Share:

THE TEST OF LOVE

READING AGE 16+

miaghibee Romance

220 reads

Noon pa man ay kahinaan na ni Audrey ang makakita ng guwapong lalaki. Ang lalaking nakilala lamang niya sa pangalang KJ ang unang nagpatibok ng kanyang puso. Nangarap siya sa isang mala-prinsipe nitong anyo. Dahil impossible ay pilit na kinalimutan ang mangarap sa katulad ni KJ.

Nang umalis si KJ ay nabaling ang kanyang atensiyon sa pinsan nitong si Liam. Naging magkasintahan sila ngunit hindi ito naging tapat sa kanya. Tuluyan na silang nagkahiwalay nang umalis din si Liam sa probinsiya at pumunta ng Maynila.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nag-krus muli ang landas nila ni Liam. Sa pagkakataong ito ay bumawi ang lalaki. Tinulungan nito si Audrey na makapasok sa kompanyang kinabibilangan nito.

Ngunit hindi akalain ni Audrey na magiging komplikado ang lahat, nang makita niyang muli ang pinsan nito. Walang iba kundi ang kanyang ultimate crush na si KJ o mas kilala sa pangalang Kristof Julius Henares.

Ano kaya ang magiging damdamin ni Audrey ngayong bumabalik sa kanya si Liam? Huli na ba para magpasya siya kung sino ang kanyang pipiliin? Ang lalaking bumabalik sa kanya o ang lalaking matagal na niyang pinangarap?

Unfold

Tags: dramatragedycomedysweetserious
Latest Updated
CHAPTER 41

 Audrey’s POV

 

PASADO ala-una na ng hapon nang makarating kami sa Legazpi airport. Nagulat pa ako nang makita ko sina William at Jorge.

“Good afternoon, Sir!” bati ng mga ito kay KJ.

“Audrey, ikaw ba ‘yan?!” tila hindi makapaniwalang baling sa akin ni William. Nagulat din si Jorge nang ……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about cookie permissions, you can click on Privacy Policy.