bc

The Mistress Love Story

book_age16+
11.8K
FOLLOW
48.3K
READ
billionaire
revenge
forbidden
possessive
one-night stand
playboy
CEO
heavy
campus
office/work place
like
intro-logo
Blurb

"Love." Nakangiting salubong niya nang makita ako.

Yayakapin niya sana ako nang salubungin ko ito ng isang malakas na sampal.

"Love? Ang kapal ng mukha mo! Paano mo nagawa yun sakin? pinagkatiwalaan kita." Galit na sabi ko, nagulat naman siya at nagtatakang tumingin sakin.

"Anong sinasabi mo?"

"Sige magmaang-maangan ka pa. May asawa ka diba?"

"Paano mo nalaman?" Nakayukong tanong niya.

"Paano? nagpunta ako sa bahay ni Madam kanina. Excited pa naman akong makita ka kasi isang buong araw kang hindi nagparamdam tapos ganun lang madadatnan ko. B---bakit mo ako niloko?" Umiiyak na sabi ko, halos hindi na ako makapagsalita ng maayos dahil sa pagiyak.

"Sorry. I'm sorry. Hindi ko gustong magsinungaling sayo."

"Kyle minahal mo ba ako?" Tanong ko sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit ko natanong sa kanya yan. Alam kong mahal niya ang asawa niya, kaya nga sila nagpakasal diba? pero i want to know kung minahal niya rin ba ako or panakip butas lang, kasi nasa ibang bansa ang asawa niya.

"Oo. Mahal kita, minahal kita nung una palang." Mabilis niyang sagot.

"Pero mahal mo din ang asawa mo diba?" Tumingin lang siya sakin. "Bakit hindi ka makasagot?"

⚠WARNING: PLAGIARISM IS A CRIME

chap-preview
Free preview
The Mistress Love Story
Dale's POV Ako si Dale Smith, 25 years old isang simpleng babae, masiyahin, hindi maarte at walang luho sa katawan. Galit ako sa taong manloloko. Iniwan ako ng mga magulang ko kay Lola Betty noong limang taong gulang pa lang ako, hindi ko na sila hinanap dahil wala namang rason para hanapin sila. Hindi ko na sila kailangan, masaya na akong kasama si Lola Betty. "Dale papasok ka na ba?" Tanong ni Lola, matanda na ito at makakalimutin narin. Palagi siyang nagdadrama kapag kasama ako, ayaw niyang iniiwan ko siya dahil namimiss niya daw ako. Ang sweet diba? "Opo, kailangan kong magtrabaho para satin. Andiyan naman po si Jen, babantayan niya kayo." Si jen ang kapitbahay namin na nagbabantay kay Lola tuwing papasok ako sa trabaho. "Ehhh Gusto ko ikaw ang magbantay sakin." Nakangusong sabi niya. Hay naku! Ito na naman po tayo, matagal-tagal na pakiusapan na naman ito. "Lola, promise babalik lang ako. Kailangan kong magtrabaho para may pambili tayo ng mga gamot at vitamins mo. Biyernes naman ngayon, bukas wala akong pasok sasamahan kita magzumba diyan sa barangay." "Talaga? Promise yan ah." "Promise! Cross my heart hope to---" Hinintay niya ang susunod kong salita. "Hahaha to die." "Sige na nga! Ito may pang baon ako sayo." Kumuha ito ng biscuit sa kabinet. "Ito biscuit, wag kang magpapagutom at kumain ka sa tamang oras ha." "Yes po Lola. Love you." Hinalikan ko ang pisngi niya. "Aalis na po ako. Jen ikaw na ang bahala kay lola ha." Tumango naman si Jen. 'Maaasahan talaga ang batang ito pagdating kay Lola.' Humanap ako ng taxi na masasakyan papunta sa opisina. Isa akong secretary sa kumpanya na pinapasukan ko, malaki naman ang sahod at week days lang ang pasok. Oh diba san ka pa? Gusto ko sanang magleave ngayon para mapacheck up ko si Lola ngunit may bisita daw sa kumpanya, isa daw ito sa apo ng may-ari at bilang secretary ako ang dapat magasikaso nito. "Manong dito na lang po. Ito po ang bayad." Inabot ko ang bayad sa matandang driver. "Ma'am sobra po ito." "Okay lang po Manong, dinagdagan ko talaga. Salamat." "Ay, ganun po ba? Maraming salamat po." Tumango ako sa driver. Ewan ko kung bakit ako malapit sa matatanda, iniisip ko kasi na dadating ang panahon na magiging kagaya rin nila ako at mararamdaman ko rin ang nararamdaman nila. ---------- Pumasok ako sa entrance. "Goodmorning po Ma'am." Bati ng Guard. "Goodmorning din po Manong Pedring." Nakangiting bati ko. May pila ang elevator ng mga empleyado, may sarili kasing elevator ang may-ari ng company na si Madam. Sabi niya sakin pwede ko naman itong gamitin paakyat para hindi na ako mahirapan sa pagpila pero nahihiya kasi ako kaya pumipila parin ako. Habang nakapila may lalaking biglang sumingit. "Sir baka po gusto niyong pumila." Sabi ko, kawawa naman kasi ang mga nakapila. Sigurado akong pare-parehas lang kaming nagmamadali. "Excuse me." Sabi niya. Ngayon ko lang siya nakita dito, baka bago kaya hindi alam ang patakaran dito. "Kasi po nakapila kami." "And so?" Biglang kumulo ang dugo ko, kinakausap ko siya ng maayos tapos yan ang isasagot niya. Aba! Bastusan. "Sir hindi niyo ba alam ang salitang pumila? Kasi po nakita niyo naman na mahaba ang pila tapos sisingit ka." Naiinis na sabi ko. "WHAT THE F*CK!" Minumura na ako ng tukmol na ito. "Hoy sigaw sigaw ka pa diyan! Pumila ka, wag kang mayabang!" Naiinis na umalis ang lalaki sa harapan ko, halatang napahiya ito sa ibang empleyado. Feeling siya! Hindi ibig sabihin na gwapo siya at mukha siyang mayaman hindi na siya susunod sa rules ng company. Talo niya pa si Madam na kalmado lang magsalita kahit siya ang may-ari. ---------- Nakarating ako sa floor ko at inayos ang table ko. Maya maya lang ay dumating na si Madam. "Ms. Dale come to my office." Sabi nito. "Yes po." Mabilis akong sumunod sa kanya. Ayaw niya kasing pinaghihintay siya. "Ms. Dale, as i've said yesterday we have a visitor. Not just a visitor but also my grandson." Tumango ako at muling nakinig sa kanya. "I want you to welcome him. Tour him in our company. Is that clear?" "Yes po Madam." Mabilis na sagot ko. "MAMITA?" Sigaw ng lalaki sa likuran ko. "Mamita the women in the elevator is---" Nilingon ko kaagad ang lalaking sumisigaw, halata sa boses nito ang sobrang galit. "YOU! YOU ARE THE GIRL IN THE ELEVATOR." 'Teka! Siya yung... Siya yung lalaking nasa elevator! Siya yung pinahiya ko kanina! Oh God help me.' ---------- "Hijo calm down." Pagpapakalma ni Madam sa apo. Hindi ako makapagsalita dahil sa lalaking kaharap ko. Mukhang matatanggalan ako ng trabaho sa mga oras na ito. 'No hindi pwede. Kailangan ko ang trabahong ito.' Napabuntong hininga ang lalaki. "I'm sorry Mamita. I'm just really angry." "Hijo ano ba ang nangyari?" Tanong ni Madam. "That girl! She embarrassed me in front of many people here in our own company." Sabi ng lalaki, napayuko nalang ako sa kahihiyan. Malaki ang tiwala sakin ni Madam tapos malalaman niya na ganito pala ang attitude ko pagdating sa ibang tao. Hindi ko naman alam na siya ang apo ni Madam. Kung alam ko lang edi sana nagpared carpet pa ako dito sa opisina. "Is that true Hija?" Tanong ni Madam. Naiiyak na ako. "Sorry po, hindi ko naman po kasi alam na apo niyo siya tsaka po---" Hindi pa ako tapos na magsalita nang magsalita ulit ang lalaki. "I want you to fire her Mamita." Napaiyak ako sa sinabi nito. Hindi niya ako pwedeng tanggalin, ito nalang ang inaasahan ko para makaahon sa kahirapan. Paano si Lola? Ako ang bumibili sa lahat ng pangangailangan nito na gamot at vitamins. Pinunasan ko ang luha ko, kasalukuyanng nakayuko parin ako. Paano ko maipagtatangol ang sarili ko? "Hijo, I think you both need to talk." Sabi ni Madam. Lumabas na si Madam ng kanyang opisina. "I'm really sorry Sir, wag niyo naman po akong tanggalan ng trabaho. Ako nalang ang inaasahan ng Lola ko." Umiiyak na sabi ko. Hindi ako nagpapaawa o ano man. I just really need this job. "I'm sorry din Ms. Dale pero hindi rin namin kailangan ng ganyang ugali dito sa opisina. You can leave now." Hindi niya man lang ako tiningnan. "Sorry po talaga Sir. Thank you po." Lumabas ako sa opisina ni Madam ng luhaan. Kinuha ko ang gamit ko at nilagay sa box. Hindi ko naman masisisi si Sir kasi walang kapatawaran ang ginawa ko. Mabilis akong lumabas ng building, baka makita pa ako ng ibang empleyado at pagtawanan ako. Umuwi akong luhaan. Pagpasok ko sa bahay, "Ate tulog na po si Lola, uuwi na rin po ako." Sabi ni Jen. "Salamat Jen." Inabutan ko siya ng 100 pesos. "Ako na muna ang magbabantay kay Lola pansamantala." Sabi ko. "Basta text mo lang ako kapag kailangan ulit ni Lola ng tagabantay ha." Mapait akong napangiti. 'Hindi na ni Lola kailangan ng tagabantay kasi wala na akong trabaho, ako na muna ang magbabantay sa kanya.' "Sige po, mauuna na ako." Pagpapaalam nito. Huminga ako ng malalim, sinilip ko si Lola na mahimbing na natutulog. Hinalikan ko ito sa noo. "Mahal na mahal kita Lola, pipilitin kong makahanap ng bagong trabaho para sayo." Mahirap ang buhay, maswerte ang mayayaman dahil lahat ng gusto nila nagagawa at nakukuha nila. ---------- Kinabukasan maaga akong nagising. Hindi ako masyadong nakatulog kakaisip kung ano ang pwede kong pasukin na trabaho. "Ate Dale." Boses ni Jen. "Ate, may pwesto si Tita ng karinderya sa palengke, gusto mo pumasok? Kahit ngayon lang Please! Hindi kasi ako marunong magcompute eh." Sabi niya. Biglang nagliwanag ang mata ko. Kapag siniswerte ka nga naman Dale oh. "Sige! Wala naman akong ginagawa." "Yehey! Mas gusto ko kasing bantayan si Lola kesa mag cashier sa karinderya ni Tita. Hindi kasi ako magaling sa math eh, baka malugi sila dahil sakin." Natatawang sabi niya. "Sige aalis na ako." Alam ko naman ang palengke na tinutukoy ni Jen at kilala ko naman ang Tita nito. Hindi na ako nagpaalam kay Lola, pinaalagaan ko nalang siya kay Jen. Kailangan ko talaga ng pera ngayon kaya kahit anong trabaho papatusin ko na. Maliban na lang syempre sa pagpapaubaya ng puri ko. Dumiretso ako sa palengke. Ang daming tao sa karinderya ng Tita ni Jen ngayon, kaya pala ayaw niyang magtrabaho dito kasi nakakalito at nakakapagod. Para akong lantang gulay na naglalakad pauwi. Biruin mo alas sais pa lang ng hapon ubos na ang tinda kaya nagligpit narin kami. Sobrang nakakapagod. Ang hirap talagang kumita ng pera. Habang naglalakad, napansin ko na may nakaparadang magandang sasakyan sa harapan ng bahay namin. Hala baka pinapaalis na kami ng may-ari ng bahay. Ano ba naman yan! Ang daming problema. Patakbo akong pumasok sa loob ng bahay. "LOLA!" Sigaw ko. "Apo! Bakit ka sumisigaw?" Tanong niya. "Wala po, akala ko po kasi---" Hinihingal na sabi ko. "La." Sabi ng lalaki sa likuran ko. Teka! Kilala ko ang boses ng lalaking yun ah! Siya yung---. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito sa bahay namin?" Tanong ko sa lalaki. Siya yung lalaking nagtanggal sakin sa kumpanya! Ang kapal ng mukha niyang magpakita sakin! May hawak pa siyang plato at kutsara. Ano! Makikikain pa siya dito sa bahay. Eh wala na nga kaming makain! "Hija wag ka naman ganyan sa boyfriend mo." "B---boyfriend?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Lola. 'Anong boyfriend! Gawa ba sa simento ang pagmumukha ng lalaking ito.' "Oo! Boyfriend, magkasintahan, magka-ibigan. Sinabi na sakin lahat ni Kyle, kung paano kayo nagkakilala at kung paano mo siya sinagot. Hehehe." Kinikilig na sabi ng matanda. Binigyan ko ng masamang tingin ang lalaki. "Tingnan mo apo andami niyang pasalubong satin." Hindi ako nakapagsalita sa dami ng plastic bag sa kusina. "Hehehe. Lola kausapin ko lang po ang boyfriend ko sa labas ha." Nakangiting sabi ko kay Lola at diniin ang pagkakasabi ng salitang boyfriend. Hinatak ko ang lalaki palabas ng bahay namin. "Anong ginagawa mo dito? Anong boyfriend ang pinagsasabi mo? Adik ka ba." "Pwede bang wag kang maingay? Hindi ako bingi." Naaasar na sabi niya. "Look, I'm sorry sa lahat. Hinahanap ka ni Mamita. Pwede ka nang bumalik sa opisina." Wow! Pinababalik niya ako, siguro dahil pinagalitan siya ni Madam. "Please pumasok ka sa Monday." Ang cute niya pala magmakaawa. "Sige, papasok ako. Ngayon umuwi ka na. Wag ka nang magpapakita kay Lola, baka masanay sayo yun." Sabi ko. "Alam mo, cute ka pala noh." Sabi niya, napansin ko ang pagtitig nito sa pagmumukha ko. Namula naman ang pisngi ko sa sinabi niya. "Umuwi ka na nga." "Hahaha. You're blushing, tell Lola na umuwi na ang boyfriend mo ha." Maka Lola, feeling close. Nakita ko siyang sumakay sa sasakyan niya. "Kyle. Kyle Mayer is my name." Hindi ko siya pinansin at tumalikod na. "Dale Rino Smith." Sigaw ko sa pangalan ko. 'Kyle Mayer pala ang pangalan niya.' Sigurado akong playboy yun kasi alam na alam ang kiliti ng mga babae. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand

read
167.7K
bc

The Shadow Wolf

read
6.0K
bc

Where my Heart Belongs

read
27.7K
bc

His Fated Luna

read
2.8M
bc

Resisting The Alpha

read
379.4K
bc

The Ransom

read
282.4K
bc

The Older Brother

read
191.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook