bc

TALL, DARK, AND MONSTROUS

book_age12+
424
FOLLOW
1.0K
READ
curse
powerful
decisive
journalists
twisted
bxg
medieval
magical world
self discover
like
intro-logo
Blurb

Let's all witness Aeron Bhelmont’s adventure in the Spiritual World and his return to Earth to finally seek justice for his murdered parents. With the help of Cerestina Damiente- the woman cursed by Higantatay, she will be the one to end his father's evil deeds.

Together they will protect the Mother Earth against the exploitative people.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: TRAHEDYA
Nagising si Aeron sa malakas na kalabit ng kanyang ina. Pupungas pungas siyang nagdilat ng mata at humarap dito. Bagama't medyo madilim, kitang-kita ni Aeron ang takot sa mga mata nito at ramdam din niya ang panginginig ng kanyang mga kamay habang binabalot siya nito sa kanyang kumot. "Mommy, saan tayo pupunta?" inosenteng tanong ng bata. "Ssssh, halika, kumapit ka ng mahigpit kay mommy." Maging ang tinig nito ay nanginginig din. Kinarga siya nito at mabilis na inilabas ng bahay nila. Mabilis din itong tumakbo patungo sa kadiliman. Malamig ang simoy ng hangin. Mula sa pagkakadikit ng bata sa dibdib ng kanyang ina, ramdam at dinig niya ang malakas na kalabog ng puso nito. Doon na nagsimulang kabahan at matakot ang bata. "Mommy, I-I'm s-scared." naiiyak na pahayag ni Aeron. Lingid sa kaalaman ng bata, hilam na rin ng luha ang mukha ng kanyang ina pero hindi ito kumikibo, patuloy lang itong tumatakbo. Hanggang sa tuluyan silang huminto sa isang malaking puno. Marahan siyang ibinaba nito sa may kalalimang butas sa ilalim din ng punong iyon. Pagkalapag nito sa kanya ay agad na nagpahid ng luha ang kanyang ina at saka siya nito hinarap. Hinawakan ang magkabila niyang balikat at pinakatitigan siya mata. "Aeron, anak. Ano man ang mangyari, ano man ang marinig mo, huwag na huwag kang lalabas dito, okey? Si Aerin, ang kapatid mo, itinago din siya ng daddy mo sa likod ng bahay, doon sa bakanteng lote. Hanapin mo siya kapag maliwanag na. Alagaan mo siya at protektahan. Makakaasa ba si mommy?" garalgal ang tinig na bilin ng ina ni Aeron. "Pero- M-mommy." Umiiyak na sambit ni Aeron. "Ano po ang nangyayari? Bakit tayo nandito? Iiwan mo po ba ako dito?" Sunod sunod na tanong ni Aeron sa kanyang ina. Hinawakan niya pa ng mahigpit ang nanginginig na kamay nito. "Sssh," alo nito sa kanya. Mahigpit siyang niyakap nito at hinaplos ang kanyang likod. Ilang sandali pa ay muli siyang hinarap nito. "Anak, 'di ba kuya hero ka ni baby Aerin? Malakas kayo ni papa dahil kayo ang magiging tagapag-ligtas namin. Ito na 'yon, ito na yung oras para ipakita mo sa lahat na hero ka ng kapatid at mama mo. Kaya Ipangako mo sa akin na magiging matapang at matatag ka, Aeron." bulong nito sa kanya. Walang magawa ang musmos na bata kung hindi ang tumango ng marahan. Natatakot siya pero ang init na hatid ng yakap ng kanyang ina ay kaagad na nagpalakas ng loob niya. "Pangako po Mommy, magiging matapang po ako para sa inyo," umiiyak na saad ni Aeron. "Hindi ka naman mawawala, Mommy 'di ba? Bukas, kapag maliwanag na, magiging okey na din ang lahat," lakas loob na saad ni Aeron. "O-Oo naman, anak. Kaya nga kailangan dito ka muna at maghintay ng umaga," malungkot na saad ng kanyang ina. Tumango ng sunod sunod si Aeron at ngumiti sa ina. Pilit na nilalabanan ang takot sa kanyang dibdib. "Very good, sa ngayon, makikinig ka muna kay Mommy, okey? Dito ka lang at huwag kang lalabas habang hindi lumiliwanag,"ulit at mahigpit na bilin nanaman ng ina. Mabigat man sa kalooban ay binitiwan ni Aeron ang kanyang ina at pinagmasdan itong lumayo sa kinaroroonan niya. Nang ngumiti ito sa kanya ay muling nanumbalik ang sa isip niya ang takot. Takot na normal lang maramdaman ng isang musmos na batang gaya niya. Muling tumulo ang kanyang luha, walang patid ang pagpatak noon sa kanyang mukha. Labis din ang pagpipigil niyang sundan ang ina at suwayin ang sinabi nitong huwag siyang lalabas hangga't hindi nag-uumaga. Pero kalaunan ay nangibabaw ang kagustuhan ng kanyang isip. Lumabas siya at bago pa man mawala sa paningin niya ang bulto ng kanyang ina ay mabilis na siyang sumunod dito. Binaybay ng maliliit niyang paa ang kasukalan. madilim, pasinghot singhot siya habang maingat na naglalakad. Sa kabila ng malamig na hangin at nanginginig na katawan ay niyakap niya ang sarili. Musmos man at bata, ang kanyang isip ay tunay na malinaw na at ang gabing ito ay patuloy na tatatak sa kanyang isip habang siya ay lumaki. Nasasaktan man sa maliliit na batong natatapakan ay hindi ito alintana ng bata. Ang mahalaga para sa kanya ay masundan ang ina at alamin ang tunay na dahilan ng takot nito. Malayo pa man bago marating ni Aeron ang bungad ng masukal na lupain at tapat mismo ng kanilang tahanan ay natanaw niya na ang ilang bulto ng kalalakihan. Nasa tapat ang mga ito ng kanilang bahay, lahat ay nakaitim at may takip ang kanilang mga mukha. Nang itaas niya ang kanyang paningin kung saan nakatingala din ang mga lalaki ay nakita niya ang kanyang ama na nakabitin sa puno ng mangga. Kitang kita niya din ang mabilis na pag-alo ng kanyang ina sa kanyang ama nang makita niya ito subalit ni hindi na ito nagawang lapitan ng kanyang ina sapagkat mabilis itong hinuli ng mga lalaki at iginapos ang kanyang mga kamay at paa Sa likod ng malalagong halaman ay nasaksihan ni Aeron kung paano bitayin ng mga lalaking iyon sa tabi lamang ng patay na katawan ng kanyang ama ang kanyang ina. Labis ang kaba at takot niya. Hindi malaman ng Aeron ang unang gagawin. Ni wala siyang ideya kung bakit iyon ginagawa sa kaniyang mga magulang. Tulala at walang maisip na pwedeng gawin ang bata maliban sa manatili sa malalagong halaman na iyon at dumapa habang tahimik na umiiyak. Hawak niya ang bibig upang pigilan ang sarili na gumawa ng ingay na maaaring makapukaw sa atensyon ng mga lalaki. Tahimik niyang pinanuod ang patuloy na pagkilos ng mga armadong lalaki sa tapat ng kanilang bahay. Ilang minuto pa ang dumaan, natanaw ni Aeron ang pagsasaboy naman ng kung anong likido sa katawan ng kanyang mga magulang. Naalarma siya, gusto niyang takbuhin ang mga magulang at tulungan ang mga ito subalit naalala niya ang bilin ng kanyang ina tungkol sa kanyang kapatid na si Aerin. Paano niya ito maililigtas kung mahuhuli din siya? Sa isiping iyon ay pinili niyang manatili nalang sa kanyang pwesto. Makalipas lamang ang ilang sandali ay nagliliyab na ang katawan ng mag-asawa habang patuloy na nakasabit sa puno ng mangga. Ang tanging nagawa ng kawawang bata ay takpan ang kanyang dalawang mata. Ang pag-asang magiging maayos din ang lahat pagsikat ng araw ay tuluyan ng naglaho sa kanyang isip…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.2K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.7K
bc

The ex-girlfriend

read
138.7K
bc

CLOSER

read
140.4K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
329.0K
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
542.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook