bc

The Bus Love Story (You Took My Heart Away) (NEW STORY)

book_age12+
734
FOLLOW
2.6K
READ
fated
opposites attract
goodgirl
dare to love and hate
comedy
sweet
bxg
humorous
witty
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

The Bus Love Story (You Took My Heart Away)

Si Paruh Shah Solomon aka ang babaeng bakla. Hindi kagandahan pero umaapaw sa confidence. Wasak at sugatan ang puso dahil nabasted ng lalaking patay na patay siya.

Si Paulo San Miguel ang lalaking dahilan niyon. Ang poging waiter at lapitin ng mga beking customer nila. At may malaking sikreto na tinatago.

Dahil sa kagustuhang makalimot ay nagtungo siya ng Bataan hindi para isuko ang kanyang "bataan" kundi pansamantalang kalimutan ang sakit na nadarama.

Then Jamer Van Castillo came into the picture ang cutie na nakilala ni Paruh Shah habang nagmo-move sa sugatang puso. Ang lalaking tumulong sa kanya para makalimot pero may sikretong katauhan.

Pero sino ang pipiliin niya sa dalawa?

Si Paulo na matagal na niyang gusto na ngayo'y nakikipaglapit uli sa kanya at handa nang maging jowa siya o si Jamer Van na tumulong sa kanya para makalimutan ang lalaking dahilan ng kanyang pagdurusa at tanggap siya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 - PARUH SHAH (BABAENG BAKLA)
PARUH SHAH "HI, BHE!" Bati ko sa kakapasok lang ng dispatching area na si Paulo. May dala itong oval tray na punong-puno ng mga na-buss out na mga plato mula sa dining. Saturday kasi ngayon kaya medyo madami ang mga customer namin. Busy ang lahat at multi-tasking ang gawain. Senior waiter talaga ang posisyon ni Paulo pero pag ganitong madami kaming customer ay nagiging busboy din ito. Mukhang may absent yata sa mga busboy under sa station niya kaya ito nagbuhat. Hindi nito trabaho iyon. Ang trabaho niya ay mag-take order, mag-serve,gumawa ng OS o order slip, pag billing out ng customer siya ang magdadala ng bayad sa mga kahera at mag-uutos sa mga busboy kung saan ang kailangang i-buss out. Kumbaga monitor lang siya at naka-alalay para pag may request ang mga customer ay agad na malapitan. Pa-weekend talaga ang pinaka-peak namin. Lalo pa at buffet resto kami at mura pa ang rate per head namin. Mayroon din kaming bar sa veranda kung saan pwede mag-inom habang kumakain. Friday pa lang ng gabi ay tinatao na kami hanggang sunday ng gabi. At ganito palagi ang scenario. Nabuhayan ako ng loob at biglang sumigla ng makita ko siya. Nawala lahat ng ngarag at pagod ko. Napatutok ang mata ko sa kanya habang naghihiwa ng mga sidings na gagamitin. Halos na-flex kasi nito ang mga muscle sa braso habang bitbit nito ang oval tray. Isa iyon sa mga katangian kung bakit ko siya nagustuhan. Yummy na strong pa. Parang wala lang dito ang mga buhat-buhat. Maning-mani lang ang bigat niyon. Kung ang iba nga ay hirap na hirap na. Minsan pa ay nabibitawan kasi di na kinaya at humahantong pa sa pagkabasag ng mga plato at baso samantalang ito ay parang wala lang. Baka sa katagalan na nitong ginagawa iyon kaya sanay na ito. Gusto kong kiligin at agad na sumilay ang napakatamis kong ngiti ng tapunan niya ako ng tingin. Yehey! Narinig niya ang pabebe kong bati sa kanya. Finally, napansin niya ako! Nagtama ang paningin naming dalawa pero bigla ding binawi nito iyon at agad niya akong sinimangutan. Nagmadaling bumalik ito ng dining. Napangiwi ako ng wala sa oras at nawala ang ngiti sa labi ko. Pinangigilan ko ang mga hinihiwa ko habang tinitignan ito papalayo. "Aray!" reaksyon ko ng maramdaman ang sakit. Napatingin ako sa hinihiwa kong mga siding puro dugo na iyon. Nahiwa ko na pala ang daliri ko. Nakagat ko ang daliri ko para sipsipin ang dugo niyon. "Ay, tanga!" singit ng senior kong si Belinda ng makita ang dugo na nasa chopping board. "Kung san-san kasi ang mata. Ayan tuloy pati daliri gusto nang hiwain. Focus muna kasi sa work bago landi. Umalis ka na nga diyan!" "Oo na! Sorry ha? Hiyang-hiya naman ako sayo, te!" nasabi ko sa kanya sa inis ko. Sinimangutan ko siya dahil sa sinabi nito. Napilitan akong tumabi at ito na ang nagtuloy ng ginagawa ko.Kahit kailan talaga ay kontrabida ito sa buhay ko at kung makapag-bitaw ito ng mga salita ay walang preno ang bibig nito. Wala itong pakialam kung maganda o nakakasakit ang sinasabi nito. Basta kung anong gustong sabihin nito ay sasabihin nito. "Alam mo nilulugar kasi ang ganda saka isa pa may binabagayan yan. Asa ka naman kay Paulo hindi ka type nun kaya gumising ka na diyan sa ilusyon mo. Hinding-hindi ka magugustuhan nun. Kahit na pumuti o kuminis ka pa. Pwera na lang kung magparetoke ka baka sakali pa," sabi pa nito habang naghihiwa. Hindi agad ako naka-react sa mga sinabi nito. Masakit ang mga narinig ko at halos tagos sa puso. Isa pa ay totoo naman lahat iyon. Kunsabagay sino ba naman nga ako para magustuhan ni Paulo. Isa lang naman akong hamak na ilusyonada at panget na babae na umaasang mapansin ng isang poging Paulo San Miguel. "Pag ako gumanda who you ka talaga sa akin," nasabi ko sabay ismid sa kanya. Tumawa ito dahil sa tinuran ko. Halatang nang-iinsulto ito sa paraan ng pagtawa nito. Lalo ko pa siyang sinimangutan. "Asa ka! Kahit ilang layer pa ng make-up ang itapal mo diyan sa mukha mo. Kahit maglaklak ka pa ng gluta. Maligo ng gatas. Walang Paulong magkaka-interes sayo. Nakikita mo ba yang mukha mo? Tumitingin ka ba sa salamin? Ilan na ba ang nagsabi sayong mukha kang bading kesa babae?" Hindi agad ako nakasagot. Napa-isip ako. Ilan na nga ba? Hindi ko na mabilang ata sa sobrang dami. "Wala yan sa physical. Ang importante pa rin ang kalooban. Wala 'yan sa mukha, te. Nasa ugali 'yan kung paano ka makitungo sa kapwa mo. Isa papangit ka din pag tanda mo," sagot ko. "Okay lang atleast ako naranasan ko kung paano ang maging maganda eh ikaw? Habang buhay ka nang pangit. Saka tumigil ka na sa pangarap mong gumanda. Wala ka nang pag-asa. Saka ka na magmalaki pag maganda ka na talaga. Kung may igaganda ka pa." at muli itong tumawa na parang baliw. Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya baka lang at hindi na ako makapagpigil pa. Ayoko na siyang patulan pa. Sanay na rin naman ako sa kanya. Ganun kami personalan kung personalan. Bawal ang balat-sibuyas kung hindi talo ka. "Oh, bat tumahimik ka diyan?" muling baling nito sa akin. "Wala may narealize lang ako." "Narealize mong totoo lahat ng sinabi ko?" aniya at ngingiti-ngiti pa. "Hindi!" mariin kong tanggi. "Eh, ano?" "Di bale nang pangit kesa naman sipsip," sabi ko rito saka ko siya tinalikuran. "Anong sabi mo?" tanong pa nito na mukhang nabingi sa binitawan kong mga kataga. "Sabi ko sipsip," diin ko pa sa huling salita at tuluyang umakyat ng office para humingi ng band aid. Naririnig ko pang tumatalak ito habang nasa hagdan ako. Natatawa na lang ako. Halatang nasapol ko siya sa sinabi ko. Totoo naman iyon. Akala niya siguro papayag akong lalait-laitin niya ako ng ganun-ganun lang. Neknek niya! Panget lang ako pero hindi ako mahina at lalong hindi ako nagpapatalo. Totoong babae naman ako, may dede, may pepe din yun nga lang mukhang bakla nga lang. Lahat ng meron ang isang babae ay meron din ako tanging sa mukha lang talaga nagkakatalo. Madalas na napagkakamalan akong bading lalo na sa mga first time kong ma-meet. Halos iisa ang reaksyon ng lahat pag sinasabi kong totoong babae ako ----- "weeeh, di nga?". Aminado naman ako at alam ko ding hindi ako kagandahan, hindi rin makinis, medyo morena ang kulay ng balat ko plus may maliit pa akong balat sa may pisngi. At sanay na akong ginagawang katatawanan at nilalait mula pagkabata. Kahit ano pang itawag nila sa akin ay balewala na. Sanay na sanay na ako. Normal na sa akin iyon. Kaya kinakapalan ko na lang ang mukha ko. Mabuti na lang at sadyang umaapaw ang confidence ko kaya kahit paano ay wala ng epekto sa akin ang mga iyon. Matagal ko ng tanggap na kahit kailan ay walang magkakagusto sa akin. Dinadaan ko na lang sa pagiging jolly ko at pagkakaroon ng happy aura para hindi halata. Pero simula ng makilala ko si Paulo ay muli akong nagkaroon ng pag-asa. Alam ng lahat na may gusto ako dito. Vocal ako sa feelings ko sa kanya pero ayun nga lang wala itong paki. Ni hindi man lang ako kinakausap nito, ni pansinin at parang hindi ako nag-e-exist na katrabaho nito. Hindi ito humihingi ng tulong sa akin pag may mga kailangan ito. Sa mga kasama ko ito lumalapit. At tanging ito lang ang never na nakikipag-usap sa akin sa lahat ng katrabaho namin. Kahit ganun ay hindi pa rin nawawala ang nararamdamn ko sa kanya. Ito ang inspirasyon ko kaya ganado ako sa trabaho kahit nakaka-stress minsan. Masaya ako pag nakikita ko siya. Mas lalo lang akong na-challenge na mapansin nito kahit pa binabalewala ako nito. Willing akong gawin ang lahat para sa kanya. Kahit alam kong wala akong aasahan dito at never talaga akong magugustuhan. Wala namang masama ang umasa basta wag lang mag-expect ng bongga para iwas wasak. Matagal ko ng katrabaho si Paulo at balita ko single pa din ito kahit nasa late twenties na ito. Wala din daw itong idini-date kaya tuwang-tuwa ako kasi wala akong karibal dito. Halos tatlong taon na akong andito sa Somethin' Foodie. Yan ang name ng buffet resto na pinagtatrabahuhan namin pareho. Actually matagal na si Paulo dito at mas nauna ito sa akin kaya nga Senior Waiter na ang posisyon nito samantalang ako ay hindi pa din napo-promote dahil din sa bruha kong senior na si Belinda. Oo, bruha as in yung tumatawa habang naghahalo sa malaking kawa na naka-kulay itim at gulong-g**o ang buhok. Ewan ko ba at kung anong problema niya sa akin at ako ang pinag-iinitan niya lagi. Kaya hindi talaga kami magkasundo. Kaya rin palagi akong sabon sa Head Chef namin kakasumbong nito ng kung ano-ano na kesyo ganito, kesyo ganun na hindi ko daw sinusunod ang mga procedure at standard. Eh, kung tutuusin ay siya rin naman ang nagturo sa akin nun. Oh, di ba? Adik lang! Pero syempre di din ako nagpapatalo noh? Hindi ko siya inuurungan kahit senior ko pa siya. Pag alam kong nasa tama ako ipaglalaban ko talaga. Hindi ko alam kung may relasyon yata ang mga 'yun kaya ganun. Kaya ang lakas mangumbinsi at maniwala ng Head Chef namin. Kaloka! Mabuti na lang at kasundo ko ang dalawa ko pang kasama na sina Avril at Rodalyn na pareho ring naiinis kay Belinda. Kahit pa nga na senior namin siya at mas matanda ito. Kahit paano ay may kakampi ako at hindi ako nag-iisa. Nasa tapat na ako ng pinto ng office. Kumatok muna ako saka tuluyang pumasok para humingi ng band aid. Nadatnan ko doon si Mam Betchay ang Head Custodian namin na busy sa pagbibilang ng mga kaperahan na pambayad sa mga supplier. Ganun din si Kuya Rolly ang maintenance na may kinakalikot sa mga saksakan at si Jam na IT na nasa pwesto nito sa sulok at naka-tutok at naka-monitor sa computer. Naupo ako sa bakanteng upuan roon. "May band-aid po ba kayo, Mam Betchay?" tanong ko. "Pahingi naman po." "Bakit anong nangyare sa'yo?" tanong sa akin ni Kuya Rolly at bumaling sa akin. "Ayun, epekto nito ni Paulo. Kaya pati kamay hinihiwa ko na," sagot ko. "Naku! Si Paulo naman pala may kasalanan dapat dun ka sa kanya manghingi ng band aid." si Mam Bethchay na napatigil sa pagbibilang. "Para namang pinapansin ako nun. Ni tignan nga lang ako di nito magawa. Kausapin pa kaya?" "Paano kasi ang dugyot mo kasi tignan. Tignan mo ang dumi-dumi ng damit mo. Paano ka papansin ni Paulo niyan eh appearance mo palang turn off na siya." Si Kuya Rolly. "Ouch ha! Grabe naman." Daing ko na parang nasaktan sa sinabi nito. Pero totoo nga naman. Sino pa magkakagusto sa akin? Pangit na nga dugyot pa. May apron nga ako pero may mga talsik pa din at mantsa ang uniform kong t-shirt na kulay puti. Ang pangit nga talaga tignan. Napansin ko din na may punit pa ang slocks ko sa gilid. "Suggestion lang be, ha! Be presentable yun lang baka sakali mapansin ka niya." Si Mam Betchay. Napaisip ako dun. Baka nga isa iyon sa mga dahilan kaya di niya ako pinapansin kasi ang dugyot ko tignan. Kaya noted yun. Mukhang tama yata si Mam Betchay kailangan na ng make-over. Matapos kong makahingi ng band aid at malagay iyon sa nasugatan kong daliri ay bumalik na uli ako ng dispatching area. Baka kanina pa nagwawala ang bruhang Belinda dahil ang tagal kong bumaba. Sinadya ko talaga iyon para inisin ito. Nakipag-kwentuhan at nakipagtawanan pa talaga ako bago umalis ng office. Bahala ito mangarag dahil sa daming orders at follow up. Nakahinga ako maluwag ng hindi ko na naabutan si Belinda. Si Avril na kasi ang gumagalaw at nagpe-prepare ng mga orders. Sabi ni Avril ay nag-out na daw ito. Kahit wala pa ang oras nito ay umaakyat na ito ng locker para mag-bihis at bababa lamang pag mag-out na. Teknik iyon ng mga senior kunwari ay gagawa ng reports at mga tic tac pero ang totoo ay basta lang tatambay para magpahinga na kahit mahaba pa ang oras. Gawain na talaga nito iyon kaso wala kaming magawa sapagkat malakas nga ito sa Head Chef kaya walang silbi din kung magsusumbong kami. Naging smooth ang flow ng trabaho namin. Basta pag si Avril o si Rodalyn ang kasama ko ay okay. Kahit sobrang daming orders at follow up ay balewala lang sa amin. Nae-enjoy pa rin namin kahit ngarag ang duty. Bilang isang dispatcher s***h kitchen helper ay marami kaming responsibilities. Una na dito ay kami ang taga-tikim ng pagkain. Sa amin dumadaan lahat kung okay ba ang lasa ng pagkain, kung matabang ba o maalat. Kumbaga kami ang taga-approve at taga-go ng pagkain para i-serve. Kaya konting mali lang yari na. Sa amin lahat ng sisi kung sakaling may nakalusot at nagreklamo ang customer sa pagkain na isenerve. Isa pa lahat ng sidings na kailangan sa buffet, salads pati mga slice fruits ay kami ang gumagawa kaya need talaga marami kaming back up. Matrabaho pero kinakaya naman. Ganun din sa take-out kami ang magbabalot nun. Even mga pulutan ng mga umiinom mula sa veranda ay kami ang naghahanda at gumagawa. Hindi pa kasama ang reports, tic tac at imbentaryo after ng operations ng eleven pm. Di ba hindi naman halata na marami kaming ginagawa. Kung tutuusin ay kaya naman wag lang talaga magsabay-sabay kung hindi kagulo na.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
430.9K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
325.6K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.1K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
197.3K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
64.2K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook