bc

Mr. Chase's Wife (Filipino/Tagalog)

book_age18+
426
FOLLOW
3.2K
READ
contract marriage
kidnap
age gap
forced
second chance
pregnant
arranged marriage
drama
twisted
abuse
like
intro-logo
Blurb

Lucille Grace Morgan isang napakagandang dalaga , mabait , masipag ,higit sa lahat may angking talino na ipinagmamalaki ng kanyang mga magulang, siya ay panganay sa tatlong magkakapatid.

Kasalukuyan siyang 3rd Year College sa Schoth University sa Kursong Accountancy.

Isa syang scholar sa paaralan na pinapasukan niya ang kanyang mga magulang ay mayroong Maliit na Grocery store, ngunit nagbago ang takbo ng kanilang buhay namatay ang kanyang Ina at ang kanyang ama naman ay naging isang sugarol, ang kanilang Grocery store ay bininta ng ama nya dahil naging baon sa utang ito ng dahil sa natalo sa Casino.

Isang araw bigla na lang may mga armadong pumunta sa kanilang bahay at siya ang hinahanap, nabigla sya sa nangyari pinaliwanag ng Secretary ni MR.Chase na siya ay bininta ng ama nito sa isang mayaman , ngunit Mesteryosong lalaki ang pangalan lang nito na Henrry Chase ang sikat sa lalaki , wala itong litrato sa kahit anong social media o websites dahil hindi nya gustong makita ng buong mundo ang kanyang mukha at kung sino talaga siya .

Usap-usapan na si Mr. Chase ay isang Suplado, at napakaBrutal na lalaki sabi rin ng iilan na laging tinatago nito ang kanyang mukha.

Pinilit ng Tauhan ni Mr.Chase na Isama si Lucille Grace dahil siya ay magiging asawa ng binata.

Ano kaya ang mangyayari kay lucille sa kamay ni Henrry Chase?

Kakayani kaya ni lucille ang pangaabuso ni Mr.Chase?

Mamahalin kaya niya ang binata sa kabila ng ginawa nito?

Paano na lang kapag ang nobyo ni Lucille ay maghihiganti at pilit siyang kunin sa kmay ni Mr. Chase?

Yan ang tutunghayan natin sa kwentong ito

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Lucielle Pov Lucielle partner tayo sa activity na gagawin sa susunod na araw, ha?" saad ng kaibigan kong si Cherry Navales. Siya ang naging kaibigan ko noong bago pa lamang ako dito sa Schoth University. Sobrang bait ng babeng iyan, maganda, matangkad at tila isang amerikana. Hindi ko lubos maisip kung bakit ko siya naging kaibigan dahil nga galing ako sa may kaya lang na pamilya habang siya naman galing sa sobrang yaman na at kilalang pamilya dito sa Pilipinas. "Sure. Bukas na lang tayo mag-usap tungkol diyan." Niligpit ko ang libro at notebook ko saka inilagay sa bag. "Sumabay ka na sa akin, Lucie. Madadaanan naman ang bahay n’yo." "Huwag na, Cherry. Maglalakad lang ako. Dadaan muna ako sa grocery store namin. Tutulungan ko lang sina Mama." "Are you sure? Hindi ka talaga sasabay?" paninigurado niya. "Yes. Una na ako, ha?” saad ko sa kanya. "Okay. Take care.” "Ikaw din." Naglakad ako sa hallway marami rin ang mga estudyante na papalabas na galing rin sa mga rooms nila. Sobrang laki ng university na pinapasukan ko halos mga mayayaman ang mga estudyante dito. May iba nga hatid sundo ng kotse ang iba naman sila ang nag-mamaneho. Marami ang mga anak ng artista na nakikita ko dito, may sikat na modelo na hinahanggan ng karamihan. Lalong hindi talaga mawawala ang mga students na bully dahil nga hindi sila natatakot na mapaalis kasi may malaking shares ang pamilya nila sa school na to. Ang swerte ko na nga dahil naka-apak ako sa university kasi naging scholar ako. Nang malapit na ako sa gate may tumawag sa akin. "Babe, Hey!” Lumingon ako sa lalaking tumawag sa akin. Siya naman naman si Javvy Velanueva, gwapo, matalino, mabait at sikat din ito dito sa school dahil nga isa siyang athlete sa larangan ng basketball. He is my boyfriend kaya nga lang dahil sa sikat siya at mayaman marami akong naging bashers. Sabi ng iba, baka daw pera lang ang habol ko sa kanya, pero kahit ganun hindi ako nagpapapekto sa kanila nagmahal lang po ako ng tunay at hindi naman totoo ang mga binibintang nila. "Oh, Saan na ang sundo mo?" "I told Manong Leonor na mamaya niya na ako kunin tsaka hatid na kita." Lumapit siya sa akin at kinuha ang bag ko. “Akin na nga, iyang bag ko Javv baka sabihin nila inaalila kita." Pilit kung kinukuha ang bag sa kanya sobrang tangkad ng lalaking ito pero ok naman matangkad naman ako. "Correction, first of all hindi Javv kundi babe ang gusto kong itawag mo sa akin. Second anong pake-alam nila alangan naman sa kanila ako magpapa-alila. Aba! ang swerte naman nila. Sayo na lang ako magpapa-alila noh, ikaw kaya ang aking princesa.” "Eyssss, hahaha! Oo na ang dami pang satsat.” "Aminin mo kinilig ka, ayetttt.” Inakbayan niya ako at naglakad lang kami papunta sa store namin lagi kasi akong pumupunta doon pag-uwiaan na tumutulong ako. Minsan naman kapag wala akong klase ako ang nag-volunteer na tumulong hindi naman marami ang mga trabahante namin dahil nga nagtitipid kami at saka wala naman kaming sapat na pera para esuweldo sa kanila. "Sabi ng daddy ko babe, pumunta ka raw minsan sa bahay bumisita ka daw sa kanila." "Ang daddy mo talaga haha! sa susunod babe pag may free time ako ha." Legal kasi kami both sides tanggap naman ako ng daddy at mommy niya sobrang bait nila hindi gaya ng ibang mayaman na mapangmata at mapanglait sa kapwa lalo na sa mamahihirap. “Aasahan ko yan babe." Ginulo nya ang buhok ko at tumakbo siya saka hinabol ko naman. Ganyan kami lagi, ginagawa niya ito dahil ayaw na ayaw ko talaga ang ginugulo ang buhok ko dahil mahaba ito at kailangan suklayin. Sobrang bilis niyang tumakbo ano pa nga ba athlete nga siya habang ako athlete ata sa kainan at tulog. Nagulat na lng ako nang bigla siya huminto sa may kanto at tumingin siya sa akin na parang nababahala. “Ohh, bakit ganyan ang mukha mo?" "Babe yung store nyo may mga pulis," saad niya sa akin na may halong concern. "Ano? tara daliaan natin.” Nagmamadali kaming pumunta sa store namin. May iilang pulis ang humarang sa amin. Marami rin chismosa at chismoso ang nandito sa tapat ng store. "Pasinsya na po, pero hindi kayo pwdeng pumasok." "Teka lang manong police anak ako ng may-ari ng store na to. Ano po ang nagyari?" "Huwag kang magugulat iha, may iilang armado ang pumasok dito. Pagnanakaw ata ang mutibo ng mga suspek sa kasamaang-palad may isang ginang ang napuruhan.” Nanghina ako sa aking nalaman baka si mama iyon dahil sa apat lang ang trabahante namin dito dalawang dalaga at dalwang binata. "Saan po siya dinala Sir?” "Sa malapit na hospital maam. Hindi po namin alam kung saan," saad ng isang Police. "Salamat po Sir. Hinawakan ako ni Javvy at pilit akong pinapatatag. “Huminahon ka babe, tatawagan ko ang papa mo.” Nakailang ring lang agad namang sinagot ng Papa ko ang tawag. “Hello tito? Saang hospital po kayo ngayon? nandito po kami sa Grocery store niyo po. Nalaman po namin ang nangyari kumusta po si tita?” "Nandito kami sa V.A hospital Javvy kasama mo ba si Lucielle?" narinig kung saad ng papa ko naka-loud speaker ito kaya naririnig ko ang usapan nila. "Pupunta po kami dyan. Bye po muna tito." "Tara na babe." Nagmadali kami ni Javvy may jeep na dumaan kaya sumakay kami. “Magiging okay ang Mama mo babe, tatagan mo ang sarili mo please." Medyo malapit na kami sa hospital pero mas lalong nadagdagan ang kaba ko sana naman nasa maayos na kalagayan si Mama. “Manong para, dito lang kami. Ito po bayad namin." "Ang sukli nyo po," sambit ni Manong driver. “Keep the change manong." "Salamat kay buting binata naman." Nagtanong kami sa nurse kung saan na si Mama ngayon. "Excuse me, magtatanong lang po sana kami saan po dinala si Gecielle Morgan po? Dito raw kasi siya isinugod.” “Ahh Sir nasa operating room po mukhang malalim ang tama ng bala sa leeg niya po.” "Salamat po Ms. Nurse." "You're welcome Sir.” Agad kaming sumakay sa elevator dahil nga nasa second floor ang operating room. Nadatnan namin si Papa na tila taimtim na nagdadasal sa gilid. “Papa kumusta po si Mama?" Lumingon siya sa amin at nakita kong umiiyak na siya kaya lumapit ako sa kanya. “Malubha ang Mama mo anak dahil sa leeg siya natamaan. Kasalukuyan pa siyang ino-operahan ng mga doctor anak manalangin na lang tayo na magiging safe ang mama mo.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

He's Cold Hearted

read
160.4K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.1K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
431.1K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.1K
bc

That Night

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook