bc

The Billionaire and The Witch

book_age16+
2.3K
FOLLOW
7.0K
READ
billionaire
contract marriage
goodgirl
CEO
comedy
sweet
humorous
office/work place
first love
virgin
like
intro-logo
Blurb

Vince Laurel Fierro, the ruthless and unfeeling businessman walking on earth as the media called him. While Ameri Dea Montejo lives her life in the middle of the forest, throwing away her birthright and known as a witch in a small town.

Bounded by a deal they both agreed upon years ago, will they be prepared to live in the same world while hating each others' guts? Will they fulfill their 'deal' while standing firm with their decisions in life? And will they be ready to face the matters of their hearts?

chap-preview
Free preview
She is...
Ameri’s POV “And they live happily ever after.” Pagtatapos ko sa binabasa kong fairy tale at nakangiti kong hinarap ang mga nagpapalakpakang mga bata.“O, may tanong ba kayo mga bata?” “Teaaa-cher Aaaameri princess din po ba kayo?” tanong ng pinakamaliit na bata sa grupo na si Mary. I can't help but laugh at her innocent question. “No, Mary, bakit mo naman naitanong?” Tinungo ko ang bata habang nangingiti pa. “Eh kasi po ang ganda-ganda po ninyo at ang puti at mabaet po.” The little child smiles at me na parang nahihiya pa. Ito pa ang gusto ko sa mga bata. Sinasabi kung anong gustong sabihin. I could have indulged them and admit that I was a princess once upon a time but stopped myself. Kumplikado para sa mga bata ang buhay ko na malayo naman sa fairy tale. Nakakatuwa dahil isang honest na bata ang nagsabi sa ’kin na maganda ako kahit simpleng T-shirt, faded jeans at doll shoes lang ang suot ko. “Ganoon ba ang princess?” nakangiting tanong ko sa kanila. “Oooppoo…” chorus nilang lahat. Nakita kong nagtaas ng kamay si Jester, ang pinakamatanda sa grupo. “Eh Teacher Ameri sabi sa amin ni Teacher Susan mangkukulam daw kayo tapos ginagayuma daw ninyo po lahat ng mga lalake sa pinupuntahan ninyo. At nagpapalit daw po kayo ng anyo tuwing gabi. Nagiging panget daw po kayo.” “Pero hindi po kami naniniwala!” si Mary. Nagsimula na silang mag-ingay at magpalitan ng mga opinyon. “Quiet kids.” Saway ko sa kanila. Sanay na ako sa pagtataray ng mga kapwa ko co-volunteer dito sa Laughing Hearts Foundation. Lage silang nagtsi-tsismis-an tungkol sa akin na hindi ko naman pinapatulan. Pero hindi ko matanggap na talagang dinadamay pa nila ang mga batang walang kamuwang-muwang sa propaganda nila laban sa ’kin! Imbes na ginagawa nila ang makakabuti sa mga bata bilang mga volunteers. ”Oy, tahimik daw kayo!” sigaw ni Mary, na kahit maliit ay nangibabaw pa din ang matinis na boses. Mayamaya, tumahimik na din sila at umupo sa nakalatag na banig. “Huwag na ninyong intindihin ‘yon, okay kids? Basta tandaan na lang natin ang  mga natutuhan nating values sa mga binabasa nating kwento, okay ba?” “Ooopo!” “Sige pumunta na kayo sa dining hall para mag-lunch. Fall in line ha.” “Goodbye and teeenk you Teacher Aaaaameriii!” “Goodbye din, kids! Ingat kayo sa paglalakad.” Kinawayan ko pa sila. Tumayo na ako sa pagkaka-upo sa bangkito na nasa ilalim ng puno. Nakakagaan talaga sa pakiramdam ang mga bata. I love being with children. Iyan ang dahilan ko kung bakit ako nag-volunteer dito sa maliit na bahay-ampunan na ito para magturo sa mga abused children and orphans tatlong beses isang linggo. Niligpit ko ang mga gamit ko at naglakad papunta sa opisina ng head ng Foundation na si Mrs. Alcantara para magpaalam bago ako pumasok sa susunod kong part time job. Mabait ang ginang at hindi katulad ng ibang mga nagta-trabaho dito. “Oo, nakita pa nga daw ng kumare ko na bumibili ng tanglad, buto ng sampalok, paa ng manok at sari-saring weird na bagay doon sa bayan. Siguro iluluto niya ang mga iyon sa malaking kawa tapos oorasyunan, malay mo nakaka-agnas pala ang recipe niya na iyon!” Narinig ko ang may panghihilakbot na pagku-kwento ng isa sa mga nasa umpukan sa hallway bago ako lumiko. For sure, ako ang topic nila. I want to roll my eyes. Anong nakakatakot sa pagbili ng lemon grass at paa ng manok? “At nakita mo na ba ang bahay niya? Naku, nasa loob ng gubat malapit sa dalampasigan. Yari sa bato pero ginagapangan na ng mga baging ang labas!” kwento pa ng isa. True. Madamo nga at masukal ang bakuran ko. Tag-ulan ngayon kaya kahit tabasin ko palage ang mga d**o ay mabilis pa ding tumutubo kaya hinahayaan ko na lang muna. Pero kabaligtaran niyon ang loob. Wala pa naman akong naiimbitahang pumasok doon kaya hindi nila alam na sobrang linis ng bahay ko. “Eh ano pa kaya ang loob niyon! ‘Di ba may malaki din siyang  aso na orange at mabalahibo?” That's Fiery, my dog. Iba ang breed niya kaya kakaiba ang kulay, parang apoy at kapag tumayo, halos kapantay ko na. Gusto kong mapailing. Hindi ko alam na sa dalawang taon na pagtira ko sa maliit na bayan na ito ay may nababagabag akong mga tao dahil sa mga nakikita nila sa akin na sa palagay ko naman ay normal lang. “Hello, girls!” bati ko nang bigla akong tumabi sa kanila.. May nagulat, may nagtaas ng kilay at may ibang parang natatakot. “Hello, Susan kamusta na? Ooops teka lang ha,” may kinuha ako na nakakapit sa balikat niya. Wala namang mga bata sa paligid kaya pwede akong mang-trip. Pinigilan kong mapangiti. “,may falling hair ka kasi.” Tumaas lang ang kilay niya pero mayamaya ay nanlaki ang mga mata niya.“Ibalik mo sa’kin yan!” “Ang ano?” inosente kong tanong. “’Akin na ang buhok ko, alam kong kukulamin mo ‘ko!” Congrats, nakuha niya ang gusto kong palabasin. Bigla niya sa ‘king hinablot ang ilang pirasong buhok niya. Nagkibit lang ako ng balikat. “Kailan ba kayo maniniwalang hindi ako mangkukulam?” tanong ko sa kanila at isa-isa silang tinitigan habang nasa beywang ang mga kamay. Walang sumagot, alam ko namang hindi talaga sila naniniwala na isa akong bruha, iba lang talaga ang nagagawa ng insecurity. Hindi ako nagyayabang na talagang maganda ako. Pero sila ang may mas malaking problema sa pagbibigay ng kahulugan sa kinikilos ko at mga nakikita sa akin. Kasalanan ko din siguro dahil madalas, sa halip na itama ay sinasakyan ko pa. Nakaka-aliw din naman kasi minsan. Alam kong hindi sila makikipag-usap ng matino sa ’kin kaya hindi ko na hinintay na may sumagot sa kanila at nilagpasan ko na lang sila at pumunta sa opisina ni Mrs. Alcantara. Mabilis akong nagpaalam sa mabait na ginang. Paglabas ko sa opisina ay nakita ko pa din silang nag-uumpukan at nagkukwentuhan sa mas mahinang tono. Is my beauty a blessing or a curse? Hindi ko lang dito nararanasan ang pagiging paksa ng mga usapan, pati rin sa maliit na baryo kung saan ako nakatira, at mula din sa mga kasamahan ko sa iba’t iba kong sideline. Konti lang ang hindi makikitid ang utak at hindi nag-iisip ng masama sa’kin, mostly children. I really don’t mind most of the times. Minsan nga pinapanindigan ko na lang kung ano ang sinasabi nila sa akin. Katulad na lang ng pagsusuot ko ng mga kakaiba at weird kong outfit kapag namamalengke ako sa bayan. May mga umiiwas kapag dumadaan ako, may lantarang nang-aasar at mas maram iang walang sinasabi pero hindi naman magkaintindihan ang pagtaas ng mga kilay at ekspresyon ng mukha. It was my hobby actually, making and sewing outfits and dresses. Ang hobby na hindi ko magawang kalimutan nang umalis ako sa totoong mundo ko.  Teenager pa lamang ako noon ay hilig ko ng mag-design at manahi ng mga costumes na ginagamit sa mga children's play na ako mismo ang nagdi-direk. And wearing my creations on normal days brought happy memories of my theater plays. Pero hindi iyon alam ng mga nakakakita sa akin. Kaya nakakainis man pero hindi ko sila masisi kung pag-isipan nila akong nababaliw o miyembro ng kulto o grupo ng mangkukulam kapag nakikita nila akong naglalakad sa bayan na ganoon ang get-up. Sumampa ako sa motorsiklo ko at nirebolusyon iyon. “Miss Ameri, we’ll drive you home.” Nilingon ko si Mortega, one of my two secret bodyguards. “No, may pupuntahan pa ‘ko.” Sagot ko at sumibad na palayo. Mula sa sideview mirror ng motor ay nakita ko pa siyang pumasok sa isang itim na pick-up truck para sumunod sa akin. I almost rolled my eyes again kung hindi lang ako nasa kalsada at nagda-drive. I hate bodyguards. Binilisan ko ang pagpapatakbo. Golden rice plains are on my both sides. Pagkatapos noon ay kakahuyan na. Wala masyadong trace ng pag-unlad ang bayang ito. But this is where I found my peace of mind. Kaya dito ko pinagpasyahang tumira. Tama ang batang si Mary, I am a princess. No, I was. That is my biggest secret that no one knew in this city. At wala rin akong balak ipaalam. I am only a princess by born, not in the actual meaning of the word. Pero para isilang na may gintong kutsara sa bibig at maging nag-iisang tagapag-mana ng isa sa mga mayayamang pamilya sa bansa ay katumbas din ng pagiging isang prinsesa. Naisip ko tuloy na ang totoong pagkatao ko ba ang dahilan kaya hindi ako makapalagayang loob ng mga kasamahan ko? Na kahit nakasanayan ko na ang mamuhay ng simple ay lihim nilang nararamdaman at nalalaman subconsciously na galing ako sa ibang uri ng pamumuhay na malayo sa kanila? I hope not. Sana ay ang dahilan ng paglayo  nila ay dahil na rin sa ako na rin ang umiiwas sa kanila na pinagmulan ng ideya nila na isa akong mangkukulam. Kung anuman ang isipin nila sa akin ay okay lang.That works for me just fine as long as I can do what I want in my life now. Wala na akong balak na bumalik sa dating mundo ko bilang ‘prinsesa'. Gusto kong mabuhay ng simple at maranasan ang mga bagay na nililimitahan ng pagiging isang prinsesa. Isang bagay na hindi nagawa ng mga babae sa mga naunang henerasyon ng pamilya. Even my mother… Naalala ko tuloy si Lolo Enrico, ang natitira kong kamag-anak. Hindi biro ang pakikipag-usap ko sa kanya bago ko makamit ang ‘kalayaan' kong ito. Hanggang ngayon ay alam kong pinipilit lang niya na intindihin ang pasya ko.  And though grateful, hindi naman nawawala sa kin ang bagabag kahit dalawang taon na din ang lumilipas na malaya ako. Because my grandfather appointed a man who will be my protector. And that man seems really taking his role seriously. Katunayan na ang pagkakaroon ko ng dalawang bodyguards. That was the first thing he did after I refused to be under his damn protection. Muli kong tiningnan sa sideview mirror ang sumusunod na sasakyan. They are Epin Mortega and Tomas Criso. Nakabihis sila na parang sa mga ordinaryong mamamayan, hindi sila naka-black suits na pinagpapasalamat ko. Minsan ay nag-aapply din sila sa mga pinagtatrabahuhan ko. Parehong nasa mid-forties, malalaki ang katawan at halata sa mukha na handang pumatay at magbuwis ng buhay para sa sinumpaang trabaho. I don’t mind their presence most of the times. Maliban na lang kapag ganitong naaalala ko ang limitasyon ng kalayaan ko. Sa ibang bahay sila tumutuloy at hindi sila mga pakialamero. Minsan hindi ko sila nakikita pero alam kong nasa paligid lang sila. Hindi sila nag-rereport sa boss nilang si Vince Laurel Fierro tungkol sa mga ginagawa at kung nasaan ako, katulad ng napagkasunduan namin ni Vince. They are being paid just to assure my safety. And who’s Vincent Laurel Fierro? Well, he is a well-known billionaire. Owner of chain of hotels and cruise liners and different companies. A rude businessman. A strict and arrogant man. Every woman’s dream guy. The man I made the mistake to have a deal with… And my fiancé…  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
70.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook