bc

Gold Digger Ng Buhay Ko ( Tagalog)

book_age18+
2.9K
FOLLOW
12.4K
READ
billionaire
revenge
possessive
contract marriage
love after marriage
arrogant
drama
ambitious
realistic earth
prostitute
like
intro-logo
Blurb

Kilala Si Curtney Villarosa bilang gold digger sa kanilang lugar dahil sa ibat-ibang DOM ang naghahatid at sumusundo sa kanya araw-araw. Hindi man niya gusto ang trabahong ito walang siyang magawa.

Kilangan siyang maka-bingwit ng matandang mayamang madaling mamatay . 'Yun ang isa sa mga plano niya kaya niya pinasok ang trabahong iyon. Dahil kailangan niyang mabawi ang kompanyang pinaghirapan ng daddy niya bago ito bawian ng buhay.

Ano kaya ang magiging buhay niya kapag naglandas ang kapalaran nila ng isang Brint Salvador?

Isang batang milyonaryo na puno ng galit at paghihiganti ang pagkatao lalong-lalo na sa gold digger na tulad niya.

Magawa kaya niyang ituloy ang paghihiganti kung ginulo nito ang buong diwa niya?

Paano kaya nila pipigilan ang puso na hindi mahulog sa isa't-isa?

Magagawa kaya nilang magpatawad kung pareho silang sinira nito, ng kanilang nakaraan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Mukhang may malaking isda ka na namang nabingwit, Curt, ha?” sabay tawanan ng mga ito. Pero hindi ko ito pinagtuunan ng pansin nagpatuloy lang ako sa ginagawa. Inayos ko ang mahabang buhok at pagkatapos naglagay ng mapulang lipstick sa'king mga labi at sinipat ulit ang sarili sa harap ng salamin. "Iba talaga ang karisma mo Curt, ha!" patuloy pa ni Nica isa sa mga ka board mate kong laging galit sa'kin. Hindi ko lang ito pinag-aksayahan ng panahon para patulan, inayos ko na lang ang suot na damit at isinuot ang hikaw. Sinipat ko ulit ang sarili salamin. Nakasuot ako ng black gown na turtleneck na mahaba ang manggas ng isa samantalang kita naman ang kili-kili ko sa isang braso. Litaw na litaw naman ang mahahaba at mapuputi kong binti sa harap dahil above the knee lang ang haba nito at abot hanggang sahig ang sa may likuran, na may mga gintong beads na kumikislap na pinarisan ko ng gintong alahas na ibinigay ng isa sa mga naging kliyente ko. Pero kung titingnan sa harapan napaka-formal nitong pagmasdan, pero hindi sa likod dahil open ito at kita hanggang sa baba ng beywang ko, litaw na litaw ang kinis at puti nito. Pinarisan ko ito ng black 4-inches na high heels, tamang-tama lang ang taas kasi matangkad naman ako. Tiningnan ko ulit ang sarili sa salamin, kahit ako ay namangha sa itsura ko, kaya siguradong kahit sino ay nahuhumaling sa ganda ko. ‘Yun naman talaga ang plano ko ang makahanap ng matandang mayamang makakatulong sa'kin na mabawi ang kompanya ng daddy ko gamit ang ganda ko. "Curt, bilisan mo na kanina pa nila tayo hinihintay,” tawag ng best friend kong si Jane. “Wow! You look stunning,” sigaw nito nang makita ako. “Sigurado akong agaw-eksena na naman ang ganda mo mamaya,” saad nito nang may pagmamalaki. Nang biglang nagtawanan ang mga ito na may kasamang pang-iinsulto. Doon lang niya napansin na naroon pa rin pala si Nica at ang mga kaibigan nito. "You're right! Talagang agaw-eksena na naman ‘yang bff mo!" diin nito. "Dahil siguradong mang-aagaw na naman siya doon sa pupuntahan niyo,” pagdidiin nito nang may kasamang malakas na pagtawa. "Oh! Ano'ng ginagawa ng lintang ‘to dito sa kwarto mo, Curtney?” tanong ng kaibigan kong si Jane, hindi niya kasi ito napansin nang pumasok siya kanina dahil nagdire-diretso lang ito sa loob, nasa may pinto pala ang mga ito. "Anong linta?” galit na sagot ni Nica kay Jane. “Bakit? Hindi ba? Kung makadikit ka lang naman kay Bob parang kang linta. Hindi naman siya gusto," pang-iinis nito. Si Bob, isang doktor ang masugid na manliligaw ko. Nakilala ko ito sa isang party na dinaluhan ko kasama ang isang matandang kliyente. Ipinakilala ako nito ng kasama kong matanda dahil magkakilala ang mga ito. Ang sunod na pagkikita namin ay nang hinatid ni Bob si Nica sa boarding house namin na lasing na lasing. Magkakilala pala si Nica at Bob since high school at patay na patay naman itong si Nica kay Bob pero hindi naman siya gusto nito, kaibigan lang talaga ang turing nito kay Nica. Maganda naman si Nica, matangkad at may hubog din ang katawan at isa itong nurse sa pinagtatrabahuhan ni Bob. Nang magsimulang umakyat ng ligaw si Bob sa'kin, doon nagsimula ang palaging pang-iinsulto nito. Sa totoo lang naiintindihan ko naman kung saan nagmumula ang galit nito pero wala naman akong magawa dahil patuloy pa ring nanliligaw si Bob kahit binasted ko na ito. "Kung ako linta, ikaw naman higad!” galit na banat naman ni Nica. Nang akmang susugurin ni Jane si Nica kaagad ko itong inawat at baka magkagulo pa. “Tama na Jane,” saway ko sa kanya. Walang nagawa si Jane kundi ang pigilan ang sarili dahil kung hindi baka nasabunutan na niya ito. "B*tch!” pahabol pa na sabi nito sabay titig nang masama sa amin ni Jane bago ito lumabas ng kwarto. Napamura nang malakas si Jane sa galit. "That b*itch! May araw din siya sa'kin,” inis na inis na sabi nito sabay buntonghininga. Napangiti na lang ako sa kanya. "Ano ka ba? Parang hindi ka sanay sa kanya?” sabay palo ko sa balikat nito, napakunot naman ang noo nito sa ginawa ko. "Bakit ba parang baliwala lang sa’yo ang mga ginagawa nila?” malungkot na saad nito. “Lalo na ang Nica na ‘yun?” "Alam mo besh, kapag pinatulan ko kasi sila ako lang ang ma-stress,” paliwanag ko sa kanya. Sumimangot lang ito sa sinabi ko at natawa na lang ako nang malakas sa ginawa niya. "Hindi tayo pwede ma-stress papangit tayo,” sabi ko ulit. “Tama ka, erase, erase, erase," sabi nito habang parang kinukompas ang mga kamay sa hangin at huminga nang malalim. Natigilan kami nang may kumatok at tumawag sa pangalan namin, tiningnan ko naman kung sino ito. "Curtney, Jane nandiyan na ‘ata ang mga sundo niyo,” sabi ni Aling Mara ang landlady sa boarding house na tinitirhan ko. "Salamat po Aling Mara,” sabay naming tugon. “Hala, sige, babain niyo na at kanina pa kayo hihintay.” "Opo," saad ko. Si Aling Mara ang mabait na landlord ng tinitirhan ko na itinuturing ko na ring ina dahil sa kabaitan nito sa'kin. Ito ang kumupkop sa akin at nagpatira sa boarding house kahit wala akong pambayad. "Ready ka na ba?” tanong ni Jane. “Always,” mabilis kung sagot. Sumulyap ako ulit sa harap ng salamin at tinitigan ang sarili. “Hindi naman siguro ako ma OOP sa itsura kong ‘to?" tanong ko sa sarili. Humugot muna ako nang malalim na hininga. “Ready!” sabi ko ulit. "Okay, let's go," excited na sabi nito at hinila ang kamay ko palabas ng boarding house. Nadaanan namin sila Nica na nasa sala at masama ang mga titig sa'min pero hindi namin ito pinansin at sa labas naman ng boarding house may naghihintay na black BMW na maghahatid na sa amin sa party. Kinakabahan man, sumakay ako kasunod kay Jane. Ito na ang pinakahihintay na araw ko para matapos na ang problema ko. Nang mamatay kasi ang ama ko naging mahirap na ang lahat para sa'kin. Mag-isa kong binubuhay ang sarili ko, halos lahat ng trabaho pinasok ko pero kulang pa rin para sa'kin ni hindi man lang ako makaipon. Kaya nang alukin ako ni Jane sa trabahong ito tinanggap ko na, nang makaipon naman nang malaki-laki. Si Jane rin ang pasimuno na maghanap ako ng matandang mayamang madaling mamatay para mas madali ko raw mabawi ang kompanya ng ama ko. Kaya kapag may mag­-aya, go na kaagad. Kahit masama ang tingin ng ibang tao sa amin hindi na lang namin ito pinapansin. Si Jane, siya kasi ang bumubuhay sa pamilya nito kaya kapit sa patalim na rin ito kaya niya pinasok ang trabahong 'to, na kung tawagin kami ay escort girl at ang iba naman ang tawag sa'min gold digger. Hindi naman kami ang escort girl na may kasamang pagtatalik, depende na rin sa’yo ‘yun kung papayag ka, pero ang sa amin ni Jane ay purong escort lang na isinasama ng mga biyudong lalaki sa isang malalaking mga pagtitipon. Kung hindi lang kapit sa patalim hindi ko naman papasukin ang trabahong ito. Nagkataon lang na kailangan kaya kailangan ko ng panindigan. “Okay ka lang besh?” ani ni Jane nang mapansin nito na hindi ako mapakali. “Medyo,” sabi ko rito. “Relax ka lang besh nandito lang ako,” sabi naman nito habang hawak ang kamay ko at pinisil pa nito. Nginitian ko ito kahit may konting kaba pa rin sa dibdib ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Love Donor

read
86.6K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.4K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.0K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.3K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

My Last (Tagalog)

read
486.5K
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook