bc

Nursing The Beast

book_age18+
10.8K
FOLLOW
60.9K
READ
arrogant
badboy
aloof
drama
tragedy
bxg
illness
affair
nurse
athlete
like
intro-logo
Blurb

Malaking pagkakamali at walang kapatawaran ang nagawang kasalanan ni Winona sa kanyang pamilya. Dahil dito ay pinadala siya ng kanyang ama sa New York upang doon magpatuloy ng kanyang pagaaral at sa hindi inaasahang pagkakataon ay magtatagpo ang landas nila ni Daniel na isang karerista na ngayon ay hindi na makalakad dahil sa isang trahedya.

Magagawa kaya ni Winona na tulungan si Daniel na bumalik muli sa dati? Paano kung sa panahon na magkasama sila ay makuha nilang mahulog sa isa't-isa? Matatangap parin kaya ni Daniel si Winona kung sabihin nito ang nakaraan niya?

chap-preview
Free preview
SIMULA
SIMULA: NAPAKURAP ako ng titigan ang platong nabasag sa sahig. I swallowed hard. Sinubok na ng panahon ang aking pasensya. Dahil sa trabaho ko mas humaba pa nga ang pisi ko para dito. Paulit-ulit kong kinalma ang sarili. Hindi lang siya ang nag-asal ganito. Hindi lang siya ang bukod tanging naging pasyente kong bastos at walang modo. Ngunit pang-ilan na ba itong nabasag sa tuwing hahatiran ko siya ng pagkain? Mauubos na yata ang plato nito sa kusina dahil sa paulit-ulit nitong binabasag. Wala akong emosyon habang nakatingin sa kanya. Ayokong makita niyang naawa ako sa kondisyon niya. Iyon ang ayaw ng mga pasyenteng may paralisa sa katawan. Huwag na huwag mong pakikitaan ng awa dahil mas lalo lang silang magagalit sa mundo at mawawalan ng pag-asa. “Sasabihin ko kay Manang na ipagluto ka ulit ng bago.” Tinalikuran ko siya pagkatapos. Hawak ko na ang door knob ng marinig ko siyang magsalita. “Get out of my fuckin’ house! Umalis na nga kayong lahat!” Pumikit ako ng mariiin at huminga ng malalim. Paulit-ulit na din niya ‘yang sinabi sa’kin. Paulit-ulit din naman akong nagtitiis. Trabaho ito at malaki ang kita ko dito. Lumingon ako sa kanya at nagtama ang aming mata. His hazel eyes were dark and intense. Puno din iyon ng galit at pagkabigo dahil sa sitwasyon niya ngayon. “Sure! Asahan mong gagawin namin ‘yan kapag natapos na kami sa trabaho sa’yo.” Tinalikuran ko siyang muli. Panay ang malulutong na mura ang aking narinig hanggang sa tuluyan ko ng isinara ang pinto ng kanyang kwarto. Napapikit akong muli ng makarinig ng panibagong pagbasag ng mga kagamitan. Balak niya atang ubusin lahat ng gamit para basagin at sirain. Umalis ako doon at sumakay ng elevator. Ang bahay ni Daniel Oliveira ay may tatlong palapag. May sarili ding elevator. Pinalagyan ng magulang nito simula ng nalaman ang kondisyon niya. Pumasok ako sa kusina at naabutan kong tumatawa si Manang Bekay sa pinapanuod nitong palabas sa TV. “O, Winona? Hindi na naman kumain?” bungad niya matapos tumingin sa’kin at hindi nakita ang mga platong inakyat ko kanina. Umiling ako. “Naku ang batang ‘yan! Haay...” “Magluto ka na lang po ulit ng bago. Hindi pa ‘yon naga-almusal kaya alam kong gutom na siya. Pipilitin ko na lang mamaya.” Umalis din ako sa kusina at kinuha sa stock room ang walis at dustpan. Umakyat ako sa taas at kumatok pero walang sumasagot. “Papasukin mo ko, sir. Maglilinis po ako,” sabi ko sa labas ng pinto. Wala akong narinig na sagot mula sa loob kahit ilang beses na kong kumatok. I sighed. Nagdesisyon akong pihitin ang door knob pero tulad ng inaasahan naka-lock iyon. Mabuti na lang may spare key ako sa kwarto niya. Ipinasok ko ang susi doon at binuksan ng malaki ang pintuan. Naabutan ko siyang tahimik na natutulog sa malaking kama nito. He’s sleeping with calm and peace. Akala mo hindi siya halimaw kung magwala kanina pero kung tignan mo naman ay parang anghel na ibinaba sa lupa. Kung sana pag-gising niya ay ganyan din siya kalamdo at sumusunod sa’kin edi hindi sana magulo. Tahimik kong winalis ang mga basag na plato sa sahig. Nasugatan na naman kaya siya? Buti sana kung madali siyang gamutin kaso hindi. Palaging pumapalag. Tinapon ko sa basurahan ang mga nawalis na kalat. Nakadagdag pa ito sa trabaho ko. Imbes na mag-aalaga lang ako ng lalaking buraot. Naging tagalinis pa ko. Inayos ko ang mga nagkalat na gamit sa sahig. Ibinalik ko sa tamang pwesto ang mga libro. Napansin kong mahilig pala siyang magbasa. Bukod sa pagiging karerista isa din siyang bookworm. Andami kasing libro sa kwarto niya. Pero simula ng dumating ako dito hindi ko naman siya nakikitang nagbabasa. Huminga ako ng malalim at sinikop lahat ng gamit na bitbit. Napasulyap ako sa kanya. Tila huminto ang aking paghinga ng makitang bumaba ang quilt na nakatabon sa hubad nitong katawan! Hindi naman birhen ang mga mata ko sa ganyan. Pero hindi ko pa rin maiwasang mailang! Umungol ito. Kitang-kita ko ang pagkunot-noo nito at ang namumuo ng pawis sa noo nito. Nanaginip ba siya? Baka binabangungot?! “S-sir...?” Nanginginig ang boses ko at hindi ko malaman kung lalapitan ko ba siya o hindi. Palagi kasi itong galit at gustong manakit. “Ahh....” Umungol siyang muli. Umawang na ang bibig nito at parang hirap na hirap pa! Kinabahan ako. Binabangungot nga siya! Mabilis kong binitawan ang hawak na walis at dustpan. Sumampa agad ako sa kama niya at niyugyog siya. “Sir! Sir! Gising!” tawag ko pero mukhang hindi niya naririnig. Nagdedeliryo na ata ito sa panaginip. “Ahhh.... ahh...” Lalo pang lumakas ang ungol nito kaya nataranta na ko dahil hindi pa rin magising. Niyugyog ko siyang muli pero the more na ginagawa ko iyon ay umuungol naman ito. Maya-maya pa ay nagpakawala ito ng malalim na paghinga na tila tapos na makipaglaban sa mga demonyo. Kumunot ang noo ko. Sinampal ko siya ng malakas. Nagulat ako sa’king ginawa pero huli na dahil dilat na dilat na ang namumula niyang mga mata! “Damn it!” mura niya sabay hawak saking balikat. I frowned. Napasulyap ako sa kamay nitong nasa balikat ko. Mabilis nito iyong tinanggal at tinulak ako kaya muntik na kong mapasubsob sa sahig. Kinilabutan ako sa nakita. Basa ang parte ng damit na hinawakan ni Daniel at may naiwan pang malagkit?! Bakit ba hindi ko iyon nakuha nung una?! Sana hindi ko na lang siya pinakelaman! Nagsasarili naman pala! Ang tanga-tanga naman Winona! “Get out! Damn you, woman!” galit na sigaw niya at sa sobrang lakas halos mabingi na ako. Nataranta ako habang kinukuha ang mga gamit at mabilis na umalis doon. Napahawak ako saking kaliwang dibdib. Ang lakas ng kabog ng aking puso. Para akong nakipaghabulan sa karera ng kabayo! Uminit ang aking pisngi ng maalala kung ano iyong ginawa niya kanina. Hingal na hingal ako at parang gusto ko ng magpalamon sa lupa dahil sa nangyari kanina! Bumaba ako na parang wala sa sarili. Naabutan ako ni Manang na dumiretso sa kusina hawak pa ang walis at dustpan na sana sa stockroom ko dinala. “O, anong nangyari sayo? Ba’t basa ‘yang balikat mo?” takang tanong niya habang nag-aayos na naman ng panibagong set ng pagkain para sa alaga namin. Umiling ako at mabilis na tumalikod. Nanakbo ako sa stockroom para iwan ang bitbit na gamit. Kinikilabutan ako sa nakadikit dito saking damit! Kailangan kong magpalit ng uniporme!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SILENCE

read
380.5K
bc

Marrying My Fiancee

read
460.8K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
507.0K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.1K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
272.6K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook