bc

Invisible Touch(completed)

book_age16+
5.3K
FOLLOW
21.3K
READ
reincarnation/transmigration
time-travel
inspirational
mystery
scary
magical world
another world
rebirth/reborn
Writing Academy
spiritual
like
intro-logo
Blurb

Napilitan siyang lumipat sa bahay na iyon dahil sa kawalan ng matitirhan.. Ang malaki at lumang bahay na iyon ay namana ng kanyang ina sa lola nito na may lahing kastila at dahil nag iisa lang siyang anak kaya siya lang ang tagapagmana niyon.

Tutal may balak siyang ibenta ang bahay na iyon at sa tiyak niya ay malaking halaga ang katumbas niyon dahil sa antique nang matatawag, at pati ang mga kagamitan sa loob ng bahay na iyon ay talagang ilang dekada na ang edad, kaya pinili na rin niyang pansamantalang tirhan para makita na rin niya ang mga kasiraan at magawan niya ng paraan, at kapag naibenta na niya saka siya bibili ng maliit lang na bahay dahil nag iisa na lang naman siya. Sa edad niyang trenta'y singko ay hindi pa siya nakakapag asawa at ulila na rin siya dahil sa tinamong aksidente ng kanyang mga magulang noong trenta'y anyos pa lang siya. Mga tiya at tiyo na lang ang kanyang nagsisilbing kapamilya

Marami siyang plano kapag naibenta na niya ito, naisip niya habang nakatayo sa harap ng matandang mansyon na iyon at isa sa balak niya ay pumunta sa ibang bansa at mag asawa ng ibang lahi, iyon ng gusto niya ayaw niya kasi sa mga pinoy na puro kasweetan kuno sa umpisa at pagkatapos magsawa ay iba na naman.

Pinasok niya ang bahay na iyon at isa isang kinikilatis ang mga kasangkapan na naroon, iniisip na niya ang ipepresyo niya kapag binenta niya ang mga iyon. Napapangiti tuloy siya ang hindi niya alam ay may isang pares ng paningin ang naroroon at pinagmamasdan siya sa bawat kanyang gawin..

chap-preview
Free preview
Episode 1
"Oh sige po kuya diyan na lang po yan.. Tapos ito kuya pasuyo doon pakilapag." Turo niya sa kanyang salaming lamesa. "Eh Ma'am eto pong tokador saan ilalapag?" Tanong ng isa pang kargador. "Ah ayan teka po." Nag iisip siya kung saan iyon magandang ilapag. "Kuya pwede bang pakiakyat na lang yan sa taas." Nakita niyang tumango ito bilang tugon sa kanya. Kaunti lang naman ang mga gamit niya, kaya maliit na trak lang ang inarkila niya. Mas ok ang konting gamit para di mahirap maglipat. Isip isip niya. "Oh mga kuya salamat sa inyo ha, sa uulitin kapag lilipat ako ulit kayo kokontakin ko." Nakangiti siya habang iniaabot niya ang kanyang bayad na napagkasunduan nila. "Sige po mam. Salamat po!" Wika ng dalawa niyang kargador. "Ma'am ang laki ng bahay niyo." Wika ng isa, ngumiti lang siya dito. Hinatid pa niya ng tanaw ang dalawa habang pabalik ang mga ito sa trak. Napatitig tuloy siya sa gate.. Ang gate ng mansyon na iyon ay gawa sa bakal may kalumaan na talaga kaya balak niya na ipapintura niya iyon para gumanda. Sa tingin niya ay hindi siya mahihirapan na maibenta ang bahay dahil sa lokasyon, paglabas mo ay kalsada na agad. Binuhat niya ang kanyang maleta, hindi naman kalakihan iyon kaya siya na ang bumuhat, balak niya na sa taas ang gawin niyang silid, nakapili na siya ng isa doon yung maluwag at maaliwalas. Lima ang kwarto doon sa itaas at may dalawa pa sa ibaba. Ibinagsak niya ang kanyang bagpack sa kama na nasa sentro ng silid. "Hay! Nakakapagod din talaga ang maglipat, napakalaki para sa kanya ang bahay na ito. "Eunice samahan mo akong tumira doon sa mansyon ah." Sabi niya sa kanyang pinsan, ito ang pinaka close niya sa lahat ng pinsan niya, tinawagan niya ito bago siya magpasiya na lumipat doon. "Eh insan hindi pwede malayo sa trabaho ko, mahihirapan ako, at isa pa ay ibebenta mo naman iyon diba?" Sabi nito. "Saglit ka lang naman magsstay doon eh. Hindi rin papayag sila mama." Wika nito sa kanya. Kaya ayun mag isa lang siyang titira pansamantala doon. "Sana ay makahanap ako agad ng buyer nitong bahay, I think nasa milyon din ito kapag nabenta, ang laki kaya nito!" Kinakausap niya ang sarili. Ang balak niya ay aayusin niya ang kabuuan ng bahay tapos ay kukuhanan niya ng mga larawan at ipopost sa internet. Lumapit siya sa may bintana. Pinili din niya ang kwarto na yon dahil sa malaking bintana na iyon, ang sarap dumungaw lalo sa umaga. Napatingin siya sa ibaba parang magandang magtanim dito ah, naisip niya. Syempre magugustuhan ng buyer kapag maraming tanim, buhay na buhay ang itsura ng bahay, napapangiti siya, natutuwa kasi siya sa mga iniisip niyang plano. Tumalikod na siya sa bintana kaya natuon ang mata niya sa whole body na mirror doon, may kamahalan din ang presyo nito ah, mukha na kasi talagang antique. Noong una natakot siya doon dahil sa kalumaan, ang ginawa niya ay nilinis niya iyon at ayon maganda na ulit, kumintab na ang kahoy na pinagkakabitan ng salamin Lumapit siya doon at pinagmasdan ang sarili niyang refleksyon doon, kahit 35 na siya pala, ay masmukha siyang bata sa edad niya. Balingkinitan ang kanyang katawan ayon sa nakikita niya, minimaintain niya kasi ang pagiging payat talaga, maputi din siya sa karaniwan dahil sa may lahing kastila ang mama niya, at namana niya iyon pati ang tangos ng ilong nito. Hinawi niya ang kanyang tuwid na buhok. Napansin niya na humahaba na pala ang buhok niya, nakita niya na lagpas balikat na pala. Gusto niya kasi ay shoulder length lang iyon lagi may pagkaboyish kasi talaga siya sa pag uugali, kilos, kung baga ay hindi siya babaeng pilipina sa lahat ng aspeto, naisip niya.. Naalala niya yung mga makukulit na lalaki na nanliligaw sa kanya, basted lahat, kapag hindi niya type ay sinasabi na niya ng maaga para hindi na umasa. Si Zandro. Bumalatay ang lungkot na iyon sa kanyang mga mata. Naalala niya ang ex boyfriend niya, yun lang talaga ang minahal niya ng sobra, until now may feelings pa siya dito pero sinaktan lang kasi siya nito. Kaya ayon wala na siyang balak na magkaroon ng pilipino na nobyo, maghahanap na lang siya ng foreigner, plano niya. Atleast ititira pa siya sa ibang bansa, at saka alam niya malalaki ang mga ano ng mga foreigner. Natawa siya sa malikot niya imahinasyon. Ano ba yan kung ano ano agad ang pumapasok sa isip niya. Umalis na siya sa salamin, ayusin ko na nga ang gamit ko. Nasaloob niya. "Hays! Nakakapagod, masarap kumain ngayon ng pizza, makalabas nga mamaya." Isip isip niya. May motor naman siya kaya magagawa niyang makapunta kung saan niya gusto. Isa iyon sa mga hilig niya, pampalipas ng oras kung baga, hilig din niya ang mountain climbing, hiking yung pumunta kung saan saan in short, alagang alaga niya ang motor niya na iyon. "Teka ilang taon na ba sa kanya yon?" Napaisip tuloy siya. "Ahh mag aapat na taon na sa kanya yon pero mukha pa ring bago talaga, dati paangkas angkas lang muna siya bago niya naipasya na magkaroon na ng sariling motor. "Yan ok na!" Sabi niya kahit alam niya na mag isa lang siya sa napakalaking bahay na iyon. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang pagkakasalansan niya sa lahat ng damit niya sa built in cabinet sa silid na iyon. Umupo muna siya sa kama at nagbrowse ng kanyang cellphone, pahinga muna ba, ang balak niya ay magshower maya maya, then lalarga na siya at gabi na siya uuwe. May balak pala akong tignan na books mamaya doon muna ako bago magdinner. Paalala niya sa sarili. Wala siyang permanent job, ayaw niya iyon kasi pakiramdam niya ay matatali ang buong panahon niya sa trabaho kaya nag isip siya ng mga pagkakakitaan lalo na sa online, nag aral din siya ng short course ng graphic design when she was only 27 kumbaga ay freelancer siya at 7 years na siya sa ganoong pinagkakakitaan, kung may client siya ay pagpupuyatan niya lang then pera na, bukod dun ay nag iinvest siya sa mga legit site sa internet, at iba iba pang raket. Sa totoo lang malungkot mag isa pero nasanay na rin siya, marami naman siyang kaibigan na pwedeng puntahan kapag nalulungkot siya. Gumala ang kanyang paningin sa buong silid, ang tagal nabakante ng bahay na ito, wala naman din kasing titira, kaya naisip niya na ibenta sayang kasi. Ang bibili siguro nito ay iyong mga gustong magpermanente nang manirahan sa probinsya yung tipong sawa na sa maingay na siyudad ng maynila. Naisip niya. Tumayo na siya at dumukot ng tuwalya sa cabinet, sabay amoy. "Ligo time!" Habang pasayaw sayaw pa siyang pumaroon sa cr na nasa second floor, wala naman kasing sariling cr ang lahat ng silid. "Dapat meron eh!" Napapalatak na sabi niya sa sarili.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SILENCE

read
380.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

His Precious Property

read
613.6K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
89.1K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.3K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

My Godfather My husband

read
269.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook