Share:

One Sided Love

READING AGE 16+

Ms. Dhanie Romance

253 reads

"Please Megs!.. Try to understand I-im so sorry,. But it's over." Hindi siya makapagsalita habang sinasambit ni Adrian ang mga katagang iyon sa kanya, basta tumutulo lang ang luha niya sa sobrang sakit.
Nakikipaghiwalay sa kanya ang nobyo niya dahil sa isang hindi malinaw na rason, pero wala naman siyang magagawa, ayaw man niyang pumayag ay alangan ipilit niya pa ang kanyang sarili sa taong ayaw nasa kanya.

Marami pa daw kasi itong dapat gawin at hindi nito kayang pagsabayin siya at ang pangarap nito. Kung talagang sila naman daw sa bandang huli ay tadhana ang gagawa ng paraan. Pero for the mean time ay hayaan daw muna niya ito.

"I know you Megs at naniniwala ako na maiintindihan mo ako." Binitawan na nito ang kanyang kamay at tumayo na para umalis at iwan siya. Inihatid niya ito ng tingin, kahit na gusto niyang pigilan ito o magmakaawa na huwag siyang iwan nito ay hindi niya magawa, pakiramdam niya ay napipi na siya. Ito pa naman yung lalaki na minahal niya sa lahat, ibang iba ang katangian nito sa mga nakarelasyon niya. Akala niya ay ito na talaga ang magiging kapalaran niya pero isang napakalaking pagkakamali pala ang ginawa niya na ibigin ito ng wagas.

Unfold

Tags: billionairessdramatwistedsweetbxgcitylonelyWriting AcademyaffairpassionateWriting Academy
Latest Updated
Chapter 8

Wala ring nagawa ang pagmamatigas niya na huwag pumunta sa birthday ni Adrian.

Dahil eto kasalukuyan silang nakaupo ni Cassie at kumakain ng mga handa. Ganadong ganado pa siya, sa katunayan ay nakakarami na siya ng kinakain. Mga halos seafoods kasi ang handa at ihaw pa ang pagkakaluto. Tulad ng malalaking pusit, hipon, tahong at may malal……

Comment