bc

Tough Hunks Series 5 : Hecthor The Protector

book_age16+
1.6K
FOLLOW
5.5K
READ
alpha
fated
kickass heroine
brave
bxg
mystery
detective
secrets
sassy
like
intro-logo
Blurb

Nabundol ng sasakyan ni Pia Lozano ang sekretong lungga ni Hecthor Dela Vega sa isang liblib na lugar. Ang dahilan niya sa lalaki - nawalan daw ng preno ang kotseng sinasakyan niya. Pero ang totoo, may humahabol pala sa kanya na mga masasamang loob.

Paano kaya mapapaniwala ni Pia ang isang hulog sa kalawakan at mala adonis na hunk that she's telling the truth, and nothing but the truth?

Pagkakatiwalaan rin kaya siya ng lalaki gayong hindi mo basta-basta mabibilog ang ulo ng isang Hecthor Dela Vega?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Kahit masakit na ang kanyang mga paa at nababalot ng luha ang kanyang mga mata, hindi pa rin tumigil sa pagtakbo si Pia. Kailangang makarating siya sa kotse niya bago pa siya maabotan sa mga humahabol sa kanyang mga lalaki. Ang dilim-dilim rin sa dinaraanan niya, pero hinding-hindi siya hihinto sa pagtakbo. Nang matagumpay siyang nakasakay sa kanyang kotse na walang balakid, pinaharurot niya ito. "Pia!" Umalingawngaw sa pandinig niya ang pagtawag sa kanyang pangalan. Bigla namang nag playback sa kanyang isipan ang nangyari sa kanya sa nakaraang isang oras.  Habang nagmamaneho siya, napansin niya na may dalawang kotseng kanina pang bumubuntot sa kanya. At ganon nalang ang kanyang pagkagulat ng ilabas sa bintana ng mga ito ang isang armalite at nakatutok ito sa kanya. Agad naman niyang iniliko ang kotse sa masukal na kakahoyan at itinago niya ito roon. Lumabas siya sa kanyang kotse at tumakbo siya palayo kahit wala man siyang patutungohan. Ngunit sa kanyang pagtakbo nakaharang na sa kanya ang amo na namumula ang mukha nito sa galit. Linapitan niya ito at walang pag-aalinlangan pinaghahampas niya ito sa dalang bag. Natumba ito, tas nagpatuloy siya sa pagtakbo. Narinig niya na dumating na ang mga tauhan nito at pinahabol ulit siya. Takbo lang siya ng takbo kahit masakit na masakit na talaga ang mga paa niya. Buti nalang at hindi siya nakasuot sa kanyang uniporme sa araw na yon na pencil skirt. Dahil kung suot pa niya ang uniporme ay kanina pa siya nahuli ng mga lalaki at baka natsugi na nga siya. Mabilis ang pagmamaneho niya sa kanyang kotse palabas sa kakahoyan, ngunit bigla nalang may bumundol sa kanyang likuran at dahil sa lakas ng impak, nayanig talaga ng husto ang kotse niya. Parang humiwalay nga ang kanyang espirito sa kanyang katawan. Halos di kasi siya makahinga. Then she saw her boss standing there through the headlight. Staring at her. Nababalot ng dugo ang mukha nito na parang isang zombie sa the walking dead. Nanginginig naman siya sa takot nang dahan-dahan siyang nilapitan nito. Hindi rin kasi siya pwedeng makaatras dahil sa binundol ng kotse nito ang likuran ng sasakyan niya. Kung sasagasaan naman niya ito, mamamatay tao na siya. Nang tuloyan ng makalapit sa kotse niya ang demonyo niyang amo, pinaghahampas nito ang kotse niya ng malakas. "Lumabas ka diyan, Pia!" galit na sigaw nito. "Labas na!" Napahalukipkip lang siya sa loob ng kotse naghihintay kung anong susunod nitong gawin. Nang makita niyang humugot ito ng baril mula sa beywang nito, naalarma siya saka ipinwesto niya ang kamay sa kambyo. Sa pag-angat palang nito sa hawak na armas, tinapakan niya agad ang gas pedal at binundol ang amo. His body disappeared under the front of her car. Pero para siguradohing hindi nga niya ito masagasaan, she then maneuvered the vehicle around in a circle. Dust kicked up around the shaking metal as her tires squealed. Nang masulyapan na niya ang nakabulagtang katawan nito sa lupa. Hindi na siya muling lumingon pa upang hindi siya tuloyang makonsensiya. Basta nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho kahit wala itong patutungohan. Nababalot na kasi ng dilim ang buong lugar. At ang tanging liwanag na gumagabay sa kanyang daan ay ang headlight ng kotse. Ano bang atraso niya sa amo at handa siyang patayin nito? Iyan ang naglalaro sa kanyang isipan sa mga oras na yon. Kung iisipin kasi niya ito masyado baka mabunggo pa siya kaya't ibinalik na lamang niya ang buong atensyon sa pagmamaneho. Hindi niya rin kasi pamilyar ang lugar. Idagdag pa na lubak-lubak ang daan. Hanggang sa may nakita siyang mumunting liwanag sa unahan. Pero baka halusinasyon lang niya iyon. Holding on tighter on the steering wheel, she aimed for a driveway, at kahit ano pang indikasyon na posibleng magpalabas sa kanya sa gubat na iyon ay hahamakin niya. Napatanto naman niyang hindi nga halusinasyon ang nakikita niyang liwanag. Kasi papalapit ng palapit siya rito. At ganon nalang din ang kanyang pagkagulantang ng malakas siyang nauntog mula sa driver's seat, buti nalang talaga at naka seatbelt siya. Juice ko, Lord. May nabundol na naman siya. Ang dalangin niya na hindi sana tao iyon. At dahil nakapikit ang mga mata niya, dahan-dahan niya itong iminulat. Bumungad nalang sa paningin niya na nasa loob na ng maliit na kubo ang hood ng sasakyan niya. Patay talaga siya sa may-ari nito. *****

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
198.7K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.1K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
325.6K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
453.8K
bc

Tamed to Be Yours

read
384.9K
bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook