bc

My Pretending Boyfriend is My Boss

book_age16+
15.9K
FOLLOW
68.5K
READ
second chance
goodgirl
inspirational
billionairess
drama
bxg
realistic earth
virgin
sacrifice
Neglected
like
intro-logo
Blurb

Lumaki si Venice Ventura sa hirap. Bilang isang Breadwinner ng kanilang pamilya kinailangan niyang maghanap pa ng isang trabaho bukod sa pagiging waitress sa Bar. Kaya nag-apply siya sa isang Fast Food Chain bilang Crew na pag-aari ng mayamang tao sa kanilang bayan, si Dennis Monteverde. Pero talaga namang tadhana ang naglapit sa kaniya sa swerte, dahil nang makita ni Dennis Monteverde ang sinseridad ni Venice na mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang ina at nakababatang kapatid, ini-hire niya ito bilang Secretary.

Subalit isang pangyayari ang hindi inaasahan. Nakipaghiwalay si Luna de Jesus na matagal nang kasintahan ni Dennis. Kaya gumawa ng paraan ang binata para bumalik sa kaniya ang dating kasintahan sa pamamagitan ng pag-aalok kay Venice Ventura na magpanggap bilang Girlfriend nito at pahselosin si Luna. Ayaw man ni Venice, tinanggap niya iyon kapalit ng dagdag sahod.

Pero habang tumatagal ang pagpapanggap nila, naramdaman ni Dennis Monteverde na nahuhulog na ang loob niya kay Venice. Ano kaya ang mangyayari? May katugon ba ang nararamdaman niya para sa dalaga?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Nakasakay si Venice sa isang pampaseherong tricycle papuntang bayan ng Paniqui para maghanap ng trabaho. Alas syete palang ng umaga. Limang oras lang ang tulog niya, dahil isa siyang waitress sa isang Bar sa Paniqui. Pasok niya ng alas singko ng hapon hanggang alas dose ng gabi. Pero kailangan parin niyang kumayod dahil nagmamaintenance ng gamot ang kanyang ina at ang nakababata niyang kapatid ay nag-aaral ng Kolehiyo. Kahit ito man lang sana ang makapagtapos sa kanilang magkapatid. Ayos na sa kanya iyon. Narating na nila ang bayan ng Paniqui. Bumaba na siya at nagtungo sa isang kilalang Restaurant. Nandun pa yung nakapaskil na "We're Hiring". Agad siyang nagtungo doon. Pagkadating niya doon tinulak niya ang pintuang salamin kung saan makikita mga tao sa loob. Madami ang mga taong nakaupo na kumakain at pumipila para bumili. Isa kasi ito sa mga sikat na Restaurant dito sa Paniqui ang Monteverde's Restaurant. Maimpluwensya din ang mga Monteverde sa Paniqui. Kilala ang angkan ng mga ito. Mayaman kasi ang mga ito. Tumingin siya sa paligid. Saan ko ipapasa ang Resume ko? Luminga siya sa paligid, ng may makita siyang babae na ang damit ay iba sa mga nasa counter na kumukuha ng order ng mga costumer. Baka Manager ito. Lumapit siya dito. "Hello Miss. Saan po ako pwede magpasa ng resume?" Tanong niya dito. Lumingon ito sa kanya. "Good Morning Ma'am! Iyang hagdan na po yan nasa taas po ang office ni Sir Monteverde po" itinuro nito ang hagdan. Nagpasalamat siya dito at nagtungo doon bitbit ang folder na naglalaman ng resume niya. Umakyat siya hanggang sa marating niya ang ang taas noon. Maluwang ang Second Floor. May isang dako sa gilid na may mga upuan siguro dito sila nagmemeeting at may pintuan sa tapat niya. May mesa sa harap ng pintuan. Palapit na siya sa pinto ng may makita siyang babae na lumabas sa kabilang pinto sa tapat ng pinto na papasukan niya. "Yes Ma'am. What can I do for you? Dito muna kayo Mam sa may upuan umupo." anito at iwenestra ang upuan sa harap ng mesa. Pumunta siya sa upuan na tinutukoy nito at umupo siya. Pumunta na ito sa upuan na nasa likod ng mesa na may laptop na nakapatong. "Mag-aapply po sana ako mam bilang Service Crew po ng Restaurant ." sabi niya dito. Iniabot niya dito ang Resume niya. Kinuha nito iyon. "Venice Ventura, 23 years old from Samput. Two years graduate of Computer Secretarial. Okay. Ibibigay ko itong Resume kay Sir Dennis. Wait for my call para makapag-start ka." anito. "Okay po Ma'am. Salamat po." Tumango ito. "Maari ka ng umalis." anito. Bumaba na siya ng second floor. Lumabas na siya ng Restaurant. Gusto man niya sana na tikman ang mga dishes ng mga ito pero mahal. Kailangan niyang magtipid dahil siya ang bumubuhay sa kaniyang pamilya. Dumaan muna siya sa isang Drug Store para bumili ng gamot ng kanyang Ina. May sakit itong Diabetes. Para makatulong ito sa kaniya, nananahi ito sa bahay kapag may patahi ang mga kapitbahay nila. Kahit papaano may income ito. Pagkatapos niyang bumili agad siyang pumara ng sasakyan para makauwi na siya. Pagkadating niya sa kanila ay agad siyang nagbayad sa driver at naglakad na papunta sa kanila. Looban kasi sa kanila. May mga nadaanan pa siyang kapitbahay nila. "Kamusta pag-aapply Venice? Napakasipag mo talaga. Sana tumulad sayo anak ko." Ani Manang Gina na nadaanan niya na nagsasampay ng mga nilabhan. "Ayos naman po Manang Gina. Ayun. Tatawag nalang daw po sila sakin." Narating na niya ang bahay nila. Konkreto ang bahay nila. Kahit papano napaayos naman niya ito sa tinatabi niyang sahod sa pagiging waitress sa Ultimate Bar sa bayan. "Magandang tanghali po Nay." aniya sa kanyang ina ng makapasok siya. Nagmano siya dito at ibinigay ang mga gamot nito. "Naku salamat anak. May natira pa ba sa sahod mo?" tanong nito. "Opo nay meron pa po. Idadagdag ko po sa savings kopo." aniya. "Halika na! Kumain na tayo." Yaya nito sa kanya. Nakahain na pala ang pagkain, sabay na silang kumain ng kanyang Ina. Sinigang ang ulam nila. Kahit ganito lang ang buhay na meron sila. Ayos na sa kanya basta magkakasama sila ng kanyang mga mahal sa buhay. Alas kwatro na ng hapon at heto siya ngayon naghahanda para sa pagpasok sa kanyang trabaho. Dumating na rin ang kapatid niya na galing paaralan. Tapos na rin siyang magluto para sa hapunan. Tapos narin siyang kumain para kahit papaano hindi na niya kailangan na maghapunan sa resto at meryenda nalang kakainin niya para makatipid siya. "Mauna na ako Nay." Paalam niya sa kanyang ina. Nagmano siya dito at hinalikan sa pisngi. "Mag-iingat ka anak." anito. Kinatok niya ang pintuan ng kwarto nito. "Charlene, ikaw na bahala dito. Aalis nako" paalam niya dito. "Oo ate!" Sigaw nito sa loob. Ganun ito kapag umuuwi. Nagkukulong agad ito sa kwarto. Lumalabas lang ito kapag kakain na. Minsan lang siya magkaroon ng day-off. Minsan sa isang buwan pwede na yun. Sayang din kasi mga araw kung ililiban niya iyon. Lumabas na siya ng bahay at naglakad papunta sa highway. Pagdating doon pumara siya ng tricycle na papalapit, huminto ito at sumakay siya. Alam ng mga kapitbahay niya ang trabaho niya. Noong una nandidiri ang mga ito sa kanya pero noong minsang pumunta doon ang isang kapitbahay nila. Doon na nagbago tingin nila sa kanya dahil marangal ang trabaho niya. Ganun talaga siguro. Hinihusgahan ka kahit hindi ka lubos na kilala. Narating na niya ang Ultimate Bar, twenty-minutes lang layo nito sa bayan. Bumaba na siya pagkatapos magbayad. Hindi pa gaanong maingay pero may mangilan-ngilan tao na dahil kita sa labas ang mga tao na nasa loob. Pumunta siya sa likod. "Good Afternoon Venice!" Si kuya Troy ang nagsalita ng makita siyang papasok sa back door. May pintuan kasi sa likod kung saan doon sila pumapasok. "Good Afternoon din Kuya Troy" aniya. Lima silang Waitress samantala dalawa naman ang taga-pagbantay. Si Kuya Troy at si Jay. Wala pa si Jay. Nagsimula na siyang ayusan ang sarili niya. Naglagay siya ng lipstick, pulbos, eyeliner at iba pa. Kailangan presentable sila sa mga tao at maayos tingnan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

His Obsession

read
63.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook