bc

The Playboy's Loving Arms (Book 2)

book_age16+
4.8K
FOLLOW
37.1K
READ
possessive
second chance
pregnant
badboy
CEO
single mother
drama
sweet
like
intro-logo
Blurb

Chuck, a playboy who deeply fell in love for the first time has to do everything in order to win back his girlfriend's love, trust and respect.

chap-preview
Free preview
Prologue
Dinig na dinig ko ang ingay ng sirena ng ambulansiya nang makarating kami sa ospital. Mabilis nilang binuksan ang pinto ng sasakyan at ibinaba ang stretcher kung saan nakahiga ang walang malay kong fiance. Lakad-takbo ako habang hawak ang kaliwang braso ni Chuck para makasabay sa mabibilis na kilos ng mga nurse. Panay pa rin ang iyak ko at hindi alintana kahit maraming dugo ang aking kanang kamay na nakahawak sa pisngi ni Chuck. Nang tumigil ang stretcher ay hindi na ako nag-aksaya ng oras, niyakap ko ang duguang katawan ni Chuck at humagulgol sa dibdib nito. "Please, Chuck, mabuhay ka para sa akin," wika ko. "I love you." "Pasensiya na po, ma'am," dinig kong saad no'ng lalaking hospital attendant. "Hanggang dito na lang po kayo. Bawal po kayong pumasok sa loob ng operating room." Hinawakan nito ang magkabila kong balikat saka inilayo sa walang malay na si Chuck. Napaluhod na lang ako sa sahig nang tuluyan ng maisara ang pinto ng operating room. Mayamaya ay naramdaman ko na lang ang pagdantay ng kamay sa aking balikat kasabay ng mahigpit na yakap mula sa aking likuran. Humahagulgol pa rin ako habang nakakuyom ang aking duguang kamao. Hinang-hina ako nang mga sandaling iyon. Parang bigla-bigla ay nawasak ang aking mundo at pakiramdam ko anumang oras ay maaari akong mamatay. Literal na sumisikip ang aking dibdib, makirot iyon at hindi ako makahinga. "EJ hija," dinig kong wika ni Mamita. Nakayakap pa rin siya sa akin, pumiyok ang boses nya kasabay ng mahina niyang paghikbi. Ramdam ko rin na nabasa ang kaliwa kong balikat at alam kong kay Mamita galing ang mga luhang iyon. "Magdasal tayo sa panginoon na sana maging maayos ang lahat. Na sana malagpasan ito ng aking apo." Hinaplos niya ang aking likod ngunit hindi iyon nakabawas sa sakit na aking nararamdaman. Nang medyo mahimasmasan, ay tumayo ako at nagpatianod kay Mamita nang paupuin niya ako sa stool na naroon sa labas ng operating room. Magkahawak-kamay kaming nagdasal nang taimtim para sa kaligtasan ni Chuck. Ilang minuto rin kaming nagdadasal nang maramdaman kong pinisil ni Mamita ang kanang kamay ko. Niyakap niya ako at hinalikan sa sentido. Nasa ganoon kaming ayos nang dumating ang mga kaibigan ko. "Ligaya," kaagad na bungad ni Patrick. "Anong nangyari?" "Ligs, kumusta na si Chuck?" Humahangos na tanong ni Vivienne. Nasa likuran nito si Jude na kaagad na napatingin sa operating room. "Alam n'yo na ba kung sino ang may kagagawan nito kay Chuck?" Napailing ako. "Naroon pa ang mga pulis sa pinangyarihan ng aksidente." Muli na naman akong napaiyak dahil sa kalunos-lunos na kalagayan ni Chuck. Hindi ko lubos maisip kung bakit nangyari ito sa kaniya. Kung kailan nagdesisyon ako na sagutin siya saka naman siya naaksidente. Kung kailan nangarap ako na magkaroon ng masayang buhay kasama si Chuck ay nangyari naman ang lahat ng ito. Tila maramot sa akin ang tadhana, parang ayaw ng mundo na makita akong masaya. Isinandal ko ang aking likod sa stool at tumingala habang namamalisbis ang mga luha sa aking pisngi. Nakatulala lang ako at gulong-gulo ang aking isipan. Naririnig ko ang pag-uusap ng mga tao sa aking paligid pero hindi ko maintindihan kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Hindi iyon maproseso ng aking utak sabayan pa ng panlalabo ng aking paningin at bahagyang pagkahilo. Para na akong hihimatayin. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at ikinurus ang aking mga braso sa pag-asang mawala ang pagkahilo ko. Hindi ko na pinansin pa ang mga taong nakapaligid sa akin, panay lang ang dasal ko para sa kaligtasan ni Chuck. Nang hindi pa humuhupa ang nararamdaman kong pagkahilo ay pinuwersa kong iminulat ang aking mga mata. Parang umiikot ang aking paningin kaya napakapit ako kay Mamita. Niyakap niya ako at hinaplos na naman ang aking likod. Hinayaan ko lang siya dahil masama talaga ang aking pakiramdam, para akong nasusuka. Parang babaliktad ang aking sikmura nang masipat ko ang dugong kumapit sa suot na damit ni Mamita. Naamoy ko ang lansa niyon kaya kumalas na ako ng yakap kahit nahihilo pa rin ako. Ibinaba ko na lang ang aking duguang mga kamay at muling ipinikit ang mga mata para hindi ko iyon makita. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nakaramdam na parang masusuka nang makakita ng dugo, samantalang kanina ay ayos lang ako kahit halos mahalikan ko ang duguang pisngi ni Chuck. Hindi ko alam kung ilang oras ako sa ganoong ayos, naramdaman ko na lang ang pagbukas ng pinto ng operating room at nang imulat ko ang aking mga mata ay kita ko ang seryosong mukha ng doktor na lumabas sa pintong iyon. "Sino po ang kamag-anak ng pasyente?" Pormal pa rin ang mukha ng doktor at may mantsa ng dugo ang suot na puting coat. Inilalayan ako ni Mamita na tumayo at sabay naming nilapitan ang doktor. Kaagad naman nitong nakilala si Mamita. "Mrs. Sayes, ikinalulungkot ko pong ipagbigay-alam sa inyo na nagtamo ang inyong apo ng major head injury, bali rin ang buto sa kanang binti niya at sa ngayon ay—" Hindi ko na hinintay na matapos magsalita ang doktor. "Buhay siya doc? Mabubuhay si Chuck. Mabubuhay siya." Pilit kong kinukumbinsi ang sarili na buhay si Chuck. Na mabubuhay siya para sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
414.8K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.2K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.2K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.6K
bc

Lucas Sebastian III - SPG

read
2.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook