bc

Angel's Haven

book_age16+
1.0K
FOLLOW
2.8K
READ
tragedy
heavy
serious
straight
female lead
male lead
realistic earth
poor to rich
slice of life
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

An unexpected event brought Hazel Aquino and Christian Edward Arevalo together. The bitterness of their past made them even closer. Christian helped Hazel escaped from her mother, while Hazel made Christian believe in love again. In the process of knowing each other, they unexpectedly fell in love with each other.

However, lies tear them apart… will Hazel and Christian be able to revive the love they have years ago?

chap-preview
Free preview
Prologue
May mga taong nakatayo sa tapat ng pintuan ng bahay namin habang papalapit ako. Kumunot ang noo ko. May mga bisita ba kami? Madalang lang kung may bumisita sa ‘min. Binilisan ko ang paglalakad. Nilampasan ko ang dalawang lalaki, na sa tingin ko’y nasa kwarenta na, na nakatayo sa pintuan namin. Kinilabutan ako sa paraan ng pagtitig nila. Nakakatakot. Parang tumatagos sa bawat laman ng pagkatao ko. Agad na bumungad sa 'kin si nanay. Nakatayo siya habang nakaluhod si tatay sa harapan niya. Nasa likod nito ang dalawa kong kapatid. Umiiyak sila. "Nay…" tawag ko sa kanya. Ngayon lang siya umuwi dito sa amin. Tumingin rin si nanay sa ‘kin. Puminta ang isang malaking ngisi sa labi niya. "Oh, Hazel. Nandito ka na pala," humalakhak siya. Binalingan niya ng tingin ang dalawang lalaki na nasa pintuan. "Siya ang maganda kong anak." Hindi ko pinansin ang sinabi ni nanay. Lumapit ako kina tatay. Inalalayan ko siya sa pagtayo. Bakit ba kasi siya lumuluhod sa harapan ni nanay? Nagmamakaawa na naman ba siya na wag itong umalis? Buong buhay ko naman, hindi namin nakasama si nanay. Wala siyang pakialam samin. Pag wala na siyang pera, doon lang siya lalapit sa ‘min. Si tatay naman, dahil sa pagmamahal niya kay nanay, hindi niya ito kayang tiisin. Kaonti na nga lang ang kita niya sa bukid, ibibigay pa niya ang kalahati ng kita sa magaling kong ina. "Tay, anong nangyayari? Sino ang mga kasama ni nanay?" naguguluhang bulong ko sa aking ama. Inilagay ko ang isang braso niya sa balikat ko para maging maayos ang kanyang pagtayo. "Ate," may maliit na boses akong narinig. Nagbaba ako ng tingin. Nakita ko ang mga kapatid ko na nakakapit ng mahigpit sa laylayan ng damit ko. Umiiyak sila. "Hazel, anak," tawag ni nanay sa ‘kin kaya tumingin ulit ako sa kanya. Nasa tabi na niya ang dalawang lalaki na nakakatakot kung tumingin. "Ipapakilala kita sa mga magiging amo mo." "A-amo?" naguguluhang tanong ko. "Nagtatrabaho na ako sa mga Buenaventura. Malaki ang utang na loob ko sa kanila..." Natawa at umiling lang si nanay sa sinabi ko. "Huwag ka ng magtrabaho sa kanila. Mas malaki ang kikitain mo sa bago mong trabaho. Isang gabi lang, panigurado magiging siksik na ‘yang laman ng pitaka mo," nginisian niya ako. Kinabahan ako sa sinabi niya dahil alam ko na kung anong trabaho ang ibibigay niya sakin. Hindi na rin nakapagtataka kung bakit nga ba iba kung makatingin ang mga lalaking kasama niya. Tila hinuhubaran nila ako sa bawat sulyap nila. Idagdad pa ang ngising aso nila. Umiling ako sa sinabi ni nanay. "Ayoko," tanggi ko. "Ayos na ako sa pagiging katulong. Makakaraos din kami…" tinapangan ko ang boses ko. Lumunok ako ng ilang beses para lang maitago ang panginginig nito. "Mamamatay na sa gutom ang mga kapatid mo, tapos paiiralin mo parin yang pride mo?" galit na tanong ni nanay. "Kaya mo bang makita ang mga kapatid mo na unti unting namamatay sa gutom?!" "Kaya ko silang buhayin!" tumaas ang tono ng boses ko. Natawa lang si nanay. Siyenyasan niya ang dalawang lalaki na lumapit sakin. Humugpit ang kapit sa ‘kin ng mga kapatid ko. Maging si tatay. Kaya lang, hindi naging sapat ang lakas nila. Nakuha ako ng dalawang lalaki. Nagpupumiglas ako pero wala akong magawa. Tanging pagtawa lang nila ang naririnig ko. "Wala ka ng magagawa, anak," Halakhak ni nanay. Nabuo ang galit sa dibdib ko. Anak? Paano niya nasisikmurang sabihin ‘yun kung ganito naman ang ginagawa niya sa ‘kin ngayon. "Bitawan niyo ko!" marahas na sabi ko. Patuloy pa rin ako sa pagpupumiglas. "Huwag mong gawin sa anak natin yan, Selda," pagmamakaawa ni tatay. Tumulo na ang luha ko. Naninikip ang dibdib ko sa nakikita ko ngayon. Iyak ng iyak ang mga kapatid ko habang nag mamakaawa naman si tatay na wag akong kunin ng magaling kong ina. Hindi nila pinakinggan si tatay. Tumalikod na sila. Pati ako ay hinila nila. Masyadong mahigpit ang kapit nila sa ‘kin. Nilingin ko si tatay at mga kapatid ko. "Anak, tumakas ka…" ‘yan ang pinakahuling narinig kong salita mula kay tatay. Tuluyan na kaming lumabas ng bahay. Patuloy lang sila sa paghila sakin. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko para lang makatakas sa masamang panaginip na ito. Ang ina ko, na siya dapat nag aalaga sa ‘kin, ay siya ngayong nagdadala sa akin sa kapahamakan. "Ang ganda at kinis ng anak mo, ah..." puri ng pangit na manyak na nakahawak sa kaliwang braso ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Kinindatan lang niya ako. Dinilaan pa niya ang itaas na bahagi ng labi niya. Kinilabutan ako at nandiri. "Syempre. Mana sa ‘kin." Hindi na ako nakatiis pa. Kinagat ko ang kamay ng isa sa nakawahak sa 'kin. At nang halos ngumiwi na siya, tinadyakan ko naman sa maselang parte ang isa pang manyak na nakahawak sa 'kin. Hindi ko na sila nilingon. Agad na akong tumakbo palayo sakanila. "Ahhhhhhh!!!" Dinig kong sigaw ng dalawa. Hindi ko na sila pinansin. Panay ang mura ni nanay sa pangalan ko. Bumuhos ang mga luha ko dahil sa bibig mismo ng babaeng nagsilang sa 'kin ang nagsasabi ng mga pangit na salitang 'yun. Binilisan ko ang pagtakbo ko nang marinig ko na parang papalapit na ang boses ng dalawang lalaking manyak at ni nanay. "Hazeeel! Malilintikan kang bata ka pag nakita kita!" Tinakpan ko ang tainga ko nang marinig ko 'yun. Natatakot ako. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. May tutulong ba sa 'kin? Nakikita ko na ang kalsada, kaya naman kahit na pagod na ako ay pinilit ko paring makadating doon. At saktong pagdating ko sa kalsada ay siya namang pagdating ng isang sasakyan. Hindi ko na ito napansin. Nanigas na lang ako sa kinatatayuan ko. Katapusan ko na ata. Dahan-dahan na lang akong napaluhod at hinintay ang pagsagasa sa 'kin ng sasakyan. Isinubsob ko na ang mukha ko sa kalsada. Ang akala ko ay katapusan ko na. Handa na ako. Tanggap ko na. Pero napamulat ako nang makita ko ang isang lalaki sa harapan ko. Nakaluhod siya sa harapan ko habang hawak ang balikat ko. "Hey, ayos ka lang ba? Tara dalhin kita sa ospital.." alok nito. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Agad akong umiling. Bahala na kahit na makita niya akong umiiyak. Hindi ko na muna iisipin ang kahihiyang ito. Kailangan kong makatakas kay nanay. Kailangan makalayo na ako sa kanya. Hindi niya ako pwedeng maabutan. "I... I-ilayo mo ako dito. Please..." pakiusap ko. Mukhang nataranta naman ang lalaki dahil sa sinabi ko. Nilingon ko ang paligid. Natatakot ako, baka nandito na sina nanay. Hindi na siya nagtanong pa. Inalalayan lang niya akong makapasok sa sasakyan niya. Inilagay ko ang mga palad ko sa mukha at nagsimula na namang umiyak. Hindi ko na talaga mapigilan pa. Natatakot ako na baka makita ako ni nanay kahit na nasaan pa ako. "Saan kita pwedeng ihatid? Sabihin mo sa ‘kin.." tanong ng lalaki. Tinanggal ko ang pagkakatakip sa mukha ko. Nilingon ko siya. "Ilayo niyo po ako dito... Please. K-kahit saan. Basta huwag lang dito. Malayo sa n-nanay ko..." bumuhos ulit ang panibagong luha sa mga mata ko. "Alright, I'll bring you to my apartment," sabi nito na siyang ikinagulat ko. Mas kinabahan ako. Baka masamang tao rin ang isang ‘to. Mukhang nabasa naman ata niya ang nasa isip ko. "Don't worry. Hindi ako masamang tao," ngumiti sya sa 'kin. Hindi ko alam, pero nang makita ko ang ngiti niya pakiramdam ko’y ligtas na ako. Kaya naman nagpaubaya na lang ako nang paandarin na niya ang kanyang sasakya. Kahit hindi ko alam ang pangalan niya, kahit na ngayon lang kami nagkita, pakiramdam ko ay kaya niya akong protektahan kay nanay. Mabilis lang kaming nakadating sa apartment niya. Tumigil na ako sa pag iyak. Nawala na ang takot sa dibdib ko ngayon. "Umupo ka muna do’n," aniya habang tinuturo ang sofa. Tumango ako at umupo na. "Kukuha lang ako ng medicine kit. Gamutin natin ‘yang sugat mo..." sabi pa niya habang nakatingin sa siko. Hindi na ako nakasagot pa dahil umalis na siya sa harapan ko. Umupo siya sa gilid ko pagbalik niya. Yumuko na lang ako. Nahihiya ako dahil hindi naman galing sa kanya ang sugat na natamo ko. Nakuha ko ito nung nadapa ako sa may palayan habang hinahabol ako nila nanay. Inabot niya ang braso ko. "Nasaan na, linisin natin yang sugat mo…" Kumuha siya ng bulak at nilagyan iyon ng alcohol. Agad niyang idinampi ‘yun sa dumudugong siko ko. Napangiwi ako sa sakit. "Aray…" pinilit kong bawiin ang braso ko sa kanya ngunit pinigilan niya ako. "Tiisin mo lang. Mawawala rin ang sakit pag nagtagal. Masasanay ka rin..." parang may iba pa siyang pinaparating sa sinabi niya. Nginitian niya ako. Tumahimik na lang ako at tiniis ang hapdi. Hinipan niya pa ang sugat ko bago niya ito lagyan ng band aid. "Salamat," sabi ko. Nagkatinginan kaming dalawa. Agad akong nag iwas ng tingin dahil naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya. Masyadong malalim. "Welcome.." sabi nito. "What’s your name?" "Hazel… Hazel Aquino." "Oh… hi, Hazel. I’m Christian Edward Arevalo," nilahad niya ang kanyang kamay. Kinuha ko ito. Tumikhim siya nang maghiwalay ang mga kamay namin. "I know my question is too personal. But… why are you running? Parang may tinatakbuhan ka o tinataguan?" Nagbaba ako ng tingin nang marinig ang tanong niya. Naalala ko na naman ang mga nangyari kanina. Naalala ko kung paano ako murahin ni nanay at kung paano ako tingnan ng dalawang manyak. Naalala ko rin kung gaano nakakaawa ang mukha ni tatay at ng mga kapatid ko. Bumuntong hininga ako bago ko sagutin ang tanong.  "Tinatakbuhan ko ang nanay ko dahil gusto niya akong ibenta. Gusto niya akong ibenta para magkaroon siya ng pera..." nahihirapan na akong huminga. Nagbabadya na naman ang panibagong luha sa mga mata ko pero itinuloy ko pa rin ang kwento. "Hindi ako pumayag. Pati si tatay ay hindi pumayag. Kaya naman pinatakas ako ni tatay… pinalayo nya ako sa ‘min para hindi ako mahanap ni nanay.. Pero natatakot ako..." hindi ko na napigilan pa, kaya naman umiyak na ulit ako. Ang hirap pigilan ng bigat na nararamdaman ko sa loob. "Hahanapin niya ako. H-hindi sya titigil… daho g-gusto niya ng maraming pera..." "You should file a case against her," komento niya. "At... mukhang bata ka pa. Nag-aaral ka pa ba o nagtatrabaho na?"  Oo, bata pa lang ako. Ngunit kailangan ko talagamg magtrabaho para mabuhay kami. Nag angat ako ng tingin. Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko. "Nagtatrabaho ako bilang katulong," sagot ko. "Hindi kasi sapat ang kinikita ni tatay sa bukid." "You look so young. Ilang taon ka na?" "Nineteen."   "Sa edad mong ‘yan, dapat pag aaral lang ang inaatupag mo..." umiiling na sabi niya. "Wala naman akong mapagpipilian. Kailangan kong magtrabaho para mabuhay kami..." mapait na sabi ko. Kung may pagpipilian ako, hindi ko naman pipiliin na maghirap kami nila tatay at ng mga kapatid ko. Kung kaya ko lang silang iahon agad sa kahirapan ay ginawa ko na. Pinahid ko na lang ang basang pisngi ko at inayos ang sarili. Tumayo na ako. "Salamat po sa pag gamot ng sugat ko. Sige. Aalis na ko.." Maglalakad na sana ako palayo pero biglang hinawakan niyang hinawakan ang balikat ko kaya natigilan ako. "Saan ka pupunta?"  "Kahit saan. Basta wag akong makita ni nanay," kibit balikat at malungkot na sagot ko. Sana lang hindi niya ako mahanap kung saan man ako mapadpad. "You can stay here..." aniya sa ‘kin na siyang ikinagulat ko. pero agad din naman akong tumanggi. "Huwag na. Kaya ko po ang sarili ko…" Bigla niya akong inikot para harapin siya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Parang sumabog ang kuryente sa katawan ko dahil sa hawak niya. Hindi ko ‘yun pinansin dahil baka naninibago lang ako. Kahit na hindi ko siya lubusang kilala, maganda ang pakikitungo niya sa ‘kin. "Pwede ka rito. You can use my room. Dito ako sa sala. Somehow… I feel that you're my responsibility." Mas lalo akong nakaramdam ng kuryente sa katawan nang sabihin niya ‘yun. Parang nag iiba rin ang pagtibok ng puso ko kaya naman nag iwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya sa 'kin at ganito ang nararamaman ko ngayon. "Kung titira man ako dito. Ako na lang ang matutulog sa sala. Ikaw na sa kwarto mo..." "No," tanggi niya. " Ayos lang ako dito. Pwede kang manatili sa apartment ko hanggang gusto mo..." humarap ako sa kanya. Binigyan naman niya ako ng siguradong ngiti. "Hindi ka mahahanap ng nanay mo dito." Mas kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Bakit ba ang bait niya? "Salamat." Inalis niya ang mga kamay niya sa balikat ko. "Sige na, magpahinga ka na..." hinila niya ako hanggang pintuan ng kwarto. "Diyan ang kwarto mo. You can use my clothes kung gusto mong maligo. Ibibili na lang kita ng damit bukas. Huwag ka ring mahiyang magsabi kung may kailangan ka, okay?" Halos mapakagat labi ako dahil sa kabaitang pinapakita niya sakin. "Sige… salamat. Salamat sa tulong mo." "Don't worry. You're safe here, Hazel." Ngumiti na lang ako at agad ng pumasok ng kwarto. Napasandal ako sa likuran ng pintuan pagkasara nito. Kinapa ko ang dibdib ko ng maramdaman kong mabilis parin ang t***k ng puso ko. Ano ba itong nararamdaman ko? 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
84.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.9K
bc

His Obsession

read
70.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook