bc

EL ASESINO MAFIA: Don Vito Valentin

book_age18+
7.8K
FOLLOW
31.8K
READ
billionaire
pregnant
submissive
boss
mafia
billionairess
drama
comedy
victim
hostages
like
intro-logo
Blurb

The game of love that gave a twist her life because of fate. Would she be able to escape Don Vito Valentin?

__________

All Rights Reserved (c) HeavenKnowsFLO (Frances Lois Ocampo)

Free Reading only on Wattpad

⚠️Disclaimer: All the characters, events and government agencies in the story are entirely FICTIONAL ONLY. And also includes adult content not suitable for sensitive minds and very young audiences.

Pls, read at your own risk.

Again, This book is a work of fiction from the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHAPTER 1 Mahigpit na hawak-hawak ni Cassandra ang magkabilang laylayan ng kanyang blusa. Nanginginig at para bang umaatras ang kanyang dila sa labis na takot. "Tay! Huwag po!" Sigaw niya at paulit-ulit niya itong sinasabi. Walang pakialam at basta na lamang pinaso ang kamay niya gamit ang isang sigarilyo. Patuloy man sa pagmamakaawa ang dalaga nanatili pa rin ang paninindigan ng Tatay niya na saktan pa siya ng husto. 'Di kalaunan at nakakuha ng tsempo si Cassandra at itinulak niya ito. Dahil sa labis na kalasingan, tumaob ang kanyang ama at ang dalaga naman ay kumaripas sa pagtakbo palabas sa barong-barong nilang tahanan. Madilim man ang paligid ay patuloy pa rin niyang tinahak ang kalsada. Wala rin tigil sa pag-iyak si Cassandra hanggang sa marating niya ang waiting shed. Pilit niyang tinatago ang sarili sa mga lasinggero. "Ma, bakit mo ako iniwan kay Papa? Saan ako pupulutin? Gusto ko pang makapag-aral. Gusto kong makaahon sa buhay na iniwan mo sa akin!" Bulalas niya at pilit tumayo kahit na napaka sakit ng kanyang mga paa. Naglakad muli ang dalaga hanggang sa matagpuan niya ang isang convenience store. Inayos niya ang sarili at lakas loob na pumasok. Bitbit ang paninindigan, kumuha siya ng tatlong tsokolate at tubig. Kaliwa't kanan ang tingin niya habang tinatago ang mukha gamit ang buhok. Sinisiguro niyang walang makakakilala sa kanya. "Isa, dalawa, tatlo—" "Hoy! Magnanakaw!" Sigaw ng cashier at pilit siyang hinabol hanggang sa harapan ng convenience store. Kumaripas muli sa pagtakbo si Cassandra kahit na napaka sakit ng binti at kanyang mga paa. Muli siyang bumalik sa waiting shed at kinuha ang ninakaw niyang pagkain. Hindi niya maiwasan na mapangiti habang lumuluha. "Isa sa mga Dean's lister students, isa nang shoplifter. I can't imagine, napakaraming nagtitiwala sa akin dahil sa pagiging tapat ko. Pero heto at hindi nila alam na katulad na rin ako ng Tatay ko." Anak ng sugarol at lulong sa droga ang ama ni Cassandra. Mula't sapul ito na ang kanyang nakagisnan. Nakatira sila malapit sa mabahong ilog at isang kahig isang tuka. Pasok bilang scholar si Cassandra sa Unibersidad dahil sa kanyang talino, kaya ni pisong duling ay walang binabayaran ang kanyang ama. Habang ang ina ni Cassandra na isang GRO ay sumama sa ibang lalaki para makatakas sa buhay nila, kung kaya't siya na lamang ang naiwan sa walang kwenta niyang ama. Alas dos pasado na ng madaling araw at patuloy pa rin naglalakad si Cassandra. Tinitigasan niya ang mga binti upang makalayo sa dati nilang tinitirahan. "Pwede kaya akong mangutang sa professor ko? Anong pwede kong gawin para magkapera?" pinunasan niya ang luha at diretso pa rin sa paglalakad habanag nakayuko. "Hoy, Miss!" Sigaw ng ilang tricycle driver. "Oh my gosh!" Bulalas niya at napahiga si Cassandra sa kalsada. Yakap-yakap niya ang sarili habang nanginginig ang buong katawan sa takot. "Hey, are you okay?" Napatingin si Cassandra sa isang lalaking nakaputi. "Hey, okay ka lang ba?" pag-ulit nito. Hindi nakasagot si Cassandra at tila'y biglang may ilaw na lumiwanag sa kanyang isipan. "Modus," Bulong niya sa sarili "Ah! Ang sakit! Ipagamot mo ako! Ah!" Pag-arte niya. "Sandali at bubuhatin kita." "Hindi! Masakit talaga! Ah! Tumawag ka nang ambulansya baka ano pa ang mabali sa akin!" Utos ni Cassandra kaya naman nagkakamot na ng ulo ang lalaki. "Don't move, just wait for a while." Sumunod naman ang dalaga at hindi nga ito gumalaw. Pilit niyang nilalakasan ang loob upang magpanggap. Nakita rin niya ang sasakyan—halatang mayaman at pwede niya itong mahuthutan. "Cassandra, um-acting ka lang. Kailangan mo ng pera!" Bulong niya sa sarili. Kalaunan ay narinig na niya ang ambulansya. Dahan-dahan siyang binuhat sa stretcher at sinuri ng health worker. Pinagmamasdan niya ang lalaki at hindi siya nagkakamali sa hawak nito. "Kulay blue? Ang kapal! Mukhang babayaran nga niya ako!" Bulong niya sa sarili. Sa paglapit ng lalaki sa kanya, muling ngumisi si Cassandra bilang pagpapanggap. "Ah! Ang sakit talaga! Pasalamat ka hindi kita irereklamo! Basta bayaran mo lahat ito!" "Oh ito, kailangan ko nang umalis!" Saad ng lalaki at inabot ang libo-libo sa kanyang kamay. Hindi nagkakamali si Cassandra dahil sampung libo ang bilang niya. "Kapagka nga naman minalas ka, ang kapalit ay sampung libo!" Bulong niya sa sarili. Muli pa rin nagpanggap si Cassandra na sobrang sakit ng katawan niya. Ilang oras ang nakalipas, nanatili pa rin si Casssandra sa loob ng ward. Ayon sa test ng Doctor, wala naman bali o pagkakamali sa buto niya. Tanging mga sugat at pasa lamang ang natagpuan sa kanya. As she insisted to stay, tila sinulit ng dalaga ang free meal sa mga pasyente. "Ang sarap naman pala ng buhay ng mga pasyente rito! Ang sarap ng pagkain!" Nang matapos sa pagkain si Cassandra, minabuti niyang hugutin ang dextrose sa kamay at lumabas ng ward. Sa patuloy na paglalakad ng dalaga, wala na siyang pakialam at lumabas siya ng ospital para kumain ng balut sa kanto habang suot ang hospital gown. Pinagtitinginan siya ng mga tao dahil mukha siyang takas. Tuwang-tuwa si Cassandra dahil ngayon lang niya nakain ang gusto. Palaging walang ulam at kadalasan na binibigyan lamang niya ng toyo ang kanin at itlog na pinakuluan. Tunay na salat sa buhay ang dalaga pero nilalakasan niya ang loob upang matupad ang pinapangarap na diploma. "Kuya anong tawag dito?" Pagtuturo niya sa isang tinapay na bilog na maliit. "Ah, Japanese cake na may tsokolate sa loob. Bibili ka ba?" "Ay oo! Magkano ba?" "Tig lima isa." "Sige singkwenta pesos!" Ilang minuto lamang niyang hinintay ang binili at isinubo niya sa bibig ang dalawang tinapay. Habang ngumunguya si Cassandra pinagmamasdan niya ang biniling pagkain. "Oh my gosh!" Bulalas niya. Bumilog ang mga mata ni Cassandra nang mabunggo siya sa isang lalaki na nakaitim at natatakpan ang mukha nito ng sumbrero. "Sorry sir!" Paumanhin niya at tumalsik ang ilang durog na tinapay sa dibdib ng lalaki. "Naku, sorry ulit!" Akmang hahawakan niya ang dibdib nito upang pagpagin ngunit mahigpit na hinawakan nito ang kanyang kamay. Tila ang dibdib niya'y tumalbog sa sobrang takot nang pabalang siyang binitawan ng lalaki at tinalikuran. Naiwan na lamang na nakatayo si Cassandra pagkatapos ay nagmadaling bumalik ng ward. Hiniga ang sarili at ipinikit ang mga mata. "For the meantime, dito na muna ako ngayon gabi. Salamat sa taong bumangga sa akin." Sa pagpikit ng kanyang mga mata, tuluyan nakatulog ang dalaga. Ayon sa Doctor, ang taong nakabunggo sa kanya ang siyang nagbayad ng ilang araw upang masuri ang kondisyon niya. Kinabukasan, maagang bumangon si Cassandra upang pumasok. Bumili siya ng damit para sa kanyang susuotin. "Cassy! Ang aga mo?!" Salubong ni Colin. Napansin ng kanyang kaibigan ang sugat sa kanyang leeg, kamay at bugbog sa braso. "Sinaktan ka na naman ng Tatay mo?!" "Lumayas na ako." Namilog ang mga mata ni Colin. "Really? May matutuluyan ka ba? May space for rent si Mama." "Magkano ba?" "Huwag mo nang bayaran. Ako na ang bahala kay Mama." "Hindi, nakakahiya. Palagi mo na lang akong tinutulungan. Kailangan ko rin kumita. Hindi na ako nakahabol sa slot para sa mga working students." "Eh kaya nga binibigyan muna kita ng libreng tirahan. Basta huwag kang maingay kay Mama. Alam mo naman na pagdating sa pera walang kaibi-kaibigan sa kanya. Lalong wala pa rin naman nakatira roon, pwede kitang itakas." "Sige, Colin! Maghahanap lang muna ako ng trabaho. Baka hindi muna ako maka-attend sa Filipino subject natin." "Ha? Tutulungan na kita sa Dean!" "Hindi na, nakita ko na ang mga nakapaskil. Babalikan na lang kita rito para sa bahay, okay?" "Sige mag-ingat ka." Tumango na lamang si Cassandra at tumakbo palabas. Tila naghahabol ng oras ang dalaga upang makahanap ng mabilisan na trabaho. Ilang oras ang nakalipas, ang paulit-ulit na paghahanap at paglalakad ni Cassandra ay may napuntahan naman. Nakahanap siya ng isang Job Cleaner Agency. "Ito ang kailangan mong requirements. Dapat makabalik ka rito sa loob ng tatlong araw dahil kinakailangan na namin ng tao. Kapag hindi mo ito binigay sa tamang oras, maraming ipapalit sa iyo." Tumango naman si Cassandra at binasa ang mga kinakailangan niyang requirements. Napasilip ang dalaga sa kanyang wallet at nakita ang limang libong piso. Pinagmasdan din niya ang mga pinamiling pagkain kaya ganito na lamang kaagad nabawasan ang pera. "Sino na naman kaya ang babangga sa akin? Sayang at hindi ko kinuha ang number! Edi sana pwede pa akong manghingi para sa pang gamot," nagkakamot ng ulo si Cassandra dahil hindi niya alam kung paano iisip ng paraan para kumita ng para nang mabilisan. Sa patuloy na paglalakad ni Cassandra nag-aabang lamang siya ng masasakyan. Tulala at napakalayo ng paningin. Ramdam pa rin niya ang sakit ng paa at bugbog sa buong katawan pero pinipilit niyang bumangon para mabuhay. Hanggang sa unti-unting pumatak ang luha ng dalaga. "Hindi, hindi dapat ako umiiyak. Iniwan nga ako ni Mama sa kalbaryo kong Tatay para mag solo. Kaya ako naman, ilang taon na rin akong nagtyaga sa pananakit niya," suminghot si Cassandra at pinunasan ang magkabilang mga mata. Ang mga matang nakatingin sa malayo ang patuloy na nanagmamasid. Ang pagtingin mula sa makapal na kilay, mapungay na mga mata at mapupulang labi ang pumukaw sa kanyang atensyon. "Mr. Valentin, aalis na po ba tayo? Baka po mahuli ka sa meeting." "Chino, please get every single detail about this lady," tugon nito habang hindi pa rin umaalis ang kanyang paningin sa dalaga. "Let's go." "I heard the nurse last night, she's Cassandra Cordova," wika ni Chino. "Cassandra Cordova," he whispered.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.0K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.1K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
469.8K
bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
197.3K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
46.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook