bc

Heaven's Revenge

book_age16+
258
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
drama
tragedy
twisted
bxg
mystery
another world
lusty
seductive
like
intro-logo
Blurb

Warning! Steamy Content! Read at your own risk!

Maniwala ka. Tunay ang mga anghel. May anghel de la guardia na nagbabantay sa iyo. Wala silang kakayahang umibig at makaramdam ng kalaswaan. Ngunit nag-uumapaw na kabutihan pa rin naman ang nasa kanilang mga puso. Ipinagbawal lang ang mga emosyon nabanggit upang maging patas sila sa kanilang misyon at upang makaiwas sa tukso.

Ngunit dahil sa labis na masamang hangarin ng kadiliman ay mapapasok ang langit ng tukso. Doon unang mahuhulog at maakit si Regiena Nicolle sa kanyang tagapagsanay na si Jelor Alexis. Mga anghel sila na magiging fallen angels. Isa siyang anghel na pinaslang ng kanyang kapwa anghel. Naging ganap na tao siya at walang matandaan na kahit ano. Muli nyang makikilala si Jelor sa lupa bilang isang tao. Ang pakilala nito ay kanyang nobyo. Muling magsisimula ang init at libido sa pagitan nila. Sabay silang haharap sa buhay bilang mga tao. Sabay nilang susubukan ang mga makamundong gawain na una nang nabuksan sa kanila sa dati nilang buhay.

Sa laban ng kabutihan at kasamaan, alin ang magwawagi? Maiiwasan ba ang temptasyon na dulot ay sarap at kasalanan? O ang mananaig ang pag-ibig at mga pangarap? What if secrets from the past was unveiled, would it be the time for HEAVEN’S REVENGE?

chap-preview
Free preview
Chapter One
Chapter One Bilang isang anghel may mga emosyong ipinagbawal sa mga ito. Mga damdaming maaring maging hadlang upang makapagpasya sila ng tama. Kailangan kasi ay wala silang kinikilingan sa kanilang mga misyon. Sa pakidigma ng kabutihan laban sa kasamaan dapat maging metatag ang kabutihan sa tukso. Ang pakikipagtalik, kalaswaan, kalibugan at maging ang makaramdam ng pagtangi sa ibang kasiraan ay binubura sa mga anghel. Pinapanuod  kay Regiena ang mga tagpo at sitwasyong nabanggit. Habang inaalis ang mga bawal na emosyon sa kanya. Hanggang sa wala siyang naramdamang reaksyon sa mga nakita.  Totoo ang mga anghel. Iba-iba ang papel na kanilang ginagampanan bilang pagsisilbi sa kalangitan. Ngunit ang mga anghel na nagbabantay sa mga tao ay tinatawag na anghel de la guarda o guardian angels. Karibal nila sa pagbabantay sa mga tao ang demonyo. Sa bawat isang tao ay may isang anghel de la guardia at isang demonyo ang nagbabantay. Sila ang nag-uudyok sa mga tao sa paggawa ng kabutihan o kasamaan.  Matapos maging anghel na tagamasid lamang ay sasabak na si Regiena Nicolle para sa kanyang unang misyon bilang anghel de la guardia. Gagabayan siya ni Jelor Alexis. Isang mas mataas na ranggo na anghel kaya naman taga-gabay na ito sa ibang mga anghel tulad ni Regiena Nicolle.  "Napakagaling na taga-gabay ni Jelor Alexis. Marami kang matututunan sa kanya. Hindi ka nya pababayaan." Kinamayan siya ni Sonia Marie. Ang babaeng anghel na dating ginagabayan ni Jelor. Natapos na nito ang pagsasanay kaya naman ganap na itong anghel de la guardia at hindi na kailangang bantayan pa. Sa pagdampi ng balat nito sa kanya ay tila may isang bahagi sa kanya na nawala. Nag-iinit siya. Hindi niya maintindihan ang kakaibang nadarama. Mabilis ang kabog ng kanyang dibdib. "Nakakatuwa naman kung gayon. Sana ay magawa ko ng maayos ang pagiging anghel de la guardia." Hinigpitan nya ang pagkakakapit sa mga kamay nito. Kinakabahan pa rin siya at hindi iyon magawang mawala. Sabay silang napalingon sa lalaking nilabas ng isa sa mga pintuan sa kaulapan. Nakaputi itong kasuotan na abot hanggang tuhod. Makikita ang makisig na bisig ng lalaki. Ang pakpak nito ay malaki na tila marami nang pinagdaanan. Pero hindi niya maiwasang hindi maalis sa kanyang pansin ang kagandahang lalaki at kakisigan nito. Mali iyon. Hindi niya iyon dapat madama at isipin. Kabubura lang ng mga ganong klaseng emosyon ng paghanga sa kanya. "Kung tao lang siya malamang pinagkaguluhan na siya ng mga kababaihan." Bulong ni Sonia sa kanya.  "Marinig ka ng langit." Tugon niya rito at pagpapatay-malisya. "Wala naman akong ibig sabihin don." Pagpapasubali ni Sonia. Tinanggalan ng emosyon upang umibig ang mga anghel. Wala silang kakaibang nararamdaman para sa kapwa nila anghel at sa mga tao na rin. Lahat ng papuri nila sa kapwa ay walang kakaibang kahulugan. Lumapit si Jelor sa kanila. Unang binalingan ng lalaking anghel si Sonia. Nagkamayan ang mga ito. "Sonia muli maraming salamat. Maaari ka ng umalis. Pagbutihan mo ang iyong pagiging anghel de la guardia." "Maraming salamat din po sa lahat Jelor. Tatanawin ko pong malaking utang na loob at hindi ko kakalimutan ang mga itinuro ninyo sa akin. Paalam po." Saka muling humarap ang babae sa kanya. "Paalam Regiena. Magkita na lamang tayo sa mga ulap. Maguumaga na. Magigising na ang bago kong babantayan sa lupa." Kapag tulog ang mga taong kanilang binabantayan ay saka lamang sila nakakapanik  pabalik sa kaulapan. "Salamat muli Sonia. Mag-ingat ka." Paalis na sana ang babae ng muling pigilan ni Jelor. "Sandali lamang Sonia. Lumalakas ang pwersa ng kasamaan. Marami silang naiisip na taktika upang pabagsakin ang kabutihan." "Opo. Salamat po." Humayo na si Sonia Marie at sina Regiena at Jelor na lamang ang naiwan. Pinagmasdan muna siya ng lalaking anghel. Gayundin naman ang ginawa niya rito. Tila balisa ito habang siya ay tinititigan. Hindi nya maiwasang ibalik ang atensyon sa kakisigan nito. Lihim siyang humanga sa maskuladong pangangatawan ng magiging tagapagsanay. Paghanga na tila nababahiran na ng malisya. Kung mahuhulog man siya ay malamang umibig na siya rito sa unang pagtatagpo palang nila. Lalo pa’t walang harang na pumipigil sa kanyang emosyon. Tila hindi nabura ang emosyon ng pag-ibig at pagpapantasya sa kanya. Labis na paghanga ang nadama niya para rito. Kinabahan siya sa isinisigaw ng kanyang puso. "Tatagan mo ang loob mo Regiena. Sumuko ang dating anghel de la guardia ng taong babantayan mo. Kailangan mo siyang mabago. Tayo na." Bigla na lamang nitong nilahad ang mga pakpak at saka iyon kinampay upang lumipad pababa sa lupa.  "Mahabaging Diyos gabayan nyo po ako." Napakagat nalang siya ng kanyang mga labi. Saka niya nangangatog na inilahad ang kanyang mga pakpak. Kailangan niyang kalimutan kung ano man ang gumugulo sa kanya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay bababa siya sa lupa. Sinimulan nyang ikampay ang kanyang mga pakpak. Nakipagpatintero siya sa hangin at ulap pababa. Madilim pa ang paligid sa daigdig ng mga mortal. Nakaramdam siya ng kakaibang galak at pananabik ng makita ang mundo ng mga tao. Naroon ang malalaking gusali. Sa isang banda ay mga kabundukan at karagatan. Ngunit ang pinagtataka niya ay isang lugar na madumi at mga sira-sirang mga bahay ang kanilang tinatahak. Tumigil si Jelor na kanyang sinusundan sa isang bahay na sementado naman ngunit ang pinto ay tela lamang at ang bubong ay gawa sa lumang yero. "Narito ang taong babantayan mo." Lumakad ito sa pader at tumagos lamang.  "Nasan na siya?" Tanong ni Regiena sa sarili. "Tumatagos tayo sa kahit anong mga bagay." Nabigla siya ng biglang lumabas ang ulo nito sa pader. Pumikit siya at saka lumakad papunta sa direksyon ng pader. Pagmulat niya ay nasa loob na siya ng bahay. Napakagulo sa loob at isang babae na nakasuot lamang ng panloob nito ang natutulog. "Siya ang una mong misyon dito sa lupa. Ang pangalan niya ay Jecka." Pagpapakilala ni Jelor. "Jecka." Pinagmasdan niya ito at lumapit pa nga sya rito. "Mukha naman siyang maamo. Bakit nahirapan ang dati nyang anghel de la guardia?" "Maagang naulila sa ina si Jecka. Ang kanyang ama ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Napatay ito sa harap niya mismo. Wala siyang kapatid. Ang kanyang nga kaanak ay pinabayaan na siya. Dito sa squatter area na ito kung tawagin nila dito sa Maynila siya nakatira. Pagbebenta ng kanyang katawan sa kahit na sino ang pambuhay nya sa kanyang sarili." Napalunok nalang siya sumunod na mga inilahad nito. "Si Jecoba Rubia ang demonyong nagbabantay kay Jecka. Masyadong maimpluwensya ang demonyong iyon. Balita ko nga ay nakakausap na ni Jecoba si Satanas ng personal dahil sa galing nitong magpalaganap ng kasamaan." Isa pang lunok at halos matuyuan na siya sa lalamunan. Saka nya napagtantong hindi biro ang kanyang unang misyon sa lupa.  "N-nasan na si Jecoba? Bakit wala pa siya rito?" Tanong niya. "Iyan din ang pinagtataka ko. Kadalasan ay maaga palang ay nandito na ang demonyong yon." Ilang sandali pa ay pareho silang nanghina. "Aaahh... ano'ng nangyayari?" Nalagasan din ang kanilang mga pakpak. "Isa itong masamang pangitain. May nagawa na naman ang kasamaan laban sa kabutihan. Noong isang araw ay nangyari na rin ito." Sambit nito. "Ano po kaya iyon?" "Huwag mo na munang intindihin iyon. Papaimbestigahan din yan ng langit. Tingnan mo magigising na siya. Hangga't wala si Jecoba ay gabayan mo na si Jecka. Tayong mga anghel ay kapag iniiwan lamang ang ating mga binabantayan na tao kapag sila ay natutulog. Ang mga demonyo naman sa oras na maging mabubuting nilalang na ang mga tao ay iniiwan na nila ito. Kapag nakahanap nalang sila ng pagkakataon upang gawing masama ang tao saka sila bumabalik. Mga tuso sila." "Hmmmmm....." pinagmasdan nila ang unti-unting paggising ni Jecka. "Tang na buhay pa ako." Bungad ng mortal paggising. "Jecka... mali yan. Isa itong bagong araw para ituwid ang buhay mo." Bulong niya sa babae. Tila napaisip naman ito. "Hanggang dito nalang ba talaga ako?" sunod na tanong ng babaeng mortal. "Hindi Jecka. Hindi. Maaayos mo pa ang buhay mo. Kailangan mo lang itigil ang mga ginagawa mo ngayon. Humanap ka ng mas matinong trabaho." Tugon niya rito kahit hindi siya nakikita. "Bwhahahaha!" Saka natuon ang atensyon nila sa isang babaeng demonyo. Mahaba ang buhok nito kasing haba ng sungay at buntot nito. Mapula ang mga labi nito gayundin ang ilalim ng mga mata. "Masama na ang babaeng yan. Hindi mo na siya mababago pa. Wala na syang pag-asa." "Siya si Jecoba Rubia." Saad ni Jelor. "Hindi totoo yan! Lahat ay may pagkakataong magbago. Hindi ka magtatagumpay!" Buong tapang niyang pagpasubali sa naging pahayag ni Jecoba. "Nagtagumpay na ako. Tuluy-tuloy na ang tagumpay ng kasamaan! Bwahahaha! Hindi nyo alam ang ginawa ko bago ako pumunta rito! Tingnan mo nalang ang mga gagawing kababuyan ni Jecka!" Isang lalaking mortal ang biglang pumasok.  "Sino siya?" Tanong niya. "Siya si Roland Edolmo. Kaibigan ni Jecka na may lihim na pagtingin sa kanya. Gusto niyang tulungan ang kaibigan pero wala rin siyang magawa dahil mahirap lang din siya. Ngunit alam natin na pwede pa silang makaligtas sa apoy ng impyerno." Tugon ni Jelor. "Wala na. Wala na siyang pag-asa. Jecka. Alam kong nag-iinit na ang iyong mga laman. Ayain mo ng makipagtalik sayo si Roland. Maaga pa oh. Siguradong naninigas pa ang ari niya." Udyok ng demonyo. "Bastos talaga ang bibig mo demonyo ka! Tumigil ka Jecoba! Wag mong gagawin yan Jecka! Magtulungan nalang kayo upang baguhin ang kapalaran nyo. Hindi nyo kailangang sirain pa ang mga buhay nyo!" Simula palang ay napapalaban na si Regiena. "R-roland. Parang may nakabakat sa shorts mo." Lumapit na nga ang babaeng mortal palapit sa lalaki. "Wag kang magpapadala sa kanya Roland! Ang gusto mo ay tulungan siya! Hindi mo siya matutulungan sa ganyang paraan!" Dumating naman ang anghel de la guardia ni Roland na si Mark Jade.  "Roland naman hinihintay mo ang pagkakataong ito na matikman si Jecka. Palalampasin mo pa ba?" Utos naman ng demonyong tagabantay ni Roland na si Zula Lunam.  "Masyado pang maaga Jecka." Umiiling na tugon ni Roland. "Ang mga kliyente ko ay walang pinipiling oras at lugar matikman lang ako. Ikaw na kaibigan ko, hindi ka man lang ba naakit sa akin? Ayaw mo bang linisin ang dumi na binigay nila sa pagkatao ko?" humahagod at mapang-akit ang boses ni Jecka.  "Hindi ko sila katulad Jecka. Gusto kitang tulungan pero hindi sa ganitong paraan." Pare-parehong nakahinga ang mga anghel sa sinabing iyon ni Roland.  "Tama yan Roland. Mahalin mo si Jecka. Gamitin mo ang pag-ibig upang isalba ang babaeng pinakamamahal mo mula sa impyerno." Lumapit si Jelor kay Roland at ibinulong iyon bilang dagdag na payo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
825.5K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
81.2K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.4K
bc

My virgin bedcretary ( COMPLETE )

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook