bc

Haciendera Series # 1: Geselle Madronero (Book Two)

book_age18+
2.6K
FOLLOW
12.4K
READ
possessive
second chance
arranged marriage
badboy
mistress
heir/heiress
drama
small town
first love
model
like
intro-logo
Blurb

Gaano kahirap kalimutan ang una mong pag-ibig? Paano kung ang tadhana ay bibigyan ka ng ikalawang pagkakataon na magkabalikan kayo ng lalaking minamahal mo?

Lubos ang saya ni Geselle ng magkabalikan sila ni Emil pero hindi naging ganoon kadali. Sa kabila ng saya ay siyang pagkasira ng kanyang reputasyon sa kanilang lalawigan. Mga paratang sa kanya na wala namang katotohanan.

Muli na naman siyang susubukin ng tadhana pagkatapos malaman ang isa na naman sikreto ni Emil na siyang magiging dahilan para tuluyan niya ng bitiwan ito. Hanggang dito na lang kaya ang kanilang pagi-ibigan o gagawa muli ang tadhana ng paraan para sa huli ay sila pa rin ang magkatuluyan?

chap-preview
Free preview
SIMULA
SIMULA: UNANG beses akong umibig pero nauwi din sa pagkabigo. Hindi kami nagkatuluyan ng lalaking mahal na mahal ko. Ang lalaking akala ko na hanggang dulo ay kami pa din ay hindi nagkatotoo. Taon naman ang lumipas pero nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Naging duwag ako noon para tanggapin kung sino siya at hinayaan ko na ang pagkakataon na lumipas na lang. May parte sa puso ko na sinisisi ang sarili kung bakit sa ganoon humantong ang lahat. Kung nilawakan ko lang ang pag-unawa. Kung hindi lang ako basta-basta na nagdesisyon ay wala sana ako sa sitwasyon na kung saan tinitignan ko siya na masaya sa piling ng iba. My heart shattered. I was broken ng maghiwalay kaming dalawa at mas matindi pa pala ang pagkadurog ng puso ko sa oras na makita ko siyang may kasamang iba. But then, I chose this at naka-move-on na siya kaya hindi na ako umaasa pang magiging kaming dalawa. Ganunpaman, hindi ko mapigilan ang puso ko na maghurumentado sa tuwing magtatama ang aming mga mata. Ganoon pa rin. Hindi nagbabago at may epekto pa din siya sa sistema ko. Akala ko wala ng pag-asa. Buong akala ko hindi na maaring magkabalikan pa kaming dalawa. Hindi ko na inaasam na mayakap o mahalikan ko siyang muli. Ngunit tila ba mapaglaro ang tadhana. Hindi ko akalain na bigla na lang susulpot si Emil sa lawa para makita ako. Sobrang bilis ng pangyayari. Nawala ako sa aking sarili ng oras na mahalikan niya ako. Tila nabuhay ang matagal ko ng tinago sa aking sarili. Nakalimutan ko ang lahat at tanging nasa isip ko lang ay ako at si Emil. Walang iba kundi kaming dalawa. Hanggang sa may nangyari sa amin. Makalipas nang isang taon. May nangyari sa amin na maski sa hinagap ay hindi ko inaasahan. Tsaka lang na proseso ng utak ko ang lahat nang matapos na. "I'm fine, Emil. We both enjoyed this. Umuwi ka n-na..." mahina kong sabi. Nanginginig ang aking mga kamay habang nakayuko at hawak ang cover-up. "Mag-usap muna tayo, Geselle," anito sa baritonong tinig. Nag-angat ako ng tingin. Naabutan ko pang nagsi-zipper siya ng suot na pantalon. Umiwas ako ng tingin. Natigilan kaming dalawa ng makarinig ng may paparating. Lumingon ako sa kaliwa. Namilog ang aking mga mata ng makita si Lolo Aurelio sakay ng wheelchair nito. Kasama ang ilang tauhan sa Hacienda. Mabilis kong tinabunan sa kanilang paningin si Emil pero alam kong imposible. Kita pa din siya dahil sa tangkad at malaking tao nito. "Geselle!" tila kulog na tawag ni Lolo Aurelio sa akin. Huminto ang tatlong tauhan nito kasama si Lolo sa harap namin. Kitang-kita ko ang papalit-palit na mga tingin ni Lolo sa akin at kay Emil na nagmamadaling sinusuot ang shirt nito. Nakagat ko ang ibabang labi. Kumabog ang dibdib ko sa kaba. "Anong pumasok sa isip mo at nagpagalaw ka sa lalaking 'yan!" Dahan-dahan itong tumayo gamit ang tungkod nito. Inalalayan siya ng mga tauhan namin. Hinawakan ni Emil ang aking kamay at nilagay ako sa tabi niya. "Senyor, let me expla—" "¡Deja de hablar!" (Stop talking!) "Lo, umuwi na tayo. Wala naman pong nangyari sa amin ni..." Tumingin ako kay Emil na ngayon ay nakatitig na din sa akin. "...Emil." Nagsalubong ang kilay ni Lolo. "Papunta ka pa lang, pabalik na ako. Gawin mo ng tanga ang lahat, huwag lang ako, Geselle!" galit na sabi ni Lolo. Nagulat ako ng kinuha ni Lolo ang baril na nakasuksok sa tagiliran ng tauhan nito at tinutok kay Emil! Napatili ako at mabilis na hinarang ang sarili para protektahan si Emil. "Lo! Ibaba mo 'yan!" "Tumabi ka diyan! Hindi ko mapapalampas ang nangyaring ito, Geselle! Malinaw pa sa sikat ng araw ang ginawa niyong dalawa! Paano kung magbunga iyan? Bibigyan mo ba ako ng kahihiyan?!" Natigilan ako sa sinabi ni Lolo. Tsaka ko na-realize ang sinabi niya. Namula ang aking mga mata at umiling pa din. Hinarang ang sarili kahit na may nakatutok sa akin na baril. "Geselle, let me handle this," masuyong sabi ni Emil pero mariin akong umiling. Kaso dahil sa nanghihina at nanginginig ang tuhod ko sa takot ko sa aking Lolo ay walang kahirap-hirap akong nailagay ni Emil sa likod niya. Ito na ngayon ang nasa harap ng baril ni Lolo. "Isa lang ang gusto kong mangyari, Emil. Pakasalan mo ang apo ko. Panindigan mo ang ginawa mo sa kanya. I can make your life worst. I can ruin your career. You know I am capable of doing that." "Lolo!" gulat ako sa sinabi niya. Dinungaw ko si Lolo Aurelio habang punong-puno ako ng kaba at takot. Alam ko naman na nadala lang si Emil. Hindi niya ako kailangang pakasalan. May nobya na siya. Ayokong ipilit ito kay Emil kung hindi naman niya gusto. Hinawakan ni Emil ang braso ko para pigilan sa pagharap ko kay Lolo. Pinanatili niya ako sa kanyang likod. "Yes, Senyor." Nanlaki ang mga mata ko at tiningala si Emil. Hindi makapaniwala. "Linawin mo ang sinasabi mo, Emil," request pa ni Lolo pero bakas na ang ngisi sa mukha nito. Ang baril ay nanatili pa ring nakatutok kay Emil. Kilala ko si Lolo kapag nagagalit. Hindi imposibleng paputukan niya ng baril si Emil sa oras na magkamali ito ng sasabihin. "Pakakasalan ko po ang apo niyo. Pakakasalan ko si Geselle," Napasinghap ako ng linawin ni Emil ang sagot nito. Ibinaba ni Lolo ang baril at lumawak ang ngisi. "Madali ka pa lang kausap. Wala ng atrasan ito, Emil. Sa oras na gawin mo 'yan. Ako mismo ang sisira sa buhay mo," banta ni Lolo. Ang tindig at salita ni Lolo ay ganoon pa din tulad ng dati. Naghuhumiyaw ang pagiging makapangyarihan niya sa lahat. Hindi pa ako nakakabawi ay dumaosdos ang palad ni Emil para hawakan ang kamay ko at pinagsalikop iyon. Nanlalabo ang aking mga mata. Panay ang hampas ng kaba sa aking dibdib. Pigil ang aking hininga at tila hindi ma-proseso ang mga nangyayari. Tiningala ko siya. Malamlam ang mga mata ni Emil habang nakatingin sa akin. "I will marry your granddaughter because I love her," deklara niya sa harap ni Lolo kahit na ang mga mata ni Emil ay nakatingin sa akin. Laglag ang aking panga ngunit kasabay niyon ay ang pagbuhos ng mga luha sa aking mga mata.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

His Obsession

read
70.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook