bc

Tough Hunks Series 12 : Edrian The Guardian

book_age16+
2.7K
FOLLOW
8.3K
READ
adventure
spy/agent
dominant
brave
bxg
mystery
bold
sniper
bodyguard
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Simple lang naman ang naging misyon ni Edrian Lim - panatilihing ligtas si Cassandra San Sebastian kahit anong mangyari. Pero sino nga ba ang nagpadala sa pitong armadong lalaki para dukutin si Cassie sa loob ng isang ballroom? The party girl isn't giving any information so Edrian didn't have idea what's going on. Pero ngayon may mas mahalaga na siyang misyon: tuklasin ang itinatagong lihim ng isang Cassandra San Sebastian…isa-isa.

Hindi kailangan ni Cassie ang isang lalaki na magpakabayani. Dahil determinado naman siya na siya mismo ang makakatuklas sa dumukot at pumatay sa mga kaibigan niya, kahit ibuwis man niya ang kanyang buhay. Pero paano ba niya iyon magagawa kung laging nakasunod sa kanya ang chinitong asungot na si Edrian Lim? At ang isang bagay na hindi niya kailangan sa mga sandaling iyon - ang mahumaling sa isang lalaking makakasira lamang sa pagkamit niya ng hustisya para sa mga kaibigan.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Ang maging babysitter sa isang mayaman at spoiled brat na dalaga ang pinakadisgusto ni Edrian sa lahat ng misyon niya. Nasuungan na niya ang iba't ibang mapanganib na misyon, at sa isang iglap lang nagbabantay na siya ngayon sa isang dalagang sosyalera. Eh kahit nga ang lugar kung saan naroon siya ay nagpapasakit na sa kanyang ulo. Ano bang klaseng lugar ito? Karnibal? Ang dami kasing nakikita niyang palamuti na tila may magaganap na children's party. From his perch near the back wall, Edrian shifted slightly in his tux. Dapat sana ang gagawin niya ay makihalubilo siya sa mga bisita, pero ginawa naman niya ang makakaya niya. Normal lang sa trabaho niya na makihalubilo siya sa ibang tao. He was used to being camouflaged on missions, pero hindi katulad sa misyon na ginagawa niya ngayon. Cassandra San Sebastian. His eyes narrowed on the sleek blonde. The far-too-attractive, far-too-tempting Cassandra. Sadya talaga siyang pinapunta sa Maynila para bantayan ang spoiled brat na ito. And that was exactly what he'd been doing for the past five torturous days. Iginala-gala nito ang paningin at nagkasalubong ang mga titig nila. At first, akala niya suplada ito pero nang ngumiti ito sa kanya tila nahulog yata ang atay niya. She started walking toward him. Hindi iyong lakad na nakikita niya sa ibang dilag na pakembot-kembot kundi normal lang, pero ang seksi nitong tingnan habang naglalakad. Eh seksi naman talaga ito, walang duda. Lalo na 'yong damit nito na may mahabang slit sa gilid na litaw ang maputing hita nito. Siya ang misyon mo, paalala ni Edrian sa sarili. Hindi naman niya nakalimutan iyon. Hindi rin siya mahuhumaling agad sa magagandang dilag, lalo na't hindi niya gaanong kakilala ang mga ito. Cassandra held a champagne flute in one delicate hand. She nodded her head to a few people as she passed by them and said a couple of polite words while keeping her perfect smile in place. At dahil masquerade yata ang tema ng party nito kaya kadalasan sa mga bisita nito ay naka maskara. Si Cassandra naman ang mata lang nito ang tinatakpan ng maskara. Ngunit bigla na lang nitong tinanggal ang suot na maskara. At mismong nasa harapan na niya ang dalaga. Still smiling faintly, she said, "Alam mo, tapos na ang mahal na araw pero parang pang biyernes santo pa rin 'yang mukha mo." Aba! Itong bata na 'to oh! Hinamon talaga siya. "It's a party," dagdag pa nito. "At hindi isang priso." Ano bang alam nito sa kulungan? Napataas si Edrian ng isang kilay. Talagang misteryo pa sa kanya ang katauhan ni Cassandra San Sebastian. "Wala ka bang admirers na ini-entertain?" walang paligoy-ligoy na tanong niya rito. She laughed lightly. "And here I believed that I was entertaining an admirer. Sa klase ba ng pagtitig mo sakin buong gabi...actually, mga ilang araw ko na ngang napapansin eh. Sa tingin ko, sarili mo yata ang tinutukoy mo na admirer ko." Mukhang siya na yata ngayon ang pinag-aralan ng dalaga. Mataman kasi itong napatitig sa kanya na tila nanunuri. "Bakit mo ba ako palaging sinusundan, huh?" Her scent seemed to fill the air around them. "Sorry, ma'am," sinadya talaga niyang pinatigas ang salita niya para tunog probinsyano siya. "Kamukha mo lang kasi 'yong kakilala ko." Napapailing si Cassandra sa kanyang ulo. "Sa tingin ko mukhang hindi talaga 'yan ang totoong intensyon mo." Nakangiti pa rin naman ito pero mukhang sarkastiko na ang himig ng boses nito. Hanggang sa nagulat na lang siya ng humakbang ito papalapit sa katawan niya. Umangkla ito sa batok niya at awtomatiko namang ipinulupot niya ang mga kamay sa katawan nito. Cassandra's body was slender and warm against his. Because of her high heels and the fact that Cassandra's own height skirted just above five foot ten, their mouths were close. Temptingly close. Pero hindi naman siya hinalikan nito. At sa halip ay binulongan siya nito, "Huwag mo na akong susundan pa bago mo pa masira ang lahat." Nanigas na lang siya bigla sa sinabi nito. Her breath blew lightly against his ear. Mahigpit naman siyang napahawak sa beywang nito. To onlookers, Edrian knew it would appear that they were embracing but, holding her this tightly, he felt the hard tension in Cassandra's body. Alam niyang galit sa kanya ang dalaga. "Wala akong pakialam kung sino ang nagpadala sayo para bantayan ako." Bulong ulit nito sa kanya. He felt her lips press lightly against his ear. His body hardened. Then she said, "The last thing I need is a BEO agent in my way." Alam nito ang tungkol sa Black Elite Ops? Sa pagkakaalam niya kasi na iilang tao lang ang nakakaalam sa sekretong grupo nila. The Black Elite Ops operated far below the radar. At silang mga agents ay maigi silang isinasailalim sa pamamahala ng kanilang boss na si Marcio Mercader. The agents went out on the most deadly missions. They took the cases that government agencies around the world couldn't handle. Their very success and survival depended on the BEO's secrecy. Pero ang babae na 'to na walang inatupag kundi mag party buong magdamag kasama ng mga kaibigan nito, alam nito ang sekretong grupo nila? Papano nangyari 'yon? May tinatago rin kaya itong lihim sa kanya? Mariin namang hinahawakan ni Cassandra ang magkabilang balikat niya na tila pinag-aaralan ulit siya nito. "Hindi ko pa alam ang pangalan mo." Dahil hindi naman niya ito ibinigay rito. "Pero siguro mas mabuti ngang hindi ko malalaman ang pangalan mo," dagdag pa nitong sabi. "Since ito rin naman ang huling pagkikita natin." Aba! Gusto pala nito na mawala siya sa landas nito. Well, the feeling is mutual. "Iiwan na kita diyan, at wag na wag mo na ako ulit susundan," sabi sa kanya ni Cassandra. Tragis, minanduan ba siya nito? "Doon ka sa likurang pinto dumaan. It's ten feet on your right. Bumaba ka sa hagdan doon. Iyon kasi ang entrance at saka exit ng mga staff sa event na ito. Wala kasing makakapansin sayo kung doon ka dadaan." Ah, yes, minamanduan nga siya nito. At hindi niya iyon gusto. "Ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha mo." Nakangiti pa ito nang sabihin nito iyon. "Wag na wag kang haharang sa dadaanan ko." Huling sabi nito saka tinalikuran na siya. Mukhang interesting ang babae na 'yon ah. Pinasadahan naman niya ang seksing likuran nito. Far too much skin - such golden, perfect skin - was revealed by the plunging back of her gown. Hindi na nga ito muling lumingon pa sa kanya. Abala na rin kasi ito sa pakikipag-usap sa mga kaibigan nito. Napagtanto rin ni Edrian na tuluyan na nga siyang initsapwera sa party nito. Ngunit hindi siya maaring manduan nito. Dahil kung anuman ang inatasan niyang misyon, gagawin talaga niya 'yon. At hindi siya mapipigilan ng spoiled brat na 'yon. Napalingon naman siya sa exit na sinasabi ng dalaga, tas ibinalik niya ulit ang paningin niya rito. With a faint smile curving his lips, he started to stalk his prey.   *****

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Battered Mafia Billionaire

read
10.2K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.2K
bc

Dangerous Spy

read
294.8K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.1K
bc

EASY MONEY

read
173.3K
bc

YOU'RE MINE

read
891.9K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
195.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook