bc

Restless Heart

book_age16+
2.0K
FOLLOW
7.2K
READ
forbidden
love-triangle
possessive
playboy
sweet
humorous
heavy
lighthearted
cheating
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Atticus craved for nothing but s*x and women, he never believed in love until he met Evergreen and he found himself craving for her presence instead. He's a man of seduction, a known woman magnet who defy love. But in the most unpredicted times, he ended up fighting for the love that's never his. And the worst thing is, he knew he's gonna steal his brother's girl.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Simula Since I was a kid, all I wanted was a simple life. A life that is moderate, in between, peaceful, simple. The life elites would want if they'd get enough of their boring ones. Yung tipong paggising ko sa umaga, bunganga agad ni mama bubungad sa'kin, ingay agad ng mga kapatid ko at ang mabangong amoy ng niluluto ni Papa. "Ate, bilisan mo riyan! Nagagalit na naman si mama ang kupad-kupad mo raw. Nakabihis na kaming lahat, ikaw na lang ang hindi!" malakas na sigaw ni Levi, nakababatang kapatid ko. Tatlo kaming magkakapatid at sa kasamaang palad ako ang panganay. Pangalawa si Levi at pangatlo si Sunny. "Dito ako sa banyo nagbibihis, sira! Nagbe-breakfast na nga ako rito," sagot ko at tumawa. "Bilisan mo nga lang diyan, puro ka kabulastugan," bwelta niya. Aba? "Be proud, 'yan lang problema sa ate mo." Malakas akong tumawa habang nag-aayos ng pencil skirt. Narinig kong may naglaglagan ng mga gamit sa labas ng banyo kaya malamang yun na ang mga suklay, pulbo, make up at relo ng mga kapatid ko sa sobrang pagmamadali. Lumabas na ako sa banyo at patakbong nagtungo sa harap ng vanity mirror namin ni Sunny. Ilang beses akong nag-pose sa harap ng salamin bago tuluyang lumabas para kumain. "Ma, pa, ano ulam natin? Mukhang masarap ah," sabi ko agad pagkalabas. Pero imbis bati ay kurot ni mama ang natanggap ko, sa singit pa na talagang masakit. Nakita kong ngumisi si Sunny na nakaupo na sa tapat ni papa na nagkakape. Ganyan talaga siya, sinasabay ang kape sa breakfast. "Ikaw, pinakahuli ka na naman. Ikaw na panganay ikaw pa palaging late gumising, siguro nagpupuyat ka na naman sa Hunter X Hunter na 'yan, ano?" Strict na sambit ni mama at may kasama pang hampas sa balikat. "Mama naman, pasalamat ka nga 'yan lang pinagpupuyatan ko, hindi lalaki," banat ko sabay tingin kay Sunny. "At hindi kajejehang late night talks," dagdag ko at tinapunan ng tingin si Levi na masama agad ang tingin sa'kin. "Yang mga kapatid mo, totoong tao pinagpupuyatan. Ikaw, puro ka anime anime, ilang taon ka na ba, Evergreen?" "18, Ma, magna-nineteen sa September," ngiti kong sagot. "Kita mo, matanda ka na 'wag ka puro anime!" "So, okay lang po magpuyat sa lalaki, Ma?" Hindi talaga ako papatalo, kaya napabuga na lang ng hangin si mama at naupo na sa tabi ni papa. "Bilisan niyo, male-late na tayo. Eve, 'wag ka na magkape, 'wag na rin maggatas male-late na tayo eh," si papa na nginiwian ko. "Hulaan ko, wala na tayong kape at gatas 'no? Magdadahilan pa," nakangiti ko pa ring saad. Ngumiti lang si papa at hinati ang natitirang hotdog para sa'ming dalawa. Habang maganang kumakain ang mga kapatid ko at tahimik naman si Mama. May kunting kirot akong naramdaman nang makitang huling stock na lang namin yun ng pagkain. Gusto ko ibigay lahat ng ulam kay papa dahil mas marami naman siyang gagawin kaysa sa'kin pero alam kong bibigat ang loob niya 'pag ginawa ko yun. Kaya nakangiti ko yung tinanggap at pilit ngumingisi ng malawak para isantabi ang lungkot. My life isn't all about joy, it's about sadness, hardships, sorrow and grief too. Well, life is like that. Mabilis kaming natapos, mga isang oras lang yata. Sumakay kaming lima sa tricycle na hinuhulog-hulugan ni papa buwan-buwan patungong Catholic Church sa Kabankalan. Bawat linggo, present kaming lima rito, nakakatanggap na nga kami ng award dahil wala kaming absent sa pagsimba. Pero syempre, hindi lang yun ang dahilan kaya kami sumasama nina Levi. Para makapasyal na rin syempre. "Ipagdasal mo na ligtas kang makakarating sa Maynila sa martes. Tanga ka pa naman madalas," si mama na hindi nakalimutang laitin ako. Umismid lang ako at hindi na siya pinansin, tinuon ko na lang ang buo kong atensyon sa harap. Sa gwapong sakristan ni father na kanina pa ako sinisipat. Luuh, may lihim na pagtingin yata sa'kin yung sakristan. Putspa. "Ate, tama na ang luhod. Para kang tanga riyan," rinig kong bulong ni Sunny na katabi ko. Doon ko lang napansin na nakatayo na pala lahat at ako na lang ang masipag na nagtitiis sa sakit sa tuhod. Anakng—mabilis akong tumayo at pinukol ng naaasar na tingin si Sunny. Salamat sa effort na sabihan ako ah. "Sakristan pa, 'yan ba binabalik-balikan mo rito?" "S'raulo, nagsisimba ako." "Patingin ng nagsisimba? Bakit may sungay pa rin?" Pang-aasar niya. "Inuuto mo lang sarili mo, sis. Huwag ka mag-hallucinate, sabog ka ba?" Banat ko at humagikhik. "Tumigil kayo, nasa simbahan tayo. Makinig kayo sa sermun ng pare," biglang sumingit si mama at pasimpling kinurot ang tagiliran ko. "Acck." Napa-igik ako at sumimangot, palagi na lang akong nakukurot. Bakit ako lang? Ako lang ba maingay? Nasa simbahan daw pero nananakit pa rin. I saw Sunny smirked and rolled her eyes, hindi ko na pinansin at tumuon na lang sa harap. Dalawang oras yata ang tinagal namin sa simbahan bago kami naggala muna sa Plaza. Tumambay sina mama sa ilalim ng puno habang kaming tatlo ay tumambay sa harapan ng isang bakeshop. "Nagugutom ako, bili tayong tinapay kuya," umingos agad si Sunny pagkarating namin. Nagtaas ako ng kilay nang hindi man lang nagreklamo si Levi at bumili agad. Hanep, iba talaga power ng bunso. Panigurado, 'pag ako yun 'sang katutak na talak pa muna matatanggap ko. "Levi, may chocolate cake oh!" Parinig ko. Tumingin siya sa'kin at nagkunot-nuo tapos kinausap ulit ang tindera. Ngumuso ako nang tumawa si Sunny at tatalon-talong yumakap sa braso niya. "Levi, may chocolate cake sa kanan," ulit ko at tumawa para itago ang inis at inggit. Hay buhay, bakit ba ako naging panganay? Sana si Levi na lang para may lakas ng loob din akong gumanyan. Galing kasi sa baon niya yung pera niya, iniipon niya at hindi ginagastos habang ako ay umaga pa lang ubos na agad ang baon. As I've said, our life is moderate, in between. Meaning, hindi kami mayaman pero hindi rin sobrang hirap. Kung baga may kaya lang. Ngayon mapera kami, pero bukas hindi na. We're happy, that's what matters to me the most. However, I still want to be successful in life. I will not settle for this, for now, it'll do. "Levi, yung cake!" Ulit ko pa. "Oh, tapos? Ano ngayon kung may chocolate cake?" Bwelta niya at nagbayad na sa tendera. "Ang laki ng baon mo araw-araw, kay Kuya ka pa manghihingi?" Si Sunny. Umirap din ako at supladang naupo sa isang stool. "Ayuko na pala ng chocolate cake, nakaka-walang gana 'yong sinabi mo, Sunny." "Nag-e-emote na naman, hindi bagay sa'yo, Ate." "Pake mo ba? Ikaw? Ikaw?" "Oh, donut oh, bigyan na kita kawawa ka naman," tawang saad niya pero wala namang binigay na donut. Kita mo'to? Ang damot talaga. Peke akong humalakhak sa kaniya. "Saan na ang donut?" She innocently handed a donut to me, I looked at it for minutes kase may duda ako. She smiled and I saw Levi leaning his right elbow against the counter while watching us. "Thanks, sinapian ka yata ng mabait na espirito ngayon," nakangisi kong sabi kay Sunny. She smiled too and I was about to accept the donut but… "Oops, para lang 'to sa'min ni Levi." Nang-aasar siyang tumawa sa'kin at tumakbo palapit kay Levi. Agad akong nagngitngit sa asar para sakyan ang trip niya. Kunwari’y naasar talaga ako. Pero s**t, talagang naasar ako! Umasa pa naman ako dun. Yawa talaga itong Si Sunny. She laughed and Levi chuckled at my face. I acted as if, I'm about to cry and made a sad face. Suminghot ako at tumalikod sa kanila, napapahid ako kunware ng luha at ilang segundo pa, yumugyog na ang balikat ko. Hindi sa iyak kundi sa pagpipigil ng tawa. Narinig ko ang panunuya ni Sunny habang si Levi tumatawa lang at sinasabayan siya. Mga yawa talaga mga kapatid ko, hindi man lang naawa sa'kin. "Okay lang ako, don't yah worry, I'm fine, I'm fine," sabi ko habang umiiyak kuno. Pero wala man lang umawat sa'kin, anak ng tinapa! Bwisit talaga mga kapatid ko. "Hwuaaaaa! Okay lang ako, okay lang talaga! Kahit wala akong jowa, walang kakampi at walang ipon okay lang! Huhuhu!" Malakas akong umiyak kaya napapatingin sa'kin ang mga dumadaan. Meron pang tumawa at piniktyuran ako. Walanghiya. "Hoy, kuya! Delete mo ‘yun, hindi ako baliw, ah!" turo ko sa lalaking kinunan ako ng picture. Imbis matakot ay tumawa lang yung lalaki at tatawa-tawang umalis. What the--- gagawan pa yata ako ng memes nung lalaki. Akmang susundan ko 'yong lalaki nang may umakbay sa'kin sabay padabog na inabot ‘yung chocolate cake na nasa isang maliit na box. "Oh, 'yan ah, magtigil ka na sa kalukuhan mo, ate. Nakakahiya ka kasama," si Levi at ginulo ang buhok. "Oh!" Agad akong ngumiti sa kaniya. "Mahal mo talaga ako, Levi? 'Di mo talaga ako matitiis." "Tss, tumigil ka nga. Nakakasuka 'yang sinasabi mo!" Bwelta niya at lumayo sa'kin. Agad akong tumawa at pinakita sa kaniya at kay Sunny ang cake. Yung lungkot at inggit sa puso ko kanina ay biglang nawala. I was serious when I said I'm envious of Sunny. Because I feel like, they favor her more than I. And I always think that it's not like that, I always convinced myself. "Thank you, Levi! Don't yah worry, brother-mine, I love you too!" "Sira ulo…" Bulong-bulong niya lang at tumalikod. Asus, nahiya pa siya. Malakas akong tumawa at lumapit sa kanila. Inakbayan ko rin si Levi kahit mas matangkad pa siya sa'kin. "Thanks, babaunin ko 'to papuntang Maynila," nakangiti kong sabi. "Tss…masisira na 'yan, tanga." Suplado siyang umirap at humarap kay Sunny na iba ang tingin sa'kin. And all I did was to laugh that time, that very moment, I knew I'd be away from them for the first time. Negros is my province and my life evolve there, but then I have to take another path too to reach my dreams.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rewrite The Stars

read
94.8K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
66.4K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
234.5K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook