bc

Gusto kita, kaya Akin Ka completed

book_age16+
19.5K
FOLLOW
171.5K
READ
dark
dominant
goodgirl
drama
twisted
sweet
childhood crush
enimies to lovers
first love
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Galit na pilit inilalabas, pero natatabunan na tunay na damdmin,

nakaraan na lumikha ng sugat na hanggan sa kasalukuyan ay hindi gumagaling,

pag ibig na ngpupumiglas, pero pilit itinatago at ayaw bigyan ng pagkakataon na makalaya upang maipadama.

may pag asa pa kayang lumigaya sa piling ng isa't isa na ang mga puso ay nagmamahal na walang kapantay, ngunit itinatago upang hindi na muling masaktan.

chap-preview
Free preview
Episode one
          "Beshy, dali, dali! May ibabalita aku sayo," sabay tawag ni Margaret kay Ellize ng magkasalubong sila sa hallway, nagmamadali si Ellize sa paglalakad patungo sa pinakagitnang bahagi ng palapag kung saan ay naroroon ang Biometric Machine ng kanilang kumpanya, para makapagtime in na siya gamit ang kanyang hinlalaking daliri. " Oh! Dalian mo para perfect attendance kana naman, Ellize Buenavista, perfect attendance. Nakamuwestra pa ang mga braso nito. Pagkatapos niyang makapag time in ay saka niya hinarap ang kaibigan. "Garet ano ba yung sasabihin mo? Siguraduhin mo na goodnews yan ah! Hay nako! Ke aga aga baka kung ano lang yan." Umabrisiyete naman ito sa kanya. "May nabalitaan kasi ako." Sabay hila sa kanya ni garet sa kanyang pwesto, kung saan naroroon ang table na nakatalaga sa kanya. "Ibebenta na ni sir Dave ang kumpanyang ito dahil balak na nang kanyang pamilya na magmigrate na sila sa US." " Whaattt!" Nagulat talaga siya. "Oo nga, mamaya tignan mo ipapatawag tayong lahat, magkakaroon ng meeting pagdating ni Sir." Ganoon ba! Pabuntong hiningang nasabi niya. Sa isang Publishing Company siya nagtatrabaho bilang Secretary. Newspaper, at iba't ibang Magazine, ang main source income ng kumpanya, pero marami din silang mga libro na nililimbag galing sa maraming author, lalo pa at kilala na ang kumpanya na iyon na may magandang outcome pagdating sa mga project na kanilang nailaunched, kaya hindi sila nahihirapan maghanap ng mga kliyente, dahil ang mga ito na ang kusang lumalapit sa kanila. Ang pangalan ng boss niya ay Dave Velasco, nasa mid60's na ito pero hindi mo aakalain, dahil mas bata itong tignan sa totoong edad at matipuno pa ang pangangatawan, masayahin din ito at very educated kung kumilos at magsalita, naiisip niya minsan na sobra sigurong maalaga ang asawa nito. Magaling itong magdala sa lahat ng bagay, iyon talaga ang napansin niya, una pa lang, ni minsan ay hindi niya ito nakitaan nang negative attitude, kaya isa iyon sa dahilan kung bakit tumatagal siya sa kumpanyang iyon. Ika nga ay may good ambiance between boss and employee. At ang mga kasamahan niya sa trabaho mababait lahat. Nung nagsimula siya sa trabaho niya doon bilang sekretarya may limang taon na ang nakakaraan ay agad niyang nakapalagayang loob si Margaret Santillan o Garet for short, isa sa mga editor doon, pero ngayon ay isa na sa mga magagaling na Chief Editor ng kumpanya. She was promoted last year lang. Para sa kanya ay deserved talaga nito ang promotion, dahil sa kasipagan nito, at hindi matatawaran na dedikasyon sa propesyon, kita niya rin kung gaano na ito kabihasa talaga sa trabaho nito. Nauna sa kanya ito ng mga dalawang taon sa kumpanya na iyon. Napalapit agad ang loob niya kay Garet dahil marami silang similarities, mabait din ito, at masaya talagang kasama. Itinuon na niya ang atensyon sa trabaho na nakalatag sa lamesa niya, pero napapaisip siya sa balita na hatid ni Garet. Wala namang problema ang kumpanya nila at masasabing ito yung tipong hindi agad agad magsasara dahil sa maayos nitong kalagayan sa ngalan ng industriya ng mga babasahin, mas mataas pa nga ang ratings nila, kung ikukumpara sa mga kakompetensya nila. Siguro talagang nagdesisyon nalang si sir Dave na manirahan sa ibang bansa kasama ang pamilya nito. Napasulyap siya sa orasan ng maramdaman niyang paparating na si sir Dave, narinig na kasi niya ang boses nito, mag aalas diyes na iyon ng umaga. Napatingin siya kay Garet, nakatingin pala ito sa kanya. "Ang aga," nabasa niya sa buka ng bibig nito. Usually kasi ay patanghali ito kung dumating. Tumayo siya nang nasa harapan na niya ito. "Sir Good morning po!" nakangiting bati niya. "Good morning din, blooming ka ah, may boyfriend ka na?" Tumawa lang siya sa biro nito. "Ah Ellize go to my office lahat kayo in twenty minutes." Pahabol na utos nito bago isinara ang pinto ng opisina. "Opo sir Dave." Una siyang dumako sa lamesa ni Garet, para sabihan ito na may meeting nga sila. "This is it! I told you." Tumango siya dito bilang pagsang ayon na may tama nga ito. Pagkatapos ay isa isa niyang sinabihan ang lahat ng ka employee niya, na maghanda at pinatatawag nga silang lahat. "Alam ko ang iba sa inyo ay alam na itong sasabihin ko." Tahimik ang lahat, seryoso silang nakikinig sa kanilang boss. "Explain ko lang ng mabuti sa inyo. Ako with my family we are going to migrate to America, matagal na naming plano yon, at sa wakas naapproved na lahat ng papers namin. "Kita niya ang kasiyahan sa mukha nito. "Pero huwag kayo mag alala, dahil hindi ko naman basta basta ibinenta ito, syempre pinili ko kung kanino ko ibebenta." Lumibot ang mga mata nito sa kanila. "May matalik akong kaibigan mula pagkabata, at may anak iyon na lalaki, sa kanya ko ibinenta ang kumpanya na ito." maraming nagbulungan sa paligid isa na ang katabi niyang si Garet. "Binata pa kaya?" Kinikilig na tanong nito sa kanya. "Maganda ang pagkakilala ko sa bata na 'yon, masyadong masikap at matalino, madiskarte din sa buhay sa katunayan ay marami na akong nabalitaan na naipundar niya, hindi naman mayaman ang pamilya nila noon pero dahil sa pagsisikap ng kumpadre ko na iyon katulong ang inaanak ko. Kaya talagang mayaman na sila ngayon." Nakita niyang tumanaw sa labas ng salaming bintana ang boss niya. "Naalala ko dati ay may maliit lang silang talyer, tapos napalago ng kaibigan ko 'yon, at napagtapos niya ang apat na anak niya ng kolehiyo." Nakangiti ito na parang nagkukwento lang nang memories ng nakaraan. "To make the story short," sabay palo nito sa lamesa. "Sa inaanak ko napagdesisyunan na ibenta itong kumpanya." "Don't worry guys dahil tinitiyak ko sa inyo na nasa mabuti kayong mga kamay." Assurance nito "Nakapag usap na kami ng masinsinan ng bagong boss niyo at nangako naman siya na wala siyang babaguhin sa mga patakaran dto." "Oh yung mga dalaga dito, goodluck sa inyo! Wala pang asawa 'yon." Medyo nagkagulo ang mga kasama niya. "Eh girlfriend Sir?" Nasiko niya si Garet sa tanong nito "Yun lang ang hindi ko alam, alamin nyo na lang!" Natatawang sabi nito. "Bukas pupunta pa ako dto para masettle ang lahat ng dapat masettle, and at the next day ay kasama ko na siya, kaya be ready na kayo guys." Naglakbay na ang kanyang diwa, nagising na lang siya ng makarinig siya ng. "Meeting is adjourned." Napatayo na siya sa kinauupuan. May mga napansin siya na malungkot ang itsura, siguro dahil nga sa pag alis ng kanilang boss, sabagay mahirap din ang pag aadjust talaga, yung tao na sanay na sanay ka nang kasama tapos biglang aalis at may bagong papalit, panibagong pakikisama. Pagkatapos ng meeting nila ay maraming naglapitan sa boss nila. Naririnig niya ang mga panghihinayang nang mga ito dahil hindi na nila ito makakasama, may mga nagpaabot din ng pasasalamat dahil sa buong panahon nito doon ay naging mabuting boss ito. Ang iba ay hindi na niya naintindihan, Medyo hindi pa niya maabsorb ang mangyayari, dahil siya mismo ay nagulat din, biruin mo ang bilis naman agad agad, bibitawan na pala sila ni Sir Dave at may bago na silang boss. Sabay silang kumakain ni garet ng lunch, at hindi siya masyadong nagsasalita, ang layo pa rin ng iniisip niya. Pakiramdam nya ngayon ay nawalan na siya ng gana magtrabho sa kumpanyang iyon. Gusto na niyang humanap ng ibang mapapasukan. Tama! Ganun na lang kapag hindi niya nakasundo ang new boss nila at pangit ang ugali, ay hahanap na lang siya ng ibang mapapasukan, pero kanina ay tiniyak ni Sir Dave na mabait iyon at huwag silang mag alala.    Saka parang ang dali naman maghanap ng maganda at maayos na trabaho?, hirap kaya makahanap ng ibang work. Naisip niya.        Sana maging maayos din ang lahat. Kaya yan! Pero ang higit sa lahat ay mamimiss niya ang kanyang boss Dave, the best boss ito para sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Broken Angel

read
3.8K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

NINONG II

read
618.1K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.3K
bc

Taz Ezra Westaria

read
106.8K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook