bc

Melting The Cold Heart

book_age18+
12.4K
FOLLOW
152.3K
READ
possessive
sex
badboy
CEO
boss
drama
comedy
bxg
office/work place
model
like
intro-logo
Blurb

WARNING: RATED 18+

Sabi nila, hindi solusyon ang hiwalayan sa dalawang taong nagmamahalan. Ang mali ay ayusin, ang hindi maintindihan ay pag-usapan. Ngunit walang binigay na choice para sa akin at ang natitirang solusyon lamang ay iwan ka.

Mahal na mahal ni Wensy Shore si Gav, ngunit dahil sa isang utos ay nagawa niya itong iwan. Ngayong bumalik si Wensy sa Pilipinas, para ayusin ang lahat. Magagawa niya kayang palambutin muli, ang pusong muling tumigas?

Magagawa kaya niya?

chap-preview
Free preview
Prologue
PROLOUGE     Wensy Shore   “Ano na! It’s been what?” tumaray lang ako sa kaniya, paulit-ulit na lang siya sa sinasabi niya. “It’s been two years,Wensy..” napasinghap ako, saka ko kinuha ang nasa mesa naming vodka. “Tignan mo si bestie mo na si Vessai, may anak na tapos ikaw?” naiirita na akong kausapin siya, ngunit hindi ko na lamang pinapansin iyon.   “Alam mo Trix, hindi ko na kailangang magmadali..” tumingin naman siya sa kasama niyang si Shone. “Ikaw dapat ang tinatanong ko.” pagbabago ko sa usapan, kanina niya pa ako hina-hot seat dito. Samantalang siya ay marami pang hindi na kwento sa akin, “Kumusta kayo ni Sho-” inilahad niya agad ang kaniyang isang kamay, tila pinipigilan niya akong sabihin ang pangalan ni Shone. “Please, I came here to have fun.” ngumisi ako, halatang may problema ang dalawa. Hindi na siya tinanong pa, feeling ko ay kaya naman niya iyon at baka sabihin pa niya ay nanghihimasok pa ako.   “Since, kakauwi mo lang ng pinas.” sumipsip ako sa aking baso, binaba ko rin iyon nang magsalita siya. “Hows Paris?” nagkibit-balikat lamang ako, wala namang pinagbago, Paris pa rin naman siya hanggang ngayon. “Ayos lang.” kita ko sa kaniyang mukha ang hindi satisfied sa aking sagot. “Alam mo, may iba na siya..” nahinto ako saglit, nakagat ko ang aking labi. Hindi ako handa para sa gano’n na salubong. Natatakot pa rin ako, ngunit nang marinig ko iyon ay mas nadurog ako.  “Ikaw naman ang nang iwan, kaya‘wag ka nang magmuk-mok..”   Sumama ang tingin ko kay Trixie, hindi ko pa rin kasi sa kaniya nasasabi ang tunay na dahilan.   “Hindi ko siya iniwan, dahil gusto ko-” “Pero ang sabi mo sa kaniya ay hindi mo na siya mahal?”   “Sinabi ko lang iyon, para layuan niya na ako.” kumunot ang kaniyang noo, “Bakit mo naman sinabi iyon? Baliw ka na talaga!” inilapag niya ang kaniyang baso, saka humampas sa sofa. “Oh my god, Wensy Shore!” umiiling-iling niya pang sambit sa aking pangalan, “So, what’s your plan now?” wala akong masagot, dahil wala naman akong alam na plano. Hindi ako umuwi para maghanda ng plano para sa kaniya. “Gusto mo ba ako tanungin kung ilang taon na sila?” kinabahan ako bigla sa kaniyang tanong, taon na silang magkasama? That was fast! It’s just two freaking years!   “That fast? One year? I guess?” umiling siya, kinabahan ako lalo. ‘Wag niyang sabihin mas matagal pa sa isang taon? Naka-move on na siya agad? Samantalang ako ay ganito? “Girl, don’t give me that look..” ngumisi siya, ano ba ang gusto niyang look ang ibigay ko sa kaniya? I just giving her my curious face. “What?” umiling-iling ito, “’Wag kang mag-alala, bago lang siya sa pang ilang babae ni Gav..”   “Naging babaero siya?” kumalabog ang aking dibdib, tila pinapasok pa rin sa aking isipan ang sinasabi ni Trix, “Sayang nga at hindi mo nakita kung paano niya halikan ‘yung ex niya.” talagang sa akin niya pa sinabi iyon ah! At sa akin niya pa talaga pinagmayabang‘yon! Ex niya rin ako, at mas malayo na ang napuntahan namin years ago, dahil hindi lang iyon halik! “Thanks for the info-”   “Ang pinagtataka ko lang ay bakit mo ‘ko dinala sa bar na ito, Wens..” takang-taka niyang tanong, why? Cheap ba ang bar na ito? “Bago‘tong bar na ‘to ,‘di ba?” ano? Outdated na siya? “Ako itong nasa Paris at ikaw itong nasa pinas, pero alam ko pa na bago itong bar na ito kaysa sa ‘yo?” humalakhak ako, ngunit siya ay tinikom niya lamang ang kaniyang bibig.   “Gaga! Kay Ga-” “Wensy?”   Hindi natuloy ang sasabihin ni Trix, nang may tumawag sa aking pangalan. Lumingon ako para tignan iyon, ngunit laking gulat ko kung sino iyon. “Jacob!” masaya kong bati sa kaniya at saka siya niyakap. “Kakauwi mo lang?” tanong niya sa akin, tumungo naman ako. “Ikaw? Ang tagal mong nasa Korea ah!” nag-appear kami, niyaya ko siyang umupo sa tabi namin, ngunit tumanggi siya. “Oo, kakauwi ko lang ngayon. By the way, asan si Gav?”  masayang tanong niya sa akin, nakatingin pa rin ito at tila nag-aantay ng sagot. “’Wag mo nga ako biruin! Ano ka ba!” ako na lamang ang natawa, ngunit hindi siya tumawa.   “Hindi mo alam? E, bakit ka nandito? Sa kanya itong bar na ito, ‘di ba?” para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya, tumingin ako kay Trix na ngayon ay nagkibit-balikat lamang. “Sasabihin ko naman sa ‘yo kanina, ‘di ba?” mahina niyang bulong. Hindi ko na iyon pinansin pa at tumingin  muli kay Jacob. “Wait? ‘Wag mong sabihin na hindi niya pa rin alam ang totoo?” nakagat ko ang aking labi, paano ko ba iyon sasabihin sa kaniya. Kung kailan ko na talaga siyang hiwalayaan noon? “Seryoso? Wensy?” sunod niya pang tanong, tumungo na lamang ako.   “Kailan mo balak sabihin?” “Hindi ko na kailangang sabihin sa kaniya.”   “Bakit hindi!” naiirita na siya, “Ano na balak mo? Paano ka? Wala siyang alam sa lahat ng nangyari? Kahit kaunti, wala?”  tumungo ako muli, nakita ko ang kaniyang pagsinghap at umupo sa tabi ko. “Ano ba ang hindi mo nasabi kay Gav, Wens?” sulpot naman ni Trix sa akin, hindi ko pa rin nasasabi sa kaniya. Kahit kay Sai ay hindi. Tanging si Jacob lang ang nakakaalam ang nangyari noong two years ago.   “Hindi ako pumunta rito para sabihin iyon sa kaniya, Jacob.” panimula ko, “Marami na ang nagbago, marami akong nasabi sa kaniya noon at feeling ko iyon ang naging dahilan.. ‘kung bakit naging successful siya ngayon.” hindi ko alam kung bakit nakatingin lamang si Jacob sa kaniyang paahan. Tila may iniisip na plano, “Akala ko ay ikaw ang ipapakilala niyang fiance niya, Wensy.” nanigas ako sa kinatatayuan ko. “Kaya ako umuwi sa pinas, dahil nag-chat siya sa akin na ipapakilala niya ako sa fiance niya.” halos pinipiga ang puso ko sa aking narinig.   “Mukhang huli na nga, kahit sabihin pa ang nangyari two years ago.” tumulo ang ilang butil ng aking hula, nasasaktan pa rin ako. “I-I wish na maging masaya siya sa fiance niya..” namumula ang aking mga mata, pinipigilan kong maiyak nang sobra. “Jacob.” napahinto ako saglit, halos parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ko ang boses na iyon.   “G-gav!” tumayo si Jacob sa tabi ko, hindi ako makalingon. Alam kong tinitignan niya ako, nararamdaman ko iyon. “Let’s go?” hinawakan ko ang kamay ni Trix, ayokong magsayang ng oras. Natatakot pa rin ako, natatakot akong makita muli ang mukha niya. Hindi ko kayang tignan siya, dahil parang sinasaksak lamang ang puso ko. “Wensy.” otoridad na tawag niya sa aking pangalan. Hindi ako makalingon. Tinignan ko si Trix, ngunit tumingin ito sa likod ko, saka niya ako pinanlakihan ng mata.     “Tawag ka,” naniningkit ang kaniyang mga mata, “Alis na tayo.” halos nagmamakaawa na akong tignan siya, ngunit wala na akong magawa kung hindi ang tumayo at harapin si Gav. Ang kaniyang matipunong kawatan ay mas lalong nagpakita sa kaniyang American cut suit na ngayon ko lamang nakita sa kaniya. “Nice to see you..” hindi ko alam kung ngi-ngiti pa ako sa bati niya, “Again.” sunod niya pang sambit, doon na lamang ako nakangiti ng peke. “N-nice to see you too,” saka ako umiwas ng tingin, hindi ko kaya.   “Enjoy the night, ladies.” muli niyang sambit, saka siya umalis kasama si Jacob. Sinundan ko ito ng tingin, laking gulat ko lalo nang may halikan ito na babaeng na mas maganda sa akin, mas sexy, mas matangkad. “Iyan ‘yung fiance niya,” bulong ni Trix sa akin, nilunok ko kaagad ang aking vodka at umupo sa aking upuan.   Unti-unting tumulo ang aking mga luha.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

WHAT IF IT'S ME

read
66.3K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
232.1K
bc

Rewrite The Stars

read
94.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
124.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook