bc

Tough Hunks Series 1: Xevier The Savior

book_age16+
5.3K
FOLLOW
21.7K
READ
spy/agent
alpha
doctor
bxg
mystery
brilliant
genius
detective
first love
like
intro-logo
Blurb

Gagawin ni Dra. Janine Palma ang lahat mailigtas lamang ang nakidnap niyang anak kahit nangangahulogan pang lapitan niya ang pinakahuling lalaki sa mundo na gusto niyang makita.

Gagawin naman ni NBI agent Xevier Ruiz ang lahat mailigtas lamang ang anak ng babaeng minsan ng naging parte sa buhay niya.

Pero pano kung ang batang iyon ay ang sekretong inilihim pala ng doktora sa kanyang dating nobyo?

Maililigtas din kaya ng tinaguriang "tagapagligtas" ng bureau ang paslit bago mahuli ang lahat?

*****

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nakatuon lamang ang atensyon ni Xevier sa babaeng nakatulak ngayon ng stroller. Kaya lang hindi niya masyadong naaaninag ang itsura nito. Basta ang alam niya na ito yong babaeng asset na magpanggap na ina ng nakidnap na sanggol at ang magbigay ng ransom sa kidnappers. Pero bigla nalang lumiko ang babae sa maliit na eskinita dahilan sa pagkawala nito sa paningin niya. Nabuhay naman ang lahat ng dugo sa katawan ni Xevier nang bigla siyang mataranta sa pagkawala ng babae. Nagsimula na ring mamuo ang butil ng pawis sa noo niya. "Everyone count off." pero parang walang nakarinig sa kanya nang magsalita siya sa pamamagitan ng earpiece. Naka poste sila sa lugar na iyon dahil may tutubusin na naman silang bagong panganak na sanggol. "Greenlantern two in position." Vin Alcaraz began the count, and only four out of the five followed. "Nakita nyo pa ba ang Alpha? Nawala kasi siya sa paningin ko." "Nakatayo siya sa pet shop two minutes ago." sagot ni Vin. Even without the help of his sniperscope, Vin had the best vantage point of the entire area from atop of the north parking garage. "Pero hindi ko na siya makita ngayon." "Greenlantern scramble. Switch to Bravo Tango Alpha." sabi ni Xevier. The team changed frequencies to exclude the asset in case her radio was compromised. "Grudge, search her last position. Ako nalang ang magmamanman dito sa target." Dahil sa bilis ng paglubog ng araw. Ang dilim ang mas higit na kalaban nila ngayon kaysa mga kidnappers. Once the fireworks began, mas lalo na silang mahihirapang hagilapin ang asset. Kaya kailangan talaga nilang maging alerto sa lahat ng oras, para ng sa ganon hindi mawala ang focus nila sa subject. Naisip niyang napaka wais talaga ng mga kidnappers, biruin mo nakipag negotiate ang mga ito sa isang parke na puno ng taong namamasyal. The kidnappers had chosen an ideal time and place to run their game. "Where the heck is she going?" "Hindi ko na siya ngayon makita." sagot ni Vin. "Nakaharang kasi sa paningin ko ang monorail." "Baka malabo na talaga yang mga mata mo, Alcaraz." sabat naman ni Hector. "Tumahimik ka diyan, Dela Vega. Baka gusto mong ikaw ang targeten ko." "Hey, cut the chatter." mando naman ni Xevier sa mga kasamahan niya. "Talasan ninyo ang mga mata ninyo. Our area is overextended, and you guys know that the highway patrol already monitoring the crowd. Teka, nasaan na ngayon ang Alpha?" Rumesponde kasi sila ngayon sa isang negosasyon ng kidnap for ransom kung saan nakidnap ang isang bagong panganak na sanggol ng isang negosyante sa isang hospital nursery. Tinakpan ang bibig at tinali ng mga walang hiyang kidnappers ang mga nurse doon at saka iniwanan ng sulat ang isang nurse para sa magulang ng bata. At binilin pa sa kanya ng mga kidnappers na palihim daw nitong ibigay ang sulat sa magulang ng sanggol. Humihingi raw ang mga ito ng five million. At kailangang nakalagay ito sa isang stroller na may nakatakip na asul na lampin. Magkikita sila sa Green Forest Park sa alas otso ng gabi. Their only lead was to follow the asset. Nakita na sana niya ang asset, pero hinarangan naman ito ng tatlong matanda at dalawang bata. The asset stood five feet from the lake. Xevier stood fifteen feet behind her, within his reach, pero hindi lang niya ito masyadong naaninag dahil sa sobrang dilim. Time was up. At nakita nalang nila ang kanilang asset na linapitan ng tatlong maangas na lalaki habang tulak-tulak pa rin nito ang stroller. "Nandito na yong perang hinihingi ninyo." sa wakas narinig din niya ang pamilyar na boses ng babae sa pamamagitan ng communicator. "Pasensya na kung medyo natagalan ako, siniguro ko kasing walang nakasunod sa akin." "Too bad, hindi ako makakuha ng clear shot sa target." sabat ni Vin. "Marami kasing nakaharang na sibilyan." Sinuri namang mabuti ni Xevier ang asset, hindi kasi niya nakikita ang mukha nito dahil natatabunan ito sa suot nitong floppy hat, may dala itong sling bag, naka flip-flops, at nakasuot ito ng plain white shirt na pinaresan nito ng maong na shorts. Hanggang sa nagsimula na ang fireworks display sa lugar na iyon. Tuwing biyernes ng gabi kasi magkakaroon doon ng fireworks display. But Xevier didn't let the noise distract him. Nakatuon lamang ang atensyon niya sa magandang hubog ng babae, este sa pigura pala ng babae. At nalipat naman ngayon ang kanyang atensyon sa kulay pula na pedicure nito habang napapansin niyang humahakbang ang mga paa nito papunta sa lawa. "Patungo siya sa may lawa!" he shouted to his team. Wala ngayong sibilyan sa may lawa dahil nagkumpol-kumpol ang lahat ng tao sa gitna ng parke dahil sa pinanood nilang fireworks display. Agad naman silang naalarma nang pilit na agawin ng dalawang maangas na lalaki ang stroller na hawak ng babae. Hinawakan ng isa ang babae kaya hindi na ito nakapalag pa. Hindi naman siya nakapagpigil sa nasaksihan niya, kaya agad niyang nilapitan mula sa likuran ang lalaking nakahawak sa babae, at mabilis na sinakal ito sa leeg. Bumunot ang mga kasamahan nito sa kanilang tig-iisang baril nang lumabas naman sa kanilang pinagkublihan ang iba pa niyang mga kasamahan at ang mga pulis, hanggang sa mapalibotan na ang naturang lugar ng mga awtoridad. At dahil sa mabilisang pagresponde kaya hindi na nakapanlaban pa ang mga kidnappers. Pero bigla na lang may tumupok sa braso niya dahilan sa kanyang panghina. Nararamdaman niya ang munting pagkirot non habang naririnig na naman niya ang pamilyar na boses na nagsasabing, "I'm sorry." Tapos hinugot pa nito mula sa beywang niya ang kanyang sinturon at ipinalibot ito sa mga tuhod niya. Bumagsak siya sa lupa pero hindi man lang niya nararamdam ang sakit ng pagbagsak. Nabaril kaya siya? Bigla namang nanlabo ang kanyang paningin. At pakiramdam niya parang bumibilis ang pag-inog ng kanyang mundo. Hanggang sa tuloyan na ngang nandilim ang kanyang paligid. "Vin." He struggled with words, unable to force his mouth or hands to move. "Wag kayong mag-alala, na collapsed lang siya." she told the men around her. Then she forced something into his hand. "I'm really sorry, Xev. Here's the antidote. Temporaryo lang ang pagkaparalisa mo." Damn! It was Janine. Anong ginagawa niya rito? At ano tong ginagawa niya sa akin? "Papuntahin ko nalang ang paramedics dito." anito, but he knew she wouldn't. Dra. Janine Palma, isa sa napakatalinong chemist, at ang kanyang ex-girlfriend. Ang babaeng asset pala nila ngayong gabi. Dahil sa hindi niya maigalaw ang kanyang ulo, narinig nalang niya ang papalayo nitong mga yabag. But no one paid attention sa pag alis nito. Dahil abala ang mga kasamahan niya sa pagyugyog sa kanya, attempting to get any response. Hindi rin niya maigalaw ang mga paa niya. Kitams, nakuha pa siyang takasan ni Janine. Pilit niyang iminulat ang mga mata pero hindi pa rin niya ito maibuka. Malakas na ang pagkayugyog sa kanya ng mga kasamahan at mukhang nag-aalala na nga sa kanya ang mga ito. Dahil naririnig niya ang panic sa mga boses nito. "Xevier, please bro wag ka munang mamatay, kailangan ka pa namin sa operasyon." ulol! buhay pa naman ako. Pag makarecover talaga ako dito, kukutosan talaga niya ang Vin na to. "Dela Vega, tumawag ka ng ambulansya. Bonifacio, sundan mo ang babaeng iyon." "Tabi! tabi! tumabi kayo." sabi ng kararating lang. "Buddy, anong nangyari sayo? Nawala mo ba ang anting-anting mo?" kunwari mangiyak-ngiyak nitong sambit. Isa pang ulol itong si Ashton. Pag makarecover lang talaga ako..."Ruiz? Naririnig mo ba ako?" at pinakinggan ni Ash ang pintig ng kanyang puso. "Vin, nasaan na ang paramedics? Humihinga pa naman ito eh." Alangan buhay pa kaya ako, sa isip ni Xevier. "Saan ba ang tama nito?" tanong ni Ashton sa mga kasamahan. "Wala kasi akong nakitang sugat sa kanya." Pinisil naman ni Ashton ang daliri ni Xevier kung saan iniluklok ni Janine ang nakasulat na antidote. "Wait a minute. God, may nakasulat ditong instruction oh, kung pano e administer ang antidote..Ano Vin, wala na tayong oras. Susundin ko na ba ang nakasulat dito sa instruction?" Naku Ash! baka magkamali ka ha? at baka tuloyan na nga akong matigok nito. Kung pwede lang sana niyang imulat ang mga mata, para at least makapag eye language siya sa mga ito, pero para kasing patay na rin siya. Hindi! hindi pa pala siya pwedeng mamatay hangga't hindi niya nalalaman kung anong kinalaman ni Janine sa k********g. *****

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
442.8K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
197.3K
bc

SILENCE

read
380.4K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.0K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.7K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.3K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook