bc

Catch and Steal

book_age16+
112
FOLLOW
1K
READ
badgirl
comedy
bxg
humorous
female lead
city
enimies to lovers
first love
friendship
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Zeta Umali is a thief, along with her team, they manage to steal the money of a guy named Karl Christian de Guzman without knowing his true identity.

After they took the money, Zeta discovered that de Guzman is a member of an organization named "Fallen Angel", one of the notorious syndicate. The organization chased Zeta and her team to kill because of what they did.

While escaping from the syndicate, Zeta met a police inspector named Craig Dominguez who happened to have the mission to get rid of Fallen Angel.

How will the catcher deal with the stealer? Can a two person with a different world will team up to fight the syndicate?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHAPTER 1: THE STEALER Zeta's POV Sa normal na buhay ng isang tao, gabi ang oras ng kanilang pahinga at pagtulog, ito ang oras kung saan ang ilan ay matatagpuan mo na sa kani-kanilang bahay. May mga tao rin naman na makikita mo sa opisina, panggabi sila sa kanilang trabaho. At mayroon din namang tao na kagaya ko... [Zeta mag-iingat ka, nakatawag na agad sila ng mga pulis.] Napahawak ako sa earphone na nakalagay sa tenga ko nang madinig kong magsalita si Zyx, my partner in crime. Isang matagumpay na gabi na naman para sa akin. Tapos na ang trabaho ko rito, oras na para tumakas... Ang kailangan ko na lang gawin ay lusutan ang obstacle na dadaanan ko palabas, kapag nakaalis ako sa sa harang na iyon ay iyon na ang marka ng tagumpay para sa akin. "Oh, really? Bilis makatawag ng sumbong, ah," sagot ko sa kausap ko mula sa kabilang linya. Medyo binilisan ko na rin ang lakad ko, dahil bukod sa kailangan kong harapin ang mga epal na huhuli sa akin ay kailangan ko ring makasiguro na hindi na dadami ang mga taong hahabol o huhuli sa akin. [May bushes na malapit sa pwesto mo, magtago ka muna doon habang naghahanap ako ng daan na puwede mong lusutan.] Tumakbo ako papunta sa bushes na sinabi ni Zyx, pero bago 'ko makapagtago ay napataas ako ng kamay nang maramdaman ko ang malamig na bunganga ng baril sa aking sentido. Kainis, bakit ang bilis naman nila? O mabagal lang si Zyx magbigay ng info? "You can steal but you can't escape..." Ngumisi ako nang magsalita siya, tiyak kong isa lang siyang baguhang pulis o 'di kaya ay ngayon lang niya ako nakaharap dahil hindi pa niya ako kilala. Wala pang pulis na nakaisa sa akin sa pagtutok lang ng baril gaya nito. Kung kilala niya ako, malamang hindi na niya ako tututukan, agad na niya 'kong papaulanan ng bala. Mabilis kong inagaw ang baril at agad na itinutok ito sa kanya, napailing nalang ako, natulala siya agad nang masilayan ang kagandahan ko. Hindi ko kayang pumatay ng tao, at kahit madumi ang uri ng trabaho ko ay ni minsan hindi sumagi sa isip ko ang kumitil ng buhay. Pero sa pagkakataong gaya nito na buhay ko na ang nakataya, kailangan kong gawin ito. Wala namang dapat ipag-alala sa akin ang pulis na kaharap ko dahil hindi ko naman siya kayang patayin... hanggang pananakot lang naman ako. "Are you sure you can catch me?" pang-aasar ko sa kanya. Sa halip na masindak sa akin ay ngumisi pa siya saka nagsalita, "Mararanasan mo na ang manirahan sa loob ng malamig na rehas." Natawa ako ng bahagya bago nagsalita, "Talaga ba?" [Zeta, may isang pulis na naglalakad papunta sa pwesto n'yo, darating siya diyan pagkaraan ng dalawang minuto, barilin mo siya para mabaling sa kanya ang atensyon ng pulis na kaharap mo ngayon at pagkakataon mo na rin 'yon para tuluyan ka nang makatakas. Dadaan ako agad sa harap mo para makasakay ka sa van, got it?] ani Zyx na nasa kabilang linya pa rin, 'di ako makasagot dahil ayokong mahalata ng pulis na kaharap ko na may kausap ako. Ayoko sanang gawin ang sinabi niya, kasi ayokong makapanakit. Alam ko namang trabaho lang din ang rason bakit narito ang mga pulis na ito, pero gaya nga ng sabi ko ay buhay ko na ang nakasalalay dito kaya wala akong choice kundi gawin ang utos niya. "Baka nakakalimutan mo, nasa akin ang baril mo at nakatutok diyan sa mahangin mong bungo," dagdag ko pa, kailangan kong pahabain ang usapan namin habang naghihintay sa tamang tiyempo. "Nasa iyo nga, pero baka nakakalimutan mo rin na hindi lang ako ang pulis na nandito," nakangisi niyang sagot sa akin. [Huwag mo siyang pansinin, walang ibang pulis sa paligid ninyo kundi siya lang at 'yung pulis na palapit sa inyo,] singit naman ni Zyx sa usapan namin, nadidinig niya rin kasi ang sinasabi ng kaharap kong pulis. Alam niya ang nangyayari sa paligid ko dahil mino-monitor niya ito, h-in-ack niya ang system ng CCTV kaya lahat ng anggulo na may CCTV ay nakikita niya; kasama na ang posisyon naming ito. Hindi nawawala ang ngisi sa aking labi, kahit kailan talaga ay hindi ako nabigo sa masayang adventure dahil sa ganitong klase ng trabaho. "Hindi ka naniniwala ka sa akin, tama ba ako?" tanong niya sa akin na nakangisi. Hindi ko na siya nagawang sagutin pa dahil biglang nagsalita ang kausap ko mula sa kabilang linya. [Zeta, maghanda ka, susulpot na 'yung pulis na sinasabi ko sayo sa loob ng sampung segundo,] singit muli niyang muli. "Naniniwala naman, pero palagay ko isa sa inyo ang mawawala." Kumunot ang noo ng pulis na kaharap ko dahil sa sinabi ko. Paglitaw ng pulis na tinutukoy ni Zyx ay agad ko siyang binaril, awang-awa ako nang makita ko ang mukha niyang nasasaktan.. pero pasensya na lang dahil kailangan ko itong gawin. "Santos!" agad na sigaw ng pulis na kaharap ko. Tumingin siya ng masama sa akin na parang tinatanong niya ko ng, 'advance ka ba mag-isip?' charot lang. Tumakbo ang pulis na kaharap ko papunta sa pulis na binaril ko. Sakto naman ang pagtakbo niya dahil dumating na ang sundo kong van. Bago makalapit ang pulis na kaharap ko sa tinawag niyang Santos, binato ko muna sa kanya ang baril niya at tinamaan siya nito sa likod, saka ako tumakbo papunta sa van. Siyempre, tinanggalan ko na ng bala ang baril niya bago ko iyon binato. "Hindi pa tayo tapos!" sigaw ng pulis na nakaharap ko. "Alam ko, pero sorry, ha? Ako ang panalo ngayon." Ngumiti pa ako sa kanya bago tuluyang sumakay sa van. "Ayos ka lang?" tanong ni Zyx pagpasok ko sa van, agad din niya itong pinaandar. "Oo naman, part lang naman iyon ng adventure natin," sagot ko naman. "Baliw ka talaga." Hindi ko na sinagot si Zyx. Napangisi nalang ako habang iniisip ang mga mangyayari, masaya ito... Catch and Steal. *** Nakasimangot akong bumangon sa kama. Ilang araw akong nagpahinga at hindi lumabas ng hideout matapos ang huling adventure namin, siyempre para palamigin muna ang sitwasyon. Saka isa pa, tamad talaga akong tao; mas gusto ko na mahiga lang maghapon. Kaya rin siguro pagnanakaw ang naging hanapbuhay ko ay dahil para sa mga tama ang ganoong trabaho, bagay na bagay sa akin. Malaki ang kinita namin sa huling pagnanakaw namin ni Zyx, sa totoo lang, kahit isang buwan ako 'di magnakaw ay sobra pa ang perang naiuwi namin. Pero ayoko naman mabulok sa hideout kaya naisip kong maghanap ulit ng bagong target. Tamad akong tao, pero kahit ganoon ay nakakasawa rin ang maghapong nakahiga, kailangan ko rin ng magagawa para iwas boring. Saka alam ko naman na kahit hindi ako kumilos ay pipilitin ako ng kapatid ko na kumilos. Hindi kami nakatira sa isang bahay, dahil pakiramdam ni Zyx ay mas madaling matunton ang pinagtataguan namin kung sa bahay kami nakatira. Di ko rin siya gets pero dahil mas matanda naman siya ay hinayaan ko na lang. Ang totoo, palasyo ang aming hideout, siyempre joke lang. Isa itong abandonang building na pinaniniwalaan ng mga bata na may multo, actually, kami ang mga multong kinatatakutan nila, sa tuwing may nagte-take adventure kasi rito ay pinagti-trip-an namin hanggang sa maiyak at maihi sila sa takot. Hindi naman sa natutuwa kaming may natatakot sa multo lalo na kung bata, kailangan lang naming gawin iyon dahil kapag may nakakita sa amin dito ay tiyak din na makakarating iyon sa pulisyal. Paraan lang namin iyon para mag-ingat. Pagpunta ko sa sala ay kinuha ko ang bagong biling dyaryo ni Zyx na nakapatong sa maliit na lamesa, dito kasi ko madalas makahanap ng bagong target kaya nagbabasa ko lagi ng dyaryo. Wala naman akong ibang puwedeng pagkuhanan ng source kundi ang dyaryo, TV, o minsan ay internet. Kaya minsan, hindi rin maganda ang naka-public ang mga baogay na tungkol sa kayamanan o pera; nahuhuli tuloy sila ng mga magnanakaw na gaya ko at ang ending ay nagiging biktima sila. Hindi naman sa sila pa ang sinisisi ko bakit kami nagnanakaw, sinasabi ko lang naman ay dapat maging maingat din sila para hindi kami umaligid sa buhay nila. Minsan naman, si Zyx na ang nakakahanap ng target, pero bihira lang niya gawin 'yon kasi madalas na ako ang nag-de-decide kung sino o saan kami magnanakaw, ako kasi ang kinikilala nilang leader. Originally, apat kami sa grupo, nasa bakasyon lang ang dalawa pa naming kasama kaya kami lang dalawa ang naiwan dito sa hideout. Sa aming grupo, si Zyx lang ang hindi sumasama sa field kapag oras na ng nakawan, siya ang aming mata sa malayo, ang lupit kayang IT Specialist niyan—kung iyon man ang tawag sa ganoon. Ang dalawa pa naming kasama ay sina Cahil at Wren. Si Cahil ay tahimik na tao at kabaliktaran ni Wren na makulit, magkaiba man sila ng personalidad ay pareho naman silang madiskarte at tunay na ma-abilidad pagdating sa pagnanakaw. Ibinalik ko na sa dyaryo ang buong atensyon ko dahil hindi ito ang oras sa pag-iisip ng kung ano-ano, kailangan kong magtrabaho—kung trabaho man na maituturing ang pagnanakaw. Ilang sandali pa ay hindi naman ako nabigo sa paghahanap, sumilay sa aking labi ang isang napakagandang ngiti dahil may nakita na kong target, isang negosyante na kakauwi lang galing Italy at ayon sa article ng dyaryo, naging matagumpay ang naging business trip niya sa Italy. Sure ako 100% maraming perang inuwi ito. Hindi naman kami ganoon kasamang tao, kahit pa magnanakaw kami, pinipili pa rin namin ang aming nanakawan. Hindi kami nagnanakaw sa alam naming mahirap at kailangan din ng matinding sipag at tigaya upang mabuhay. Ang mga binibiktima namin ay mga mayayaman na lalong yumayaman, sila 'yung tipo ng tao na kahit nakawan mo, hindi maghihirap. "Sino ang susunod nating target?" bungad na tanong sa akin ni Zyx pag-upo niya sa paborito niyang couch—'yung pang-isahan lang na upuan pero nahihigaan niya kasi pandak siya. "Isang businessman na nagngangalang Karl Christian de Guzman, kakauwi lang galing Italy, ano sa tingin mo?" nakangiting sagot ko. Bago namin nakawan ang isang lugar o tao, sinusuri muna ito ni Zyx, inaaral niyang mabuti ang lahat ng tungkol dito, kung ano ang kahinaan nito o kung ano ang puwede naming gamitin para makalapit kami sa target. Kapag nakita niyang puwede namin itong trabahuin, saka kami iisip ng plano kung paano namin isasagawa ang pagnanakaw. Ang style namin sa pagnanakaw ay hindi pareho ng ibang magnanakaw na 'di nagpapakita sa biktima nila o 'yung mga nag-ni-ninja moves sa gabi, sabihin na nating... kami ay mga Con-artist, nagpapanggap kami na ibang tao sa harap ng target na para bang tipo ng tao na hindi gagawa ng masama sa 'yo. Hindi rin kami one night process kung magnakaw, nakadipende sa sitwasyon ng lugar kung gaano namin katagal ito ta-trabahuin, ganito kami mag-effort dahil malaki naman ang kinikita namin. "Sige, ako na bahala." Tumayo si Zyx sa kanyang pagka-upo, ibig sabihin ay ayos sa kanya ang target ko at sisimulan na niyang mag-research tungkol dito. Hindi na ko nag-abala pang basahin ang buong article sa dyaryo tungkol kay Karl Christian de Guzman, si Zyx na ang bahala sa kanya. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng makakain. Natawa ko ng mahina nang makita ko ang kabuuan ng kusina namin, walang ibang makikita rito kundi sandamakmak na oishi na kulay orange, ito kasi ang favorite snack ko at nagaya na silang tatlo, tapos gustong-gusto ko siyang sinasawsaw sa kalamansi kaya marami rin kaming kalamansi. Bumalik ako sa sala para kumain, ito na lang muna ang gagawin ko habang hinihintay ko si Zyx na matapos sa research niya tungkol kay Karl Christian de Guzman. Nagbukas ako ng TV para manood habang kumakain, tuwing magbubukas ako ng TV ay wala akong ibang pinanood kundi balita, kailangan naming maging updated lagi hinggil dito. Sa huling pagnanakaw namin, hindi kami nag-disguise ni Zyx, nangtrip lang talaga kami, gusto lang namin ma-try na magnakaw na kaming dalawa lang kasi ang boring talaga. Dalawang linggo na kaming tengga rito sa hideout kaya naisipan namin gayahin 'yung ninja moves na pagnanakaw, kaya ayun may pulis tuloy na umeksena. Mabilis kong naubos ang isang plastic ng oishi. Tumayo ako para kumuha ng isa pang plastic sa kusina, kaso lumabas na si Zyx sa lungga niya dala ang maraming papeles kaya hindi na 'ko tumuloy. "Ito na ang lahat, aralin mo na." Naglakad papunta sa kusina si Zyx pagkabigay niya sa akin ng mga papel na hawak niya. Tinitigan ko muna siya kung ano gagawin niya bago ako bumalik sa inuupuan ko, saka binasa at sinuri ang nasa papel. Habang nagbabasa, napangiti ako nang may bitbit na oishi si Zyx pag-upo niya sa favorite spot niya, tag-isa kami. "Karl Christian de Guzman, nakatira sa Golden Gate Condominium 15th floor unit 1515, isang businessman na mahilig sa mga pabango," ito ang unang nakita ko sa mga nakaprint sa papel na hawak ko. Sa puntong ito, ang pagiging 'mahilig sa pabango' ng target ang gagamitin namin para makalapit sa kanya. Bukod sa demographic profile ng target, nandito rin ang mapa papunta sa bahay niya, pati na rin kung saan siya madalas nagpupunta, sino ang mga nakakausap niya, pati na rin ang brand ng pabango na gusto niya, at kung saan niya ito binibili, nakasaad din dito ang bawat detalye tungkol sa pabango. Sa ganito karaming impormasyon na nakalap ni Zyx sa ilang sandali, napabilib niya na naman ako, ang galing talaga ni Zyx pagdating sa pagre-research, partida self-study lang 'yan at hindi nakatuntong sa paaralan. "Anong plano?" tanong ni Zyx sa akin. "Pag-iisipan ko, hintayin muna natin ang pagbalik ng dalawang kumag." *** Naging busy ako sa panonood ng TV kaya nakalimutan ko na kumain ng heavy meal. Binisita ko ang kusina at nakita ko si Zyx na kumakain, tumayo siya nang umupo ako sa tapat niya. Naghanda siya ng pagkain, napangiti ako habang tinititigan siya, ganyan siya palagi sa akin, maalaga. Kilalang-kilala niya ko, alam niya lahat ng gusto ko, alam niya ugali pati gestures ko, hindi talaga mapagkakaila na kapatid ko siya. Ang swerte ko dahil siya ang nakakatandang kapatid ko, hindi ko lang siya kinu-kuya dahil mas malaki ako sa kanya pero love na love ko siya, siya na lang kasi ang pamilya ko. Hindi ko na maalala kung ano itsura ng mga magulang namin, sa kwento ko lang kasi sila nakilala, sabi ni Zyx, three years old pa lang daw ako nang mamatay sila dahil sa aksidente at mula noon, sa ampunan na kami tumira. Nu'ng medyo magka-isip naman kami, umalis kami sa ampunan at nagpalaboy-laboy sa lansangan, hanggang sa na-tropa kami sa mga kapwa namin bata na ang ikinabubuhay ay pumuslit ng pagkain sa palengke para may makain. Nu'ng mga oras na 'yon ay wala rin kaming makain, kaya wala kaming choice ni Zyx kundi ang gayahin sila, doon kami natuto magnakaw. Wala rin kaming maayos na edukasyon, pagsusulat at pagbabasa lang ang alam namin, hindi namin naranasan ang mag-aral sa school. 'Yung skills na meron kami ngayon ay natutunan nalang namin sa paglipas ng panahon. "Sumubo ka na, hintayin kita para sabay tayo matapos," aniya paglapag ng pagkain sa harap ko. Ngumiti ako ng malapad na parang isang bata na sabik na sabik sa pagkain. "Thank you, kuya," sabi ko. Natulala siya dahil bihira ko lang siyang tawagin ng kuya, natawa ako, ang cute ni Zyx magulat. Nasa moment na sana kami na magyayakapan na kaming magkapatid kaso biglang dumating ang dalawang kumag. "Mga magnanakaw kayo, pero kayo mismo ang mananakawan sa kapabayaan niyo, iniwan niyong bukas ang pinto," panenermon ni Cahil. "Pwede ba, Orange, shut up. Kadadating mo lang manenermon ka na agad," reklamo ko. 'Yan ang tawag ko sa kanya kasi Orange naman talaga ang pangalan niya, tagalog version lang. "Tumahimik ka rin, Weirdo," At 'yan naman ang ganti na tawag niya sa akin, hindi ko alam kung bakit. "Hey! Bakit si Cahil lang ang nakikita mo? Nandito rin ako," ani Wren. Inilapit pa niya ang mukha niya sa akin. "Oo, alam ko!" Inis ko namang reklamo habang inilalayo ang mukha niya sa akin. Pagkatapos ng asaran na iyon ay tinapos ko ang pagkain ko. Sinabihan ko rin sila na hintayin ako sa sala. "May bago tayong target," bati ko sa kanila. Sumeryoso agad silang tatlo, alam nilang kapag nagbanggit ako ng ganoon ay oras na ng meeting.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

EASY MONEY

read
174.0K
bc

Dangerous Spy

read
297.3K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.7K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.4K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.1K
bc

YOU'RE MINE

read
893.1K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
195.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook