bc

Owned By The Possessive Demon

book_age18+
2.1K
FOLLOW
10.3K
READ
dark
possessive
reincarnation/transmigration
daemon
demon
spiritual
wild
like
intro-logo
Blurb

Warning! Some of the chapters has detailed bedscene!

This is a Romance/Fantasy story.

"You're mine Taliyah, you're mine.." sabi kay Taliyah ng isang lalake na malagong ang boses. Inaangkin siya nito palagi sa kanyang panaginip.

Taliyah is a miracle baby ng mag asawang sina Damian at Maria kaya naman ibinuhos ng nga ito ang buong pagmamahal sa nag iisa nilang anak. Matagal ng nawalan ng pagasa si Maria na magdadalang tao siya ngunit sa tulong ng albularyong si Tata Temyong ay nagbuntis nga si Maria.

Ngunit hindi akalain ni Damian na planado pala ang pagbubuntis ni Maria. Huli na nila nalaman na si Taliyah ang nakatakdang sakripisyo at ang sanggol na nasa sinapupunan nito upang mabuhay na magmuli ang isang makapangyarihang demonyo sa pamamagitan ni Taliyah.

Taliyah-Owned By The Possesive Demon

Can she even get away from a powerful creature if she had been considered his property since she was a child?

chap-preview
Free preview
OBTPD 1- TALIYAH'S BORN
Narrator's POV Sa isang liblib na lugar ay may nakatirang mag asawa na hindi binibiyayaan ng anak. Marami na silang ginawang proseso. Marami narin silang Doctor na hiningan ng tulong, ngunit nananatiling sila'y bigo. Isang araw, habang naglalakad sila patungo sa ilog upang maligo ay may matanda silang nakasalubong. Kinausap sila nito at sinabing "Anak, may alam ako na makakatulong sa inyo upang magkaanak kayong mag asawa." Nagkatinginan silang mag-asawa. "Talaga ho?" bulalas ni Maria. "Oo, Hija." May iniabot ito sa kanilang maliit na papel. "Puntahan nyo lang ang address na iyan at masosolusyunan na kaagad ang problema nyo." ani ng matanda. Walang pag aalinlangan na tinanggap iyon ni Maria. Dahil sa labis na kagustuhang magkaroon ng anak ay agad nilang pinuntahan ang address na ibinigay ng matanda sa mismong araw din na iyon. Nagtanong-tanong sila sa bawat madadaanan pero hindi nila alam ang nasabing lugar na nakasulat sa maliit na papel. Nagtaka naman ang mag-asawa. Maya-maya ay may lumitaw na isang batang lalake at sinabi sa kanilang alam nito ang lugar na iyon. Nagmagandang loob pa ito at sinabing sasamahan nalang sila para hindi maligaw. Sa gitna ng gubat sila dinala ng bata. Isang maliit na kubo ang nadatnan nila, may kaunting usok galing sa sinilaban na dahon ng puno. May mga nakasabit na iba't ibang klase ng mga halamang gamot. "Dito po sya nakatira," ani ng bata. "Maraming salamat sa pagsama sa amin ha. Oh ito, sayo na lang ito." Sabi ni Damian, ang asawa ni Maria. May inaabot na kwintas sa bata. Isang uri ng kwintas na gawa sa kahoy na binili pa nila sa simbahan ng Obando. Minsang nagtungo na rin sila roon dahil may nagsabi sa kanilang nakakatulong din ang pagsayaw doon para magkaanak. Tinanggap iyon ng bata. "Maraming salamat po. Pangako ko po, iingatan ko po ito," ani ng bata. Pero napalingon lang sila saglit dahil lumabas na ang albularyo. Pagtingin ulit nila sa bata ay wala na ito sa tabi nila. "Ang bilis naman nun?" takang sabi ni Maria. Nagkibit balikat naman si Damian at sinabing… "ganun talaga ang mga bata, maliksi at mabilis kumilos." ani Damian. Pero ang totoo kahit si Damian ay nagtataka rin sa biglaang pagkawala ng bata. Lumapit sa kanila ang matandang may tungkod. May nginunguya ito sa bibig. Ang sigarilyo ay nakabaliktad pa dahil ang nasa loob ng bibig ay ang may sindi ng apoy. "Magandang araw, anong maipaglilingkod ko sa inyo, aking panauhin?" tanong ng matanda sa kanila. Ang boses nito ang parang ermitanyo na nanggagaling sa ilalim ng lupa. Malaki at malagong ng parang isang robot. "Kayo ho ba si Tata Temyong?" Paniniguradong tanong ni Damian sa matanda sabay tingin sa maliit na hawak na papel na ibinigay ng matandang babae sa kanila. "Oo, ako nga. Anong kailangan niyo at sino ang naghatid sa inyo dito? Alam niyo bang bihira lang ang nakarating sa lugar na ito?" May pagbabantang sambit ng matanda. "Ganun ho ba. Inihatid ho kami nung bata na nakita namin sa parteng dulo na ng kabahayan." Walang takot na sagot ni Damian. "Oh, ganun ba. O siya sige, pasok muna kayo sa loob," aya ng matanda sa kanila at nagpatiuana na papasok. Sumunod sila hanggang makapasok na sila sa loob ng maliit na kubo. "Maupo muna kayo riyan at dadalhan ko kayo ng maiinom," sabay turo nito sa upuan na kawayan. Tumango sila at magkatabing naupo. Iginala ni Maria ang paningin niya. Ang daming abubot na nasa loob. May iba't ibang ulo ng hayop ang nakadisplay sa dingding. "Mangangaso siguro siya noong kabataan nya." May paghangang sambit ni Maria. Halos mapatalon naman si Damian ng may biglang sumulpot na itim na pusa sa gitna ng dalawang paa niya. Habol ang hiningang umupo ulit sa kinauupuan nyang habang ang asawa nyang si Maria ay tawa ng tawa. "Ano ka ba naman? Pusa lang iyan Damian!" Ani Maria habang walang humpay ang pagtawa. Nakahawak sa dibdib si Damian ng dumating ang albularyo galing kusina, may dala dala na itong lagayan ng tubig at baso na gawa pa mula sa coconut shell. Kung titingnan ay parang sinaunang tao ang nakatira sa munting kubo. "Maari ko bang hawakan ang kamay mo Hija?" Pagkuwan ay sabi ng matandang albularyo. Agad namang inabot ni Maria ang palad niya sa matanda. Hinawakan ng matanda ang palad niya at pumikit. Para itong may nakikita habang nakapikit. Pagmulat ng mga mata ay maingat na binitawan ang kamay niya. "Hindi ka magkaanak, Hija?" Tanong nito na tila nahuhulaan ang suliranin ni Maria. Nagkatiginan naman silang mag asawa. "Paano niyo po nalaman ang bagay na iyon?" Halos panabay na tanong ng mag asawa. "Sa totoo lang ay may mga bagay na hindi kayang ipaliwanag ng siyensya. Matutulungan ko kayo sa problema niya pero may kondisyon ako para sa inyong dalawa," ani ng albularyo. "Kondisyon po? Ano po yun, Tata Temyong?" Tanong agad ni Maria. "May kailangan lang kayong pirmahan na kasunduan sa akin," sabi ng matanda. Sa sobrang pagkatuwa ng mag asawa ay hindi na tinanong o pinag-isipan ang tungkol sa pagpirma sa kasunduan. Binigyan sila ng panulat na buntot ng manok at Ink. Unang pumirma si Damian na sinundan naman ni Maria. Napansin ni Maria na umilaw iyon pagkakuha ng matanda pero hindi na niya pinansin iyon. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay matutupad na ang pangarap nilang magka anak ni Damian. Ang kanyang pinakamamahal na asawa. Binilot iyon ng matandang albularyo at tinalian ng kulay brown na natuyo na baging at saka maingat na nilagay sa kahon. At ibinaon sa ilalim ng lupa sa harapan ng bahay nito. Bumalik sa pwesto nila ang matanda kung saan sila nakaupo at inaangat ang damit niya hanggang sa tiyan. Inilapat ang mga kamay at pumikit. Bumubulong-bulong pero hindi nila naiintindihan ang sinasabi. One of a kind tongue twisting. "Inumin mo ito, tatlong beses sa isang araw. Kailangan ay hindi ka magpapalya." Isang bote iyon ng inumin na sa tingin niya ay halamang gamot. "Pagkatapos ay ilagay mo ito sa ilalim ng unan mo." Pahabol pa nito. Kapiraso iyon ng papel na pinirmahan nila. Pumunit ito ng kaunti bago iyon ibinaon sa ilalim ng lupa. "Sige ho, susundin ko ho ang lahat ng ibinilin nyo." Walang gatol na tugon ni Maria. Nagpaalam na sila sa matanda at umalis na sa kubo. Nakakapagtaka. Napakadali nilang natunton ang daanan palabas ng gubat. Hinahanap nila ang batang lalake, ngunit hindi na nila nakita ang bata. Pagkauwi sa kanilang bahay ay saka lang nila naisip kung bakit hindi nila naitanong kung ano ba ang nilalaman ng kontrata. Wala kasing nakasulat sa papel, blangko iyon at tanging pangalan lang nilang mag asawa ang nakita nilang mababasa doon sa papel. "Sa tingin mo, Damian? Ano kaya ang nilalaman ng pinirmahan natin?" Biglang naisip ni Maria. "Naku, wag mo nang isipin yon. Marahil ay gawa-gawa lang ng matanda iyon. Kita mo wala namang nakasulat doon hindi ba?" Ani Damian. Tumango na lang si Maria dahil totoo naman ang sinabi ng kanyang asawa. Makalipas ang isang buwan ay nagdadalang tao na nga si Maria. Masayang masaya sila dahil sa wakas ay magkaka-anak narin silang mag asawa. Palagi syang dinadalhan ni Damian ng pulang rosas kada makakauwi galing sa bukid nila. Kapag tatanungin naman niya kung saan galing. Ang sabi lang nito ay sa tabi daw ng puno ng malaking narra. Palagi daw may bulaklak ang pulang rosas na naroroon. Makalipas ang ilang buwan at sumapit na ang panganganak ni Maria. Dinala agad ito ni Damian sa isang paanakan sa karatig bayan. Sobrang sakit ng pakiramdam ni Maria. Pero nilalakasan niya ang loob niya para matagumpay at maayos na mailabas ang baby nila ni Damian. "Okay, Mommy! Konting iri na lang po. Sige, Mommy push pa, Heto na siya malapit na! Sabayan niyo po ako. In one, two, three. Push ng malakas Mommy!" Utos ng Kumadrona. Isang malakas na pag iri at sigaw ang pinakawalan ni Maria. Isang matinis na iyak na sanggol ang narinig nilang mag asawa. Kitang kita ang pagkamangha sa itsura ng kumadrona pagkakita sa batang babae. "Napakagandang bata. Batang babae po ang Anak ninyo, Misis," manghang sabi nito. Inilagay sa dibdib ni Maria ang sanggol at tumigil na ang pag iyak ng bata. Hinawakan ni Maria ang bata na nasa dibdib niya. Hindi na mapigilan ni Maria ang mapaluha. Ito ang kauna-unahang hinawakan niya ang anak. Pinapasok na rin si Damian sa loob ng delivery room. Kasalukuyang nililinis na ang bata. Pinupunasan ang dugo sa katawan. Agad na tiningnan ni Damian ang bata. Maging si Damian ay amangha din sa itsura ng sariling anak. Maputi at mamula mula ang balat nito. Na tunay naman na napakaganda sa paningin ni Damian. "Napakaganda ng anak natin Maria," namamangha paring sabi ni Damian kay Maria. Niyakap niya ang asawa at hinalikan sa noo. "Masaya akong ligtas kayong pareho ng anak natin," ani Damian kay Maria. Ngumiti naman si Maria. "Taliyah ang ipangalan natin sa kanya," nanghihina na sambit ni Maria. Sumang-ayon naman kaagad si Damian. Hindi nagtagal ay nakatulog na si Maria dahil sa sobrang pagod at panghihina. Nang magising si Maria ay nasa tabi na niya ang anak. Ngayon ay malaya na niya itong pinagmamasdan. Napakaganda nga ng anak niya. Nakakasilaw ang balat nitong sobrang puti na halos mamula-mula na. Itim na itim ang buhok, makapal ang kilay at pilikmata. Hind pai niya masabi ang mata dahil nakapikit pa pero sa tingin niya ay namana nito ang mata niya na maganda ang eyelid at medyo bilugan. Maliit ang matangos na ilong at mapula ang manipis nitong labi. Para itong diwata sa paningin niya. Pagdating ni Damian ay maayos na ang lahat. Binayaran na nito ang lahat ng bill sa paanakan. Wala ng problema at pwede na raw silang makauwi. Nagpalipas pa sila ng isang araw sa paanakan. Kinaumagahan ay umuwi na rin sila sa kanilang sariling bahay. Pagkarating nila ay isang kahon na nasa pintuan ang nakaagaw sa pansin nila. Nagkatinginan naman si Damian at Maria. "Teka, pamilyar ang kahon na iyan ah? Hindi ba iyan ang ibinaon ng albularyo sa lupa?" Naguguluhan na sabi ni Maria. Dinampot ni Damian ang kahon at binuksan. Nanlaki ang mga mata nila ng makita ang lumang papel na pinirmahan nila kamakailan lang. "Hindi ako nagkamali. Ito nga ang papel na iyon!" Bulalas ni Maria. Tinanggal nila ang tali at binuklat ang papel. Biglang sumulpot ang albularyo kung saan at nagsabing... "Itago nyo ang papel na iyan. Pag dumating ang oras at panahon ay tanging ang anak niyo lamang ang maaaring makabasa ng nilalaman niyan." Napatulala si Maria. Agad na tinupi ni Damian ang papel at itinago sa kahon. Magtatanong pa sana sila tungkol sa pinirmahan nila pero kagaya ng bata ay mabilis ding naglaho ang matandang albularyo. Ipinagsawalang bahala lang nila ang sinabi ng matanda at basta na lang nila inilagay sa isang sulok ang itim na kahon

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.1K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
124.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook