bc

The Heiress Vengeance

book_age18+
187
FOLLOW
1.0K
READ
like
intro-logo
Blurb

'Makaganti' ito ang tanging laman ng puso ni Olivia Cosme para sa lalaking una niyang minahal. Dobleng sakit ang nais niyang maranasan nito.

Nagbalik siya upang maningil.

Matitikman nila, ang lupit ng ganti ng isang heredera.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
++++ LUMABAS si Olivia mula sa sasakyan at agad na nilapitan ang kanyang Kuya Brando na ngayo'y hindi mapakali ang itsura. Nasa labas ang mga ito ng simbahan. Ang kanyang lolo naman ay nasa loob kasama ang ng kanyang kapatid si Heat. "Kuya, ano ba ang nangyayari?" Putol niya sa pag-uusap ng dalawa. "Bakit ka lumabas ng sasakyan?" Nagulat ang kapatid niya nang makita siya. "It's not yet time, Olivia. Bumalik ka roon." Pinangalawahan ni Heat ang sinabi ng kanyang kapatid. Umiling siya. Hindi siya mapakali. Batid niyang may hindi magandang nangyayari ngayon, at sa araw pa ng kanyang kasal. Ang mga organizer rin ay ilag kung tumingin sa kanya. May nililihim ang mga ito. Malakas ang radar niya. "Hindi ako babalik sa sasakyan hangga't hindi niyo sinasabi kung anong problema? Nasaan si Gaurish? Hindi ba ay dapat narito na siya?" It was their wedding day at ngayon nga ay sigurado siyang nag-pa-panic na ang mga tao sa loob ng simbahan pagka't hindi pa dumadating ang kanyang soon to be husband na si Gaurish sa naturang lugar. Dapat na nga rin ba siyang mag-panic? No. Nangako si Gaurish sa kanya na pakakasalan siya kaya hindi dapat siya mag-alala. But her heart and mind says otherwise. Lumikot ang mata ng dalawang lalaki sa harapan niya. They can't look at her in the eyes. Ang kapatid niya ang unang kumurap. "O-Olivia, may ilang minuto pa naman para mag-isip ng hindi maganda." "Sinasabi mo ba'ng hindi sisipot sa kasal ko si Gaurish, kuya?" Humigpit ang hawak niya sa laylayan ng kanyang traje de boda. Napakaganda niya sa kasuotan niyang iyon pero nababalutan naman ang kanyang awra ng pagaalala. Malakas rin ang kaba sa kanyang dibdib. "O-Of course not, Olivia. My brother is surely coming. B-baka may nangyari lang sa daan kaya hanggang ngayon ay wala pa ito." Bahaw ang assurance sa tinig ni Heat nang magsalita. Gayunaman ay ngumiti siya at tumango. Panghahawakan niya ang sinabi nito. Magtitiwala siya kay Gaurish. Dadating ito at ikakasal sila. Bubuo sila ng masaya at kontentong pamilya. Pinilit niyang ikinalma ang sarili pabalik ng sasakyan. Kinuha niya ang celfone at dinial ang numero ng telepono ni Gaurish. Nasapo niya ang noo dahil walang pagsagot na nangyari. Nakukulili lang ang tainga niya sa matagal na pag-ring mula sa kabilang linya. Sumandal siya sa headrest at mabigat ang kanyang paghinga. Sinubukan niya muling tumawag kay Gaurish. This time, dalawang ring lamang ay sinagot na iyon ng kabila. "Hello, Gaurish! Nasaan ka?" Agad niyang bungad. Her hopes high all of a sudden. Napawi ang pag-asa niya nang walang nagsalita sa kabilang linya kundi mabibigat na paghinga lamang na tila ba hirap na hirap sa sitwasyon nito. "Gaurish. . . naririnig mo ba ako? Baby, bakit ayaw mo'ng sumagot?" "I can hear you, Olivia." Sa wakas ay narinig niyang sabi nito sa kabilang linya. "Oh good god!" Nakahinga siya nang maluwag. "Where are you? Bakit wala ka pa dito sa simbahan? May nangyari ba? Sabihin mo kung nasaan ka at ipapasundo kita ngayon din. Kahit matagalan ka ayos lang. Ipa-e-extend ko ang oras ng kasal." She sounded like a desperate bride. "Don't bother, Olivia. Hindi rin naman ako makakapunta." Kasing lamig ng niyebe nitong pahayag. May kung anong sumipa sa kanyang dibdib at nagresulta iyon ng agarang pagbara ng bikig sa kanyang lalamunan. May ideya na siya sa gusto nitong iparating ngunit patuloy pa rin siyang nagmaang maangan. "G-Gusto mo ba'ng ipa-reschedule na lang natin? May sakit ka ba? Masama ba ang mood mo? Kung gano'n ay ako na ang bahalang magpaliwanag sa mga bisita." "I said don't bother. Wala nang kasalang magaganap." Matigas at buong turan nito. "P-pero bakit?" Bumulusok paibaba ang lebel ng excitement na kaaahon lang. "Ayoko na. . . I just realized, you are not meant for me. Let's stop this conversation and tell them that there will be no wedding. I hope you got that. Goodbye." "Sandali-" Napatingin siya sa hawak na celfone nang pumailanlang roon ang ending tone. Pinatay na ng lalaki ang tawag. Literal na pinagsakluban siya ng langit at lupa sa mga narinig kay Gaurish. Itinatapon nito ang mga pangako nito sa kanya. Hindi na siya nais pakasalan nito. Basta basta na lang siyang iiwan sa ere na parang ganoon lamang iyon kadali. Anong tingin nito sa kanya? Basura? Kung kailan nakahanda na ang lahat mula sa magarbong detalye ng kasal ay saka pa siya nito gaganituhin. He said he love her. Pinantayan naman niya ang pagmamahal nito. Mahal na mahal niya ang lalaki. Pero bakit nito ginagawa ang ganitong biro sa kanya? Parang kailan lamang ay punong puno ito ng hindi matatawarang pag-ibig para sa kanya pagkatapos ay ganito na? Nag-iba bigla ang ihip ng hangin. Damn him! She need an explanation! Hindi siya makakapayag. Hindi siya haharap sa mga bisita para sabihin na hindi na matutuloy ang kasal. Kung kinakailangan na kaladkarin niya ito at dalhin dito mismo sa simbahan ay gagawin niya. Sinipat niya ang kanyang driver. "Manong, pwedeng bumaba po muna kayo sandali?" "H-ho? Bakit po, Ma'am Olivia?" Tiningnan siya nito sa salamin. "Please, Manong, huwag na po kayong magtanong." May pag-aalinlangang sinunod siya ng kanyang driver at saka bumaba na ng sasakyan. Mabilis naman siyang lumipat sa driver ng seat at ni-lock ang pinto pagkatapos ay pinaharurot ang kotse paalis ng simbahan. Nakita niya sa side mirror ang paghabol sa kanya ng Kuya Brando niya at ni Heat subalit wala rin nagawa ang mga ito pagka't nakalayo na siya. Marunong na siyang mag-drive dahil tinuruan siya ni Gaurish. She got her driver's licensed either. Dinial niya ang numero ni Dianna-sekretarya ni Gaurish upang alamin kung nasaan ang huli. Sinagot naman iyon ni Dianna pagkaraan ng ilang saglit. Nalaman niya mula rito na kasalukuyang nasa condo si Gaurish sa may Alabang, dahil nag-iwan ito ng papeles sa receptionist ng naturang lugar bago sana pumunta ng simbahan para sa kasal. "May problema ba, Olivia? What happen?" Nang magtanong si Dianna sa kanya kung ano ba ang nangyayari ay nagpasalamat na lang siya rito bago pinatay ang linya ng tawag. Anong isasagot niya kung maski siya ay walang alam sa nangyayari? Matulin niyang pinatakbo ang sasakyan patungo sa condo ni Gaurish. Pagkarating ay sumakay kaagad siya ng elevator. Nakapunta na siya rito isang beses kaya alam niya ang eksaktong unit ng condo ng kanyang fiancee. Pinagtitinginan man siya nang mga tao sa hallway ng floor dahil sa suot niyang gown ng pangkasal ay wala siyang pakialam. Dedma niyang nilagpasan ang mga ito. Hawak ang laylayan ng gown ay maingay siyang kumatok sa pinto ng unit ni Gaurish. It took a while before someone finally opened the door. Napamaang siya sa babaeng nasa harapan. Tanging roba lamang ang suot nito at basa pa ang buhok. Tila kagagaling lamang sa banyo. Anong ginagawa nito sa unit ni Gaurish? "S-Sol. . ." aniya sa ngalan ng babae. "Anong ginagawa mo dito? Nasaan si Gaurish?" Niluwagan nito ang uwang ng pinto pero ang kanyang presensya ay nananatiling unwelcomed. "Sa tingin ko, mas magandang umalis ka na lang, Olivia. Hindi magandang nagpunta ka pa rito." "Para masolo mo siya ganoon ba?" Nagtitimpi niyang saad. Natawa naman ito. "Wala kang alam sa mga nangyayari." "Pwes, iharap mo siya sakin ngayon 'din. Ipakausap mo siya. Para maisampal ko sa mukha niya ang mga pangakong binitawan niya sakin." Pinagsiklop nito ang dalawang braso at saka sumandal sa pinto. "Really? Mas masakit kaya kapag harapan mo'ng marinig na ayaw na sayo ng lalaking pakakasalan mo. Gusto mo ba talagang marinig mismo ng personal? I thought you better than this. Masokista ka pala." "Enough, Sol. Ako na ang kakausap sa kanya." Sa pagsulpot ni Gaurish sa likuran ng babae ay nagkaroon ng trobol sa dibdib niya dahil sa ingay at pagwawala nito. Blangko ang mukha ng lalaki habang nakatingin sa kanya. Pasimple nitong pinasadahan ang kanyang kasuotan bago tumaas ang sulok ng labi. She felt insulted. Magkasama nilang pinili ang suot niyang gown pero kung tingnan siya nito ay may halo iyong pandidiri. "Mauna na ako, Gaurish. Ikaw na ang bahala sa kanya," paalam ni Sol kay Gaurish. "You stay here, Sol. Gusto kong marinig mo ang sasabihin ko sa babaeng ito." Pigil ni Gaurish ang kamay ni Sol. Nagtagal ang paghawak nito sa kamay ng babae. Napaatras siya sa masakit na tanawin. Hinanap niya ang pagsuyo sa mukha ni Gaurish ngunit tanging talim ng mga tingin ang naroon. Kung i-pertain sya nito ay tila walang namagitan sa kanila. Ano na bang nangyayari sa lalaking mahal niya? "G-Gaurish. . . halika na. Nagbibiro ka lang di ba? H-hindi naman totoo ang mga sinabi mo sa telepono 'di ba? M-Mahal mo pa rin naman ako. Gusto mo pa rin ako. Pakakasalan mo pa rin ako." Nanginginig ang labi ko. Hindi ko magawang panghawakan ng mabuti ang nagwawalang emosyon ko. "Olivia, listen up. Tapusin na natin kung anong mayroon satin. Ayoko ng magpakasal. Patawad kung umabot sa puntong ganito. Tanggapin mo na. Tinatapos ko na kung anong mayroon tayo." Litanya nito. Awtomatikong tumulo ang piraso ng luha sa pisngi niya. Umiling siya. "Hindi ako naniniwala. Kung ano man ang rason o dahilan kung bakit sinasabi mo alam kong may basehan. Mahal mo ko at mahal kita. Pangako natin 'yan sa isat-isa. Tell me, pinipigilan ka ba ng babaeng 'yan na pakasalan ako?" turo niya kay Sol na ikinataas naman ng kilay nito. "Uulitin ko, hindi na kita mahal. Hindi na kita gusto. In fact, nasusuka akong makita ka ngayon dito," anito na bakas ang disgusto sa kanya. "Bakit ka pa pumunta rito? Me and Sol are having a good time. Iniistorbo mo kami. If I were you, umalis ka na. Wala na akong oras pa para sayo. Matalino kang babae, alam kong naiintindihan mo ang mga sinasabi ko. Hindi ka naman siguro bingi at tanga." "Walang hiya ka!" Napigtas ang pisi ng kanyang pagtitimpi at doon na nga lumipad ang kamay niya sa pisngi nito. Napapikit ito sa sampal niya. Hindi pa siya nakuntento ay pinaulanan naman niya ng suntok ang dibdib nito. Hindi ito umilag o lumaban. Hinayaan lamang siya nito sa pananakit hanggang matapos siya. Hinihingal siyang umiyak sa harapan ng mga ito. The pain that she's feeling was becoming unbearable.Unti-unting nabalutan ng galit ang pagmamahal niya para rito. "Tapos ka na ba?" ani Gaurish na hindi kakikitaan ng konsensya. Bagkus ay pagkairita sa sitwasyon, lalo na sa kanya. "Umalis ka na." Matigas nitong pagtataboy sa kanya. "O, gusto mo'ng kaladkarin pa kita paalis ng building." "Hindi pa ako tapos," asik niya at saka hinablot ang buhok ni Sol at sinabutan. Ibinuhos niya ang lahat ng pait at sakit na nadarama. Nagtititili si Sol sa kabuuan ng hallway. Paano ay hinila niya ito at isinubsob sa carpet. "What are you doing, b***h?! Let me go! Gaurish, do something! Patigilin mo siya!" hiyaw ni Sol habang sinasabunutan niya. "Dahil kapag ako ang nanakit sa kanya ay siguradong mababali ang buto nitong babae na 'to!" Galit na galit siya to the point na hindi na niya alam ang ginagawa. Bumalik lamang siya sa huwisyo nang buhatin siya ni Gaurish palayo kay Sol at padarag na isadlak sa sahig. Madilim at maigting ang panga nito nang tingnan niya. "f**k! Wala ka ng pagasa, Olivia. Pinatunayan mo lang sakin na tama ang desisyon ko. Ugaling iskwater pa rin ang nananalaytay diyan sa dugo mo. Uulitin ko, umalis ka na." "Gaurish please. . ." nagsusumamo niyang usal. Umaasang babawiin nito ang mga nasabi. Kitang kita niyang lumambot ang mukha nito ngunit dagli ring nagmatigas. May pagsisi siyang nabasa roon pero mas may puntos ang pinalidad. She knew it! He's still in love with her! Patatawarin niya ito ng paulit-ulit, hilingin lamang nito. Ngunit ang tiyansang gusto niyang ibigay ay itinapon lamang nito buhat nang magsalita ito. "Don't make this hard for us. My desicion is final. Huwag na huwag ka ng babalik pa. Masasaktan ka lang." Tinalikuran na siya nito kasama si Sol. Muli niyang sinigaw ang pangalan nito pero tila bingi ito at tuluyang iniwan sa ganoong estado. Iyon ang mga sandaling tumatak sa puso niya. Ang araw kung saan nabalot ng galit at poot ang puso niyang walang alam kundi ang magmahal at willing magpatawad. Ipinangako niyang matitikman nito, ang ganti at lupit ng herederang nasaktan. "Aanihin mo balang araw ang sakit na ipinunla mo dito sa puso ko, Gaurish Del Fredo."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Cheating Heart

read
39.3K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
324.6K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
272.3K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
387.9K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
215.0K
bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
307.8K
bc

Reckless Hearts

read
255.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook