bc

(Bad Guy Series#1) Please Love me back Completed

book_age18+
2.0K
FOLLOW
5.5K
READ
family
friends to lovers
comedy
twisted
bxg
childhood crush
first love
friendship
turning gay
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

"Every man are capable of hurting us." - jhass

"It is much better to avoid affection of love to not getting hurt." - jhass

"If I need to pretend just to be with you, I will fuckingly glad to pretend." -Drake

Pretending is the only way for him to enter the life of his woman. Handang gawin ni Drake ang lahat para sa babaeng mahal niya. Kahit pa ang magpanggap bilang Isang bakla.

He know how Jasmin dislike a man. Kaya kahit na gustong gusto na niyang angkin at ipagdamot dalaga, hindi niya magawa.

Hanggang saan kaya ang kaya ni Drake para maitago ang totoong siya? Pano pag nalaman ni Jhass ang totoo? at kung sino talaga ang Isang Drake Cordova.

magagawa niya kayang tanggapin si Drake sa buhay niya kung sino talaga Ito? o mas pipiliin niyang lumayo at kalimutan Ito.

Creadit to Yoshidaa_18 for the Wonderful cover

Jasmin Valencia & Drake Cordova

chap-preview
Free preview
chapter 1- friends
Mag-isa akong nakaupo dito sa favorite spot ko sa cafeteria ng University. Nilalaro-laro ko ang tinidor na hawak ko. Napaigtad ako ng may biglang tumabi sa akin. It was Evie. She is one of my friend here sa University. Masyado itong madaldal kabaliktaran ko. Hindi talaga ako pala kaibigan.... May mga bagay Kasi sa akin na pumipigil na magtiwala sa ibang tao..... But I have one person that I trusted the most.... His my best friend, Drake Cordova. Sa kanya lang ako nagiging madaldal.... Ewan ko ba! I hate man but when it comes to him, nagiging palagay ang loob ko... I have feelings na hindi niya ako magagawang saktan. Maybe because his not totally a man. His a gay. "Hyst! Grabe talaga girl, super hot niya, tapos yung mukha...... Iiiiiiiiihhh! Makalaglag panty!" Halos magtititili si Evie habang nagko-kwento kaso parang yung utak ko di ma-absorb ang mga pinagtatatalak nito. "Hoy! Jhass!..... Nakikinig ka ba? Tulaley ka nanaman dyan!" Untag ni Evie ng mapansin ako nitong nilalaro lang ang tinidor nahawak-hawak ko. "nakikinig ka ba?" Medyo iritado nitong tanong. "Ahh?.... Ahhh?.... Syempre nakikinig ako no!" Pagpapalusot ko kahit di ko alam kung anong sinasabi niya. 'Ano ba kasing iniisip ko?' "Alam mo?.... Para kang tanga.... Kanina mo pa nilalaro yang spaghetti tignan mo putol-putol na. Ano ba kasing iniisip mo?" Medyo kalmado na nitong tanong. 'ano nga bang iniisip ko?' I ask my self with the hope that I can find the answer by questioning my self. "Ahh! Ehh!" Humahagilap ako ng pwedeng ipalusot. "Anong, ahh! Ehh!... Ka dyan? Ano mag rerecite ka ba ng alphabet?" Mataray nitong tanong. "Wala to! May iniisip lang ako." Sagot ko habang nasa Plato na ang aking paningin. "It was him, right?" Evie ask using her irritated voice. "Hay! nako!.... Kumain ka na ngalang! Mamaya nan dito na yun." Pag-iiba ni Evie sa usapan. I know who's her talking about. Kaso ilang linggo ko na siyang hindi nakikita.... I've miss him... I miss my best friend. "By the way! Malapit na yung birthday ni Amelia, pumunta ka ha!... Hay naku pag di ka pumunta magagalit yun... Alam mo naman yun pabebe! Pabebe katulad mo." Ani ni Evie habang kinakalikot ang bag at naglabas ng salamin at lipstick. "Sinong pabebe?" Tanong ko na may pagkairita. Palagi nalang niya kasi akong sinasabihan na pabebebe ako kahit di ko alam kung pano niya yun na sabi. "Sino pa ba? Malamang ikaw! Pabebe ka kasi, sabi mo best friend lang kayo ni Drake tapos kung maka react ka dyan dinaig mo pa yung asawang di inuwian ng ilang taon." Pag papaliwanag nito habang binabalik ang lipstick sa bag at nilalabas naman ang powder mula sa bag. "You know? Kung ano-ano yang iniisip mo.... Sobrang lawak ng imagination mo, no? Nag papatawa ka nanaman ehh!" Sagot ko habang nakatingin diterso kay Evie na abala pa din sa pag lagay ng face powder sa mukha. Alam naman ni Evie kung bakit hindi pwede. She knows that Drake is a gay. Pero Hindi ko malaman sa babaeng Ito at palagi nya pa din akong tinutukso kay best friend. "Ayy! Tanga nga!" Mahina at halos pabulong na bulong nito na narinig ko din naman. "Ano nga yung sinasabi mo kanina? Sino Yung hot at makalaglag panty?" Pag-iiba ko sa usapan. Ayoko na kasing pag-usapan si Drake ngayon.... Naiinis lang ako dahil ilang linggo na siyang hindi nagpapakita. "Dyan tayo magaling ehh! Sa pag-isaw sa usapan. Alam mo? Ikaw na ata ang pinaka magaling ma driver na nakilala ko!" She said in sarcastic tone. Ano bang pinagsasabi ng babaeng to? Ehh.... Ni Hindi nga ako marunong mag drive tapos magaling na driver?.... Ako magaling na driver? "Tsk!" Iiling-iling pa Ito na tila hindi makapaniwala habang nakatingin sa akin. "Anong magaling na driver pinagsasabi mo? Ehh ni di nga ako marunong mag drive." I ask her because of curiosity. "Tsk! Tsk! Tsk!" Umling ulit Iti habang tila hindi makapaniwalang tumingin sa akin. Binaba nito ang hawak na powder at hinawakan ang kamay ko. "Kasi jhass.... Ang galing mong mag maniobra ng usapan.... Kapag ayaw mo Ng pinag-uusapan Ang bilis mong mag shift ng destination. Kung ako kasi sayo, mag pa salamin kana ng malinawan yang mata mo at makita ang totoo.siguro pati utak mo pasalaminan mo na din baka nanlalabo na." Sabi nito sabay irap at bitaw sa kamay ko. Dinampot nito ang powder na nasa lamesa at ibinalik sa bag. Natapos ang buong klase na ang gulo ng isip ko dahil sa mga pinag sasabi ni Evie kanina sa Cafeteria. Di ko talaga siya gets. Nan dito ako sa hallway ng CAS building. Uwian na kasi. Habang naglalakad ako iniisip ko kung nan doon ba siya sa gate at inaantay ako... O di kya katulad din nitong mga nakaraang araw wala siya. Nakarating na ako sa gate ng University pero wala akong nakitang Drake. Ewan ko, this past few weeks na di ko siya nakikita... Naiinis ako. Siguro busy lang siya sa family business nila, unlike me... Student palang, siya kasi may business na kilangan asikasuhin. Pumara na ako ng tricycle ng may dumaan sa tapat ko. Nag pahatid na ako sa apartment na tinutuluyan ko... Maaga pa naman para sa oras ng part time job ko kaya mag papahinga muna ako. Nakarating na ako sa apartment na tinutuluyan ko, mabuti nalang at malapit lang Ito sa University na pinapasukan ko... Pag may energy akong maglakad pwede ko lang lakarin. Kaso ngayon para akong lantang gulay at nanlalatang kumilos. Dumukot ako ng 40 pesos at inabot sa driver. Nang makapasok ako sa loob ng apartment ko hinubad ko na Ang sapatos ko at agad ng nagtungo sa kwarto. Pabagsak kong itinapon ang aking katawan sa medyo may katigasan na kutson. Agad kong kinuha ang cellphone sa loob ng bag ko... Umaasa ako na tatawagan niya ako o di kaya kahit text lang na kinakamusta niya ako. Ngunit makailang beses ko ng kinalikot ang cellphone ko wala siyang text..... Napabuntong hininga ako at binaba ang cellphone ko. Napatakip ako sa mata gamit ang aking kanang braso. The memory of the past flashback into my mind.... The day how he became my best friend. .............. Nag-aalala ako kay mama... Ilang araw na siyang nakakulong sa kwarto at hindi kumakain. Wala akong magawa kundi ang umiyak.... Ayokong makita ni mama na umiiyak ako... Ayokong mas lalo syang lumungkot kaya kapag umiiyak ako pumupunta ako dito sa may bukid hindi naman Ito kalayuan sa bahay pero tama lang ang lugar para makaiyak ako. Dati, palagi kong nakikitang masaya si mama.... Ni minsan hindi ko siya nakitang umiyak.... Tuwing umaga pinagluluto niya ako palagi ng paburito kong hotdog na laging dala ni papa tuwing gabi galing sa trabaho nitong pagawaan ng hotdog at tocino. Kahit mahirap ang buhay namin, Hindi kami mayaman pero ni minsan hindi ko naranasang magutom. Sapat lang ang kinikita ni papa sa trabaho at ang kita ni mama sa pananahi para sa araw-araw.... Pero nitong mga nakaraang buwan parang nag bago ang lahat. Halos gabing-gabi ng hindi nakakauwi si papa... Nakikita ko na palaging puyat si mama tuwing umaga siguro dahil sa pag-aantay nito sa pag dating ni papa sa gabi... Minsan hindi natalaga na kakauwi si papa sa bahay. Pag-uuwi siya Hindi na siya nakikikipag laro sa akin kagaya ng ginagawa namin noon. Hanggang sa isang araw narinig ko si mama at papa na ng-aaway.... Umalis si papa dala Yung mga damit niya at hindi muling bumalik.... Araw-araw nalang umiiyak si mama at nag kukulong sa kwarto' "Hey!" Napatingala ako ng may narinig akong boses. "Bakit ka umiiyak?" Tanong nito sa akin. Pero hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa mukha nito. Sa mga mata nito na parang kasing lalim ng dagat. Ngunit agad din akong napabitiw ng titig sa mukha nito. Naalala ko ang sinabi sa akin ni mama na wag daw akong magtitiwala sa mga lalaki... Na sasaktan lang ako ng mga lalaki.... Wala akong naisip na dahilan para hindi paniwalaan si mama... Kita ko kung gaano nasasaktan si mama dahil kay papa.... Simula ng iniwan kami ni papa, nabuo ang galit ko sa lahat ng mga lalaki.... sa mura kong edad ang tingin ko sa lahat ng lalaki ay manloloko... Na sasaktan ka lang. Napaigtad ako ng tumabi siya ng upo sa akin sa ilalim ng puno sa paahan ng malaking ugat. Agad akong tumayo dahil sa pagkabigla at nanakbo paalis. Hindi ako pwedeng maging malapit kanino mang lalaki... Sasaktan lang din nila ako gaya ng ginawa ni papa kay mama. "Hey! Stop!" Rinig kong sigaw ng lalaki sa aking likuran... Hinahanol niya pala ako..... 'sino ba siya? Bakit niya ako hinahabol?' tanong ko sa sarili ko. Dahil mas malaki ang binti nito kesa sa akin, mabilis lang niya akong naabutan. Hinawakan niya ako sa braso para pigilan sa pagtakbo. Gusto ko siyang itulak para mabitiwan niya ako. Pero mas malaki siya sa akin. "Kuya bitawan niyo po ako..." Pakiusap ko sa kanya pero parang wala siyang naririnig mas humigpit ang hawak niya sa braso ko. Naalala ko yung bilin sa akin ni Mimi Judy ang best friend ni mama. Na kapag may humawak daw sa akin na lalaki sipain ko daw... Kaya yun yung ginawa ko... Kaso imbes na sa paa ko siya nasipa, napataas ang sipa ko at tumama ang paa ko sa ano niya..... Napaigtad siya at napasapo doon sa ano niya habang nakaluhod sa damuhan.... Naawa ako sa kanya kaso napalitan yun ng maalala ko kung bakit ko siya sinipa. Kasalanan naman niya yun ehh! Kung di nya ako hinawakan at sinundan di ko naman siya sisipain. Agad kong inayos Ang sarili ko at nanakbo na ako paalis. Hingal na hingal ako nang makarating sa bahay nadatnan ko si Mimi Judy. Makapal ang make up nito at sobrang pula ng labi. "Mimi!" Sigaw ko sabay takbo palapit dito at sunggab ng yakap. Dahil malaking tao si Mimi Judy yumuko Ito at pumantay sa akin.... Simula ng magkulong sa kwarto si mama si Mimi Judy na ang palagi kong nakakasama. Sya din ang nag aasikaso sa akin kapag papasok at kakain. Parang siya na yung second mama ko kahit hindi talaga siya babae... Si Mimi Judy ay isang lalake na may pusong babae.... Best friend Ito ni mama simula high school. "M-mimi!" Humahagulgol kong tawag dito. Inalo niya ako. "Hsssh! Wag ka ng umiyak..." Pag-aalo ni Mimi. Nang kumalma ako pinaupo ako ni mimi sa lumang sofa namin sa bahay. "Ano? Sinaktan ka ba? Sino yun? Anong ginawa sayo? Saan masakit?" Tanong ni Mimi habang sinusuri ang kabuoan ng katawan ko. Sinabi ko kasi dito yung nangyari sa akin sa bukid. "Wala po Mimi, sinipa ko po siya." Sagot ko dito na nakapag pa kalma kay Mimi. "Hay naku ka kasing bata ka! Kung saan saan-saan ka kasi nagsususuot... Iyan tuloy ang napapala mo... Mabuti nalang at walang nangyaring masama sayo... Kung hindi ay malalagot ako sa mama mo." Pangangaral ni Mimi sa akin habang hinahaplos ang aking buhok na parang isang ina. Bigla akong nalungkot ng banggitin nito si mama... Na mi-miss ko na si mama. Yung mga tawa niya, Yung pangungulit niya sa akin. Minsan natanong ko na din kung bakit ba nangyayari ang lahat ng Ito... Sa edad kong sampu, yung bigat na nararamdaman ko pangbuong mundo na. "A-ayos lang po ako." Sagot ko kay Mimi para hindi na ito mag-alala. Pinipigilan ko ang muling pagpatak ng luha ko. Ayokong makadagdag sa sakit sa ulo... Ang laki na ng pasasalamat ko kay mimi dahil hindi niya akong pinabayaan.... Na palagi siyang nasatabi ko kahit hindi ko siya kamag-anak. Mas nag-aalala pa nga si mimi sa amin ni mama kesa sa mga tunay naming kamag-anak. Kaya ako, pinangarap ko na magkaroon ng kaibigan na tulad ni Mimi... Yung bang Hindi ako iiwan.... Yung palaging nasatabi ko kahit anong mangyari. Lumipas ang ilang araw na walang pinag bago, patuloy lang sa pagkulong sa kwarto si mama... Lumalabas naman Ito ng kwarto paminsan-minsan pero makikita mo ang laki ng pinagbago niya. Yung dating mama ko na masiyahin ngayon hindi na mababakasan ng ngiti sa labi. Hindi na ulit ako bumalik sa gubat dahil natakot na ako doon sa lalaking sumunod sa akin. Hindi naman siya nakakatakot pero, Ewan ko ba... Siguro nakatatak na sa isip ko na ang lahat ng lalaki ay sasaktan lang ako... Katulad Kay mama na sinaktan ni papa. Malapit lang ang school sa bahay kaya tuwing papasok at uuwi naglalakad lang ako. Katulad ngayon pauwi na ako galing school. May mangilan ngilan akong kasabay pauwi pero agad akong napatigil ng humarang sa daanan ko sina Kikay. Kilala ang mga Ito bilang bully sa school. Mga high school na ang mga Ito. Kilala ko sila dahil Isa lang ang school ng high school at elementary dito sa amin. Ilang beses ko na din ang mga ito nakikitang may binu-bully sa school... Palibhasa malalaki ang katawan kaya malakas ang loob na mang bully... Mga mas bata lang naman sa kanila ang binu-bully ng mga Ito... Katulad ko na grade 5. Lalagpasan ko na sana ang mga ito ng harangan ulit nila ako.... Luminga ako sa paligid para sana humingi ng tulong sa mga tao sa paligid ngunit Wala na akong makita... Hapon na din kasi at malapit ng dumilim. "K-kikay." Pinatatag ko ang boses ko para hindi mahalata ang takot dito, ngunit Hindi ko naiwasan ang pumiyok. Oo nga at sampung taon na ako... Kaya ko ng lumaban pero di hamak na mas malaki sila at mas madami sila... Isa lang ako habang sila ay Lima ang bilang. "Girls?" mataray na tawag nito sa mga kasama nito na agad namang lumapit sa akin. Si Mica ang unang nakalapit sa akin at inagaw ang bag ko. Pilit kong inaabot ang bag ko ngunit mas matangkad siya sa akin kaya hindi ko Ito maabot. Agad nitong pinasa ang bag sa isa pa nilang kasama na di ko alam ang pangalan. Ayokong umiyak dahil mas lalo lang nila akong aasarin. "Yung bag ko! Akin na yung bag ko!" Pasigaw na sabi ko. Pilit kong pinapatapang ang mukha ko at pinipilit ko na wag umiyak. Lumapit si Kikay sa akin at agad akong dinuro... Hanggang balikat niya lang ako Kaya nakatingala ako habang dinuduro nya ako sa noo. "Ano iiyak kana? Kawawa ka naman... Balita ko iniwan ka ng papa mo?" May panunuya nitong Sabi habang dinuduro-duro pa din ako.... Kalat na sa buong lugar Ang ginawa ni papa... Dati ang perpekto ng tingin sa amin ng mga tao dito sa bayan namin, isang masayang pamilya... Isang huwarang pamilya.. pero biglang nawala ang lahat ng yun. Biglang uminit ang buong mukha ko... Yung galit... Yung sakit na nararamdaman ko dahil sa ginawa ni papa, parang bumalik lahat ng yun... Matalim kong tinitigan si Kikay.... Gusto ko siyang saktan ..... Gusto Kong ilabas yung sakit na nararamdaman ko. "Ano? Papalag ka na?" Tatawa-tawa nitong sabi sabay halukipkip. "Lalaban na ata yan ehh." Sagot ng Isa nilang kasama. "hoy bulinggit! Ano lalaban ka na? Palibhasa, walang tatay... Iniwan ng tatay... Wala ka kasing kwenta Kaya iniwan ka ng tatay mo..." Hindi ko na pinatapos si Kikay sa pagsasalita at agad ko siyang tinulak ng malakas na naging dahilan ng pagbagsak nito sa lupa. Nabiga lang ako sa ginawa ko. Hindi ko sinasadyang itulak siya. Nadala lang ako ng galit ko... Akmang tatakbo na ako ng hawakan ako ng mga kasama ni Kikay sa braso at buhok. Masakit ang pagkakahawak nila sa buhok ko at braso ngunit wala naman akong lakas na lumaban. Sinabunutan nila ako at pinagtulungan. Ngunit bigla silang natigil ng may humila sa akin paalis sa mga Ito... napatingin ako sa lupa habang walang tigil na dumadaloy sa mata ko ang masaganang luha. Humigpit ang hawak sa braso ko ng humila sa akin paalis sa mga alalay ni Kikay kaya inangat ko ang aking paningin. Ang una kong nakita ay ang rubber shoes nya na kulay pink at may print pa ni hello Kitty, kasunod ay Ang palda na kulay pink at ang damit din nito na pink na may hello kitty din na print ngunit ng makita ko ang mukha ng taong nakahawak sa braso ko halos gusto kong matawa kahit masakit ang katawan ko. Sino ba namang hindi matatawa sa mukha ng kaharap ko. May tali ang buhok nito na may kahabaan at hello kitty pa ang design. Yung mukha niya mukhang payaso sa kapal ng make up. Ngunit ang tawa na gustong kumawala sa akin ay agad ding nawala ng makita ko ang seryoso niyang mukha habang nakatingin kina Kikay... Parang gusto nitong lapain ng buhay sina Kikay and friends. "Sino ka?" Mataray na tanong ni Kikay sa lalaking katabi ko... Pero Hindi ko sure kung lalaki siya dahil sa suot niya ngayon. "You don't know who I am?" Balik tanong nito kay Kikay Malakas na tawanan ng mga kasama ni Kikay ang nangibabaw sa buong paligid. Agad namang napatingin sa sarili Ang katabi ko at mahina itong nagmura na tila ngayon lang natauhan. Agad niya akong hinila palayo kina Kikay at naglakad patungo sa isang itim na sasakyan. Ngunit bago pa kami makalapit sa sasakyan ay narinig ko ang pagsigaw ni Kikay at ang mabilis na paglapit sa amin. Ngunit bago pa man sila makalapit sa amin may tatlong lalaki ang humarang kina Kikay. Nakasuot ang mga ito ng school uniform ng King's academy. Ang school na kilala dito sa bayan namin dahil pawang mga mayayaman lang ang nakakapasok doon at all boys lang lahat. Tumingin sa amin ang Isa sa mga lalaking humarang kina Kikay. "Bud! Kami na ang bahala dito!" Sigaw nito sabay tingin sa akin at kindat. "f**k you! Fuentes! Don't wink at her!" Sigaw naman nitong katabi ko bago niya ako hinila at sinakay sa itim na kotse na kanina pa naka abang sa amin. Rinig ko ang malakas na tawa ng tinawag niyang Fuentes bago sinara ni kuya ang pinto ng kotse. Naguguluhan ako habang nasa loob ng sasakyan... Dapat di ako sumasama Kung kanikanino dahil yun ang bilin ni mimi sa akin... Pero wala din naman akong lakas na pumalag dahil sa panlulumo na natamo ko dahil sa pinagtulungan ako. "Manong tayo na po." Utos nito sa driver na mag-mamaneho ng sasakyan. Tahimik lang ako habang nasa byahe. Kinakabahan ako at natatakot... Pero mukha naman siyang mabait at talagang natatawa ako sa hitsura niya. "Don't laugh at me." Sita niya sa akin ng di ko mapigilan ang matawa. Nakakatawa naman kasi talaga ang hitsura ni kuya. Nakikita ko sa kanya si Mimi Judy... Ganto kasi si Mimi magdamit... Mahilig sa pangbabaeng damit kahit hindi bagay. Pinigilan ko nalang ang pagtawa at nanahimik na lang ako. Hinanap ko ang bag ko dahil gusto kong suklayin ang buhok ko na nagulo dahil sa pagsabunot sa akin, nang maalala kong hindi ko nga pala iyon nakuha kina Kikay... Mula sa salamin sa harapan ng kotse kita ko kung gano kagulo ang buhok ko. "K-kuya... Y-yung b-bag ko po." Sabi ko ng hindi nakatingin dito. "N-na iwan ko po ata doon." Pagpapatuloy ko. "Ohh! Mag suklay ka... Bukas ko na ibabalik sayo yung bag mo. Wag Kang mag-alala di yun mawawala." Sabi nito sabay abot ng suklay. Tinanggap ko yung suklay ng di tumitingin sa kanya... Dahil pag nakikita ko siya, natatawa ako sa hitsura niya. Pero ng matapos akong magsuklay ay di ko naiwasang tumingin sa kanya ng iabot ko pabalik ang suklay... Bigla nalang akong natawa ng makita ko nanaman yung mukha niya. "I said don't laugh at me!" Naiinis niyang sita. Pero Hindi ko na mapigilan ang pagtawa hanggang sa lumakas na ng lumakas ang tawa ko... Halos magkulay pula na ang mukha ni kuya sa inis. Nang humupa na ang pagtawa ko at hagikhik nalang ang namumutawi sa bibig ko. Tyaka lang ako nakapag salita. "Kuya.... Bakit po ganyan suot niyo? Katulad ka din po ba ni Mimi Judy? Kasi po ganyan din si Mimi magsuot ng damit... Pwede po ba tayo maging friend? Alam niyo po matagal ko ng gustong magkaroong ng friend katulad ni Mimi Judy... Pareha po ba kayong bakla?" Sunod-sunod Kong tanong sa kanya pero sa pinaka huling sinabi ko siya natigilan at tila gulat na gulat na tumingin sa akin. "Ayaw niyo po ba akong maging friend? O-ok lang naman po." Nalulungkot kong sabi habang nakayuko. Nahihiya ako sa kanya ngayon nga lang kami nagkakilala tapos gusto ko maging kaibigan ko siya... Sino ba ako para pumayag siya? "S-sige po a-ayos lang k-kung ayaw niy..." Naputol ako sa pagsasalita ng pigilan niya ako. "A-are you sure, g-gusto mo akong maging kaibigan?" Tanong nito sa di makapaniwalang tono. Tumango lang ako bilang sagot. "H-hindi ka ba natatakot sa akin?" Tanong nito na nakapag paangat sa ulo ko para tignan siya. "B-bakit naman po ako matatakot? Di ba bakla ka din katulad ni Mimi? Kasi si Mimi mabait at lahat ng tulad niya mabait... Kaya gusto ko maging friend ka para may sarili na din akong Mimi na best friend." Inosente kong tanong sa kanya. "What if,.... P-pano Kung sabihin kong hindi ako bakla... G-gusto mo pa rin bang makipag kaibigan sa akin?" Seryoso niyang tanong sa akin. Agad akong umiling at lumayo sa kanya. Kita ko kung pano nagbago ang emosyon niya at napalitan ng pag-aalala. Huminga siya ng malalim at pumikit bago muling tumingin sa akin. Ang mga mata Niya na kasing lalim ng dagat ay malamlam na nakatingin sa akin. Nilahad niya ang kamay niya sa aking harapan. "Friends?" Nakangiti niyang tanong sa. Napapitlag ako at napangiti, tinanggap ang kamay niya. "Friends."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
74.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

His Obsession

read
63.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
152.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook