang. “Daddy, kinakausap ni Mommy ang mga pulubing bata na 'yan!” sumbong ng batang laki sa layaw. “Tumahimik ka! Kung ayaw mong kuhanin ko lahat ng gadgets mo at hindi na magamit pa for the whole year!" galit na asik ng ginang sa anak. Automatic na tumahimik ang bata, 'di na nanlaban. Takot naman pala. “Be nice, Reed. Huwag kang umakto ng ganyan sa kapwa mo. Hindi ka namin pinalaking salbahe,” pangaral naman ng tatay ni Reed. “Ano ba talaga ang nangyayari, Eula?” “Sinamahan ko lang naman ang kawawang mga bata na 'to, Darling. Imagine, kanina pa sila nandirito at hanggang ngayon ay wala pa rin ang nanay nila,” paliwanag ng ginang sa asawa. “Really?” “Yes, Darling.” Nagmamasid na sinipat sila ng asawa ng ginang. Mula kay Concon ay lumipat ang tingin nito sa kanya. Kapagkuwa'y ngumiti nang malawak. Tulad ng ginang ay napakagwapo rin ng asawa nito. Mukha ring mabait. “Kumusta na kayo? Ako nga pala si Tito Frank, asawa ko ang magandang babae na 'to,” pagpapakilala nito bago umakbay sa ginang. “Ayos lang po kami,” nahihiyang sagot niya. “Hindi pa ba kayo uuwi sa bahay niyo? Pagabi na at delikado na sa daan. Baka kung mapano kayo?” “Hindi po namin alam ang pauwi. Sumakay po ka ng ilang beses sa jeep at isang tricycle saka. . .saka isa pa ulit na jeep, ‘di ba, Ate?” Si Concon ang sumagot sa nagngangalang Frank. “Omg, Darling. Nakakaawa talaga ang mga batang ito! They need some help!” nag-aalalang saad ni Eula sa asawang si Frank. “Mommy, iwanan na natin sila! Naghihintay na sa atin si Lola!” muling singit ng anak ng mag-asawa ngunit hindi iyon pinansin ng huli. “Siguro ay kailangan natin silang dalhin sa pulis?” suhestiyon ni Frank kay Eula. “Ate, dadalhin nila tayo sa pulis? Ayoko, Ate! Hindi naman tayo bad, ‘di ba? Ayoko, Ate! Takot ako sa pulis! Bugbog nila papa!” Takot na takot na niyakap siya ni Concon. Saksi ang kapatid niya kung paano pinagtulungang bugbugin ng mga pulis ang kanilang ama bago ito atakihin sa puso. Napagkamalan kasing runner ng droga ang kanilang ama gayong kamukha lamang pala. Kaya ganoon na lamang ang takot ng kanyang kapatid sa mga pulis. “Huwag ka ng umiyak, Concon. Hindi tayo pupunta sa pulis, ok? Dito lang tayo. Hihintayin natin si Mama.” Hinaplos niya ang likuran ng kapatid hanggang sa kumalma ito. Samantala, ang mag-asawa ay nakatingin lamang sa kanila. Saglit na lumayo ang mga ito para mag-usap. Wala siyang ideya kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa. “Hoy, Pulubi,” tawag ng batang lalaki sa kanya. Nagulat siya nang sundutin ng batang lalaki ang pisngi niya. “Iniwan na kayo ng nanay niyo. Hindi na babalik 'yon.” “Huwag ka ngang epal,” ganting asik niya. “I'm telling the truth," painosenteng saad nito. “Babalik ang Mama namin. Babalik siya!” gigil niyang sabi. “Tss! Stupid, Beggar,” insulto nito sa kanya at saka lumayo na ngunit ang mata ay masama pa rin ang tingin sa kanya. Bumalik ang mag-asawa sa harapan nila. “Hi, Alvior, bilang ikaw ang ate at nakakatanda, gusto namin sanang sabihin na bakit hindi na lang kayo sumama sa amin sa bahay?” Nagulat siya sa inalok nito at inatake ng alinlangan. “Pero paano po ang mama namin?” tanong niya. Baka bumalik ito at wala nang madatnan na mga anak. “Don't worry, Alvior, hihintayin natin ang nanay mo hanggang dumating siya," anito. “Mas maigi ng naroon kayo sa bahay namin kaysa magpalaboy-laboy kayo sa daan. Maraming masasamang loob ang nagkalat ngayon,” gagad pa ng asawa ng ginang. Sa tono nito ay mukhang napagkasunduan ng mag-asawa na kupkupin sila. Subalit nag-aalala pa rin siya sa katotohanang baka balikan sila ng kanyang ina. “Pag-isipan mo, Alvior. Maghihintay kami hanggang makapag-isip ka.” Ngumiti ang ginang. Tunay ngang naghintay ang mag-asawa sa kanila habang nakaupo sa bakanteng upuan. Hindi niya namalayan ang paglapit ulit sa kanya ng batang sutil na lalaki. “Malalagot ka sa akin kapag pumayag kang sumama sa bahay," banta nito sa kanya na may kasama pa'ng paghimas ng kamao. “Bobo lang ang matatakot sayo,” sabi naman niya. “Ginagali—” “Reed, huwag mo siyang guluhin!” Hinila ito ng Mommy nito at dinala sa pwesto kung saan ang mga ito nakaupo. “Ate, antok ako. Tulog muna 'ko. Gisingin mo na lang ako kapag nandiyan na si Mama,” ani Concon sa kanya. Napabuntong hininga siya at walang buhay na tumango. Hanggang sa magsara nga ang fast food resto ay hindi na bumalik pa ang magaling nilang ina. Do’n na siya, nakaramdam ng lungkot at galit. Tuluyan na nga silang inabanduna ng ina. “Alvior, sa tingin ko hindi na siya darating pa.” Masuyong hinaplos ni Eula ang buhok niya. Tiningnan niya ang magandang ginang. Pagkatapos ay pinagmasdan naman niya ang kapatid na si Concon na noo’y natutulog sa lamesa. Kung hindi sila sasama rito, saan sila pupuluting magkapatid? Magugutom sila, walang matitirhan at magpapalaboy-laboy. Sa kabila ng pagiging isang bata ay nakabuo siya ng isang mabigat na desisyon. “Sasama na po kami sa inyo, Ma'am Eula,” “Wow! You’re really going with us? Then, expect a miserable life!” sigaw ng anak ng ginang bago patakbong lumabas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

His Obsession

read
70.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook