bc

The Story Of Us: Scarlett Dela Rama

book_age16+
667
FOLLOW
1.9K
READ
love-triangle
second chance
playboy
goodgirl
drama
twisted
campus
city
coming of age
like
intro-logo
Blurb

Scarlett Dela Rama’s love story is full of twists and turns. Her romantic life is not ordinary. Two men are vying for her heart… but only one of them deserves her heart.

Will she choose the fierce love that excites her? Or the secure love that gives her calmness?

chap-preview
Free preview
Prologue
Huminga ako ng malalim habang nakaharap sa pintuan ng simbahan. Hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na ako ngayong araw. Parang panaginip lang ang lahat. Hindi ko akalain na sa dinami-dami ng nangyari sa buhay namin, aabot kaming dalawa dito. Buong akala ko ay susuko siya sa akin. Inayos ko ang aking gown bago tuluyang bumukas ang pintuan. Bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ko ang palakpakan ng mga tao. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Pero nangingibabaw ang sayang nararamdaman ko. Nakita ko na siya, naghihintay na sa akin sa dulo ng altar. Nakatalikod siya sa akin. Ayokong harapin niya ako habang inaabangan sa dulo. Baka maiyak lang ako dahil sa sobrang saya. Gusto ko ay hintayin na lang niya ako hanggang sa makadating ako sa kanya. Sinalubong ako ni daddy. Kumapit ako sa kanyang braso. Nagkatinginan kami at ngitian niya ako ng tipid. May konting bahid ng luha sa gilid ng kanyang mga mata. Hindi ko lubos maisip na tanggap na niya na mag-aasawa na ako. Ilang taon ding naghirap ang magiging asawa ko para lang makuha ang loob ni daddy.  Ibinaling na namin ang aming mga mata sa dinadaanan. "You're getting married.." Malambing na sabi ni daddy. Nagsimula na kaming maglakad. Nag umpisa na rin ang tugtog. "Iiwan mo na kami ng mommy mo.." napalitan ng lungkot ang boses niya. Humigpit ang kapit ko sa kanya. He's being emotional. Malungkot at masaya sila ni mommy sa aking pagpapakasal. Ako lang naman kasi ang nag iisang anak nila, kaya naman nahihirapan sila na pakawalan ako. 'Yun din siguro ang dahilan kung bakit hindi ako kayang pakalawan ni daddy noon. Iniisip niya na aagawin na ako ng mapapangasawa ko sa kanila ni mommy. "Dad... hindi ko naman kayo iiwan. Titira lang ako sa ibang bahay. Tsaka, bibisitahin ko pa rin naman kayo." Paninigurado ko sa kanya. Mas hinigpitan ko pa ang kapit sa braso niya. Mahirap din naman sa akin na iwan ang aking mga magulang. But, it's part of our life. Kailangan nila akong pakawalan para makabuo rin ako ng sariling pamilya. I will never ever forget them. I am very thankful coz God gave me such amazing parents. Sila naman talaga ang dahilan kung bakit nga ba ako nandito ngayon. Konting lakad na lang, magiging malapit na ako sa aking magiging asawa. I love him. I love him so much. Kahit marami kaming hinarap na pagsubok. Kahit kailan ay hindi niya ako pinabayaan. I can't believe my fantasy has finally come true God must have smiled upon me the day I met you You are the most beautiful in every way Everything you do and everything you say I smiled upon hearing our wedding song. Siya ang pumili ng kantang 'yan para sa amin. He said everything froze when he's with me. Ako lang ang tanging nakikita niya tuwing kasama niya ako.  Bumabalik lahat ng alaala kung paano nga ba nabuo ang love story namin. High School pa lang kami, may naramdaman na kami para sa isa't isa. Noon pa lang, mahal ko na siya. Mahal na mahal... "Anak, may oras ka pa para umurong. Wala pa naman tayo sa dulo." bulong na naman sa akin ni daddy. "Dad, hindi pwede. Baka mabaliw 'yang son-in-law mo pag tinakbuhan ko siya." tawa ko. I'm not kidding, though. Kausap ko kagabi ang magiging asawa ko. May mga kasabihan kasi na bawal magkita ang taong papakasalan mo sa gabi bago kayo maging ganap na mag asawa. Hindi siya naniniwala dun, pero sinunuod pa rin namin. Wala namang mawawala. Mabuti na lang, hapon ang kasal namin. Napuyat ako dahil magdamag kaming magkausap. Baka magbago raw kasi ang isip ko at bigla na lang akong mawala sa mismong araw ng kasal namin. Baliw talaga 'tong asawa ko kung minsan. Hinding hindi ko naman siya kayang iwan. Ang dami na naming pinagdaanan. Ang dami naming mga isinakripisyo... lalo na siya. Hindi ko naman itatapon ang lahat ng 'yun. Hindi magbabago ang isip ko sa kanya. "Kami naman ang iiwan mo ng mommy mo.." ulit ni daddy sa malungkot na tono pa rin. "Gusto niyo po ba sumama kayo sa honeymoon namin?" biro ko. Muli kaming nagkatinginan. "Bigyan niyo na lang kami ng apo para hindi na kami malungkot pa ng mommy mo.." Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Mamaya na ang unang gabi namin bilang mag asawa. Mamayang gabi na ang aming honeymoon. Excited ako and at the same time ay kinakabahan. Kahit na matagal na kami, wala pang nangyari sa amin. Nangako kami sa isa't isa na kasal muna bago gawin ang bagay na yun. Mabuti na lang ay marunong siyang maghintay. If I was ever frozen in time It wouldn't matter how when or why it would be As long as I knew that you were next to me Frozen in time for eternity Sa wakas, nakadating na kami sa dulo. Humarap na sa akin ang magiging asawa ko. Katabi niya ang lalaking minsan ding naging malapit sa buhay ko. Malaki ang naging parte niya sa relasyon namin ng asawa ko.  "Finally..." ngiti ng asawa ko. He's really handsome with his white tux. Nakababa ang buhok niya ngayon, hindi gaya ng nakasanayan niya na palaging nakataas. Mas nagmumukha siyang good boy pag ganito ang ayos ng buhok niya. Nagmano siya kay daddy. Ako naman ay humalik sa mga magulang niya pati na rin kay mommy. Nilahad na niya ang kanyang kamay sa akin. Handa na akong kunin ito, kaso ay hinawakan ni daddy ang kamay ko.  "Pag sinaktan mo ang anak ko, alam mo na ang mangyayari sayo, Mister..." natawa ang magulang ng asawa ko pati na rin si mommy na nasa gilid. Pinigilan ko na ang banta ni daddy. "Dad, good boy na 'tong hubby ko." "Mas mabuti na 'yung nagkakaintindihan kami." mariin niyang sabi. Siya na mismo ang nag abot ng kamay ko sa aking asawa. Ilang sandali na lang, magiging Mrs. na 'ko. Naglakad na kami patungong altar. Kumapit ako sa kanyang braso. "You're perfect.." aniya. Umiling ako sa sinabi niya. I am not. Hinding hindi ako magiging perpekto. Nobody's perfect. Pero siya, paulit-ulit niyang pinapaalala sa akin na perpekto ako. He said all my flaws make me perfect even more. For me, he's the right one. Wala akong hiningi na kahit ano man sa kanya, pero binigay niya. Pwede niya akong iwan, pero hindi niya ginawa. I never asked him to love me, but he did. I never asked him to stay, but he did. "I love you.." sambit ko nang makadating na kami sa harapan ng pari. Kinilabutan ako. Ito na talaga. He kissed my hands. "I love you too.." We looked at each other. Everything's calm and quiet. Pag nakatingin ako sa mga mata niya, wala akong bigat na nararamdaman. Napakabanayad ng pag alon sa buhay namin. Before, I needed assurance. Natatakot kasi ako dahil wala naman talagang permanente sa mundo. May mga bagay at mga tao na hindi nanatili sa ating buhay. I am so scared. Takot na takot na akong masaktan dahil alam ko ang pakiramdam kung paano maging basag. But then, I believed again. In love. In magic. In change. Tama nga, walang permanemte. Hindi mapipigilan ang pagbabago. Minsan, akala natin, sapat na ang mga nadiskubre natin sa ating buhay. Pero, bawat pagbabago ay may mga madidiskubre pa tayo. Mga bagay na akala natin hindi natin magagawa, pero kaya pala natin. Sa buhay, may mga pagkakataon talaga na madadapa ka. May mga pagkakataon na magiging tanga ka. You should be proud of it. Eventually, you'll improve and move forward. It's never too late to change. Magiging huli lang ang lahat pag sumuko ka na sa pagbabago. There are so many "What ifs" in life. But, you can turn everything into "I can". If you're afraid of changes, then you're afraid to grow. Pag nagkaroon na kami ng mga anak, ikukwento ko sa kanila kung ano nga ba ang naging buhay namin ng papa nila. Ibabahagi ko ang bawat aral na nautunan ko sa pagmamahal a buhay. This is really my favorite story... the story of us.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
84.4K
bc

His Obsession

read
70.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook