bc

When I Was Thirteen

book_age16+
3.7K
FOLLOW
10.0K
READ
drama
twisted
realistic earth
childhood crush
coming of age
first love
reckless
professor
passionate
like
intro-logo
Blurb

Patricia Angelia Briones is a 13-year-old girl who has a huge crush on Johnny Dela Vega, a 20-year-old college student. Despite their age difference, Angelica tried to pursue Johnny. However, he only sees her as a younger sister and that thought broke her heart. Her heart was further shattered when she found out that Johnny has a girlfriend. She gave up on her feelings and agreed to leave the country with her brother and her parents.

After 10 years, Angelica and Johnny meet again, unexpectedly. Will Angelica chase Johnny again? Or will Johnny break Angelica’s heart once more?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Kuya! Sama na kasi ako!” kanina pa ako pout ng pout kay kuya pero hindi pa rin siya pumapayag na sumama ako sa kanya. “Patricia Angelica Briones! HINDI KA SASAMA!” ah-oh! Galit na si kuya. Gusto ko lang namang sumama sa kanya kasi naiinip ako dito sa bahay. Palagi na lang nila akong iniiwan sa tuwing umaalis sila. Masyado pa kasi raw akong bata pumunta sa mga lugar na pinupuntahan nila. Nagpanggap akong parang maiiyak na. Sana’y effective itong pagmamakaawa na gagawin ko. Madalas kasing um-epekto ang acting skills ko kay mommy at daddy. Ngayon ko lang susubukan ito kay kuya. Sana naman kumagat din siya sa paawa effect ko. “Lagi niyo nalang akong iniiwan dito. Lagi na lang akong mag isa. Haaay…” bumuntong hininga ako ng sobrang lalim. “Wala na nga lagi si mommy at daddy dito sa bahay, tapos pati ikaw kuya… binabalewala mo ako.” Yumuko ako. I heard him sighed a bit. Medyo na e-excite na ‘ko dahil mukhang tumatalab na rin kay kuya itong paawa effect ko. “Okay, fine. But promise me, you’ll behave there. Alright?”  Nagningning bigla ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Sabi ko na nga ba, eh! Effective talaga itong acting skills ko. Pwede na siguro akong mag-artista. Makapag audtion nga sa PBB!  Nag-angat ako ng tingin kay kuya at binigyan siya ng malapad na ngiti. “Yehey!” nagtatalon ako sa sobrang tuwa. “I love you talaga, kuya! Thank you!” Sasagot pa lang sana siya, pero hindi na niya nagawa dahil nagmamadali na kong umakyat sa kwarto ko para makapag-ayos. Birthday ngayon ng isa sa mga kaibigan ni kuya. Pinag-planuhan ko talaga ang pagsama ko sa kanya dahil may ibang pakay ako dun. Ano kayang isusuot ko? Dress? Skirt? Shirt? Eh kung mag gown kaya ako? Not bad, ‘di ba? Pero… masyado naman atang bongga kung magsuot ako ng gown. Baka mamaya maagaw ko ang atensyon ng mga tao doon sa party. Baka mawala ang spotlight sa birthday celebrant. Huwag na nga lang… Sa huli, napagpasyahan ko na lang isuot ang kulay puting puff sleeve dress ko. Nag ayos na ako at lahat. Baby powder lang ang nilagay ko sa mukha ko dahil papagalitan ako ng istrikto kong kuya kapag nakita niyang may make-up ako. Actually, mas mahigpit pa siya kaysa kay mommy at daddy. Minsan tuloy iniisip ko na baka siya talaga ang totoo kong magulang. “Kuyaaaaaaaaaa! I’m ready!” pasigaw kong sabi habang papa ako sa hagdan. Hinanap ko si kuya pero wala na siya sa living room. Lumabas na siguro siya. “Ate, si kuya?” pagtatanong ko sa isa sa mga kasambahay namin. “Ah, nasa labas na po  siya. Hinihintay na kayo.” “Okay, ate. Thank you!” I answered cheerfully. Tumakbo na ako palabas at naabutan ko si kuya na nakasandal sa hood ng iting miyang kotse. May kausap siya sa cellphone niya, at malamang ay si ate Essa ‘yun. ‘Yung girlfriend niyang ubod ng ganda… parang ako. “Kuya, I’m done…” kinalabit ko siya. Binaba na niya ang cellphone niya, pero bago ‘yun, narinig ko pa ang huling sinabi niya kay ate Essa. “See you later, hon. I love you.” Nakakakilig naman sila! Ang sweet talaga ni kuya. Hindi ko akalain na magtatagal sila ni ate Essa. Playboy kasi itong si kuya dati. Iba't ibang babae ang dinadala niya sa bahay. Si ate Essa lang talaga ang nakapag pa tino sa kanya. Ewan ko ba kung bakit ang daming nagkakagusto sa kanya, ni hindi nga ako nag a-gwapuhan sa kanya. May gwapo ‘yung crush ko!  “Uy! Si Kuya ang sweet talaga!” pang aasar ko sa kanya nang makapasok na kami sa loob ng kotse niya. “That’s love, Gel...” sabay ngiti niya. Si kuya talaga! Parang sira ‘to! Tumahimik na lang ako at inisip ang crush ko na si Johnny Dela Vega. Kaibigan siya ni kuya at matagal ko na siyang hinahangaan. Alam ko naman na masyado na siyang matanda para maging crush ko. Magkasing edad kasi sila ni kuya, pareho na silang 20 years old. Samantalang ako, 13 years old pa lang. Pitong taon ang agwat niya sa akin, pero okay lang naman. Age doesn’t matter, right?  “Nandito na tayo…” kuya said and stopped the car. Lumabas na siya ng sasakyan, kaya lumabas na rin ako. Nandito kami ngayon sa bahay ng kaibigan niya. Malaki ang bahay nila, kagaya ng sa amin. Marami na ring mga sasakyan ang nakaparada sa tapat ng bahay. Nilibot ko ang aking mga mata pagpasok namin at napagtanto na ako lang ang bata dito. Parang nabawasan tuloy ang confidence ko! “Kuya...” kumapit ako sa braso niya. Napatingin naman siya sa ginawa ko. “Am I allowed here?” “Huh? Kanina lang pinipilit mong sumama rito. Ngayon bakit parang gusto mo nang umuwi?” natatawang iling niya. “Of course, your allowed here! Basta behave ka, okay?” he patted my head then he smiled at me. “Hi, Hon!” nakangiting salubong ni ate Essa sa ‘min nang makita kami. Napabitaw ako sa braso ni kuya nang yakapin niya si ate Essa. Hinalikan pa ni kuya sa cheeks si ate Essa. I saw her blushed, kasi may binulong ata si kuya sa kanya. Hindi ko na narinig kung ano ‘yun. Maybe some cheesy lines or banat lang. Ewan ko ba, naging corny na rin si kuya. Kapag nga hinihiram ko ang cellphone niya, ang dami kong nakikita sa search history niya, kagaya na lang ng: ‘How to be romantic’ o kaya naman ‘Best pick up lines’. “By the way, hon, I’m with Gel. Sinama ko na siya kasi kawawa naman… wala na namang kasama sa bahay.” “Oh, hi Gel!” bati sa akin ni ate Essa. Lumapit siya sa akin at hinalikan din niya ako sa cheeks. I love my ate talaga. Wala kasi akong kapatid na babae, kaya tinituring ko na siyang kapatid. Ito kasing si kuya hindi ako nilalambing masyado. Samantalang pag ibang babae, nilalambing niya. Hmmp! Pumasok na kaming tatlo sa loob. Pinuntahan namin ang mga kaibigan nila. At parang lumundag ang puso ko sa sobrang tuwa nang makita ko na si Johnny. Dali dali akong umupo sa tabi niya, mabuti na lang at bakante ‘yun!  Behave, Angelica. Wag mong ipakita na atat kang makita si Johnny! Paalala ko pa sa sarili ko. “Hi Johnny!” masiglang bati ko sa kanya. “Hi Angge!” ngumiti siya at mas lalong lumundag ang puso ko sa sinabi niya. Laging Angge ang tawag ni Johnny sa ‘kin. Una ko siyang nakilala noong five years old pa lang ako. Pareho kasi sila ng pinapasukan na eskwelahan ni kuya noon. Pagkatapos ng klase nila, palagi siyang tumatambay sa bahay naming. Madalas silang maglaro ng kung anu-anong video games ni kuya. At dahil palagi siyang nasa ‘min at sobrang bait niya sa ‘kin, nagsimula na akong humanga sa kanya. Nadala ko ang paghanga na ‘yun hanggayng ngayon.  “Call him Kuya, Gel..” sita kaagad ni kuya sa ‘kin. Naku, si kuya talaga ang sungit. Okay lang naman kay Johnny na wag ko siyang tawagin na kuya, eh. “Yaan mo na, pare. Parang kapatid ko na rin ang bulinggit na 'to,” sabay gulo sa nakalugay kong buhok. Err, I’m not your sibling! Hmmmp! Future girlfriend pwede pa! Nagtawanan sila sa sinabi ni Johnny, kaya nag pout na lang ako. Nagkwentuhan na silang mag kakaibigan, kaya OP lang ang peg ko ngayon. Kung alam ko lang na magiging ganito ang role ko dito, sana hindi na ako sumama. Pero syempre joke lang ‘yun. Nandito kaya si Johnny, sino ba naman ako para tanggihan ang grasya, ‘di ba? “Anong gusto mo, Angge? Ayaw mong kumain?” wow. Akala ko hindi na nila mapapansin ako existence ko. “Mamaya na. Juice will do for now,” sagot ko kay Johnny. “Here,” sabay abot sa akin ng juice. Wala kasi akong ganang kumain. Kinuha ko na lang yung juice na binigay niya at ininom ito. “You look so cute when you’re annoyed. You know that?” nakangisi si Johnny habang sinasabi ‘yon. “At paano mo naman nalaman na naiinis ako?” inirapan ko siya. Nawala kasi talaga ako sa mood bigla. I feel like I don’t belong here. I looked at my kuya, he's enjoying the moment. Kasama kasi niya si ate Essa. Mukhang nakalimutan na ata niya na kasama niya ‘ko. Ang hirap talaga kapag hindi mo ka age ang mga kasama mo. Ang hirap maki fit-in sa kanila dahil hindi ka naman maka-relate sa mga usapan nila. “Look at your nose. It’s so red like tomato,” pang-aasar pa ni Johnny sabay kalabit sa ilong ko. “So… bakit ka nga naiinis?” “You know what... minsan iniisip ko na sana agad na lang akong ipinanganak. Sana ako na lang ang panganay at si kuya na lang ang bunso. I hate it when they treat me like a baby. It’s as if I can’t handle things on my own. Sana… magkasing edad nalang tayo.” He stiffened when he heard the last sentence that I uttered. “I have a crush on you, Johnny…” I looked at him, then look at the table. “H-huh? W-what?” hindi ko nakita ang reaksyon niya dahil nanatili lang ang mga mata ko sa mesa. Mukhang hindi rin narinig ng iba ang sinabi ko dahil abala sila sa pakikipag-usap sa kanya kanyang grupo. “Forget it… just pretend you didn’t hear anything.”  Hindi na nagsalita pa si Johnny. Nang lingunin ko siya, nakatalikod na siya sa ‘kin at ngayo’y nakisali na sa kwentuhan ng mga kaibigan niya. Nanahimik na lang ako. Nagpaalam ako kay kuya na kukuha ako ng pagkain, tumango lang naman siya sa ‘kin. Bago ako umalis, tiningnan ko ulit si Johnny. Nakikipagtawanan na siya ngayon sa mga kausap niya. Napili kong sa labas na muna ako kumain. At para malibang ako, tinext ko na lang ang best friend kong si Jessica. Binalita ko sa kanya ang biglaan kong pag-amin kay Johnny, at windang na windang naman siya. Nang matapos akong kumain, bumalik ako sa grupo nila kuya. Nandoon na sila sa may pool area. Hapit niya ang baywang ni ate Essa habang may binubulong rito. “Kuya, I wanna go home...” kinalabit ko siya. Pareho silang napatingin ni ate Essa sa ‘kin. “Inaantok ka na ba?” he patted my head. “Wait. I’ll text our driver to pick you up. Hindi pa kasi kita mahahatid.” “No. I just call a cab na lang…” I declined. Tulog na kasi n’yan yung driver namin. Nakakahiya naman kung gigising pa siya para lang sunduin ako. “I won’t allow you. You're too young to ride a cab on your own. Ihahatid ka na lang naming ni Essa, sige.” Magsasalita pa lang sana ako, kaso may biglang nagsalita na sa likod ko. “Pare, ako na lang ang maghahatid sa kanya. Uuwi na rin ako...” ani Johnny. Napatingin kami sa kanya. “Okay lang ba sa ‘yo?” tanong naman ni Kuya. “Oo naman,” sagot niya. “On the way lang naman ‘yung village niyo sa bahay namin, kaya isasabay ko na si Angge.” “Okay, sige. Ingat kayo…” tinapik ni kuya sa balikat si Johnny. Nag wave naman ako kay ate Essa. Tahimik ako habang nasa byahe kami ni Johnny. Ni hindi nga ako makatingin ng maayos sa kanya dahil sa confession ko kanina. Ito pa lang ang unang beses ko na sumakay sa sasakyan niya. He’s a gentle driver. Hindi katulad ni kuya na parang laging nasa race track. Johnny turned on the radio. Para namang bumagal ang ikot ng mundo ko nang marinig ang tugtog. Someday We’ll Know… Our favorite song is on air. Madalas naming kantahin ito noong bata pa ako. Nakaka-miss talaga ang mga panahong ‘yun. Noong palagi pa ring pumupunta sa bahay namin. Nang mag college na kasi sila ni kuya, pareho na silang naging abala.  I can still remember those days… those happy days. He’s my knight in shining armor. But… I realized that this isn’t a fairytale. I have to accept the fact that he outgrew me. Syempre, lumawak na ang mundo niya kaya nakalimutan na rin niya ako. Kailangan kong tanggapin na kahit umusad pa ang oras, hindi ko pa rin mahahabol ang edad niya. Napailing na lang ako at inalis na ang bagay na ‘yun sa isip ko. Hindi ko napansin na nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin. Lumabas siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan. Hinatid niya ako hanggang sa gate namin. “You wanna come in?” alok ko sa kanya. “Huwag na, magpahinga kana.” “Okay.” Naglakad na ulit siya pabalik sa kotse niya, pero nagsalita ulit ako bago siya makapasok. “Narinig mo ba ‘yung sinabi ko kanina? Sa party?” lakas loob kong tanong. “Ha? Ano ‘yun?” litong tanong nang pagharap sa ‘kin. “Ah, wala… wala,” iling ko. Mukhang hindi naman pala niya narinig yung confession ko. Mabuti na lang! “Sige na, pumasok ka na...” aniya. Tumango ako at pumasok na sa loob ng bahay. Narinig ko naman ang pag-andar ng sasakyan niya, hudyat na umalis na siya. “I like you, Johnny…” mahinang tawa ko sa sarili.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

Rewrite The Stars

read
94.6K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
66.2K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
231.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
124.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook