bc

Loving the Beast

book_age18+
2.3K
FOLLOW
7.5K
READ
possessive
dominant
goodgirl
CEO
bxg
heavy
small town
affair
like
intro-logo
Blurb

Charlotte Ignacio loves affection. Lumaki siya sa broken family at ang inaakala niyang bubuo sa kanyang pagkatao ay ang pagmamahal lang ng isang lalaki. She wants love. She wants attention. Iyon lang naman pero bakit sa maling lalaki siya napunta. Gusto lang naman niya ay ang mahalin at hindi lolokohin ng lalaking iniibig niya. Pero paano niya magagawa kung may excess baggage na siyang dala? Will she able to find her true love? Si Daxton Wright na ba ang para sa kanya kahit alam niyang ang lalaki ay tulad din ng mga dumaan sa buhay niya?

“I WASN'T BORN TO GIVE UP. YOU WILL BE MINE IN ANY WAY. WHETHER YOU LIKE IT OR NOT, YOU ARE MINE.” – Daxton Wright

chap-preview
Free preview
SIMULA
SIMULA: NAPAHIYAW ako sa sakit. Hinila ni Dave ang buhok ko at halos mapilas ata ang anit ko sa lakas ng pagkakahila niya. “Parang-awa mo na, Dave! Masa...kit! Ahh!” bumuhos ang luha ko. Dumaing ako sa sakit ng ihampas niya ang katawan ko sa sementadong dingding. Humagulgol ako at nanlalabo ang mga mata dahil sa labis na luha. Napatingin ako kay Mika na wala ng humpay sa kakaiyak sa kama habang nakaupo at tinitignan kaming dalawa. “Mali ang bintang ni Stella! Hindi ako nanlalaki! Bakit ba hindi ka nanini-" pinutol ni Dave ang sasabihin ko ng sinakmal niya ko sa leeg. Pulang-pula ang mga mata nito at nalilisik. Hindi ako makahinga at pilit inaalis ang kamay nito sa aking leeg. "Aa..ahrgh!" habol ko ang hininga ng bitiwan niya ako. "Malandi ka! Paano magagawang magsinungaling ng kapatid ko, ha?! Kapatid ko 'yon! Sinasabi mo bang sinungaling ang kapatid ko?! Palagi ka niyang nakikitang kausap ang Goryo na 'yon kapag bibili ka sa tindahan! Tangina ka! Nagpapakahirap ako magtrabaho tapos manlalaki ka!" galit na galit na sabi ni Dave sa sabay sinipa ako sa tagiliran. "P-parang... awa... mo na... Iyong anak ko... Dave, please! Umi...i-iyak... si Mika!" utal kong sabi. Nagmamakaawa na ko sa kanya. Ayoko ng sumagot. Sarado ang isip ni Dave at mas pinapaniwalaan nito ang kapatid. "M...mama! M..mama!" Binalingan ni Dave ang umiiyak na si Mika sa kama. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung paano ko nagawang tumayo kahit na sobrang sakit ng balakang at katawan ko. Tinakbo ko ang kama at humarang doon. "Huwag 'yong bata! Anak mo rin 'yan!" sinigawan ko siya. Nadala na ako ng masidhing emosyon. Kaya ko tiisin huwag lang ang anak ko. Hindi ko kaya. "Eh, putang-ina! Iyak ng iyak!" sigaw niya sa akin. Naglabasan ang litid nito sa leeg. Kuyom ang kamao. Mabilis kong kinuha ang anak ko doon at niyakap ng mahigpit. "Huwag ang anak ko... parang awa mo na!" Humagulgol ako at tumakbo sa gilid. Takot na takot sa kanya. Ito ang unang beses na sinaktan niya ako ng malala. Tiniis ko ang pagmumura niya at panghahamak sa akin noon pa. Maging ang mga sampal na tinamo ko. Tinanggap ko dahil wala akong ibang pupuntahan. Hindi ko kaya. Wala akong trabaho. Hindi ko kayang pakainin ang sarili kong anak. "Hoy, lota! Kapag nalaman ko pang nakikipaglandian ka kay Goryo. Mapapatay kita! Naiintindihan mo?! Pagkatapos kitang pakainin! Gagaguhin mo ko?! Ulol ka! Lahat ng nararanasan mo dahil sa'kin 'yon! Kaya walang makikinabang sa'yo kundi ako!" Napapikit ako at tumagilid ng umamba siyang susuntukin ako ulit. "Shh... shh..." pag-aaalo ko kay Mika. Nanginginig ang aking katawan habang pinapatahan ang aking anak. Napakislot ako at napatili si Mika ng sinipa ni Dave ang plastic na upuan. Tumalsik iyon at nasira. Pipi akong humihiling na sana umalis na lang siya ulit. Umalis na siya. Talagang aalis na ko dito. Hindi ko na kaya. Baka mapatay niya pa ako sa kaka-selos niya. Napapikit ako ng mariin ng malakas nitong sinara ang pinto ng kuwarto. Kahit hinang-hina at may iniinda. Pilit akong tumayo habang yakap ang umiiyak na si Mika. "Tayo anak... dito ka lang, ha? Magliligpit si Mama... behave ka lang. Tama na... huwag na... u-umiyak... andito si M-mama..." pumiyok ako sa huling salita. Hirap na hirap akong itawid ang mga sinasabi dahil sa paghikbi. Hindi ko maiwasang hindi umiyak kahit alam kong mali na ipakita iyon sa kanya ay hindi ko na magawa. Itinabi ko si Mika. Sumilip ako sa bintana at nakita kong binuksan ni Dave ang gate at lumabas na nga. Pupunta iyon sa mga kaibigan niya. Iinom at magsusugal. Ramdam ko na gumagamit na rin siya ng droga dahil napapansin ko na ang kakaiba niyang kilos nitong mga nakaraang araw. Nanginginig ako sa takot. Kapag nanatili ako dito, baka pag-uwi ko mamatay na kaming mag-ina. Nagmamadali kong kinuha ang travel bag. Kumuha ako ng kaunting damit. Halos gamit ni Mika ang nilagay ko doon. Diaper, milk container, gatas, feeding bottle at mga damit. Sa gamit pa lang ng anak ko ay puno na ang bag ko kaya kaunti lang ang aking bitbit. Napatingin ako kay Mika habang sini-zipper ang travel bag. Nanginginig ito habang nakatayo. Hawak ang dalawang kamay habang inosenteng nakatingin sa akin. Kinurot ang dibdib ko sa nakita. May trauma na ang anak ko sa nangyari. Hindi ko gusto pero nasaksihan niya lahat ng ginawa ng Tatay niya sa akin. Napahikbi ako pero pilit akong nagpakatatag at kinalma ang sarili. Sinuksok ko ang cellphone ko sa bulsa ng aking shorts at nilapitan si Mika. "Halika na. Huwag ka ng umiyak..." Pinunasan ko ang luha nito sa magkabilang pisngi at binuhat. Kinuha ko ang travelling bag at nagmamadaling lumabas sa kwarto. May ilang bata ang nasa labas ng bahay dahil naglalaro. Nakita kong nakasilip ang ilang kapitbahay sa amin. Lumabas ako bitbit ang malaking bag at si Mika na nasa aking tagiliran. "Haay nako, Lota! Buti at natauhan ka na! Sige na, umalis ka na! Mapapatay ka ng asawa mo kapag nagtagal ka pa diyan!" "Oo nga, Lota! Ipa-brgy mo o di kaya sa DSWD!" Umiiyak ako habang lahat at ng kapitbahay namin kinakausap ako. Nilapitan na ako. "Huwag kang matakot! Umuwi ka na sa inyo!" Inipitan ako ng limang daan ni Aling Fely sa bulsa. Napaiyak ako at awang-awa sa sarili. "Pasensya ka na at ito lang ang sobra ko. Sige na..." anito at lahat sila doon ay sinenyasan na kong umalis. "M-maraming... m-mara...ming s-sa...s-salamat!" humihikbi kong sabi. Tinalikuran ko silang lahat at nagmamadaling maglakad papunta sa terminal ng tricyle. Kabado ako at naalis lang iyon ng sumakay na ko sa jeep. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Parehong ayaw sa akin ng bagong pamilya ng mga magulang ko. Kaya nga ako napunta sa sitwasyon na 'to. Para akong baliw na pinagtitinginan ng mga pasahero sa jeep. Sinulyapan ko si Mika sa aking bisig. Nakatulog na siya sa kakaiyak niya kanina. Lumambot ang puso ko habang pinagmamasdan ang mala-anghel niyang mukha. Sa lahat ng nangyari sa buhay ko. Si Mika na lang ang mayroon ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
84.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.9K
bc

His Obsession

read
70.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook