bc

Hushed

book_age18+
1.8K
FOLLOW
5.5K
READ
submissive
goodgirl
CEO
heir/heiress
drama
bxg
genius
campus
office/work place
first love
like
intro-logo
Blurb

Ang gusto lang ni Olivia Grace Dela Rama ay ang maranasan ang tunay na pag-ibig. Hindi niya lubos akalain na matapos ang ilang taon. Ang tulad ni Kayden Valdez ang pupunan ng hinihiling ng kanyang puso. Ang binata na naging schoolmate niya at first love noong College ay nakapasok sa sarili niyang kumpanya!

Si Kayden na tinuring niyang suntok lang sa buwan ay nagtapat na sa kanya ng pag-ibig. Labis na ikinatuwa iyon ni Olivia. Dahil kay Kayden ay nagbukas ang mata niya sa maka-mundong pagnanasa. Ngunit hindi niya alam na saglit lang pala niya mararanasan ang sumaya sa piling ng lalaking mahal niya. Ang pag-ibig at mga pinakitang magandang trato sa kanya ni Kayden ay parte lang pala ng plano ng binata. Labis siyang nasaktan.

Magagawa kaya niyang patawarin si Kayden? Mararanasan ba talaga niya ang tulad sa mga disney princesses na happily ever after sa kanilang mga prince charming?

chap-preview
Free preview
SIMULA
PILIT kong inaabot ang papel kay Micah kaso itinataas niya iyon at natatawang lumayo sa akin. Tinulak ako ng kaibigan niyang si Loreen. Pulang-pula ang aking mukha at gusto ko na lang magtatakbo palayo pero hindi ko magawa dahil na kay Micah ang love letter ko at binabasa niya na sa lahat! "Continue it, Micah!" ani ng ibang estudyante doon. Sinubukan kong lumapit pero nabigo ako ng humarang ang ilang kaibigan ni Micah para pigilan ako sa pagkuha ng papel. “Back off...” sabi ni Loreen. Hingal na hingal ako sa kakatalon at pabalik-balik na lapit kay Micah. Isang kamay ang humawak sa aking braso at hinila ako palayo sa kanila. Napalingon ako sa kaibigan si Cindy na hapong-hapo. Mukhang malayo ang tinakbo sa kakahanap niya sa akin. "I keep thinking about you. I ignore this feeling, but I realized that this isn't infatuation anymore. I am in love with you...." Nagtawanan sila. "Oli, tara na!" hatak sa akin ni Cindy. Umiling ako. Nangingilid ang aking luha. "Iyong letter k-ko..." Nanginginig kong sabi. Nanghihina ang aking tuhod at parang anumang oras ay bibigay ang mga iyon. Nagtilian ang mga estudyante sa Lopez International School Manila. Napayuko na ako. "Huy, andiyan na si Kayden!" "Kayden!" "Tapos na ata practice nila!" Huminto sila Micah sa pagbabasa. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang grupo nila Kayden na paparating! Mas inatake ako ng kaba. Umalis ako sa pagkakahawak ni Cindy at sinikap na makalapit kay Micah kaso hinarang ako ng mga kaibigan niya. Marami pa man din sila. Nagtatawanan pa sila lalo na si Micah na winawagayway na ang papel na hawak niya. "Micah! Give me back my letter!" sigaw ko. Pulang-pula ang aking mukha at naiiyak na. Uwian na pero madami pa din namang estudyante na naiwan sa school. Isa si Micah sa classmate ko at anak siya ng Senador. Walang magawa ang iba sa gusto nitong gawin. Bukod doon, marami din siyang alipores. Tanggap ko naman na, tampulan ako ng tukso simula ng naglabasan ang tighiyawat ko sa mukha. Sikat na artista ang mga magulang ko noong kapanahunan nila at magpasa hanggang ngayon nga ay kinukuha pa din silang artista sa isang malaking network para gumanap ng Nanay at Tatay ng mga bida. Anong laban ng magulang ko sa katulad ng Ama ni Micah. I choose to stay silent. Pero palagi nila akong nakikita. "Kayden!" tawag ni Micah kaya mabilis akong napatingin sa grupo nila Kayden. "Anong meron?" sabi ng kasama nito na kilala din sa school dahil sa pagka tisoy at gwapo ng mukha nito. "Ah, binabasa nila Micah 'yung love letter ni Olivia." Nagtawanan ang mga estudyante na nagsabi sa kanila. Lima ang kasama ni Kayden at lahat sila may bitbit pang duffle bag at naka jersey pa. Basa pa ang buhok at mukhang katatapos lang na maligo. Nagtama ang mata naming dalawa. Nahigit ko ang aking hininga. Para akong lalong nanghihina sa tuwing titignan niya. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Nag-init lalo ang magkabila kong pisngi dahilan para magtilian at tuksuin ako ng iba dahil halata iyon sa aking mukha. Paano maputi ako at mabilis ding nag-re-reflect sa katawan ko ang anumang iniisip ko o reaksyon ko. Hindi ako marunong magkunwari. Hindi ako tulad ni Mommy at Daddy na magaling umarte. Kabaligtaran nila ako. "Good thing you're here!" si Micah na ngiting-ngiti pa tapos lumapit na kay Kayden. "Micah!" Hahabulin ko sana para pigilan pero hinatak ako ni Cindy. "Ano ba, Oli! You make yourself look stupid in front of them! Tinutulak ka na sumi-sige ka pa din. Hayaan mo sila at isumbong na lang natin sa Councilor." Sumimangot si Cindy at matalim silang tinignan lahat. "Hoy, Concepcion! Lalaban ka? Bakit ganyan ka makatingin?!" si Loreen na anak naman ng Mayor. Hinatak ko ang braso ni Cindy para matauhan ito. Mahirap na may kaaway sa school at ayokong madamay siya dahil lang sa concern siya sa akin. "Micah, basahin mo na!" sabi ng ibang estudyante. Nangingilid ang aking luha. Kumikirot ang dibdib ko na pinagkakaisahan ako ng mga estudyante doon. Ito ang unang pagkakataon na mapahiya ako sa maraming tao. Lalo na sa harap niya. "No, it's a good thing that you're here, Kayden. Para naman kasi talaga ito sa'yo. Pero pwede bang pa-share naman sa amin ano bang nakalagay diyan?" Nakangising sabi ni Micah. Hinawi nito ang mahaba at maalon nitong buhok bago tumingin sa akin na tila nag-aasar pa. "She's really a brat. Nakakainis! Tara na nga!" bulong ni Cindy. Hinihila ako paalis kaso tila napako na ako sa kinatatayuan. Hirap akong makaalis. Walang emosyon na kinuha ni Kayden ang papel sa kay Micah. Ang ilan sa mga estudyante ay nakatingin sa akin at nag-aabang sa reaksyon ko. "Anong sabi?" si Loreen. Nakikisingit sa mga kasama para makisilip sa hawak na papel ni Kayden. Kayden read my love letter. His lips form into a thin line. Kumibot saglit ang kilay nito. Nagulat ako ng mabilis nitong tinupi ang papel at binigay kay Micah. "I have no time for stupidity," sabi nito sabay naglakad paalis kasama ang grupo nito. "Ohh..." "Basag!" "It really hurts!" "Basted ka agad, Oli!" "Mag-rejuv ka kasi muna!" Lahat sila napatingin sa akin. Mas lalo ako nakaramdam ng pagkapahiya. Napayuko ako. "Akin na nga ako magbabasa!" sabi ni Loreen. Lahat tuloy ng estudyante ay sa kanya na napatingin. Dinudurog ang puso ko. Bakit ganoon. Wala naman sinabing iba si Kayden. Alam ko naman na sinabi niya lang iyon dahil hindi siya interesado sa babae. Kaya nga siya nagustuhan ko kasi aktibo ito sa sports at focus sa pag-aaral. Wala siyang panahon sa babae pero maraming umaaligid sa kanya at nagko-confess. Ganunpaman, nasasaktan ako. Ganito pala kapag lantaran na hindi ka gusto ng taong gusto mo. I consider him as my first love. "I just decided to write my feeling on a piece of paper to finally accept that I am in love with a man who is out of my league—a man who will never be mine. You are perfect--" Natigil si Loreen dahil sa kay Micah. "Tama na nga! Akin na 'yan!" padarag na kinuha ni Micah ang papel at nilamukos iyon. Naglakad siya papunta sa akin habang nakahalukipkip. Taas ang kaliwang kilay. "O, sa'yo na 'yang walang kwenta mong love letter! Ewan ko ba sa'yo bakit ang lakas ng loob mong magsulat niyan. Alam mo namang hindi ka papatulan ni Kayden! Maghilamos ka muna ng Holy water bago ka gumawa ng love letter. Baka kuminis ang mukha mo at pansinin ka niya!" Hinagis niya sa akin ang nilamukos nitong papel. Nanginginig kong pinulot iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

His Obsession

read
63.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook